HIMNO SA PAGGAWA
Sa "Himno ng Paggawa" isinalaysay ni Jose P. Rizal ang kasipagan ng mga tao sa Lipa, Batangas. Sa panahon na tayo'y nasa ilalim ng pamumuno ng Espanya gera't pag-aaway para sa pinapangarap na kalayaan na dapat ay nasasaatin. Inilarawan ni Rizal dito ang bawat tungkulin na ginagamapanan nang mga tao sa bayan ng Lipa, mula sa mga kababaihan hanggang sa mga ina, sa mga ama at sa umaasa pang maging ama, mula sa mga bata at sa hinaharap pang umaasa sa buhay.
KORO
Dahilan sa Bayan sa pagdirigmaan, Dahil sa Bayan din sa kapayapaan, Itong Pilipino ay maasahang Marunong mabuhay o kaya’y mamatay.
(Mga Lalaki)
Nakukulayan na ang dakong Silangan, Tayo na sa bukid, paggawa’y simulan, Pagka’t ang paggawa’y siyang sumusuhay Sa bayan, sa angkan, sa ating tahanan.
Lupa’y maaring magmamatigas naman, At magwalang-awa ang sikat ng araw Kung dahil sa anak, asawa at Bayan, Ang lahat sa ating pagsinta’y gagaan.
KORO
(Mga babaing may Asawa)
Magmasigla kayong yao sa gawain,Pagka’t ang baba’y nasa-bahay natin,At itinuturo sa batang mahalinAng Bayan, ang dunong at gawang magaling
Pagdatal ng gabi ng pagpapahinga,Kayo’y inaantay ng tuwa’t ligayaAt kung magkataong saama ang manguna,Ang magpapatuloy ang gawa’y ang sinta.
KORO
(Mga Dalaga)
Mabuhay! Mabuhay! Paggawa’y purihinNa siyang sa Baya’y nagbibigay-ningning!At dahil sa kanya’y taas ng paningin,Yamang siya’y dugo at buhay na angkin.
At kung may binatang nais na lumigaw,Ang paggawa’y siyang ipaninindigan;Sapagka’t ang taong may sipag na taglay,Sa iaanak nya’y magbibigay-buhay.
KORO
(Mga Bata)
Kami ay turuan ninyo ng gawain;At ang bukas ninyo’y aming tutuntuninBukas, kung tumawag ang bayan sa amin,Ang inyong ginawa’y aming tatapusin.
Kasabihan niyong mga matatanda:“Kung ano ang ama’y gayon din ang bata,”sapagka’t sa patay ang papuri’y wala.Maliban sa isang anak na dakila.
ISA-ISAHIN NATIN ANG BAWAT TALATA NG TULA AT AWIT NITO.
"Dahilan sa Bayan sa pagdirigmaan,Dahil sa Bayan din sa kapayapaan,Itong Pilipino ay maasahangMarunong mabuhay o kaya’y mamatay.”
Kahit sa panahon ngayon kinakaharap parin ng ilan sa ating mga kababayan ang sobrang kahirapan ngunit kilala tayong ngumingiti at masaya kahit sa kahirapang ito. Sabik matikman ang kasaganahan ng totoong buhay at handa harapin ang kahirapan kung yaoy darating.
PARA SA MGA LALAKI Para naman sa
kalalakihan ng Lipa, ang trabaho nila ay tatak ng kabuhayan.
Sipag at tiyaga ang sandata at dugo't pawis ang ibidensya ng kanilang buhay.
PARA SA MGA LALAKI
Mula sa pagsikat ng unang kulay nang umaga handa silang magtrabaho para sa kinabukasan ng kanilang pamilya. Isang simbolo na sana'y makuha ng lahat ng Pilipino lalong lalo na ang mga ama. Ang hirap ay kanilang binabaliwa dahil para ito sa kanilang kinabuhayan at kinabukasan ng kanilang mga anak.
PARA SA MGA LALAKI Ang bagay na hindi pinaghihirapan
ay kahit kelan ma'y kaligayahan ay hindi makakamit.
Ang ama ay itinuturing gabay ng kanilang mga anak at ang sipag na kanilang ipinapakita ay maaasahang gagawin rin ng mga bata. Sila ang halimbawa na hinahanap ng marami at kinakailangan ng bayan. Nasa kanila ang pag-angat ng Inang Bayan.
MGA BABAING MAY ASAWA Ang sipag ng ama ay siyang
sinusuklian ng asawang tapat at tunay na umiibig.
Ang ina ang liwanag ng tahanan. Lahat ng ipinaglalaban ay sadyang walang kapalit kapag para sa iniibig.
MGA BABAING MAY ASAWA Tunay nga naman na para sa
lalaki ang buhay na pinahahawakan ay baliwala kapag walang hinahatian.
Ang ina ang sumasalo ng hirap na di kinakaya ng ama.
Kapag sila ay magkasama lahat ay kayang lagpasan.
MGA DALAGA Ang buhay nang bayan ay
hindi humihinto sa mag-asawa at sa kanilang anak.
Mula sa pagkabata siya rin ay lalaking tunay na binata't dalaga. Marami ang lumalaban sa Kastila na sa maagang edad ang mga kalalakihan ay sumasabak.Para sa mga dalaga ang masipag at matiyaga ang nananaig sa kanilang mga puso.
MGA DALAGA
Ang panliligaw ay isang halimbawa.
Suyuin ng mga binata ang kanilang iniirog sa hinaharap panghabang buhay nilang makakasama.
MGA DALAGA
Ang mga nagnanais na mabuhay na sagana ay pinaghahandaan dapat ang gawain at ang paghirapan.
Ang matibay at malakas ganun rin ang katangian na posibleng makuha ng magiging anak.
MGA BATA Ang ala-ala at lahat ng
pinaghirapan nang magulang ay dadalhin din ng kanilang mga anak.
Ang mga bata ang kinabukasan ng bayan. Sa huli ay lahat ng ating ginawa ay isasalin rin natin sa mga bata ng susunod na henerasyon.
Sila'y ating turuan at bigyan ng pag-asa para sa kinabukasan nila at para sa atin na rin.