Ibat-
Ibang Uri ng
Likas na yaman
ng Pilipinas
Mrs. Carolina D. Mojica
HEKASI VI- Teacher
Yamang Likas
Yaman na biyaya ng kalikasan
Ang yamang likas ay ang pangunahing pinagmumulan ng yaman at batayan ng kaunlarang
pangkabuhayan ng isang lugar o bansa.
Kilala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng saganang Likas na yaman. Ang mayayamang kagubatan, pangisdaan, at minahan sa ating kapaligaran ay nakakatulong sa
pag-unlad ng pamumuhay at katatagan sa kabuhayaan ng bansa.
Paano ba natin dapat gamitin ang mga Likas na yaman ng ating bansa.?
Yamang
Lupa
Yamang Lupa Ang lupain sa ating bansa ay
may sukat na 300,000 na kilometro kuwadrado. Ito ay
binubuo ng iba’t-ibang anyong lupa.
Mahigit sa 50% ng ating lupain ay kagubatan.
Ang lupa ay pinanggagalingan ng mga hilaw na materyales
na kailangan sa paglikha ng mga produkto.
Ang natitira naman na 50% ay alienable at disposable lands o mga lupain na maaring ipamana o ipamahagi tulad ng mga
lupaing residensyal, komersyal at lupang agrikultural.
Yamang Lupa Mga bumubuo sa yamang lupa:
Bundok
Burol
Bulkan Lambak
Talampas
KapataganGulay
Prutas
Yamang
Gubat
Yamang Gubat Yamang Gubat Yamang Gubat
Yamang Gubat Halos kalahati ng ating kapuluan ay kagubatan.
Ang ating kagubatan ay mayroong 3,500 na iba’t-ibang uri ng punong kahoy. Mayrron din 1,000 na iba’t-ibang uri ng orkidyas kabilang na ang waling-waling na tinuturin na
isa sa pinakamagandang orkidyas sa buong mundo.
Tinitirahan din ng halos napakaraming insekto at hayop ang gubat sa bansa. Tinatayang
25,000 sa mga ito ay insekto, 950 naman ang uri ng mga mamalia, 535 na labas- pasok na ibon, 185
dito ay sa Pilipinas lamang matatagpuan.
Yamang Gubat Ang kagubatan ang pinaka malaking pinagkukunan ng
yaman ng bansa.
Maraming produkto ang makukuha dito gaya ng mga
hilaw na materyales galing sa mga troso o punong kahoy.
Napakahalaga ng ating kagubatan sapagkat sila ang isa sa mga dahilan upang mabigyan tayo ng proteksyon sa polusyon,
tagtuyot man o tag ulan.
Yamang Gubat Makikita naman sa kagubatan natin ang mga
sumusunod na tanyag sa ating bansa at maging sa ibang mundo.
Philippine Eagle- Pinaka malaking Agila ssa buong mundo.
Philippine Tamarraw- Kawangis ng kalabaw ngunit mas maliit. Pabaliktad ang
sungay at matatagpuan sa Mindoro.
Yamang Gubat Tarsier- Pinaka maliit na unggoy sa
buong mundo na matatagpuan sa Bohol at Panay
Mouse Deer- Pinaka maliit na usa sa buong mundo. Kasing laki lamang ng
daga.
Pandaka Pygmeae- Pinaka maliit na isda sa buong mundo. At pinaka maiikling isda sa tubig na “fresh
water”
Yamang Gubat Narra
Mangrove/Bakawan Kawayan
Mahogany
Yamang Tubig
Yamang Tubig
Ang ating territorial water ay may sukat na 1.67 milyon kilometro
kwadrado na dahilan upang kilalanin ang bansa na isa sa mga sentrong
pangisdaan.
Ang ating karagatan, dagat, ilog, sapa at iba pang anyong tubig ay
pinagkukunan ng iba’tibang pagkaing dagat.
Yamang Tubig Humigit sa 70% ng produksiyon ng
isda ay buhat sa Gitnang Luzon, Kanlurang Visayas at Timog Luzon
kasama narin ang baybayin ng Sulu, Zamboanga at Maynila.
Dahil ang Pilipinas ay isang kapuluan, iba’t- ibang anyong tubig na may iba’t-ibang laki at lawak din ang
matatagpuan dito.
higit na malaki ang bahagi ng katubigan ng bansa kaysa sa bahaging
lupa nito.
Yamang Tubig Tinatayang may 2500
na uri ng isda ang lumalangoy sa katubigan
ng Pilipinas
Sa mga Korales naman, mayroon ang
Pilipinas na 488 na uri.
Yamang Tubig Ang mga sumusunod ay katatagpuan sa katubigan ng
mga Yaman ng bansa na katangi-tangi.
Butanding- Ang pinaka malaking isda sa buong mundo.
Pandaka Pygmeae- Pinaka maliit na isda sa buong mundo. At pinaka maiikling isda sa tubig na “fresh
water”
Yamang Tubig Dugong- Kakaibang mamalia na makikita lamang sa dagat ng Pilipinas at sa Red sea.
Pawikan- Isang uri ng pagong na may palikpik imbes na paa.
Tridacna Gigas- Pinakamalaking kabibe sa buong mundo. May bigat na 600 na
libra at isang metro ang sukat
Yamang Tubig Pisidium- Pinaka maliit na kabibe sa
buong mundo.
Glory of the Sea- Pinaka mahal na kabibe sa buong mundo.
Perlas ni Allah- Ang pinakamalaking perlas sa buong daigdig
Yamang Mineral
Yamang Mineral Ayon sa mga nabigador, at heograpo, tunay na mayaman ang Pilipinas pagdating sa yamang mineral noon pa man.
Ang paggamit nito ay dapat may pag i-ingat.
Ang yamang mineral, ang bukod tanging likas na hindi
maaring paramihin at hindi rin pwedeng palitan.
Ibig-sabhin pag ito ay nagamit na, hindi napapalitan
o nawawala na ng tuluyan.
Yamang Mineral
Nauuri sa tatlo ang ating yamang Mineral: Ang Metal na Mineral, Di- Metal na Mineral
at Panggatong na Mineral.
Yamang Mineral Metal na Mineral- nadadaluyan ng Kuryente.
Ginagamit ang mga ganitong uri ng mineral sa paggawa ng Alahas, yero, riles ng tren, makina,
instrumentong pamusika at iba pa.
Ginto Pilak Zinc Nikel
Yamang Mineral Di- Metal na Mineral- hindi nadadaluyan ng kuryente.
Ang ganitong uri ng metal ay sangkap sa iba’t ibang uri ng paggawa ng bagay na pangkabuhayan kagaya ng
sabon, banga, kalsada, gamot at iba pa.
Sulphur Luad/Clay Aspalto Phosphate
Yamang Mineral Panggatong na Mineral- Pangunahing pinagkukunann ng enerhiya para sa industriya at sa bahay para sa pang araw-
araw na gawain
PetroleumCarbon/uling langis
Yamang Mineral Mga pinagkukunan ng Ilang mga Yamang Mineral.
Ginto- Benguet, Camarines Norte, Masbate, Cebu, Marinduque, Davao del Sur , Surigao del Norte
Chromite At Guano – Zambales (Pinakamalaking deposito ng Chromite sa bansa)
Nikel- Surigao del Norte (pinakamalaking deposito sa buong Asya)
Copper- Cebu
Marmol- Romblon
Langis- Palawan, Calayaan Group of Island
Mga Likas na Yaman Ayon sa
Anyo Yamang Napapalitan
Yamang Di Napapalitan
Yamang Napapalitan Mga yaman na maaring paramihin pa.
Ang mga halaman at puno ay napaparami sa pamamagitan ng pagtatanim habang ang mga
hayop at insekto ay napaparami naman sa pamamagitan ng pag-aanak.
Sa pamamagitan ng maayos na pag-aalaga at pananatili sa mga yamang ito ng bansa, mas
napaparami natin ang mga ito upang mas makatustos sa pangangailangan ng mga
mamamayan.
Yamang Di- Napapalitan Mga yaman na hindi na maaring mapalitan pa.
Mauubos ang mga ito kung walang habas ang paggamit natin sa mga ito.
Gaya na lamang ito ng mga yamang Mineral na mahirap at napaka tagal ang proseso upang maging bagong
mineral o maging mineral muli.
Kinakailangan sa mga ganitong uri ng Likas na Yaman ang R3 (Reuse, Reduse, Recycle) upang muli itong mgamit.
matalinong paraan ng paggamit ang nararapat sa ganitong uri ng Yaman.