Upload
others
View
169
Download
2
Embed Size (px)
Citation preview
~ 1 ~
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan- Modyul 3:
Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Zest for Progress
Zeal of Partnership
8
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
2
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Vicenta P. Pocot
Catherine C. Labajo
Editor: Earl B. Neri
Tagasuri: Earl B. Neri
Al R. Pastor
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Jose B. Talinguez Jr.
Tagalapat: Raul E. Ebon
Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
OIC, Schools Division Superintendent
Visminda Q. Valde, EdD
OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Raymond M. Salvador, EdD, CESE OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Juliet A. Magallanes, EdD CID Chief
Florencio R. Caballero, DTE
EPS- LRMDS
Alma L.Carbonilla, EdD EPS - Araling Panlipunan
3
Alamin
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng
Kolonyalismo
Layunin:
1. Nailalarawan ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan
2. Naisa-isa ang epekto ng panggagalugad sa unang yugto ng kolonyalismo.
3. Naipapahayag ang kahalagahan sa panggagalugad sa unang yugto ng
kolonyalismo.
Balikan
Panuto: Kilalanin ang sumusunod at isulat sa iyong sagutang papel ang tamang
sagot.
___________1. Anong bansa ang nangunguna sa paglalayag.
___________2. Sino ang hari ng Spain nang ilunsad ang ekspedisyon ni Christopher
Columbus.
___________3. Isang kautusan na naglalaman ng paghati ng mga lupain na
tutuklasin ng Spain at Portugal.
___________4. Ito ay ginagamit na pampreserba ng mga karne.
___________5. Siya ay kilala sa katawagang “The Navigator”.
4
Tuklasin
Nagsimula noong ika-15 siglo ang dakilang panahon ng eksplorasyon o
paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo. Ang
eksplorasyon ay nagbigay-daan sa kolonyalismo o ang pagsakop ng isang
makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Tatlong bagay ang itinuturing
na motibo para sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon: (1) paghahanap ng
kayamanan; (2) pagpapalaganap ng Kristiyanismo; (3) paghahangad ng katanyagan
at karangalan.
Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan
Taong 1519 nang magsimula ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan, isang
Portuges na ang paglalakbay ay pinondohan ng Spain.Nilakbay ng kanyang
ekspedisyon ang rutang pakanluran tungong silangan. Natagpuan nila ang
silangang baybayin ng South America o bansang Brazil sa kasalukuyan. Nilakbay
din nila ang isang makitid na daanan ng tubig; ang Strait of Magellan ngayon,
pinasok ang malawak na Karagatang Pasipiko hanggang marating ang Pilipinas. Sa
haba ng paglalakbay, nakaranas sila ng pag-aalsa ng mga miyembro, gayon din ng
taggutom. Ngunit nalagpasan nila ang lahat ng ito at nakatagpo ng malaking
kayamanang ginto at mga pampalasa. Naging matagumpay din sila sa kumbersyon
sa Katolisismo ng mga katutubo. Sa pangkalahatan, nagpatunay ang ekspedisyon
na maaaring ikutin ang mundo at muling bumalik sa pinanggalingan. Pinatunayan
ito nang ang barkong Victoria ay nakabalik sa Spain kahit pa napatay si Magellan
ng isa sa mga tauhan ng katutubong si Lapu-lapu. Ito ang unang circumnavigation
o pag-ikot sa mundo. Itinama nito ang lumang kaalaman ng mga Europeo na ang
mundo ay patag. Naitala sa mapa ang iba pang kalupaan sa Silangan at lalong
nakilala ang mga yaman nito.
Aralin 3
Unang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin
5
Paano narating ni Magellan ang Pilipinas? Ang mga Dutch
Sa pagpasok ng ika-17 siglo, napalitan ng mga Dutch ang mga Portuguese
bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya. Inagaw nila ang Moluccas mula sa
Portugal at nagtatag ng bagong sistemang plantasyon kung saan ang mga lupain
ay pinatamnan ng mga tanim na mabili sa pamilihan. Ang naging epekto nito ay
sapilitang paggawa na naging patakaran din ng mga Español sa Pilipinas.
Nagkaroon din ng mga kolonya ang mga Dutch sa North America. Pinangunahan
ito ng English na manlalayag na si Henry Hudson na naglakbay para sa mga
mangangalakal na Dutch.
Napasok niya ang New York Bay noong 1609 at pinangalanan itong New
Netherland. Noong 1624, isang trade outpost o himpilang pangkalakalan ang
itinatag sa rehiyon na pinangalanang New Amsterdam. Ito ngayon ay kilala bilang
New York City. Kung ihahambing sa pananakop ng mga Dutch sa America, mas
nagtagal ang kanilang kapangyarihan sa Asya dahil sa pagkakatatag ng Dutch
East India Company o Vereenigde Oostindische Compagnie (VOC) noong 1602. Ang
mga daungan nito ang nagbigay ng proteksiyon sa monopolyo ng mga Dutch sa
paminta at iba pang rekado.
Nagtatag din ng pamayanan sa Africa ang mga Dutch sa pamamagitan ng
mga Boers; mga magsasakang nanirahan sa may Cape of Good Hope. Nguni’t nang
ika-17 siglo, humina ang kapangyarihang pangkomersiyo ng mga Dutch at ito’y
pinalitan ng Inglatera bilang pinakamalakas na imperyong pangkatubigan ng
Europe.
Paano pinalitan ng mga Dutch ang mga Portuges bilang pangunahing
Bansang kolonyal sa Asya?
6
Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain
Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang pagtuklas at
paglalayag noong ika15 at ika-16 na siglo. Nawala sa dating kinalalagyan ang Italy
sa kalakalan na kaniyang pinamunuan sa Medieval Period. Naging sentro ng
kalakalan ang mga pantalan sa baybay-dagat ng Atlantic mula sa Spain, Portugal,
France, Flanders, Netherlands at England. Sa pagkakatuklas ng mga lupain, higit
na dumagsa ang mga kalakal at spices na nagmula sa Asia. Sa North America,
kape, ginto at pilak; sa South America, asukal at molasses;sa Indonesia, mga
pampalasa at sa Kanlurang Indies, indigo.
Ang mga produktong ito ang nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping
ginto at pilak na galing sa Mexico, Peru at Chile. Ito ang nagpasimula ng
pagtatatag ng mga bangko.Sa dami ng mga salapi ng mga mangangalakal,
kinailangan nilang may paglagyan ng kanilang salaping barya. Kaya ang salaping
papel ang kanilang ginamit at ipinakilala sa mga mangangalakal. Ang salapi ring
ito ang nagbigaydaan sa pagtatatag ng kapitalismo, ang sistema kung saan
mamumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o
interes.
Sa Medieval Period, hindi alam ng mga tao ang pag-iipon ng salapi.
Nasisiyahan na sila kung sapat ang kanilang kita sa kanilang pangangailangan.
Ngunit sa pag-unlad ng kalakalan, dumami ang kanilang salaping naipon. Hindi
nila ito itinago. Bagkus, ginamit nilang puhunan para higit na lumago ang
kanilang salapi.
Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon
Maraming mahahalagang epekto ang unang yugto ng kolonisasyon.
1. Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Español at Portuges ang
nagbigay-daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan. Ito rin ang
nagpalakas ng ugnayan ng Silangan at Kanluran.
2. Nakapukaw rin ng interes sa mga bagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag ang mga eksplorasyon.
3. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa Silangan dahil sa kolonisasyon.
4. Nagdulot ng maraming suliranin ang kolonisasyon sa mga bansang sakop
tulad ng pagkawala ng kasarinlan, paninikil ng mananakop at pagsasamantala sa likas na yaman ng mga bansang ito.
7
5. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa
pagpapalitan ng hayop halaman, sakit sa pagitan ng Old World at New World.
Paano nakatulong sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe ang
paglalayagat pagtuklas ng mga lupain?
Suriin Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa inyong sagutang papel.
1.Ano ang mahalagang bunga ng paglalayag ni Magellan?
__________________________________________________________________________________ _______________________________________________________.
2.Ano ang kahalagahan ng pagtuklas ng mga bagong lupain?
__________________________________________________________________________________ _______________________________________________________.
3.Isa-isahin ang mahalagang epekto ng eksplorasyon sa kasalukuyang panahon?
__________________________________________________________________________________ ________________________________________________________.
8
Pagyamanin
Gawain 1: Tahakin ang Nakaraan!
Tukuyin ang tamang sagot ng bawat pahayag at isulat sa sagutang papel.
_______________1. Pinamunuan niya ang barkong Victoria pabalik sa Spain.
_______________2. Ang bagong pangalan ng trade outpost na itinatag ni Henry
Hudson sa North America.
_______________3. Saang bahagi ng mundo nagmula ang mga produktong asukal at
molasses?
_______________4. Isang sistema kung saan namumuhunan ng kanyang salapi ang
isang tao upang magkaroon ng tubo o interes.
_______________5. Isang lugar na kilala bilang pulo ng pampalasa, ang inagaw ng
mga Dutch mula sa mga Portuges.
_______________6. Ang bansang nagbigay ng malaking pondo para sapaglalakbay ni
Ferdinand Magellan .
_______________7. Sa anong taon nag-umpisa ang paglalakbay ni Ferdinand
Magellan patungong Silangan.
_______________8. Ang tawag sa mga mananakop na Espanyol.
_______________9. Ano ang napatunayan sa ekspedisyon ni Ferdinand Magellan?
_______________10. Isang manlalayag na Ingles na nagtatag ng trade outpost sa New
Amsterdam.
9
Anu-ano ang mga bansang
sumali sa panggagalug
ad?
2
4
3
1
Gawain 2: Tukuyin!
Panuto: Isulat sa bilog ang mga bansa na sumali sa panggagalugad sa unang
yugto ng kolonyalismo. Isulat sa iyong sagutang papel.
10
Gawain 3: Alamin ang epekto at kahalagahan ng Panggagalugad o
Eksplorasyon.Isulat sa iyong sagutang papel ang mga kasagutan.
Eksplorasyon/Panggagalugad
11
Isaisip
Gawain 1: Pagsulat ng Repleksiyon
Sumulat ng maikling repleksyon tungkol sa iyong mga natutuhan at reyalisasyon
sa paksa.
RUBRIKs sa Pagmamarka ng Flow Chart
Pamantayan Diskripsiyon Puntos
Nilalaman Mahusay na nailahad ang mga
pangyayari
10
Kalinisan Malinaw at malinis ang gawain 5
Kabuuan 15
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang
tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
1. Ang lugar na ito ay kilala sa pangalang “Bagong daigdig”, sa Kalaunan ito’y
pinalitan ni Amerigo Vespucci na isinusunod sa kanyang pangalan.
A. Africa C. France B. America D. Brazil
2. Alin sa mga sumusunod ang pinakapangunahing dahilan ng paggalugad ng mga bansang Spain at Portugal sa mga bansa sa Silangan?
A. Makatuklas ng bagong teknolohiya sa paglalakbay
B. Matuklasan ang lupain ng pampalasa C. Pagnanais na maikalat ang Kristiyanismo
D. Pangangailangan sa mga produktong Asyano.
12
3. Ano ang mga naging epekto ng unang yugto ng imperyalismo o kolonisasyon
samga bansang nasakop ng makapangyarihang bansa?
A. Paghina ng ugnayan ng Silangan at Kanluran. B. Tuluyang pagbagsak ng Constantinople dahil humina ang kalakalan
nito. C. Pagkawala ng kasarinlan, paninikil ng mga manankop, at ang
pagsasamantala sa mga likas na yaman ng mga bansang sinakop. D. Naging limitado ang palitan ng produkto, teknolohiya, mga ideya at
maging mga sakit.
4. Bakit tinaguriang biyaya ng Portugal ang paglalakbay ni Bartolomeo Diaz?
A. Nagpatunay na may daan patungo sa Silangan. B. Nakabuo ang Portugal ng mahalagang kalakalan sa Africa
C. Nakilala ang kapangyarihan ng Portugal sa buong mundo.
D. Naging hudyat ng pagsisimula ng eksplorasyon.
5. Siya ay isang English na manlalayag na nagtatag ng trade outpost sa New Amsterdam.
A. Bartlomeu Dias C. Henry Hudson
B. Amerigo Vespucci D. Christopher Columbus
6. Ano ang tawag sa linya na ginuhit ng Papa na siyang nagtatakda sa mga
lupain at katubigan sa sasakupin ng Spain at Portugal?
A. Line of Ownership C. Line of Demarcation B. Line of Limitation D. Line of Demilitarizone
7.Alin sa mga barko ni Magellan ang nakapagpatunay na ang mundo ay bilog?
A. Concepcion C. San Antonio B. Victoria D. Trinidad
8. Isang Portuges na manlalayag na naglakbay patungong Silangan gamit ang rutang pakanluran.
A. Ferdinand Magellan C. Christopher Columbus
B. Amerigo Vespucci D. Prinsipe Henry
9. Kailan nakabalik sa Spain ang ekspedisyon ni Magellan?
A. September 5, 1520 C. Sepetember 7, 1521
B. September 6, 1521 D. September 6, 1522
10. Ang sumusunod ay itinuturing na motibo ng Kolonyalismo maliban sa isa. A. Paghahanap ng Kayamanan
B. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo C. Paghahangad ng Katanyagan at Karangalan
D. Pagsakop sa mga lugar na gagalugarin.
13
Karagdagang Gawain
Gawain: Maglakbay tayo!
Kung mabibigyan ka ng pagkakataong balikan ang nakaraan, sa panahon ng
unang yugto ng imperyalismo, Anong lugar o bansa ang iyong puntahan? Bakit?
Isulat ang iyong sagot sa sagutan papel.
14
Suriin.
Pagyamanin
Susi ng Pagwawasto
Gawain 3
Epekto Kahalagahan
Tayahin
Balikan
15
Sanggunian:
Kasaysayan ng Daigdig_Araling Panlipunan_Modyul para sa Mag-aaral,
Unang Edisyon, 2014, pp326 to 338
Kasysayan ng Daigdig_ Kayamanan, Binagong Edisyon 2017, pp.230 to 240
Project EASE Modyul 14, Araling Panlipunan III
Project EASE Modyul 15, Araling Panlipunan III
1
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom
Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily,
The liberty forever Stays,
Here the Badjaos roam the seas
Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free
With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair
Linger with love and care
Golden beams of sunrise and sunset
Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed
that I was walking along the beach
with the LORD.
In the beach, there were two (2) sets
of footprints – one belong to me and
the other to the LORD.
Then, later, after a long walk, I
noticed only one set of footprints.
“And I ask the LORD. Why? Why?
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
And the LORD replied “My son, My
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the
sand, because it was then that I
CARRIED YOU!
I think that I shall never see
A poem lovely as a tree.
A tree whose hungry mouth is prest
Against the earth’s sweet flowing
breast;
A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
A tree that may in Summer wear
A nest of robins in her hair;
Upon whose bosom snow has lain;
Who intimately lives with rain.
Poems are made by fools like me,
But only God can make a tree.