Download pptx - Finale Ppt Char!

Transcript
Page 1: Finale Ppt Char!

Unang kwarter PINAGKUKUNANG – YAMAN AT KAUNLARANG PANGKABUHAYAN.

Page 2: Finale Ppt Char!

Bumubuo ng Unang Kwarter

• Jimenez , Mark Jayson – pinuno / Editorial• Manaba , Mary Joy – aralin 1 & 2• Bonono , Arvin Antioco III – aralin 3 , & 4• Tagadan , Mae Ann – aralin 5 , & 6• Conjurado , Kristie Marie – aralin 7 , & 8• Domagtoy , Danica – aralin 9• Egao , John Ryan – aralin 10• Miranday Ariel – aralin 11• Isleta , Enrico – aralin 12

Page 3: Finale Ppt Char!

PICTURES!!!!!!!!!!

Page 4: Finale Ppt Char!

Editorial

PINAGKUKUNANG YAMAN : BIGAY NG MAY KAPALIsa sa problemang hinaharap ng ating bansa sa ngayon ay

ang mga suliranin sa kalikasan sa panahong ito , naranasan natin ang pagbabago sa galaw ng kalikasan . Hinagupit na tayo ng bagyo , lindol , at baha na tumapos ng maraming buhay. Ang mga hindi natin nararanasang mangyari ay naganap na. Ito ba ay gawa ng tao at ganti ng kalikasan?

Page 5: Finale Ppt Char!

May mga matang tumitingin sa atin kung sapat at mabuti ba ang ating ginagawa sa ating kalikasan o dahan – dahang kinukuha nito ang kanyang ari – arian. Matang tumitingin sa mga taong gumagawa ng masama sa kalikasan tulad ng pagpuputol ng puno , at pagsusunog ng bundok. Dapat natin ito alagaan at huwag abusuhin sapagkat hiram lamang natin ito sa may kapal kailangan nating kumilos ngayon na dapat alagaan at bigyang tanaw ang ating kalikasan.Yaman na galing sa kalikasan na bigay ng maykapal huwag itaboy ngunit bigyang kahalagahan. Puno’t halaman na pinagkukunang yaman palakihin at padamihin upang tao ay may pagkakunang yaman.

PILIPINAS na pono ng yaman LUZON , VISAYAS , at MINDANAO na siyang may kanya – kanyang pinagkukunang yaman tulad ng mineral , ginto , pilak ,at iba pa. Mahal ko ang aking bayan AKO mismo ang mangunguna ng pag – alaga sa mga yamang bigay ng kalikasan at ng maykapal. Ikaw , Ako , Tayo , Kami ay magtutulong–tulong sa pagunlad ng ating ekonomiya. Mahigit kumulang ng isang buawan tayong mga pilipino ay nakaranas ng hagupit ng bagyo , kunting lindol , at sobrang baha kaya ating ekonomiya ay nalugi dahil sa mga bagyong dumarating kaya naman tayong mga mamamayan ay dapat nating tulungan bumangon ang ating ekonomiya at pamahalaan.

Page 6: Finale Ppt Char!

ARALIN 1: ANG KATARUNGAN NG EKONOMIKS

Page 7: Finale Ppt Char!

Kasaysayan ng Ekonomiks

Ang ekonomiks ay unang nakilala bilang political economy na sentral na paksa ng pag-aaral ng mga pilosopo (philosopher). Nang hindi pa ipinapanganak ang disiplina, hindi malinaw ang kaisipan ng ekonomiks dahil ito ay nakatuon sa pag-aaral ng kaugnayan ng politika at ekonomiya ng bansa.

Page 8: Finale Ppt Char!

KABANATA 1: PRINSIPYO NG

EKONOMIKS

Page 9: Finale Ppt Char!

Ang salitang ekonomiks ay nagmula sa dalawang salitnag Greek na OIKONOMIA na ang ibig sabihin ay pamamahala o pamamalakad ng sambahayan (Household).

Laissez Faire – ay paniniwala na ang pamahalaan ay di dapat na makialam sa pagpapatakbo ng industriya ng pribadong sektor.

Ekonomiks – isang agham panlipunan na mayroong layunin na pag-aralan ang mga pagkilos at pagsisikap ng mga tao at paraan ng paggamit ng mga limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa buhay dahil sa kailangang-kailangan piliin ng mga tao/pamahalaan kung saan gagastusin ang kanilang

likas-yaman.

Page 10: Finale Ppt Char!

BUOD

Page 11: Finale Ppt Char!

TAO LIPUNAN

EKONOMIKS

PAGSISIKAPKILOS

GAWI

PANGKABUHAYAN

PAMPOLITIKA

PANGMORAL

Page 12: Finale Ppt Char!

EKSPLENASYON

Page 13: Finale Ppt Char!

• Sa unang aralin na ito, mababasa natin ang tungkol sa ekonomiks. Dapat talaga nating alamin kung ano talaga ang ekonomiks o ano ang kahalaghan ng ekonomiks sa ating buhay, dahil ang pag-aaral ng ekonomiks ay nagpapaliwanag kung bakit ang mga tao sa lipunan ay patuloy na kumikilos upang maghanapbuhay at magkaroon ng ikabubuhay, maging ang mga galaw ng pamahalaan ukol sa pamamalakad ng ekonomiya.

Page 14: Finale Ppt Char!

ARALIN 2: ANG AGHAM NG EKONOMIKS

AT IBANG AGHAM NG PAG-AARAL

Page 15: Finale Ppt Char!

AGHAM NG

EKONOMIKS

Page 16: Finale Ppt Char!

Ekonomiks – isang agham panlipunan kung saan sentral na pinag-aaralan ang mga kilos, gawi, at lahat ng pagpupunyagi ng tao na maghanapbuhay at pagsisikap ng pamahalaan na ayusin ang ekonomiya na nakaaapekto sa pamumuhay ng tao at lipunan.

Page 17: Finale Ppt Char!

MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWANG SIYENTIPIKONG PAMAMARAAN

Pagtukoy sa Suliranin

Pagbibigay ng hinuha (hyphothesis)

Pangangalap ng mga

Impormasyon at datos

Pagsusuri ng mga Impormasyon at datos

Pagbibigay ng konklusyonAt rekomendasyon

Page 18: Finale Ppt Char!

Makikita natin ang hyphothesis sa ilustrasyon ng mga hakbang.

Ano nga ba ang Hyphothesis?

Page 19: Finale Ppt Char!

Ang Hyphothesis, ito ang pansamantalang kasagutan o paliwanag sa natukoy na mga suliraning pang-ekonomiya, tulad ng polusyon, trapiko, presyo ng langis, at iba pa.

Page 20: Finale Ppt Char!

MGA SULIRANING KINAKAHARAPNG ATING BANSA

Pagkasira ng kalikasan Polusyon Paglaki ng Populasyon Pangkalusugan

Pabahay

Mataas na presyo

Page 21: Finale Ppt Char!

Sosyolohiya – pag-aaral ng pinagmulan at estruktura ng ating lipunan. Ang mga kilos ng tao bunga ng mga batas, gawi, paniniwala, at kultura na umiiral sa lipunan ay nakakaapekto sa uri ng hanapbuhay at gawain ng tao.

Ekonomiks

Agham Panlipunan

Biyolohiya

Kasaysayan

matematika

Sosyolohiyakemistri

etika

Pisika

Page 22: Finale Ppt Char!

EKSPLENASYON

Page 23: Finale Ppt Char!

• Sa pag-aaral ng ekonomiks, kailangan talaga nating malaman kung paano gamitin ang siyentipikong pamamaraan (Scientific Process) upang suriin ang mga suliranin at kaganapan na may kaugnayan at epekto sa ekonomiya. Sa ekonomiks pinag-aaralan natin ang mga kilos, gawi, at lahat ng pagpupunyagi ng tao na maghanapbuhay.

Page 24: Finale Ppt Char!

Kabanata 2

PINAG KUKUNANG -YAMAN

Page 25: Finale Ppt Char!

Aralin 3: Mga Yamang Lupa at Gubat

Pinagkukunang - Yaman

Likas na Yaman

Yamang Tao Yamang Pisikal

LupaTubigGubat

MineralEnerhiya

Lakas Paggawa

MakinaryaKapital

Page 26: Finale Ppt Char!

Talalarawan blg. 3.2:Reporestasyon ng Pamahalaan at Pribadong Sektor

Year Total Government Sector Subtotal

Private sector Subtotal

2001 24 847 19 927 4 920

2002 25 620 20 681 4 939

2003 15 088 13 195 1 893

2004 20 333 12 435 7 898

2005 16 498 7 187 9 311

2006 7 223 7 223 --

2001 – 2006 (IN HECTARES)

AREA REFORESTED BY THE GOVERNMENT AND THE PRIVATE SECTORS

Page 27: Finale Ppt Char!

Eksplinasyon

• Sa araling ito yamang lupa at gubat ang pinaguusapan alam naman natin na ang lahat ng bansa sa daigdig ay pinagkalooban ng mga pinagkukunang yaman.

• Anumang bagay , buhay man o wala , na ginagamit sa paglikha ng produkto at serbisyo na nakatutugon sa pangangailangan ng tao at bansa. Nahahati ito sa tatlong uri ng likas na yaman , Yamang tao , at yamang pisikal o kapital .

Page 28: Finale Ppt Char!

• Hindi lahat ng bansa ay mayroong masaganang pinagkukunang yaman. Mapalad ang pilipinas dahil mayaman ito sa likas na yaman.

• Mabilis na pagkasira at pagkaubos ng ating kagubatan ay isang malaking suliranin isa ito sa kalagayan ng mga kagubatan. Nakakalbo ang ating mga kagubatan bunga ng walang pakundangan paputol sa mga puno ng mga mag – totroso at magkakaingin. Dapat itong bigyan – pansin ng mga mamamayan at mga namumuno ng pamahalaan.

Page 29: Finale Ppt Char!

Aralin 4: Ang Kahalagahan ng Yamang Mineral, Enerhiya, at Tubig

Metal Panggatong

Di - Metal

GintoPilakBakalTansoNikel

Copper

PetrolyoGas

Karbon

AsogeMarmol

AluminyoJade

Limestone

Page 30: Finale Ppt Char!

Eksplinasyon

• Sa araling ito ay ating pinag – aralan ang kahalagahan ng yamang mineral , Enerhiya , at Tubig.

• Mahalagang mahalaga ang mga yamang ito dapat natin ito bigyan ng halaga dail bigay tio ng maykapal sa atin. Tunay na masagana ang likas na yaman ng Pilipinas. Bukod sa yamang lupa at gubat , mayroon pa tayong likas na yaman na mahalaga sa ating ekonomiya, tulad ng yamang mineral , tubig , at enerhiya. Ang kasalukuyang kalagayan ng mga likas na yaman na ito ay kailangang bigyang-pansin.

• Mahalin natin ang bigay ng kalikasan sa atin.

Page 31: Finale Ppt Char!

Aralin VANG YAMANG TAO

Page 32: Finale Ppt Char!

Yamang tao ng Pilipinas

Page 33: Finale Ppt Char!

Ang Yamang Tao ng pilipinas ay may mahalagang bahaging ginagampanan sa pag-unlad n gating bansa. Sila na gumagamit ng mga talino, kakayahan kasanayan at abilidad. Mawawalan ng saysay ang pagkakaroon kung hindi magagamit ang mga ito ayon sa pangangailangan ng tao at ekonomiya

Page 34: Finale Ppt Char!

Ang Yamang Tao din ang nagbibigay kaganapan sa panghahangad ng bansa na makagamit ng bagong makinarya at teknolohiya ng ginagamit sa paglinang ng likas na yaman at pag unlad ng ekonomiya

Page 35: Finale Ppt Char!

Populasyon ng Pilipinas

Page 36: Finale Ppt Char!

Mahalaga ang pag-aaral ng populasyon upang magkarron ng maayos at epektibong planong pang-ekonomiya ang pamahalaan na makatutulong sa pagbuti bg pamumuhay ng mga tao.

Page 37: Finale Ppt Char!

Ang paglaki ng populasyon any nangangahulugan ng paglaki ng bilang ng kailangang pagkain,damitan at pag-aralin ng mga hanapbuhay, sinusukat ng Dependency Rate ang bilang ng tao na umaasa sa mga taong naghahanapbuhay.

Page 38: Finale Ppt Char!

Mahigit sa 64 taon ₊ wala pang 14 na taonDependency Ratio = Mahigit sa 64 taon ₊ wala pang 14 na taon

Ang dependency rate ay malalaman sa paggamit ng pormulang ito.

Page 39: Finale Ppt Char!

Ang dalawang naghahanapbuhay ay sumusuporta ng isang katao lamang. Masmadali at magaan sa mga mangagawang nasa maunladb na bansa na ipagkaloob ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya, kompara sa mga manggagawa ng ating bansa.

Page 40: Finale Ppt Char!

Mapapansin din ang mabilis na paglaki ng populasyon. Ang paglaki ng populasyob ay makukuwenta sa paraang ito:

Populasyon (current year)- Populasyon(base year)

Paglaki ng populasyon= * 100% Populasyon(base year)

Page 41: Finale Ppt Char!

Ang ganitong sitwasyon, ang pagsisiksikan ng mga tao sa isang lugar ay dapat isaalangalang upang mabatid kung may sapat na pagkain, tirahan at hanap buhay para sa mga naninirahan sa isang lugar. Inaalam ang densidad ng populasyon , bilang ng tao na naninirahan sa bawat kilometro kuwadrado sa pamamagitan ng paggamit ng pormulang ito:

PopulasyonDensidad ng Populasyon= Laki ng Lupain

Page 42: Finale Ppt Char!

Ang malaking populasyon ay maaring maging salik ng pasulong at pag-unlad ng bansa. Ito ang ng sisilbing Potential Market ng isang ekonomiya. Ayon sa pananaw ng isang ekonomista na si Simon Kuznets, ang malaking populasyon ang pangngailangan ng maraming lakas paggawa ay mahalaga sa bansa.

Page 43: Finale Ppt Char!

May pagkakataon na ang malaking populasyon ay nagiging banta sa limitadong yaman ng bansa. At ang paglaki rin ng populasyon ay nagbubunga ng paghihikahos, mababang kalagayan sa buhay, mulnutrisyon, pakasira ng kapaligiran, at kawalan ng hanapbuhay na siyang pangunahing mga suliranin ng mga mahihirap sa bansa.

Page 44: Finale Ppt Char!

Teorya ukol sa Populasyon

Page 45: Finale Ppt Char!

A. Teorya ni Malthus

Ito ay pahayag na ang populasyon ay mas mabilis kaysa supply ng pagkain. Ang teoryang ito ayon kay T Homas Robert Malthus, isang pari na sumulat ng aklat na “An Essay on the Principle of Population” noong 1800. Binanggit na kapag hindi nasugpo ang paglaki ng populasyon marami ang nagugutom at namamatay. Ang teoryang ito ni ay nagsilbing babala sa lahat ng bansa

Page 46: Finale Ppt Char!

B. Microeconomics Theory of Fertility

Ang mga katangian ng tao bilang consumer ay maiiugnay sa teoryang ito ng populasyon. Ang mabuting pagpapasya ay isnag mahalagang katangian bilang Konsumer sa pagpili at pagbili ng mga produckto at serbisyo. Laging isipin na ang pagkakaroon ng maraming anak ay mangangahulugan ng pagtaas ng gastos sa pamilya.

Page 47: Finale Ppt Char!

Hakbang upang masugpo angmabilis na pagtaas ng populasyon sa bansa:

Page 48: Finale Ppt Char!

Edukasyon para sa mga babae

Upang matutuhan ang mga kaalaman sa kanilang paghahanapbuhay at maunawaan ang masamang epekto sa katawan sa pagkakarron ng maraming anak.

Page 49: Finale Ppt Char!

Pagpapalaganap ng tamang impormasyon

Mahalagang mabatid ang kabutihan ng pagkakaroon ng kaunting o maraming anak sa pamumuhay at ekonomiya ng bansa.

Page 50: Finale Ppt Char!

Pagkakataoon na magkaroon ng ng hanapbuhay at sapat na kita

Ito ang makakatulong sa mga magulang na magkaroon ng pagkakataon na malibang at pagtuunan ng pansin ang ibang bagay.

Page 51: Finale Ppt Char!

Pagbawas ng Infant Mortality

Sa kagustuhanng mag-asawa na mapalitan ang namatay na anak, minsan ang hinahangad na anak ay hindi lamang isa kundi higit pa.

Page 52: Finale Ppt Char!

Pagkakaloob ng insentibo sa kakaunting anak

• Tulad ng ginagawa sa ibang bansa,ang pamahalaan ay maaaring mabigyan ng insentibo sa mag-asawa na 1-2 lamang na nak uoang sa ganoon ay mahikayat sila na di –madagdagan nang madagdagan ang anak.

Page 53: Finale Ppt Char!

Eksplinasyon

• Sa araling ito ay pinag-aralan natin ang tungkol yamang tao.

• Isa sa mga mahalagang elemento ng isang bansa ang tao. Ang mga tao ay may mahalagang bahaging ginagampanan sa pag – unlad ng isang bansa . Sila na gumagamit ng mga matalino , kakayahan , kasanayan , abilidad , at lakas sa paglikha ng mga produkto at serbisyo ay tinatawag na yaman.

Page 54: Finale Ppt Char!

• Ito ay lubhang mahalaga sa bansa. Kapag binabanggit ang yamang tao , lagi itong iniuugnay sa populasyon at lakas paggawa.

• Ang yaman tao ay mahalagang salik sa pag – unlad ng bansa.

• Kailangang mapigil ang paglaki ng populasyon upang maging maganda ang pamumuhay ng tao.

Page 55: Finale Ppt Char!

Aralin 6 - KALAGAYAN NG

LIKAS NA YAMAN

Page 56: Finale Ppt Char!

Kahulugan ng likas paggawa

• Ang lakas paggawa o labor force ay mga tao na may edad na 15 pataas na may sapat nang lakas, kasanayan, at maturity upang aktibong makilahok sa mga gawaing pamproduksyon ng bansa. Ang di kabilang sa lakas paggawa ay yaong mga taong di aktibong kalahok sa produksiyon kahit sila ay may edad 15 pataas.

• Labor Force Participation Rate(LFPR). Ito ang proporsiyon ng mamamayan na aktibong kalahok sa produksiyon ng bansa.

Page 57: Finale Ppt Char!

LFPR = LABORFORCE / WORKING AGE POPULATION X 100 %

• Maraming manggagawa ang hindi napakikinabangan ng ekonomiya, kaya ang full employment Ay di-natatamo ng isang bansa

• Ang employment ay situasyon kung saan ang mga

lakas paggawa ay may mapapasukang trabaho. Ang employment rate ay porsiyento ng may trabaho sa mga lakas paggawa.

Page 58: Finale Ppt Char!

• Ang mga unemployed ay mga manggagawa na walang mapasukang trabaho kahit may sapat na kakayahan at edukasyon. Ang mga underemployed ay mga manggagawa na may trabaho pero di-sapat.

EMPLOYMENT RATE = EMPLOYED / LABOR FORCE X 100 %

Page 59: Finale Ppt Char!

Solusyon sa Underemployment at Unemployment

1. Labor Export • Ang pagbubukas ng pinto para sa mga trabaho sa ating

manggagawa sa ating bansa ay malaking tulong sa ating ekonomiya. Maraming manggagawang Pilipino ang nahihikayat sa magtrabaho sa ibang bansa bunga ng kakulangan at kawalan ng mapapasukang trabaho sa llob ng bansa

• Sa ganitong sitwasyon an gating bansa ay dumaranas ng brain drain at brawn brian. brain drain ay an[agtatrabaho at paninirahan n gating propesyonal sa ibang bansa dahil sa oportunidad na magamit ang pinag-aralan sa pagtatrabaho. Ang brawn brian naman ay pagtatrabaho n gating manggagawa na may kaalamang bokasyonal at teknikal sa ibang bansa

Page 60: Finale Ppt Char!

2. Paglinang sa local na Pinagkukunan Ang pagpapanatili ng daloy ng produksyon ay

mahalaga sa isang bansa. Upang matiyak ang patuloy na takbo ng produksyon sa loob ng bansa kahit magkaroon ng suliranin sa pandaigdigang kalakalan. Dapat matutuhan ng mga negosyante ang paghanap ng pamalit sa mga imported na materyales mula sa ating local na materyales upang ang pagtatrabaho ng mga manggagawa ay dimaantala

Page 61: Finale Ppt Char!

3. Pagdaragdag ng Gastos sa Pamahalaan para sa mga Proyekto

• Kapag malaki ang kakulangan sa trabaho, ang pamahalaan ay may malaking maitutulong upang magkaroon ng trabaho ang mga manggagawa. Ayon kay John Maynard Keynes na tinaguriang Father of Modern Employment Theory, ang pamahalaan ay may responsibilidad na pagkalooban ng trabaho ang mga manggawa, kaya ang pagsasagawa ng mga proyekto na nangangailangan ng maraming manggagawa ay dapat isagawa.

Page 62: Finale Ppt Char!

4. Paghikayat sa nga Mamumuhunan Ang pamumuhunan ay mahalaga sa ating

ekonomiya, maging ito ay local o dayuhan upang palawakin ang pagtatayo ng mga negosyo, industriya, at pagawaan na magbibigay ng trabaho sa ating maraming manggagawa. Higit na kailangan n gating bansa ang mga industriya na nakasentro sa paggamit ng mga manggagawa sa trabago, o iyon tinatawag na labor intensive industries, kaysa sa paggamit ng mga makinarya sa paglikha ng mga produkto, na tinatawag na capital intensive industries.

Page 63: Finale Ppt Char!

Produktibong Manggagawa

• Upang maging produktibo ang mga manggagawa , dapat pagkalooban sila ng mga sumusunud:

1. KALUSUGAN - Lahat ng tao ay nagnanais na maging malusog, dahil ang kalusugan ay kayamanan. Higit na kailangan ng mga manggagawa na maging malusog upang ang pagganap nsa kanilang tungkulin ay magagawa nila ng maayos

Page 64: Finale Ppt Char!

2. Edukasyon• Ang edukasyon ay mahalaga sa paglinang ng

kakayahan, kasanayan, abilidad, talino, at pag-uugali ng mga tao, lalo higit ang mga manggagawa, kahit sinasabing an gating bansa ay isa sa may pinakamataas na literacy rate. Ang literacy rate ay jajayahan ng mga mamamayan na bumasa at sumulat. Kailangan ding linangin ang mga kakayahan ng mga manggagawa na magamit nila sa pagtatrabaho.

Page 65: Finale Ppt Char!

3. Capital at Makabagong Teknolohiya sa Bawat Manggagawa

• Ang lubusang paglinang sa mga kasanayan at kaalaman ay magkakaroon ng katuparan kung ang bawat manggagawa ay may nagagamit na makinarya sa paggawa ng produkto. Kailangan ang sapat na capital at makenarya upang mapakinabangan ang mga kasanayan ng mga maggagawa. Nararapat na ang mga manggagawa ay maging produktibo at kapi-pakinabang.

Page 66: Finale Ppt Char!

EKSPLINASYON

Page 67: Finale Ppt Char!

• Sa araling ito ping aralan natin ang Kalagayan ng Lakas na Paggawa.

• Ngayon alam naman natin kung ano nag lakas na paggawa. Sa oras na ito alamin naman natin ngayon kung lahat ba ng yamang tao ay matatawag na lakas na paggawa? Ang lakas na paggawa o labor force mga tao na may edad na 15 pataas na may sapat nang lakas , kasanayan , at maturity upang aktibong makilahok sa mga gawaing pangproduksiyon ng bansa . Sila ay maaring may trabaho na o naghahanap lamang ng trabaho. Ang di kabilang sa laks paggawa ay yaong mga tao na di – aktibong kalahok sa produksiyon kahit sila ay may edad na 15 pataas. Kaya sinasabing di- lahat ng yamang tao maituturing na lakas na paggawa.

Page 68: Finale Ppt Char!

ARALIN 7•ANG YAMANG PISIKAL/KAPITAL NG BANSA

Page 69: Finale Ppt Char!

Isa pang pinagkukunang-yaman ng bansa na

kailangan upang matamo ang pag-unlad ay ang

yamang pisikal/kapital. Ang yamang pisikal/kapital ay

mga bagay na nilikha ng tao upang makatulong sa

paglikha ng mga produkto.

Page 70: Finale Ppt Char!

Ang mga makinarya, gusali, bahay, kasangkapang pamproduksiyon, pantransportasyon, at komunikasyon ay ilan sa mga yamang pisikal ng bansa.

Page 71: Finale Ppt Char!

Ang paggamit ng talino at abilidad ng tao ay nakatutulong upang tumuklas at lumikha ng mga yamang pisikal na kailangan sa ekonomiya. Sa pamamagitan ng mga yamang pisikal ay nalilinang at napoproseso ang mga hilaw na materyales na galing sa likas na yaman ng bansa.

Page 72: Finale Ppt Char!

Ito ang nagsisilbing bunga ng kakayahan ng tao at kapakinabangan ng mga yamang likas. Masasabi natin na ang mga serbisyo na mayroon ang isang ekonomiya ay resulta ng paggamit ng mga pinagkukunang yaman ng bansa.

Page 73: Finale Ppt Char!

Dayagram

Yamang Pisikal

Yamang Likas

Yamang Tao

Page 74: Finale Ppt Char!

Lahat ng uri ng pinagkukunang-yaman ay nahaharap sa mga suliranin, tulad ng yamang pisikal/kapital, may takdang panahon o hangganan ang kapakinabangan sa mga ito katulad ng ng mga makinarya, computers, cell phones, gusali, kalsada, at iba pa ay dumaranas ng unti-unting pagkaluma at pagkasira na tinatawag na depresasyon.

Page 75: Finale Ppt Char!

Ang suliraning ito ang dahilan na naglilimita sa kapakinabangan ng mga yamang pisikal/kapital, sa ganitong sitwasyon, ang pagbuo ng mga gusali, planta, at pagawaan, pagbili ng mga bagong makinarya, pagpapatayo ng mga tulay, estruktura para sa komunikasyon at transportasyon, pagpapalit ng pasilidad para sa serbisyong pambayan at pagkakaroon ng bagong teknolohiya ay mahalaga.

Page 76: Finale Ppt Char!

Una, ito ay tanda ng pagsulong ng bansa. Ikalawa, kailangan ito sa pagpapabilis at pagpaparami ng produksiyon at ang ikatlo, pamalit ito sa mga naluluma at nasisirang yamang pisikal/kapital. Hindi ito maisasakatuparan kung ang pamumuhunan ay di-pag-iibayuhin.

Page 77: Finale Ppt Char!

Ang pamumuhunan ay pandaragdag ng istak upang mapalawak at mapaunlad ang paggamit ng mga yamang pisikal/kapital para sa paglinang ng mga likas na yaman. Ang pamumuhunan ay magmumula sa mga imbestor at pamahalaan. Kahit anong paraan ng pangangalaga at pag-iingat ang gawin, darating ang yamang pisikal/kapital sa kalagayang hindi na makpagdudulot ng isang daang porsiyentong kapakinabangan.

Page 78: Finale Ppt Char!

Alam natin na ang ating bansa ay salat sa yamang pisikal/kapital, kaya patuloy ang paghihikayat ng pamhalaan sa mga dayuhang imbestor na mamuhunan sa ating bansa upang mapalawak ang paggamit ng yamang pisikal/kapital upang tayo ay maging industriyalisado.

Page 79: Finale Ppt Char!

EKSPLINASYON

Page 80: Finale Ppt Char!

• Sa araling ito ay kahalagahan ng mga pinagkukunang-yaman napagtutuunan ng pansin.

• Katulad nalang ng mga produkto na ginagamit natin sa pang-araw-araw halimbawa, ang cell phone, computer, atbp. na para sa iba ay hindi sila mabubuhay kung wala ang mga kasangkapang ito.

• At walang bagay na magtatagal sa mundo dahil lahat ng bagay sa mundo ay naluluma at higit sa lahat ay nasisira.

Page 81: Finale Ppt Char!

• Ang lahat ng uri ng pinagkukunang-yaman ay nahaharap sa suliranin.

• Ang depresasyon ay isang suliraning dahilan kaya nililimita ang kapakinabangan ng mga yamang pisikal/kapital.

• Sa pamamagitan ng paggamit ng talino at abilidad ng tao ay nakakatulong upang tumuklas at lumikha ng mga yamang pisikal na kailangan ng ekonomiya.

Page 82: Finale Ppt Char!

Kabanata 3

Kakapusan at

Alokasyon

Page 83: Finale Ppt Char!

Mga Pangunahing Suliranin Pang-ekonomiya

ARALIN 8

Page 84: Finale Ppt Char!

• Kakapusan at Kakulangan Lahat ng bansa sa daigdig ay

nahaharap sa isang suliranin na may kinalaman sa kalagayan ng mga pinagkukunang-yaman at ang kakayahan ng mga ito na matugunan ang dumaraming pangangailangan at hilig ng tao. Ang suliranin ng kakapusan ay ang katotohanang hindi kayang matustusan ng anumang bansa ang lahat ng mga pangangailangan ng buong ekonomiya.

Page 85: Finale Ppt Char!

Ang kakapusan ay tumutukoy sa pagkakaroon ng limitasyon sa mga pinagkukunang-yaman na ginagamit sa paglikha ng mga produkto. Ito ay isang kalagayan na kaakibat ng buhay ng tao na naglalarawan ng pagtutunggalian sa paggamit ng yaman ng bansa upang matugunan ang mga pangangailangan. Dahilan ito ng paghahanap ng iba’t ibang paraan upang matamo ang lubos na kapakinabangan sa paggamit ng mga yaman ng bansa.

Page 86: Finale Ppt Char!

Ang kakulangan ay isang kalagayan na panandalian lamang. Sinasabi na ang kalagayang ito ay maaaring gawa o likha ng tao. Ito ang nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang ng supply ng isang produkto. Ang pagkakaroon ng artipisyal na kakulangan ay madalas na nangyayari sa isang ekonomiya.

Page 87: Finale Ppt Char!

• Halimbawa• Ang artipisyal na kakulangan ng bigas sa

pamilihan na nagaganap kapag itinatago ng mga negosyante ang produkto upang hintayin ang pagtaas ng presyo, o tinatawag na hoarding. Ang hoarding ay pagtatago ng mga supply na ginagawa ng mga kasapi ng rice cartel na nagiging dahilan ng pagkukulang ng bigas sa pamilihan. Ang kartel ay pangkat ng mga malalaking negosyanteng tao na kumokontrol at nagmamanipula ng distribusyon, pagbili, at pagpepresyo ng mga produkto.

Page 88: Finale Ppt Char!

Ang kakulangan ay pansamantala lamang na ibinubunga ng mga maling gawain ng tao. Kapag naisaayos na ang supply, nawawala na ang kakulangan. Ibig sabihin, mas madaling bigyan ng solusyon ang kakulangan kaysa sa kakapusan.

Page 89: Finale Ppt Char!

Mga Suliranin Pang-ekonomiyaAng kakapusan ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng mga suliranin pang-ekonomiya.

Dahil sa suliraning kakapusan, mahalaga na pag-isipan ng isang bansa kung anong produkto at serbisyo ang gagawin at gaano karami. Mahalaga din na tukuyin kung para kanino gagawin at paano ipapamahagi.

Page 90: Finale Ppt Char!

Dayagram

Ano ang gagawin?

Paano ito gagawin?

Gaano karami ang gagawin?

Para kanino ang gagawin?

Paano ipamamahagi ang produkto?

S

U

L

I

R

A

N

I

N

PRODUKSYON DISTRIBUSYON

Page 91: Finale Ppt Char!

Ang bawat bansa ay amy mga layuning pangkabuhayan na nais makamit. Sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa mga katanungan na nauukol sa produksiyon at distribusyon, ito ay mabibigyan ng pansin.

Page 92: Finale Ppt Char!

Ano ang Gagawin?Sa isang ekonomiya, mahalagang mabatid ang mga produkto at serbisyo na kinokonsumong mga tao. Importanteng malaman ang mga pangangailangan ng tao na binibigyan ng higit na pagpapahalaga.

Page 93: Finale Ppt Char!

HalimbawaMas pinahahalagahan ng tao ang

pagkain ng kanin kaysa sa mais, kaya mas pipiliin ang paglikha ng maraming bigas kaysa sa mais. Ang ganitong sitwasyon ng pagpili ng produktong gagawin ay naiuugnay sa konsepto ng Production Possibilities-ng paglikha ng iba’t ibang produkto mula sa tiyak na dami ng pinagkukunang-yaman sa isang takdang panahon.

Page 94: Finale Ppt Char!

Ang paglikha ng mas maraming bigas ay nangangahulugang higit na malawak na lupain ang pagtataniman nito kaysa mais. Ang pagpili sa produktong lilikhain ay ibinabatay sa pangangailangan ng nakararaming kasapi ng lipunan.

Page 95: Finale Ppt Char!

Paano Ito Gagawin?Sa paglikha ng mga produkto ay may

proseso na sinusunod. Isinasaalang-alang ang mga bagay na gagamitinsa pagbuo ng mga produkto. Ang bansa ba ay may sapat na salik ng produksiyon upang makalikha ng mga produkto na kailangan ng ekonomiya? Sa paggamit ng mas maraming manggagawa kaysa sa makinarya? Makakamura ba ang bansa sa paglikha ng bigas? Ito ay mahalagang isaisip kung paano gagawin ang isang produkto.

Page 96: Finale Ppt Char!

• Gaano Karami ang Gagawin? Ang dami ng produkto na gagawin ay

pagsasaalang-alang ng yaman ng bansa at bilang ng mga mamamayan na makikinabang sa produktong gagawin. Kapag may nagawang produkto ang ekonomiya, dapat itong ipamahagi sa mga mamamaya. Ang distribusyon ay kakambal ng produksyon. Ito ang pamamahagi ng mga bagay-bagay sa lahat ng sektor ng ekonomiya.

Page 97: Finale Ppt Char!

Sinasabing ang produksiyon ay nagiging makabuluhan kung ito ay maipapamahagi sa lahat ng mamamayan na nangangailangan ng mga produkto upang pantay-pantay na matamo ang kasiyahan at kapakinabangan sa buhay. At kapag ang lahat ng tao ay nakakabahagi sa mga nilikhang produkto ng bansa, ibig sabihin episyenteng nagamit ang mga likas na yaman.

Page 98: Finale Ppt Char!

• Para Kanino Gagawin?Isinasaalang-alang ang mga

mamamayan na gagamit at makikinabang sa mga lilikhaing produkto upang maging epektibo ang mga pamamahagi ng mga nasabing produkto.

Page 99: Finale Ppt Char!

• Paano Ipamamahagi ang Produkto?Ang maging epektibo sa pamamahagi

ng mga nagawang produkto ay isang layunin ng pamahalaan, kaya isinasagawa nito ang iba’t ibang pamamaraan upang makarating sa kinauukulan ang mga nalikhang produkto. Ang kalakalang lokal at mga pamilihan ay mga mekanismo na makakatulong sa pamamahagi ng mga produkto.

Page 100: Finale Ppt Char!

EKSPLINASYON

Page 101: Finale Ppt Char!

• Ang aralin na ito ay kung papaano matutugunan ng isang ekonomiya ang mga suliranin ng kanilang pinagkukunang-yaman.

• Kung saan ang ating mga pinagkukunang-yaman ay may limitasyon at ang iba ay pansamantala lang kung kulangin at ang iba ay ang kakapusan nito .

• May mga salik na dapat isaalang-alang kung gusto ng isang bansa na umunlad ang isang ekonomiya.

Page 102: Finale Ppt Char!

• Kailangan din ng kooperasyon ng mga mamamayan ng isang bansa kung susundin ang mga salik na natukoy, dahil kahit nagawa na angmga nasabi ay wala itong silbi kung ang mga mamamayan mismo ay walang kooperasyon at tiwala na makakamit nila ang kaunlaran.

Page 103: Finale Ppt Char!

Kabanata 4 : pangangailangan at kagastusan

Page 104: Finale Ppt Char!

ARALIN 9 : Mga pangangailangan ng tao

• Naranasan mo na ba ang maghangad ng maramong bagay , materyal man o hindi sa iyong buhay? Lahat ng tao ay ay naghahangad na makamit ang maraming bagay sa kanilang buhay. Ito ay likas na sa tao dahil sa pagnanais na mabuhay.

Page 105: Finale Ppt Char!

PANGANGAILANGAN NG TAO

• Isa sa mga pangunahing tungkulin ng ekonomiks ang tugunan ang pangangailan ngmga mamamayan.

• Ang pangangailan ay mga bagay kailangan ng tao upang mabuhay.

• Pangunahing pangangailan ng tao ay PAGKAIN , DAMIT , at BAHAY.

• Ito ang dahilan kung bakit lahat ng tao ay laging abala sa kanilang mga gawain at hanapbuhay.

Page 106: Finale Ppt Char!

• Ngunit hindi sapat sa tao ang simpleng BUHAY , PAGKAIN , DAMIT , at BAHAY , bagkus naghahangad pa rin siya ng mga luho sa buhay upang magkaroon ng kasiyahan.

• Ang mga luhong ito ay tinatawag na kagustuhan .

• Ang mga bagay na ito ay di kailangan upang mabuhay ang tao.

Page 107: Finale Ppt Char!

HIRARKIYA NG MGA PANGANGAILANGAN

Tsart blg. 9.1 “hierarchy of needs”

Pangagailangang pang segurado Pangagailangang pisyolohikal

Magmahal , makisapi , makipagkaibigan

Pagpapahalaga mula sa ibang tao

Maipatupad ang kaganapan ng pagkatao

Page 108: Finale Ppt Char!

MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSAIYA SA MGA PANGANGAILANGAN NG TAO

1. EDUKASYON2. EDAD3. KITA4. HANAPBUHAY5. PANLASA

Page 109: Finale Ppt Char!

BUOD

PISYOLOHIKAL SEGURIDADMAGMAHAL

AT MAKISALAMULAPAGPAPAHALAGA NG

IBANG TAO KAGANAPANG

PANGTAO

PANGANGAILANGAN

EDADKITA

HANAPBUHAYEDUKASYON

PANLASA

Page 110: Finale Ppt Char!

EKSPLINASYON

Page 111: Finale Ppt Char!

• Sa araling ito ang pinag uusapan natin ang mga pangangailangan ng Tao. Isa na dito ang edukasyon.

• Ang edukasyon ay nakaimpluwensiya sa mga pangangaalangan ng tao.

• Maliban sa edukasyon ay ang mga sumusunod: EdadKitaHanapbuhayPanlasaPisyolohikalSeguridadPagkainDamitBahayAt pagpapahalaga ng ibang tao kaganapang pangtao

Page 112: Finale Ppt Char!

• Ang pangangailangan ng tao ay naaapektuhan ng ibat ibang salik at nagbabago bunga ng maraming aspeto sa buhay.

• May mga bagay na itinututring na kagastusan lamang noon ngunit ay nagiging bahagi ng mga pangangailangan ng tao sa kaslukuyan.

Page 113: Finale Ppt Char!

KABANATA 5 : PAGKONSUMO

Page 114: Finale Ppt Char!

ARALIN 10 : KONSEPTO NG PAGKONSUMO

• Sa ekonomiya may dalawang gawain na kailangang bigyan ng pansin , ito ay pagkonsumo at produksiyon.

• Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa paggamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang ating mga pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan , samantalang ang produksiyon ay paglikha ng mga produkto at serbisyo para matugunan ang mga pangangailangan ng tao.

Page 115: Finale Ppt Char!

• TSART blg. 10.1

PAGKONSUMO

TUWIRAN

PRODUKTIBO

MAAKSAYAMAPANGANIB

Page 116: Finale Ppt Char!

Mga kaugalian at kulturang pilipino na nakaiimpuwensiya sa pagkonsumo

• Kaisipang kolonyal• Rehiyonalismo• Pagtanaw ng utang na loob• Pakikisama• Pagmatipid

Page 117: Finale Ppt Char!

Mga salik na nakaiimpulwensiya sa pagkonsumo

• Presyo• Pangagaya• Panahon• Pag – aanunsiyo

testimonialBrand name bandwagon

• Kita

Page 118: Finale Ppt Char!

EKSPLINASYON

Page 119: Finale Ppt Char!

• Sa araling ito ay pinag – aralan natin ang konsepto ng pagkonsumo .

• May tuwirang pagkonsumo ay nakapagbigay agad ng kasiyahin sa pagbili at paggamit ng produkto at serbisyo.

• Ang mapanganib na pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng produkto na nakapipinsala sa kalusugan ng tao , gaya ng alak , sigarilyo , at bawal na gamot.

• Ang pagkonsumo at produksiyon ay magkaugnay sapagkat ang prodiksiyon ay mawawala ng buluhan kung hindi kumukonsumo ng mga produkto at serbisyo ng mga tao.

Page 120: Finale Ppt Char!

ARALIN 11

ANG LARAWAN NG ISANG KONSYUMER

Page 121: Finale Ppt Char!

Sino ba ang tinatawag na konsyumer o mamimili?

Sagot: Sila ang mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at magtamo ng kasiyahan.

Page 122: Finale Ppt Char!

Kahalagan ng Konsyumer

• Sa ating ekonomiya ay may malaking bahaging ginagampanan ang mga konsyumer o mamimili sa pag-unlad ng produksiyon.

• Ang puwersa ng mga mamimili o konsyumer ang dahilan ng pagpapabuti ng uri at kalidad ng mga produktong nililikha.

Page 123: Finale Ppt Char!

Mga Katangian ng Matalinong Konsyumer

Ikaw ba ay matalinong konsyumer?- Kung gayon,suriin ang sarili kung

taglay mo ang sumusunod na mga katangian ng matalinong konsyumer.

Page 124: Finale Ppt Char!

1. Mapanuri – matiyagang sinusuri ang lahat ng bahagi ng isang produkto.

2. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo – kapakinabangan na matatamo sa pagbili ng produkto ang isinasaalang-alang at hindi ang pag-aanunsiyo bng produkto,kung saan kilalang tao ang ginagamit sa pag-eendorso.

3. Hindi nagpapadaya – sa panahon ng kahirapan at kagipitan.

4. Makatwiran – masusing tinitingnan ang kalidad at presyo ng bawat produkto dahil sa limitado ang badyet sa pamimili.

Page 125: Finale Ppt Char!

5. May Alternatibo – ang dating binibiling produkto ay hindi mabili.

6. Sumusunod sa Budget – midnight sale , buy one take one promo , at mga give away na produkto ay makatutulong sa konsyumer.

7. Hindi Nagpa-panic Buying – ang matalinong konsyumer ay hindi nababagabag sa artipisyal na kakulangan ng mga produkto sa pamilihan.

Page 126: Finale Ppt Char!

Mga karapatan ng Mamimili

1. Karapatan sa Maayos at Malinis na Kapaligiran

2. Karapatan na matamo ng Kaligtasan3. Karapatan sa Pagpili 4. Karapatang Magkaroon ng Edukasyon5. Karapatang Magtatag ng Organisasyon 6. Karapatan sa tamang Impormasyon7. Karapatan na Magkaroon ng

Pangunahing Pangangailangan.

Page 127: Finale Ppt Char!

Mga Tungkulin Ng Konsyumer

1. Pagkakaisa2. Pagkilos at Pagbabantay3. Pangangalaga sa Kapaligiran4. Paging Mulat, Mapagmasid, at Alerto5. Pagtangkilik sa Sariling Produkto

Page 128: Finale Ppt Char!

Ilang Batas na Magpoprotekta sa mga Konsyumer

1. Batas Republika Blg. 35422. Batas Republika Blg. 713. Batas Republika Blg. 37404. Artikulo 15465. Artikulo 188

Page 129: Finale Ppt Char!

Mga Ahensiya na Makatutulong sa mga Konsyumer

1. Dept. of Trade and Industry2. Dept. of Agriculture3. Bureau of Food and Drugs4. Local Government5. Dept. of Energy6. Broadcasting Companies

Page 130: Finale Ppt Char!

Eksplinasyon

Page 131: Finale Ppt Char!

• Ang aralin na ito ay pinaguusapan kung papaano matutugunan ng isang konsyumer ang kanilang mga pangangailangan at matamo ang kasiyahan. Pagpili at pagdedesisyon sa uri,kalidad,at dami ng produktong bibilhin ay batay sa pagnanais ng mga konsyumer upang masulit ang bawat sentimo na kanilang gagastusin.

• Lahat ng mga konsyumer sa ating ekonomiya ay may kahalagan sa ating ekonomiya. May malaking bahaging ginagampanan ang mga konsyumer sa pag –unlad ng produksiyon.

Page 132: Finale Ppt Char!

• Ang mga mamimili ay importante sa ating ekonomiya lalo na sa mga negosyante dahil ang mga konsyumer ang siyang bumibili ng mga produkto. At sila ang dahilan para maging maunlad ang ating ekonomiya.

• Ikaw, ako , tayong lahat ay konsyumer. Mahalagang malaman ng bawat isa a atin ang ating mga karapatang bilang konsyumer upang maipaglaban natin ang mga ito sa mga lumalabag na negosyante at tindera/tindero.

Page 133: Finale Ppt Char!

• Tungkulin ko tungkulin nating lahat. Hindi sapat na alamin ang mga karapatang ng mga konsyumer. Laging tandaan na ang bawat karapatan ay may katumbas na responsibilidad na dapat gawin ng mga konsyumer.

Page 134: Finale Ppt Char!

Kabanata 6

ANG KAHALAGAHAN NG PRODUKSIYON AT SAMAHANG

PAGNENEGOSYO

Page 135: Finale Ppt Char!

ARALIN 12 : MGA SALIK NG PRODUKSIYON AT PAGNENEGOSYO

Page 136: Finale Ppt Char!

Mga Salik ng Produksiyon

1. Paggawa- Ang paggawa ay paggamit ng lakas ng tao upang linangin ang mga likas na yaman sa paglikha ng mga produkto.

2. Kapital o Puhunan- ay meteryal na ginawa ng tao upang magamit sa produksiyon, tulad ng makinarya at ibang yaring produkto.

Page 137: Finale Ppt Char!

• Lupa- Bahagi ito ng likas na yaman ng bansa. Sa paggamit ng lupa, ang mga planta at pabrika.

• Entreprenyur- ay mahalagang salik ng produksiyon. Itinuturing siya ng Kapitan ng Industriya, sapagkat siya ang pinakaulo ng negosyo.

Page 138: Finale Ppt Char!

Tsart blg. 12.1

Iniikot

Espesyal

Malaya

Pirmihan

Isang ulit lamang

Isang tanging layunin

Pagbuo ng ibang produkto

Mahabang panahon

Page 139: Finale Ppt Char!

Klasipikasyon ng Samahang Pangnegosyo

• Sosyohan- Ito ang samahan ng dalawa o higit pang tao na nagkasundo na magbibigay ng salapi at ari-arian para sa pagtatayo ng isang negosyo at industriya.

• Korporasyon- Ang samahan na binubuo ng maraming tao na nagkasundo na magbigay ng kapital para sa negosyo.

Page 140: Finale Ppt Char!

• Kooperatiba- Ito ang samahang pangnegosyo na nais palawakin ng pamahalaan. Ito’y isang samahan na ang mga kasapi ay nagmamay-ari ng mga stocks.

Page 141: Finale Ppt Char!

EKSPLINASYON

Page 142: Finale Ppt Char!

• Sa araling ito ay ating pinag – aralan ang mga salik ng produksiyon at pagnenegosyo.

• Nabanggit na sa unang kung ano ang produksiyon . Ang produksiyon ay kakambal ng pagkonsumo . Dumaan sa proseso ang paglikha ng mga produkto , Kaya may mga Salik na ginagamit upang isagawa ang produksiyon , at upang ang mga produkto na ating kailangan ay ating makamtan.

Page 143: Finale Ppt Char!

Maraming salamat