2018.11 Vol.76Ota City Navigation
Child-rearing Support CornerKids-na Omori, itinatag na information corner sa unang palapag
(1F). May mga miyembro ng komite na nananatili at nagmamasid sa
mga magulang at kanilang mga anak sa panahon ng pagpapalaki
ng anak. Nakikipagtulungan sa mga mamamayan sa purok
sa pagsasagawa ng mga kaganapan tulad ng handcraft party,
pagbabasa ng libro sa mga bata, at iba pa.
●Araw/Oras: Mon ~ Fri / 10:00am ~ 5:00pm
Child-rearing SpaceMay [Kids-na] sa iba’-t-ibang bahagi ng lungsod na maaring
mapuntahan ng mga magulang na nagpapalaki ng anak. Maaring
humingi rin ng payo tungkol sa pagpapalaki ng anak.
Family Support OtaIto ay isang child-rearing support network na nag-uugnay ng
mga miyembro na nangangailangan ng tulong sa pangangalaga
ng anak at mga miyembro na nais tumulong sa pangangalaga
ng bata. Maaring ipahatid at sundo sa Nursery School ang bata,
pangangalaga pagkatapos ng after-school care o gakudo, at
pangangalaga kapag may pupuntahan ang magulang.
Temporary Child-carePangangalagaan ang bata batay sa oras na kailangan kapag nais ng
magulang na pasiglahin ang sarili o mag-refresh, magpunta sa hair
salon o mag-shopping.
Kailangan magparehistro at reserbasyon.
●Araw at Oras: Mon ~ Sat / 9:00am ~ 6:00pm
●Bayad: ¥900/oras
●Nararapat: 5 buwan nang naninirahan sa lungsod ~ preschooler
Short Stay, Twilight Stay, Holiday Day ServicePansamantalang pangangalaga ng bata sa gabi, araw ng Linggo,
holiday (national holiday at year-end/start holiday) sa panahong
hindi maalagaan ang anak dahil sa karamdaman ng magulang,
pagkabal isa dulot ng pag-aalaga ng anak, panganganak,
pangangalaga ng matanda, seremonyal na okasyon sa pamilya o
kamag-anak at trabaho.
Sanggunian
Community Childcare Promotion Section,
Child and Family Support Center in Omori
☎03-5753-1153
SanggunianFamily Support Ota Offi ce ☎03-5753-1152
SanggunianKids-na Room Omori ☎03-5753-0805
Kids-na Room Rokugo ☎03-3733-1152
Sanggunian
Himawarien (2-15-18 Omori-minami Otaku)
☎03-5737-1070
Kosumosuen (2-3-22 Kugahara Otaku)
☎03-3751-3378
Sanggunian
Kids-na Omori (4-16-5 Omori-kita Otaku)
☎03-5753-7830
Kids-na Senzokuike (2-35-18 Ikegamidai Otaku)
☎03-5754-7830
Kids-na Kamata (7-49-2 Nishi-kamata Otaku)
☎03-5714-1152
Kids-na Rokugo (2-44-11 Naka-rokugo Otaku)
☎03-6715-7830
Para sa mga Nagpapalaki ng Anak, magpahinga muna sa
Child and Family Support Center (Kids-na)
Nahihirapan ka ba sa pagpapalaki ng anak o nais mo bang
humingi ng payo? Ang Child and Family Support Center ay
sumusuporta sa mga magulang na nagpapalaki ng anak sa
pamamagitan ng paglalaan ng lugar na maaring mapuntahan ng
magulang at anak, pagbibigay ng payo sa pagpapalaki ng anak,
pansamantalang pangangalaga ng bata, at pagpapakilala ng
mga boluntaryo na tumutulong sa pangangalaga ng anak.
Impormasyon para sa mga dayuhan
Tagalog
2
Mangyaring tumawag sa Global City Ota Cooperation Association Multilingual Consultation Desk (☎03-6424-8822) kung hindi
marunong ng wikang Hapon.
Ang Pambansang Pensiyon ay isang sistema na sumusuporta sa lahat
ng matatanda, may kapansanan at sariling pamumuhay sa hinaharap
sa pamamagitan ng pagsapi ng lahat ng mga taong naninirahan sa
Japan mula 20 hanggang 60 yrs.old.
1 Kategorya at Pagpapatala
Unang Kategorya ng Miyembro ng Seguro: May sariling negosyo,
estudyante, walang trabaho, atbp.
Ika-2 Kategorya ng Miyembro ng Seguro: Empleyado, nagtatrabaho
sa gobyerno, miyembro ng welfare pension (kosei nenkin) para sa
mga manggagawa.
Ika-3 Kategorya ng Miyembro ng Seguro: Asawa na umaasa o
dependent ng indibidwal na sakop ng ika-2 kategorya ng miyembro ng
seguro.
Ka i langang ipaa lam kapag nagkaroon ng pagbabago sa
kinabibilangang kategorya.
Kategorya Lugar ng Pagpapatala
Retirado, hindi na umaasa sa asawa o dependent
Ika-2 Kategorya→Unang Kategorya
City Hall, Special Branch Office
Nagsimulang magtrabaho
Unang Kategorya→Ika- 2 Kategorya
Lugar ng Pagtatrabahuan
Naging dependent ng indibidwal na nagtatrabaho sa kumpanya
Unang Kategorya→Ika-3 Kategorya
Kumpanya ng asawa
2 Ang Pambansang Pensiyon ay hindi lamang para sa panahon
ng pagtanda.
Bilang karagdagan sa pangunahing pensiyon para sa katandaan,
ang pambansang pensiyon ay mayroon din sistema tulad ng mga
sumusunod.
* Pensiyon para sa may Kapansanan: Maaring matanggap ng
indibidwal kapag ang kapansanan ay dahil sa karamdaman o pinsalang
natamo at ang antas ng kapansanan ay naayon sa batas kapag naging
65 taong gulang (may mga kondisyon bago mabigyan nito)
* Pensiyon para sa Naulila : Kapag ang indibidwal na miyembro
ng seguro o indibidwal na nakumpleto ang panahon sa pagiging
Notisya mula sa City Office
大田区生活展Pangkalahatang Impormasyon tungkol sa Pambansang Pensiyon (Kokumin Nenkin)
Sanggunian
1 2 3 National Pension Section, National Health
Insurance and National Pension Division
☎03-5744-1214 FAX03-5744-1516
4 Japan Pension Service Ota Branch Office
Wikang Hapon ☎03-3733-4141
Ingles, Intsik,
Koreyano
Call center
☎0570-003-004
(Mon-Fri 9:00~17:00)Tagalog,
Nepalese
http://www.nenkin.go.jp/
international/index.html
nararapat sa pensiyon para sa katandaan ay pumanaw, ang naulilang
pamilya (asawa na may anak) o (anak) ay makakatanggap ng
pensiyon (may mga kondisyon bago makatanggap nito).
※Anak: Bata hanggang sa unang March 31 matapos maabot ang 18
yrs. old, anak na may kapansanan na hindi hihigit sa 20 taong gulang.
*Pensiyon para sa Balo (Widow): Kapag ang asawa ay nagbayad ng
pambansang pensiyon ng mahigit 10 taon (kabilang ang panahon
ng iksemsyon) at pumanaw ito ng hindi nakakatanggap ng pensiyon,
ang asawang mahigit 10 taon na nakasama ay makakatanggap ng
pensiyon hanggang maging 60~65 taong gulang.
*Pagbabayad ng Buo sa Pagkamatay: Kapag ang indibidwal
ay nagbayad ng seguro ng mahigit 3 taon at pumanaw ng hindi
nakakatanggap ng anumang pensiyon, ang naiwang kasamang
pamilya ay makakatanggap ng pensiyon.
3 Sistema ng Iksemsyon, Pag-aantala at Espesyal na Sistema ng
Pagbabayad para sa mga Estudyante
Para sa mga nahihirapang magbayad ng Pambansang Pensiyon,
mayroong sistema ng iksemsyon, pag-aantala ng bayad at espesyal
na sistema ng pagbabayad para sa mga estudyante.Sa mga panahon
na nakatanggap ng iksemsyon, pag-antala ng bayad o espesyal na
sistema ng pagbabayad para sa estudyante, maaring magbayad ng
premium hanggang sa 10 taong nakaraan.
4 Ang Sertipiko ng Pagbawas ng Pambansang Pensiyon ay
ipapadala ng Japan Pension Service sa pamamagitan ng koreyo.
Ang kontribusyong babayaran hanggang September ay ipapadala sa
unang bahagi ng buwan ng November, ang kontribusyong babayaran
mula buwan ng October ay ipapadala sa unang nahagi ng buwan ng
February, 2019.
©Ota City
Libreng serbisyo ng interpretasyon gamit ang Tablet sa Ota City Office atbp.
● Mga Wika: English, Chinese, Korean, Spanish, Portugese, Vietnamese, Tagalog, Thai, French, Nepalese Russian at Hindu
Makipag-ugnay sa: Internationalization and Multiculturalism Promotion Division ☎ 03-5744-1227
3
Ang noro virus ay laganap tuwing panahon ng taglamig bawat taon at
maraming mga kaso ng impeksyon nagkakahawa-hawa sa maraming
tao.
① Pangkaraniwang pagkahawa ay mula sa bibig at maaring mahawa
nito kahit kaunting pagkalantad lang sa mikrobyo.
● Kapag kumain ng hilaw o hindi sapat ang pagkaluto na mga kabibi na
nagtataglay ng mikrobyo o virus.
● Kapag kumain ng lutong pagkain ng nahawaang tao na walang sapat
na paghuhugas ng kamay.
● Kapag kumain o may ipasok sa bibig gamit ang daliri na nahawakan
ang dumi o suka ng nahawaang tao.
② Ang mga pangunahing sintomas ay pagsusuka, pagtatae at pagsakit
ng tiyan. Maaring maging sanhi ng kawalan ng tubig sa katawan o
dehydration ng mga sanggol o matatandang mahawaan, kaya kapag
nakita o naramdaman ang sintomas na nahawaan magpunta agad sa
doktor sa lalong madaling panahon.
③ Mga nararapat gawin upang makaiwas na mahawaan…ugaliin ang
paghuhugas ng kamay mahigit sa 30 segundo gamit ang sabon bago
kumain at pagkatapos gumamit ng palikuran o toilet. Iwasang kumain
ng mga hilaw na pagkain tulad ng talaba o oyster at tiyakin na niluto
Ngunit higit sa lahat, gustong-gusto ko ang mga pagbabago ng
panahon mula tag-init papuntang panahon ng taglagas. Ang mga
dahon na kulay dilaw, pula at matingkad na pula, ang langutngot
na tunog ng naapakang mga dahon na nahulog sa lupa, malambot
na sweater at scarf, balutin ang sarili ng mainit at komportableng
kasuotan habang nagbabasa ng magandang libro. Gayundin, ang
mga buwan na ito ang pinakamagandang panahon para sa koyo
o pagbabago ng kulay ng mga dahon sa panahon ng taglagas,
kaya kung mayroong pagkakataon magpunta kayo sa mga parke at
hahangaan ninyo ang pagpapalit ng kulay ng mga dahon.
Umaasa akong makabisita sa Den-enchofu Seseragi Park upang
mamalas ang tanawin ng kulay ng taglagas.
Alam ko na maraming bagyo at maulang araw ang dumating ngunit
huwag natin gawin itong dahilan para masira ang ating kalooban
ngayong panahon ng taglagas. Siguruhing magsuot ng damit
na mapapanatiling mainit ang katawan at mag-ingat upang hindi
magkasipon.
[Sanggunian]
Internationalization and Multiculturalism Promotion Division
☎03-5744-1227
大田区生活展Mag-ingat sa Malubhang Kabag o Gastroenteritis na dulot ng mga mikrobyo tulad ng Noro Virus!
大田区生活展OTA Walking ~ Paglalakad sa Ikegami Honmonji Temple at Palibot ng Magome ~
大田区生活展Pinakamababa o Minimum na Sahod sa Tokyo ay naging ¥985
Bethany’s Corner – International Relations Coordinator
Sanggunian
Ota Sport Association (Public Interest Incorporated
Foundation)
☎ 03-5471-8787 FAX03-5471-8789
Sanggunian
Infectious Disease Countermeasures Section,
Infectious Disease Countermeasures Division
☎03-5744-1263 FAX 03-5744-1524Sanggunian
Wages Section, Tokyo Labor Bureau
☎03-3512-1614
● Petsa/Oras: Nov. 25, 2018 (Sun) /
9:00am~12:30pm (magtitipon sa
Misono Junior High School (8-5-
1 Nishi-kamata Otaku) ng 8:30am-
9:00am)
※ Makakansela kapag umulan ng
malakas. Kailangan samahan ng
magulang ang anak kapag hindi pa mag-aaral sa elementarya (12
yrs. old pababa).
● Course: Mula Kamata, dadaan ng Ikegami Honmonji Temple,
Magome Sakura Namiki hanggang Ota Bunka no Mori (6.5 km)
● Paraan ng Pag-apply: Magpunta ng direkta sa lugar na pagtitipunan.
Hindi kailangan ng reserbasyon.
●Walang bayad
Mula Oct. 1, 2018, ang sahod kada oras ay naging ¥985. Nalalapat
ito sa lahat ng manggagawa sa lungsod anuman ang edad, part-timer
man o estudyanteng arubaito.
ito bago kainin.
④ Pagtatapon ng suka…gumamit ng surgical mask at guwantes
sa paglinis ng suka, mahigpit na isarado ang plastic bag na
paglalagyan ng basura bago itapon. Ang mga lugar na nahawaan ay
madidisimpekta gamit ang kloro (chlorine bleach). Hugasan ng husto
ang kamay pagkatapos magtapon.
4Ota City Navigation 2018/11/15 (Inilalathala tuwing ika-15 ng buwan (maliban sa buwan ng Enero at Agosto)
Issued by Internationalization & Multiculturalism Promotion Division, Ota City Office
144-8621 5-13-14, Kamata, Ota ☎ 03-5744-1227 FAX 03-5744-1323
Multilingual Consultation Desk
Sanggunian
Global City Ota Cooperation Association Multilingual Consultation Desk
Lugar: Consumer Center 1F 5-13-26 Kamata Ota-ku
☎03-6424-8822 FAX 03-5710-6330
※ Mangyaring bisitahin ang homepage para sa schedule ng mga
suportadong wika at iba pang impormasyon.
https://www.ota-goca.or.jp/consultation/
Nagbibigay ng konsultasyon sa iba’t-ibang wika. Huwag mag-atubiling
sumangguni tungkol sa mga problema o mga bagay na nais malaman
tungkol sa problema sa wika, tungkol sa anak, pagpapakasal,
pakikipag-hiwalay, trabaho, atbp.
Bilang karagdagan, maaring ipasalin ang dokumento na kailangan
i-submit sa lungsod ng Ota at nagpapadala ng tagasalin ng wika sa
munisipyo o public office.
Oras at Suportadong Wika: Mon-Fri, 9:00~12:00 Intsik, Ingles,
Tagalog, Nepalese, Vietnamese
Maraming mga pang-internasyonal na organisasyon sa lungsod ng Ota na nagboboluntaryong magturo ng wikang Hapon. Ipinakikilala namin
ng 2 bahagi ang mga organisasyon sa distrito ng Kamata at Omori. Ang ika-2 bahagi ay ang distrito ng Omori na nakatakdang ihayag sa isyu ng
February, 2019.
※Mangyaring direktang makipag-ugnay sa bawat grupo kung nais na bumisita at malaman ang detalye sa paglahok.
# Pangalan ng Grupo Araw/Oras Lugar Nararapat Sanggunian
1 Nihongo WITH Mon 7:00pm ~8:30pm ASinuman (16 yrs. old at pataas
lamang)
Taketomo Miyashita ☎090-1460-0357
2OCNet (Ota Citizens' Network
for Peoples' Togetherness)
Wed 7:00pm~8:45pm
Fri 10:00am~11:30pmA Baguhan
Naoko Tenmyo ☎090-8594-2397
Office☎・FAX03-3730-05563
Wed 3:30pm~5:00pm
Sat 1:30pm~2:40pmA Mag-aaral sa Elem. at JHS
4Nihongo International
Exchange ClubSat 9:30am~12:00pm B
Mag-aaral sa JHS o higit pa na
nakakabasa at nakakasulat sa
Wikang Hapon
Katsuyoshi Nakayama
☎080-2008-9376
5Hajimeteno Nihongo (First
Japanese)Sat 10:00am~11:30am B Baguhan Hiroko Hoshino ☎080-3205-3649
6Sunday Nihongo Conversation
Circle10:00am~12:00pm B Sinuman Nobuo Kubota ☎090-1762-4713
7 Legato Ota Sun 1:00pm~3:00pm C SinumanYamaguchi
8 Habataki (Wing beat) Mon, Thu 7:00pm~9:00pm D
Mag-aaral sa Elem., JHS at SHS
na Naghahanda para sa entrance
test
Yoshiharu Kawai ☎080-3520-4689
9Mebae (Haginaka)
Children's Japanese study
group
Tue, Thu 7:00pm~9:00pm E Mag-aaral sa Elem., at JHS Kesahide Okuyama☎080-5935-2271
10Japanese Language Tuesday
CircleTue 10:30am~12:00pm F Baguhan, Intermediya Chieko Kurita ☎03-3751-7592
Mga Boluntaryong Japanese Classes sa Lungsod ng Ota. Part 1 (Distrito ng Kamata)
A:Fureai Hasunuma ( 3-19-1 Nishi-kamata Otaku)
B:mics Ota ( 5-13-26-101 Kamata Otaku)
C:Legato Ota Office ( 6-36-14 TKK Mansion 1F Nishi-kamata Otaku)
D:Shinshuku Elementary School ( 1-5-1 Honchou Kamata Otaku)
E:Haginaka Elementary School ( 3-4-22 Hon-haneda Otaku)
F:Chidori Children’s Hall ( 3-11-7 Chidori Otaku)
Maaaring ma-download ang detalye ng talaan mula sa sumusunod na
website.
https://www.city.ota.tokyo.jp/kokusaitoshi/kouryu/nihongo_kyositu_
multilingual.html