33333
B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m
D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N
Basic Literacy Learning Material
Bagong Sibol
Karapatang-Ari 2013
Bureau of Alternative Learning System
DEPARTMENT OF EDUCATION
Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang
bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anyo nang walang nakasulat na pahintulot mula sa
organisasyon o ahensiya ng pamahalaang naglathala.
Inilathala sa Pilipinas ng:
Bureau of Alternative Learning System
Department of Education
3/F Mabini Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines
Tel No.: (02) 635-5188 Fax No.: (02) 635-5189
Bagong Sibol
Panimula
Kabataan, ikaw ba ang tinatawag na bagong sibol? Dahil
ikaw ang maaaring maging susi sa pagpapalaganap ng
kaayusan at kapayapaan sa ating bansa.
Sa ating pagkakapit-bisig, higit nating mauunawaan ang
kultura at paniniwala ng bawat pangkat ng mamamayan sa
bansa.
Gising! Bumangon ka kabataan, tungo sa kaayusan at
kapayapaan sa ating bansa.
i
Tungkol Saan Ang Modyul Na Ito?
Sinasabi na ang pinakaugat ng patuloy na paghihirap ng ating bansa,
lalong-lalo na sa malaking bahagi ng Mindanao ay ang di pagkakasundo-
sundo ng mga mamamayan bunga ng di maayos na relasyon na umiiral sa
pagitan ng mga Muslim at Kristiyano. Sa katunayan, patuloy ang hidwaan at
sigalot sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano sa iba’t ibang lugar ng
Mindanao. Maiuugnay na ang maling relasyon na ito ay nag-ugat sa maling
pananaw at pag-unawa sa iba’t ibang kultura at paniniwala na ginagalawan
ng bawat isa, kung kaya, nananatiling isang panaginip hanggang ngayon
ang tunay na kapayapaan at kaunlaran sa bahaging ito ng ating bansa.
Bilang isang responsableng mamamayan, ikaw ba ay nababahala sa
pangyayaring ito? Nais mo bang makatulong sa pagsasaayos ng relasyong
Muslim at Kristiyano bilang isang responsableng mamamayan? Kung oo, para
sa iyo ang modyul na ito. Binibigyang diin nito ang mga alternatibong paraan
na maaaring magamit upang mapanatili ang magandang relasyon ng iba’t
ibang pangkat ng tao sa ating bansa, lalong-lalo na sa Mindanao.
ii
Matatalakay sa modyul na ito ang papel ng kabataan sa pagsusulong
ng kapayapaan na maghahatid ng bagong sibol ng pag-aaral sa usaping
ito.
Nahahati sa tatlong aralin ang modyul na ito:
Aralin 1 - Ang Kaguluhan sa Sitio Pundakit
Aralin 2 - “Interfaith Dialogue”
Aralin 3 - Peace Volunteers : Mga Sugo ng Kapayapaan.
iii
Ano-ano ang matututuhan mo sa modyul na ito?
Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito, makakaya mo nang
gawin ang sumusunod:
• nasasabi ang kaugalian o kultura ng Muslim at Kristiyano
• naipaliliwanag ang ibig sabihin ng Interfaith Dialogue at Peace
Volunteers at
• natutukoy ang mga hakbang na makatutulong sa paglutas ng
suliraning pangkapayapaan at pagpapanatili ng tamang
pakikipagkapwa-tao sa pagitan ng mga taong magkakaiba ang
relihiyon
iv
Ano-ano na ang alam mo?
Bago mo simulan ang pag-aaral ng modyul na ito, sagutan ang sumusunod
na tanong upang mabatid mo kung ano-ano na ang nalalaman mo tungkol
sa paksang ito.
1. Salita ng Muslim na ang ibig sabihin ay ipinagbabawal sa batas ng
Islam.
a) halal c) hariraya
b) haddis d) haram
2. Pagsasanay ng kabataang Katoliko sa mga wika ng Diyos at doktrina
ng Katolisismo.
a) katekismo c) apostolohiya
b) misa d) liturhiya
v
3. Mga gawain na itinuturing na sagrado ng mga Katoliko tulad ng
pagbibinyag, pagkakasal, pagpapari, at iba pa.
a) penitensiya c) pagrorosaryo
b) debosyon d) sakramento
4. Pag-uusap at pagpupulong ng mga pinuno ng simbahan at ibang
relihiyon upang lutasin ang isang suliranin.
a) peace talk c) peace rally
b) interfaith dialogue d) conference
5. Tawag sa namumuno sa gawaing panrelihiyon ng Islam.
a) Pastor c) obispo
b) Pari d) Imam
vi
6. Tawag sa paraan ng pagbibigay-pasalamat sa mga biyayang
natanggap ng mga Muslim.
a) duwa’a c) assar
b) jamaa d) magrib
7. Tawag sa mga taong aktibong nakikilahok sa pagsulong ng usaping
pangkapayapaan. Ito ay karaniwang binubuo ng mga kabataang
boluntaryong nagbibigay ng kanilang mga serbisyo.
a) peace negotiators c) peace volunteers
b) peace party d) peace talkers
8. Relihiyon ng mga Muslim.
a) imam c) Islam
b) hadji d) ulama
9. Tawag sa mga katutubong tribo na naninirahan sa pulo ng Mindanao
bago pa dumating ang Kristiyanismo at Islam.
a) lumad c) dumagat
b) moro d) anito
vii
B) Basahin ang sumusunod na talata at ibigay ang tamang impormasyong
hinihingi.
Dahil sa kaguluhang nangyari sa Sitio Pundakit, nagpasya ang mga
pinuno nang simbahan na magsagawa ng pagpupulong upang
pag-usapan at lutasin ang nasabing pangyayari. Ito ay gaganapin sa
Barangay Hall sa nasabing sitio sa Setyembre 15, 2011.
Ano :
Saan :
Kailan :
Sino :
viii
C) Buuin ang pagkasulat ng sumusunod na daglat:
1) Tawag sa mga nahalal na pulitiko.
Halimbawa: Hon. Honorable
2) Tawag sa mga madre maliban sa Madre Superyora.
Sr.
3) Tawag sa kalalakihang Muslim na nakapag-Hadj.
Hdj.
ix
D) Basahin ang talata. Salungguhitan ang lahat ng mga pangngalang
pantangi.
Si Hadji Omar Suhud ay isa sa mga pinunong Muslim na aktibong
nagsusulong ng kapayapaan sa kanilang baranggay sa Pamukalen.
Katulong niya ang kanyang kaibigang Kristiyano na si G. Nestor Rosales
na kasapi ng Couples for Christ. Kabilang sa kanilang mga ginagawa ay
ang pagtatatag ng mga “Interfaith Dialogue” at “Peace Rally” at
pagsasanay ng mga “Peace Volunteers”.
E) Sagutin ang sumusunod na suliranin :
1) Nagsimula ang pagsasalita ni Fr. Jessie Enriquez sa pagsasanay ng mga
“Peace Volunteers” ng 9:25 am, natapos naman ito ng 9:45 am. Ilang
minuto lahat ang itinagal ng kanyang pagsasalita?
2) Umabot sa 341 ang kabuuang populasyon sa Sitio Pali. Kung 97 katao
ang sangkot sa karahasan, ilang tao ang walang kinalaman sa gulong
nangyari?
x
F) Batay sa talaan sa ibaba, sagutin ang sumusunod na tanong:
Bilang ng Taong Nagpatala Bilang Kasapi ng
Araw Peace Volunteers sa Loob ng Isang Linggo
Lunes 11
Martes 16
Miyerkules 29
Huwebes 35
Biyernes 17
Sabado 84
Linggo 56
Kabuuan 248
1. Anong araw ang pinakamaraming nagpalista?
2. Anong mga araw ang halos magkasindami ang nagpalista?
3. Ilan lahat ang gustong makatulong sa pagsusulong ng kapayapaan
sa Baranggay Nicogon?
Tingnan sa pahina 56-57 ang sagot.
xi
Tungkol saan ang modyul na ito?
Ikaw ba ay apektado at nababahala sa karahasang nagaganap sa
pagitan ng Muslim at Kristiyano sa inyong lugar? Nais mo bang maging bahagi
ng solusyon sa suliraning ito? Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga
kaalaman at karanasan na maaari mong kapulutan ng aral at magamit sa
iyong hangaring makatulong sa pagsulong ng kapayapaan sa inyong lugar.
Ano-ano ang matututuhan mo sa modyul na ito?
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, makakaya mo nang
gawin ang sumusunod:
• nasasabi ang tamang impormasyon batay sa isang ulat
• nasasabi ang ilang mga kaugalian ng Muslim, Kristiyano at Lumad
• natutukoy ang tamang hakbang upang makatulong sa paglutas ng
problemang pangkapayapaan sa inyong lugar at
• nakababasa ng tamang oras
1
ANG KAGULUHAN SA SITIO PUNDAKIT
2
Karaniwan ang kaguluhan ay nag-uugat sa di-pagkakaunawaan at
di-pagkakaisa.
Pagkatapos ng araling ito maisasagawa mo na ang sumusunod.
1. naiisa-isa ang mga paniniwala ng bawat pangkat ng mamamayan
2. nasasabi kung paano igagalang ang paniniwala ng bawat
pangkat ng mamamayan at
3. nagagamit ang tamang simbolo ng umaga at hapon
Buksan mo ang susunod na pahina.
3
Ano-ano na ang alam mo sa araling ito?
Bago mo simulan ang pag-aaral ng modyul na ito, sagutin ang
sumusunod na tanong upang mabatid mo kung ano-ano na ang iyong
nalalaman tungkol sa paksang ito.
A. Pagtapat-tapatin ang kahulugan ng mga salita na nasa Hanay A sa
mga sagot na nasa Hanay B. Letra lamang ang isulat sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Lumad a. Kaugaliang Katoliko ng pagdiriwang
ng kaarawan ng santong patron
2. Haram b. Tawag sa mga gawain na ipinagbabawal
ng Islam.
3. pista c. Tawag sa katutubong pangkat nananinirahan sa pulo ng Mindanao bagopa dumating ang mga Kristiyano at Muslim.
4
4. Kristiyano d. Pagsasanay sa kabataang Katoliko sa
wika ng Diyos at ibang doktrina ng
Katolisismo
5. AM e. Tawag sa banal na kasulatan sa Islam
6. Hadj f. Ginagamit sa pagtukoy ng oras sa hapon
at gabi
7. Katekismo g. Mga mananampalataya ng Islam
8. Haram h. Tawag sa mga gawain na
ipinagbabawal ng Islam
9. Muslim i. Ginagamit sa pagtukoy ng oras sa umaga
10. Koran j. Tawag sa mga mananampalataya
ni Kristo
5
B. Ibigay ang mga detalye ng balita ayon sa sumusunod na tanong:
Balita:
May gagawing “Youth Encampment” para sa lahat ng kabataan
ng ating bayan. Ito ay gagawin mula Hunyo 21-25, 2007 sa Plaza ng
Baranggay Malo-ong, San Jose.
Ano? Kailan?
Saan? Sino?
C. Ibigay ang tamang tanda na ginagamit sa panahon ng pagtukoy ng
oras. Pumili sa dalawa (PM at AM).
a. Alas dos ng madaling araw :
b. Bandang alas singko medya ng hapon :
c. Alas tres impunto ng hapon :
Tinganan sa pahina 72 ang sagot.
6
Pag-usapan Natin
Awitin. Magagawa Natin
Magagawa natinAng lahat ng bagayAng lahat ng bagay
Sa mundoIsang bagay
Hindi magagawaHinding hindi magagawang nag-iisa
Matutupad natinAng mga pangarapAng mga pangarap
Sa mundoAng sulirani’y
Dagling gagaanKapag nagkaisa
Ano ang diwa ng awit?
Ano kaya ang dapat gawin ng bawat isa upang malutas ang suliraning
pangkapayapaan?
7
Basahin Natin
Ang Balita:
Isang katutubong babae patay
sa sagupaang Bisaya at Yakan sa
palengke ng Sitio Pundakit. Ito ay naganap
bandang 11:45 am kahapon araw ng
Biyernes. Natigil lamang ang
kaguluhan nang dumating ang mga
pulis bandang 12:25 pm
8
Isulat Natin
A. Punan ng tamang impormasyon ang sumusunod ayon sa balitang
napakinggan nina Cecile at Maira.
Ano :
Saan :
Kailan :
Sino :
B. Sumulat ng mga parirala na may kaugnayan sa sumusunod. Isulat sa
sagutang papel.
Halimbawa: pangyayari-kasal
1. pangyayari -
9
2. lugar -
3. panahon -
4. oras -
5. tao -
10
C. Basahin ang diyalogo.
Sa tahanan nina Nestor at Cita
Cecile : Kawawa naman si Isneg. Siya ang tinutukoy sa balita.
Kaibigan namin ‘yon ni Maira.
Cita : Nakababahala naman ang pangyayaring ito. Pati mga
kapatid nating Lumad ay nadadamay na.
Jun-Jun : Ano ang Lumad, Inay?
Cita : Lumad ang tawag sa mga katutubong tribo na nakatira sa
pulo ng Mindanao bago pa dumating ang Islam at
Kristiyanismo.
Jun-Jun : Maliban sa mga Lumad, ano-ano pang pangkat ng tao ang
naninirahan sa bansa natin?
Cita : Ang grupong Kristiyano, kung saan tayo napapabilang, at
Muslim, ang iba pang malalaking pangkat-tao ay
naninirahan din dito sa ating bansa.
11
Jun-Jun : Ano po ang pagkakaiba ng bawat grupong ito?
Cita : Makikita ito sa pamamagitan ng kaugalian, paniniwala at
kultura ng bawat grupo.
Nestor : Tama ang Inay mo anak. Tulad nating mga Kristiyano
nakaugalian nating magbigay ng regalo o papuri sa mga
taong nagtatagumpay.
Cita : Sa relihiyon naman natin, itinuturo ang mga sakramento o
mga gawaing itinuturing na sagrado tulad ng binyag, kasal,
pagpapari, at iba pa. Natutuhan natin ito sa ating
pagsasanay sa katekismo.
Jun-Jun : Ano naman po ang kaugalian at kultura ng mga Muslim?
Nestor : Ayon sa kaibigan nating si Abdul, ang pagduduwa’a ay
karaniwang ginagawa nila bilang paraan ng pagbibigay
ng pasasalamat sa mga biyayang natanggap.
12
Cita : Ayon naman kay Fatima, obligado silang mag-aral ng
Madrasa. Dito nila natutuhan ang pagbabasa ng wikang
Arabo na siyang gamit sa Koran, ang kanilang banal na
kasulatan.
Sa Paaralan
Cecile : Nababahala ako sa nangyayari Maira. Kawawa naman si
Isneg.
Maira : Oo, anong gagawin natin? Palala na nang palala ang
sitwasyon. Haram para sa aming mga Muslim ang
nangyaring kaguluhan. Natapat pa naman sa Biyernes,
araw ng pagsamba namin ang kaguluhan.
Cecile : Tiyak kong hindi natin kaya itong mag-isa. Kailangang
magtulong-tulong ang lahat.
Maira : Makikipag-ugnayan tayo sa mga kinauukulan at pinuno ng
iba’t ibang sektor. Tiyak kong may magagawa tayo.
13
Sagutin
Pagtapat-tapatin ang mga salita na nasa hanay A sa mga kahulugan
nito na nasa hanay B. Gamitin ang titik lamang.
Hanay A Hanay B
1. Duwa’a a. Tawag sa banal na kasulatan ng mga
Muslim
2. Madrasa b. Ipinagbabawal sa batas ng Islam
3. Katekismo c. Pagsasanay ng mga kabataang Katoliko
sa mga wika ng Diyos at ibang doktrina
ng Katolisismo
4. Koran d. Pagsasanay sa kabataang Muslim sa
doktrina ng Islam at sa pagbasa ng arabic
at iba pang kaalaman ng relihiyon.
5. Haram e. Pagdarasal ng mga Muslim bilang
pagpapasalamat sa mga biyayang
natanggap at pagsusumamo sa Diyos.
Tingnan sa pahina 58 ang sagot.
14
Alamin Natin
May tatlong pangunahing pangkat ng tao ang naninirahan sa Mindanao,
Ito’y kinabibilangan ng:
1) Kristiyano 2) Muslim 3) Lumad
Bawat pangkat ng taong ito ay may kanya-kanyang taglay na
paniniwala, kultura at kaugalian na dapat igalang ng bawat isa.
Kristiyanismo Muslim
isa lang ang dapat asawa pag-aasawa ng higit isa
basta’t kaya
paggunita ng Mahal na Araw pagdiriwang ng Hariraya Puasa
pagiging pari o Santo pagha-hadji
Lumad
paniniwala sa anito
pagpapalagay ng marka sa katawan bilang tanda ng katayuan
sa lipunan
pagsusuot ng mga katutubong kasuotan: bahag
15
Pag-isipan Natin
“Kahit tayo ay may kaniya-kanyang paniniwala, kaugalian at kultura, tayo
ay pare-parehong mga Pilipino na naniniwala sa isang bayan, at may isang
diwa. Dapat magkaunawaan at magmahalan upang kapayapaa’y
makamtan. Igalang ang pagkakaiba ng bawat isa.”
Ano ang masasabi mo sa mga larawan sa ibaba? Kung ikaw ang
tatanungin, paano mo maipakikita ang paggalang sa kanilang ginagawa?
16
Kwentahin Natin
Ang Kristiyano at Muslim ay may kani-kaniyang oras nang kinaugaliang
pagdarasal. Ginagawa ito ng iba sa umaga na minsan ay ginagamitan ng
pinaikling titik o akronim na A.M. sa Ingles at N.U. sa Filipino at sa hapon na
ginagamitan ng pinaikling titik o akronim na P.M. sa Ingles o N.H. sa Filipino.
Subukin ang iyong kakayahan sa pagbasa ng orasan. Piliin ang tamang
sagot.
1. 5:00 N.U. a. b.
2. 6:00 N.H. a. b.
17
3. 8:30 N.U. a. b.
4. 4:30 N.H. a. b.
5. 7:00 N.U. a. b.
18
Sagutin Natin
Isulat ang pagkakaiba at pagkakapareho ng bawat pangkat-tao na
nakasulat sa loob ng bilog. Maaari mong balikan ang usapan nina Cecil at
Maira sa kanilang paaralan.
Isangguni sa pahina 63 ang sagot.
1. Mga Kaugalian ng
Kristiyano:
2. Mga Kaugalian ng
Muslim:
3. Mga Kaugalian ng
Katutubo (Lumad):
19
Tandaan Natin
1. May apat (4) na pangunahing tanong na dapat masagot sa isang
ulat.
a) Ano? Tumutukoy sa pangyayaring naganap.
b) Saan? Tumutukoy sa lugar na pinangyarihan.
c) Kailan? Tumutukoy sa panahon at oras naganap ang pangyayari
d) Sino? Tumutukoy sa mga taong sangkot o may kinalaman
sa pangyayari
2. Bawat tribo o relihiyon ay may kanya-kanyang nakagawiang
kaugalian at paniniwala na dapat igalang.
3. Bawat isa, Muslim man, Kristiyano o Lumad ay may tungkulin para
mapanatili ang kapayapaan sa lugar.
4. Ang ibig sabihin ng simbolong AM ay umaga, ang PM naman ay sa
hapon o gabi.
5. May animnapung (60) segundo sa bawat minuto, at may
animnapung (60) minuto naman sa isang oras.
20
Alamin ninyo ang inyong natututuhan
A. Dugtungan ang sumusunod:
1) Ang mga natutuhan ko sa araling ito ay .
2) Upang makatulong sa pagpapanatili ng magandang relasyon ng
bawat isa sa aming lugar ako ay .
3) Ang kahalagahan ng araling ito sa akin ay .
B. Isulat ang tamang oras sa sagutang papel. Gamitin ang tamang simbolo
na AM o PM.
1) Ikalima ng madaling araw
2) Ikalabindalawa ng tanghaling tapat
3) Alas tres ng hapon
Isangguni sa pahina 63 ang sagot.
21
“INTERFAITH DIALOGUE”
22
Tungkol saan ang aralin 2?
Sinasabing ang usaping pangkapayapaan ay may kaugnayan sa
paniniwala, pananampalataya, at kultura ng mga mamamayang nakatira
sa isang lugar. Dahil dito, malaki ang papel na ginagampanan ng simbahan
at relihiyon sa paglutas, pagsulong at pagpapanatili ng usaping ito. Malaki
ang nagagawa ng pagtutulungan ng bawat pinuno ng bawat relihiyon sa
pagtukoy ng epektibong hakbang para makamit ang tunay na kapayapaan
ng isang lugar. Ito ay tinatawag na “Interfaith Dialogue.”
Ano-ano ang matututuhan mo sa modyul na ito?
Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, makakaya mo nang gawin
ang sumusunod:
o nasusulat nang buo ang mga daglat
o nasasabi ang kahulugan ng “Interfaith Dialogue”
o nasasagot ang mga tanong na may kinalaman sa kwento
o nabibigyan ng kahulugan ang mga datos na nasa talaan at
o natutukoy ang kahalagahan ng pagkakaisa ng iba’t ibang relihiyon
sa pagsulong ng kapayapaan
23
Ano-ano na ang alam mo?
A. Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat sa sagutang papel ang letra
ng tamang sagot.
1. Pinaiksing pagsulat ng isang salita na karaniwang ginagamit sa
katungkulan ng isang tao at sa mga teknikal na salita.
a. daglat b. akronim c. talasalitaan
2. Tawag sa namumuno sa misa sa relihiyong Katoliko.
a. Pastor b. Ustadz c. Pari
3. Pagpupulong ng lahat ng mga pinuno ng simbahan upang lutasin
ang isang suliranin.
a. interfaith dialogue b. peace talk c. prayer vigil
4. Tawag sa namumuno sa pagsamba sa relihiyong Islam
a. Kalipa b. Sultan c. Ustadz
5. Organisasyong nagsasagawa ng programang panlipunan na hindi
sangay ng pamahalaan at hindi naman pang-negosyo.
a. NGO b. NGA c. GOCC
24
B. Isulat ang daglat ng sumusunod:
1. Hadji 2. Monsignor 3. Brother
C. Basahin at unawain ang talaan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong.
Mga alagad ng simbahan ng iba’t ibang Bilang
relihiyon ng Bayan ng Lamitan
1. Pari 7
2. Madre 15
3. Pastor 10
4. Ustadz 14
Kabuuan
Tanong:
1. Alin sa mga alagad ng simbahan ang may pinakamaliit na bilang?
2. Alin naman ang halos magkasindami ang bilang?
3. Ilan ang kabuuan ng alagad ng simbahan sa bayan ng Lamitan?
Isangguni sa pahina 64 ang sagot.
25
Basahin Natin
Anong
ginagawa
mo?
Padadalhan ko ng sulat ang mga
taong ito, para sa “Interfaith
Dialogue”.
Ano ang
“Interfaith
Dialogue”?
Ayon kay Gng. Espie, isang NGO leader na
aming nakaugnayan, ang “Interfaith Dialogue”
ang pagpupulong ng pinuno ng iba’t ibang
relihiyon sa isang lugar upang pag-usapan at
lutasin ang isang suliraning panrelihiyon.
26
1) Father Jessie Rodriguez
Katoliko
2) Pastor Rolly Ejada
Protestante
3) Ustadz Wahid Uddin
Islam
4) Apo Lumad Ingkal Mabala
5) Honorable Gamar Alih
Barangay Chairman
Sila ang mga iniimbitahang panauhin.
27
Sa Baranggay Hall
Buwan
Mga Bilang ng mga BiktimaBaranggay Nicogon, 2006
Nasugatan Namatay Kabuuan
Enero 17 1 18
Pebrero20 20
April 29 1 30
Oktubre 34 2 36
Kabuuan 100 4 104
Palala nang palala ang sigalot sa pagitan ng kapatid nating Bisaya at Yakan, kailangan na
nating kumilos. Tingnan ninyo ang talaang ito. Ano po ang masasabi ninyo Hon. Gamar?
Pinaiimbestigahan ko na sa aking Lupong Tagapamayapa. Magpapanukala ako ng batas
sa konseho. May kasunduan na kami ng mga pulis tungkol dito.
28
Kayo naman po Ustadz. Wahid, ano
ang inyong maimumungkahi? Manawagan ng pagkakaisa sa
sermon.
Mag-organisa ng pagpupulong sa
lugar tungkol sa kapayapaan.
Makipag-ugnayan sa iba’t ibang
sektor.
29
Kayo po Fr. Jessie, ano naman po ang plano
ninyong gawin sa inyong hanay?
Ipagpatuloy ang dayalogong pangkapayapaan
sa pagitan ng iba’t ibang sektor.
Manawagan ng pakakaisa sa misa at ilunsad
ang:
Peace Forum
Youth Encampment
Youth Crisis Center para sa kabataan
Cultural Festival
30
Pastor Rolly, ano naman po ang inyong balak
na ipatupad sa inyong grupo?
Manawagan ng pagkakaisa sa misa, bible studies, tv, at radio programs.
Mag-organisa ng prayer o peace rally.
“
“
31
Apo Ingkal, Ano naman po ang inyong
masasabi?
Kinokondena naming mga Lumad ang mga pangyayaring ito. Ngunit handa kaming
makipag-tulungan sa iba’t ibang sektor para sa pagkakaisa at kapayapaan.
32
Tiyak kong malaki ang maitutulong ng inyong mga mungkahi para maisaayos ang
kalagayan sa ating lugar. Maaasahan rin ninyo ang tulong ng NGO.
Ano ang susunod na
hakbang na ating
gagawin?
Kailangang simulan na natin
sa isang Peace Rally. At
lahat tayo ay manawagan.
Pati sina Cecile at Maira ay
kailangan ding magsalita
upang magsilbing huwaran.
33
Gawin Natin
Sagutan ang sumusunod
A. Isulat sa kahon ang mga salitang may kaugnayan sa salitang nasa gitna.
Gamitin ang mga salitang nakasulat sa bandang kaliwa.
Interfaith
Dialogue
Pagtitipon
Iba’t ibang pangkat panrelihiyon
Pag-uusap/Pagkakasundo
Makabuo ng solusyon sa suliranin
Isangguni sa pahina 64 ang sagot.
34
Sulatin Natin
B. Punan ng tamang impormasyon ang talaan batay sa binasang teksto.
Pangalan KatungkulanDaglat ng Relihiyon/Sektor
katungkulan na kinakatawan
Isangguni sa pahina 65 ang sagot
35
Pag-usapan Natin
Ano ang nais ipahiwatig ng bersong ito? Ipaliwanag.
“Napakaligaya at kahanga-hanga
sa ating pagmamasid
Ang nagkakaisa at laging
sama-samang magkakapatid”
Awit:133
36
Alamin Natin
Ang katagang “Interfaith Dialogue” ay nabuo nang isinagawa ang
pagtitipon-tipon ng iba’t ibang relihiyon sa buong mundo sa Chicago, USA
noong 1893.
Misyon ng mga Interfaith Groups na:
1. Mabigyan ng tamang kaalaman ang mga kabataan tungkol sa iba’t
ibang relihiyon upang mapawi ang maling pananaw nito sa relihiyon.
2. Maging dahilan sa pagiging magkakaibigan ng mga miyembro ng
iba’t ibang relihiyon.
3. Mapangalagaan ang karapatang pantao at kapaligiran.
4. Makabuo ng panlipunang kabutihan at pakikipagkasunduan.
5. Magkaroon ng kaayusan sa ekonomiya at pandaigdigang
pamamahala ayon sa pinagsasang-ayunan na kaugalian at prinsipyo
ng mga relihiyon.
6. Matigil ang anumang karahasan sa ngalan ng pananampalataya,
hustisya, at pagkakasundo ng bawat isa.
37
Pag-isipan Natin
Tula.
Kayang-kaya Kapag Sama-sama
Sulirani’y gaano man kalaki
Tiyak may kalakip na susi
Bawat isa’y may magagawa
Kung ito’y tutulong na kusa
Kristiyano, Muslim at Lumad
Lahat ay kapayapaang hangad
Kapag talino’t lakas pinagsama
Anumang bigat nito ay kayang-kaya
38
Kwentahin Natin
Pag-aralan ang talaan.
Sagutin ang tanong na sumusunod:
Talaan A
Relihiyong Kristiyano Bilang ng Kasapi
1. Katoliko 7,075
2. Iglesia Ni Kristo 4,212
3. Protestante 2,805
4. Aglipayan 1,240
5. Born Again 794
6. Adventist 804
7. Baptist 547
8. Mga Saksi ni Jehova 341
Kabuuan
39
Tanong:
a. Aling mga relihiyon ang may pinaka kakaunting kasapi?
b. Aling mga relihiyon ang halos magka-pareho ng dami ang kasapi?
c. Ilan ang kabuuang bilang ng relihiyong Kristiyano na nakasulat sa
talaan?
d. Alin ang pangalawa sa pinakamaliit na relihiyon sa talaan?
40
Sagutin Natin
Buuin ang pagkakasulat ng sumusunod na daglat:
1. Tawag sa babaeng may asawa.
Gng.
2. Tawag sa pari ng simbahang Katoliko
Fr.
3. Tawag sa tagapagsermon sa relihiyong Islam.
Ustz.
4. Tawag sa pinuno ng baranggay.
Hon.
Tingnan sa pahina 66 ang sagot.
41
Tandaan Natin
1. Ang Interfaith Dialogue ay ang pagpupulong ng mga pinuno ng
simbahan ng isang lugar upang pag-usapan at lutasin ang isang
usaping kinakaharap ng kanilang lugar. Inaasahan na magkakaroon
ng kasunduang tanggap ng bawat kasapi bilang resulta ng
pagtitipong ito.
2. Ang Daglat ay ang pinaiksing pagkasulat ng isang salita. Karaniwan
itong ginagamit sa titulo ng katungkulan ng isang tao at sa mga
teknikal na salita. Ito ay karaniwang nakasulat na may kasamang
tuldok.
3. Ang Talaan ay isang mabisang paraan ng pagpapaliwanag na
ginagamitan ng mga istadistika upang lubos na maunawaan ang
mga kahulugan ng mga datos na nakapaloob dito.
42
Alamin ninyo ang inyong natututuhan
A. Palaisipan
a) Pahalang (katungkulan sa
pananampalataya)
1. Tawag sa pinuno ng
simbahang Protestante
2. Tawag sa pinuno ng
relihiyong Muslim
3. Tawag sa pinuno ng
simbahang Katoliko
b) Pababa (Relihiyon)
4. Tawag sa relihiyon na
nagtuturo ng Katekismo
5. Tawag sa relihiyon na kilala
din sa tawag na “Alliance”
6. Tawag sa relihiyon ng Muslim
Tingnan sa pahina 66.
43
B. Sa tatlong pangungusap, ilarawan ang inyong natutuhan sa araling ito.
1.
2.
3.
44
PEACE VOLUNTEERS: MGA SUGO NG KAPAYAPAAN
45
Tungkol saan ang Aralin 3?
Batid natin ang isang katotohanan na marami-rami pa ring mga lugar sa
ating bansa ang patuloy na naghihirap sa tindi ng kaguluhan. Bagamat may
ginagawa ang ating pamahalaan sa usaping ito, hindi maitatangging hindi
sapat ang pagsisikap na ito upang tuluyang matuldukan ang karahasang
nangyayari.
Sa araling ito, iyong matutunghayan ang papel ng Peace Volunteers na
tinataguriang mga sugo ng kapayapaan bilang kaagapay ng ating
pamahalaan sa pagsusulong ng kapayapaan sa malalayo at liblib na lugar
ng bansa. Ang kanilang karanasan, at kaalaman ay kapaki-pakinabang na
impormasyon na maaaring kapulutan ng aral.
46
Ano-ano ang matututuhan mo sa Araling ito?
Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, makakaya mo nang gawin
ang sumusunod:
o nakasusulat ng isang payak na liham
o nasasabi ang mga bahagi ng liham
o natutukoy ang tamang gawain sa pakikipagkapwa
o naipaliliwanag ang kahulugan ng Peace Volunteer at
o nalulutas ang suliraning may kinalaman sa pagkuha ng kabuuang
halaga ng pera
47
Ano-ano na ang alam mo sa araling ito?
A. Punan ng tamang sagot ang sumusunod. Letra lamang ang isulat sa
sagutang papel.
1. Bahagi ng liham na naglalaman ng tirahan at petsa ng
pagkasulat.
a. lagda
b. pamuhatan
c. bating-pangwakas
2. Itinuturing na mga sugo ng kapayapaan
a. peace negotiator
b. peace talkers
c. peace volunteers
3. Nagtataglay ng mga detalye na nais iparating ng
nagpapadala sa pinapagdalhan.
a. katawan ng impormasyon
b. katawan ng liham
c. katawan ng ideya
48
4. Kailan ipinagdiriwang ang “International Day of Peace”?
a. Setyembre 21
b. Setyembre 22
c. Setyembre 23
5. Kung binabalitaan mo ang iyong kaibigan tungkol sa mga
nangyayari sa iyo, anong uri ng liham ang iyong gagawin?
a. liham na humihingi ng pahintulot
b. liham pangkalakalan
c. liham pangkaibigan
B. Isulat sa sagutang papel ang tsek (ü) kung ang sumusunod ay tumutukoy
sa gawain ng isang Peace Volunteer, ekis (û) naman kung hindi.
1. Namumuno ng pag-aalsa
2. Nakikibahagi sa mga pagkilos sa pagsusulong ng usaping
pangkapayapaan.
3. Nakikipag-alyansa sa ibang mga samahan.
4. Nagsasanay ng mga kabataan
49
5. Nagsasagawa ng mga peace dialogue
6. Nag-oorganisa ng mga pagtitipon sa mga baranggay.
7. Nagsasanay ng mga kabataan upang lumaban sa
kinauukulan.
8. Nangongolekta ng ‘revolutionary fee’ sa mga negosyante
para pantustos sa mga gawain.
9. Nagpapatupad ng mga panlipunang proyekto.
10. Nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor.
C. Kunin ang kabuuan ng sumusunod:
1. 7.35 2. 8.20 3. 2.00
20.75 33.75 78.85
135.50 845.00 548.05
Isangguni sa pahina 67 ang sagot.
50
Pag-usapan Natin
51
Basahin Natin
Basahin ang liham at sagutin ang gawain sa ibaba.
Malo-ong, San Jose
Lamitan, Basilan Province
Hunyo 30, 2011
Mahal kong Itay, Inay, at Isko,
Kumusta po kayong lahat diyan? Maayos naman po ako rito, bagamat palaging abala sa trabaho.
Marami na po akong kaibigan dito na kapwa Peace Volunteers na taga-rito. Mayroong Muslim, Lumad at
kapareho kong Kristiyano. Tulad ko, masigasig din silang nagtatrabaho upang isulong ang kapayapaan sa lugar
nila. Nag-oorganisa po kami ng mga pagtitipon, nagsasanay ng mga kabataan at nagpapatupad ng iba’t
ibang proyekto.
Wala po akong problema sa mga kasama ko kahit magkaiba kami ng kultura, paniniwala at kaugalian.
Nirerespeto namin ang bawat isa. Pinag-aaralan din namin ang kanya-kanyang kaugalian upang lubos na
magkaunawaan. Higit sa lahat, buong-buo po ang tiwala namin sa isa’t isa.
Itay, Inay, may ipinadala nga po pala akong pera para sa inyo at kay Isko. P3,000 po para sa iyo Itay, P7,250 po
para sa iyo Inay at P1,500 para kay Isko. Kunin n’yo lang po sa bangko dalawang araw mula ngayon.
Hanggang dito na lang po. Pagpalain nawa tayo ng Poong Maykapal.
Nagmamahal,
Henry
52
Isulat Natin
A. Tukuyin ang mga bahagi ng liham.
3
1 ,
. 5
.
2
1
1.2.3.4.5.
Tingnan sa pahina 67 ang sagot.
53
B. Ibigay ang bahagi ng liham na inilalarawan ng bawat pangungusap.
a. Nagsasaad ng tirahan ng nagpapadala at petsa ng pagsulat.
b. Naglalaman ng mensahe o impormasyon na nais iparating ng
nagpapadala sa tagatanggap ng liham.
c. Pirma ng nagpapadala.
d. Nagpapahayag ng pagbati sa pinadadalhan ng liham.
e. Karaniwang ginagamit sa pagtatapos ng liham.
54
Alamin Natin
A. Tuwing ika-21 araw ng Setyembre, ginugunita ng buong mundo ang
“International Day of Peace”.
Ito ay itinadhana ng United Nations General Assembly Resolutions
No. 3667 na ginawa noong 1981 at ipinatupad noong 1982.
B. May iba’t ibang uri ng liham. Ito ay ang sumusunod:
1. Liham Pangkaibigan 7. Liham ng Pagrerekomenda
2. Liham Paanyaya 8. Liham ng Pagbibigay Abiso
3. Liham Pasasalamat 9. Liham ng Pagpapaabot ng Reklamo
4. Liham ng Pakikiramay 10. Liham Pangkalakalan
5. Liham ng Paumanhin 11. Liham ng Naghahanap ng Trabaho
6. Liham ng Paghingi
ng Tulong
55
Pag-isipan Natin
Awit. Ang Bayan Kong Sinilangan
Ako ay isinilang sa bayan ng CotabatoKasinggulo ng tao, Kasinggulo ng mundoPrinsipyo mo’y igagalang koKung ako’y iyong nirespetoKung nagtulungan kayoDi sana magulo ang bayan ko
Ang bayan ko sa CotabatoKasing gulo ng isip koDi alam saan nanggalingDi alam saan patungoSila-sila ay naglalabanDi ko alam ang dahilan ng gulo
Koro
Sa bayan kong sinilanganSa Timog CotabatoAko ay namulat sa napakalaking guloDahil walang respeto sa prinsipyo ngKapwa taoKapwa Pilipino ay pinapahirapan nyoAng gulo
Bakit nagkaganoon ang sagot sa tanong koBakit kayo nag-aawayBakit kayo nagkaguloKung magtulungan kayoDi sana magulo ang bayan ko(Balik Koro)
56
Kwentahin Natin
Si Henry ay gumawa ng liham sa paghingi ng tulong sa tatlong
organisasyon. Sa kanyang liham, humihingi siya ng tulong pinansiyal upang
maibigay sa mga kapatid na Muslim na naapektuhan ng bagyo. Sa
kabutihang palad, marami ang nagkaloob ng tulong.
Kwentahin natin ang kabuuang halaga na kanyang nalikom.
A. Ibigay ang kabuuang halaga ng sumusunod:
Organisasyon 1 Organisasyon 2 Organisasyon 3
Php 135.25 Php 1,895.50 Php 800.75
10.00 982.00 92.00
+ 7.35 + 37.50 + 27.25
5.00 9.90 5.50
Isangguni sa pahina 67 ang sagot.
57
Tandaan Natin
1. May limang (5) bahagi ang liham. Ito ay ang sumusunod:
a. Pamuhatan c. Katawan ng Liham e. Lagda
b. Bating Panimula d. Bating Pangwakas
2. Ang isang Peace Volunteer ay nagtataglay ng sumusunod na
katangian:
a. May tamang pag-uugali sa paglilingkod sa kapwa
b. May kakayahang makipagtalastasan at makapagpahayag
c. May pagkukusa at pagmamahal sa kapwa
d. Magaling makisama at magmalasakit
e. Naniniwala at isinasabuhay ang kahalagahan ng kapayapaan
3. Sa pagkuha ng kabuuang halaga ng pera, ihanay sa tamang lugar
ang mga bilang ng digit. Ipagsama sa magkaparehong hanay ang
halaga ng sentimo gayundin ang grupo ng mga piso.
58
Alamin ninyo ang inyong natututuhan
A. Sumulat ng isang liham pangkaibigan gamit ang pormang napag-aralan.
Ibalita ang inyong mga natutuhan sa araling ito sa taong inyong
padadalhan.
B. Basahin ang talata sa kahon. Sagutin ang tanong sa ibaba.
Inatasan si Omar, isang Peace Volunteer, na ilista ang lahat ng
nagastos sa pagbili ng mga kagamitan para sa gagawing Peace
Forum sa kanilang baranggay. Bond paper – Php 175.00, lapis –
Php 95.25, papel – Php 50.00, Ballpen – Php 29.95, Pandikit – Php
7.55, Kartolina – Php 50.00.
Magkano ang lahat na kanyang nagastos?
Tingnan sa pahina 68 ang sagot.
59
Susi ng Pagwawasto
Pre-test
Ano-ano na ang alam mo sa modyul na ito?
A. 1. d 3. c 5. b 7. 9 9. c
2. a 4. d 6. a 8. c 10. a
B. Ano : Pagpupulong
Saan : Barangay Hall, Sitio Pundakit
Kailan : September 15, 2006
Sino : Mga Pinuno ng Simbahan
C. 1. Honorable 2. Sister 3. Hadji
D. Si Hadji Omar Suhud ay isa sa mga pinunong Muslim na aktibong
nagsusulong ng kapayapaan sa kanilang barangay sa Pamukalen.
Katulong niya ang kanyang kaibigang Kristiyano na si G. Nestor Rosales
na kasapi ng Couples for Christ. Kabilang sa kanilang mga ginagawa
ay ang pag-oorganisa ng mga “Interfaith Dialogue”, “Peace Rally”
at pagsasanay ng mga “Peace Volunteers”.
60
E. 1. 9:45 AM - oras ng pagtapos
– 9:25 AM - oras ng pagsimula
20 - minuto ang itinagal ng pagsasalita
2. 341 - populasyon
– 97 - bilang ng taong sangkot sa karahasan
244 - bilang ng tao na walang kinalaman
F. 1. Sabado
2. Martes at Biyernes
3. 248
61
Aralin 1 Ang Kaguluhan sa Sitio Pundakit
Paunang Pagsubok pahina 3-5
A. 1. e 3. f 5. b 7. d 9. g
2. h 4. j 6. c 8. i 10. a
B. Ano : Youth Encampment
Saan : Plaza ng Barangay Malo-ong, San Jose
Kailan : Hunyo 21-25, 2007
Sino : Mga kabataan ng bayan
C. a. 2:00 am
b. 5:30 PM
c. 3:00 PM
Sagutin Natin pahina 13
Hanay A
1. e 3. c 5. b
2. d 4. a
62
Sagutin Natin pahina 18
1. Mga kaugaliang Kristiyano
a. Pagdiriwang ng Pista
b. Pagdiriwang ng Mahal na Araw
c. Pagdiriwang ng Pasko
2. Mga kaugaliang Muslim
a. Pagbibigay ng dote
b. Pag-aasawa ng higit isa
c. Pagdarasal ng limang beses sa isang araw
3. Mga kaugaliang Katutubo o Lumad
a. Pagsasamba sa mga anito
b. Pagpapatotoo sa katawan
c. Pagsusuot ng bahag at mga katutubong damit.
Sagutin Natin
A. Ano : Kaguluhan
Saan : Palengke, Sito Pundakit
Kailan : Biyernes
Sino : Tribong Bisaya at Yakan
63
B. Hanay A
1. e 3. c 5. b
2. d 4. a
Alamin Natin pahina 20
A. Dugtungan
B. 1. 5:00 am
2. 12:00 hn
3. 3:00 pm
Aralin 2 “Interfaith Dialogue”
Paunang Pagsubok
A. 1. a 2. c 3. a 4. c 5. c
B. 1. Hji 2. Msgr. 3. Bro.
C. 1. Pari
2. Ustadz at Madre
3. 46
64
Gawin Natin
1. Pagtitipon
2. Iba’t ibang pangkat panrelihiyon
3. Pag-uusap/Pagkakasundo
4. Makabuo ng solusyon sa suliranin
Sulatin Natin pahina 34
Pangalan KatungkulanDaglat ng Relihiyon/sector
katungkulan na kinakatawan
1. Jessie Rodriguez Pari Fr. Katoliko
2. Rolly Ejada Pastor Ptr. Protestante
3. Wahid Uddin Ustadz Ustz. Islam
4. Gammar Alih Honorable Hon. Pamahalaan
5. Ingka Madela Pinuno Pambaranggay
Lumad
65
Kwentahin Natin pahina 38 Sagutin Natin pahina 40
a. Jehova A. 1. Ginang
b. Born Again at Adventist 2. Father
c. 17,818 3. Ustadz
d. Babtist 4. Honorable
Alamin ninyo ang inyong natutuhan
A. Palaisipan
B. 1. Natutuhan ko ang kahulugan
ng salitang
“Interfaith Dialogue“
at kahalagahan nito sa
pagsulong ng kapayapaan.
2. Naintindihan ko na ang ibig
sabihin ng daglat.
3. Naunawaan ko na ang gamit
ng talaan sa pagpapaliwanag
ng mga datos.
1
4 5
2
3 6
P A S T O R
U S T A D Z
P A R
P
O
E
S
T
N
T
E
I
S
L
A
M
66
Aralin 3 Peace Volunteers: Mga Sugo ng Kapayapaan
Paunang Pagsubok pahina 47-49
A. 1. b B. 1. ûûûûû 6. ûûûûû C. 1. Php 163.60
2. c 2. üüüüü 7. ûûûûû 2. Php 886.95
3. b 3. üüüüü 8. ûûûûû 3. Php 628.90
4. a 4. üüüüü 9. üüüüü
5. c 5. üüüüü 10. üüüüü
Isulat Natin pahina 52-53
A. 1. Bating Panimula 3. Pamuhatan 5. Katawan ng Liham
2. Bating Pangwakas 4. Lagda
B. 1. Pamuhatan
2. Katawan ng Liham
3. Lagda
4. Bating Panimula
5. Bating Pangwakas
67
Kwentahin Natin pahina 56
A. 1. Php 157.60
2. Php 2,924.90
3. Php 925.50
Alamin ninyo ang inyong natutuhan pahina 58
1. Bond paper Php 175.00
2. lapis 95.25
3. Papel 50.00
4. Ballpen 29.95
5. pandikit 7.55
6. Kartolina 50.00
Php 377.75
Recommended