1. I. Layunin Natatalakay ang mga patakaran/ programa sa
panunungkulan ni Diosdado P. Macapagal ( 1961- 1965).
2. II. Nilalaman Paksa: Mga Patakaran at Programa sa Pamamahala
ni Pangulong Diosdado P. Macapagal sa Ikatlong Republika BEC: PELC
VI A.1 p 20 Makabayan Kasaysayang Pilipino 5 ph. 220-222 Pilipinas
Kong Hirang ph. 374-375
3. Kagamitan: larawan, cartolina,plaskard at tsart
Pagpapahalaga: Paggalang sa kapangyarihan at kalayaan
4. III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Balitaan Mga
napapanahon na pangyayari sa ngayon. 2. Balik Aral Game ka na
ba?
5. Pangkatin ang klase sa limang grupo at pipili sila ng isang
kinatawan para maglaro. Unahan sa pagtaas ng kamay para sa
pagsagot. Ang unang makakuha ng 3 puntos ay siyang panalo.
6. 1. Sino ang unang pangulo sa ikatlong Republika? Sagot:
Manuel A. Roxas 2. Siya ang Pangulo na tinaguriang Kampeon ng mga
masa. Sagot: Ramon F. Magsaysay.
7. 3. Ano ang natatanging Programang pang ekonomiya na dapat
bigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na mapaunlad ang kanilang
kabuhayan? Sagot: Pilipino Muna ni Carlos P. Garcia
8. 4. Itinakda ang batas na ito ang malayang kalakalan sa
pagitan ng United States at Pilipinas hanggang 1954. Sagot : Batas
Bell
9. 5. Tawag sa pantay na karapatan ng mga Piipino at Amerikano
sa paglinang ng mga likas na yaman ng bansa. Sagot: Parity
Rights.
10. B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Pagpapakita ng larawan
ni Pangulong Diosdado P. Macapagal.
11. Anu-ano ang masasabi ninyo sa larawan? Kilala niyo ba ang
nasa larawan?
12. 2. Pagbuo ng suliranin Anu-ano ang naging patakaran at
programa ni Pangulong Diosdado P. Macapagal?
13. 3. Pagkuha ng kasagutan Bigyan ng sapat na panahong
makapaghanda ng mga pangkatang gawain ang bawat isa. Maglikom ng
mga kaalaman sa kanilang batayang aklat.
14. Pangkat 1: Reporma sa lupa Gamit ang balitaan, iulat ang
reporma sa lupa na isinulong ni pangulong Diosdado
P.Macapagal.
15. Pangkat 2: Pagsupil sa katiwalian Ipakita sa pamamagitan ng
dula-dulaan ang programa ni Pangulong Diosdado P. Macapagal sa
pagsupil sa katiwalian.
16. Pangkat 3: Pagpapaunlad ng kabuhayan Isulat ang mga
Programang Pangkabuhayan ni Diosdado P. Macapagal.Gumamit ng Web
map.
17. Anu-ano ang mga itinatag at ginawa ni Diosdado Macapagal na
nakakatulong sa pagpapaunlad ng Kabuhayan?
18. Pangkat 4: Pakikipag-ugnayan sa ibang bansa Sa pamamagitan
ng pantomina ipakita ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.
19. Pangkat 5: Pilipinismo Gumawa ng Slogan na nagpapakita ng
Pilipinismo. 4. Paglalahad ng mga kasagutan 5. Pagsusuri ng mga
datos at pahayag
20. C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ang mga patakaran at
programa na nagawa ni Pangulong Diosdado P. Macapagal ay ang mga
sumusunod:
21. 1. Reporma sa Lupa 2. Pagsupil sa katiwalian 3.
Pagpapaunlad ng kabuhayan 4. Pakikipag-ugnayan sa iyang bansa 5.
Pilipinismo
22. 2.Paglalapat Kung ikaw ay magiging isang Pangulo sa
hinaharap, ano ang maaring programa at patakaran ang iyong
ipapatupad?
23. 3. Pagpapahalaga Bilang isang mag-aaral na nasa ikalimang
baitang, paano mo maipapakita ang paggalang sa namumuno sa inyong
silid aralan?
24. IV. Pagtataya/ Ebalwasyon Panuto: Isulat ang titik ng
tamang sagot.
25. 1. Ano ang tawag ni Pangulong Macapagal sa kanyang
pangasiwaan? a. Bagong Panahon b. Bagong Teknolohiya c. Bagong
Pamumunod d. Bagong Pangulo
26. 2. Ito ay isang uri ng palay na maramihan kung mamunga na
ipinalaganap ni Pangulong Macapagal. a. Miracle Rice b. Miracle
Seed c. Miracle Flower d. Miracle Root
27. 3. Nilikha ni Pangulong Macapagal upang mangasiwa sa mga
gawaing bayan tulad ng pagpapagawa at pagpapakumpuni ng mga
imprastraktura.
28. a. Emergency Employment Administration (EEA) b. Philippines
Veterans Bank c. National Cottage Industry Administration d.
DPWH
29. 4. Bakit higit na makabuluhn ang petsang Hunyo 12 bilang
araw ng kalayaan?
30. a. sapagkat noong Hunyo 12 1898 ipinahayag ni Heneral
Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas. b. dahil naging malaya ang mga
Pilipino c. dahil sa bisa ng Proklamasyong Bilang 28 noong May 12,
1962 d. sapagkat si Heneral Emilio Aguinaldo ang nagpalaya sa mga
Pilipino
31. 5. Ano ang hakbang na ginawa ni Pangulong Macapagal bilang
pagpigil sa mga katiwalian. a. hinimok niya ang mga pinunong bayan
at kawani na mamuhay nang simple at maglingkod nang mahusay at
matapat
32. b. hinikayat ang mga magsasaka na pagbutihin ang paraang ng
pagsasaka. c. pagtatalaga sa mga militar bilang pinuno ng bayan d.
bumalangkas ng Limang Taong Programang Pangkabuhayan
33. V. Kasunduan/ Takdang Aralin Isulat sa isang sagutang
papel. Sa inyong palagay, ano ang pinakamahalagang programa o
patakaran na ipinatupad ni Pangulong Diosdado P. Macapagal?
Bakit?
34. Inihanda nina: Gng. Annie D. Orallo Bb. Cherrylyn Acang Bb.
Hazel May C. Campos