Acknowledgement
Sa lahat ng mga taong tumulong upang magkaroon ng kaganapanang gawaing ito, isang taos pusong pasasalamat. Sa aking pamilya,na aking naging inspirasyon
sa paggawa ng pananaliksik na ito,sa kanilang walang sawang tulong at suportang pinansyal naibinigay upang matapos ang pangangailangan para dito. Sa mga
kaibigan, na tumulong at naging gabay ko sa paggawa nito. Atpara
sa aking guro, Ginang Dumaop na nakatuwang ko at gabay upang
magawa ang sulating pananaliksik na ito.
2 | P a g e
Table of Content
Acknowledgement………………………………………………………..….…2
Introduction………………………………………………………………….…...4
Ekonomiks………………………………………………………………...…….…5
Iba pang kahulugan ng ekonomiks…………………………….……….8
Ang Kaugnayan ng Ekonomiks Sa Iba pang Agham-Panlipunan…...11Mga Ekonomistang Pilipino………………………………………………14
Mga Banyagang Ekonomista…………………………………………….19
Mga uri ng sistemang pang ekonomiya…………………………….21
Implasyon………………………………………………………………………. 23
Mga Dahilan ng Implasyon……………………………………….……….25
Patakarang Pananalapi……………………………………………..………26
Kalagayang Pang-ekonomiya ng Pilipinas…………………………..29
Mga Kagamitan Sa Pag-aaral ng Ekonomiks……………………….31
Ang Grap…………………………………………………………………….……..32
Ang Kaugnayan ng Grap at Matematika………………….…………33
Significance of the Research Paper…………………………….…....37
Definition of Term…………………………………………………………..…38
3 | P a g e
Introduction Economics is the social science studying the production, distribution and consumption of goods and services. It is a complex social science that spans from mathematics to psychology. At its most basic, however, economics considers how a society provides for its needs. Its most basic need is survival; which requires food, clothing and shelter. Once those are covered, it can then look at more sophisticated commodities such as services, personal transport, entertainment, the list goes on. Today, this social science known as "Economics" tends to refer only to the type of economic thought which political economists refer to as Neoclassical Economics. It developed in the 18th century based on the idea that Economics can be analysed mathematically and scientifically. Other schools of thought have included Classical and Modern Political Economy, Marxian Economics, Institutional Economics and Keynesian Economics. These all have different emphases on certain aspects of economics.
4 | P a g e
Ekonomiks Ang EKONOMIKS ay nagmula sa salitang 'oiko', na ang ibig sabihin ay pamamahala at
'nomos' na nangangahulugang tahanan. Ito ay
isang agham sa pag-aaral ng kilos at
pagsisikap ng tao at paraan ng paggamit ng mga
limitadong yaman ng bansa upang matugunan ang
tila walang katapusang panagangailangan ng
tao.
Nakilala si Adam Smith bilang 'Ama ng
Makabagong Ekonomiks'. Siya ang nagpahayag ng
doktrinang Laissez Faire o Let Alone Policy na
nagsasaad na ang pamahalaan ay hindi dapat
pakialaman ang tao sa pagpapaunlaad ng mga
industriya bagkus ay bigyang-pansin nito ang
pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng
bansa.
Si David Ricardo ay nakilala naman sa
kanyang katangi-tanging pananaw sa epekto ng
likas na yaman tulad ng lupa upang makamit ang
pag-unlad ng ekonomiya. Ayon sa kanyang
Batas ng Lumiliit na Pakinabang o Law of
5 | P a g e
Diminishing Marginal Returns,ang pagdami ng
tao ang nagsisilbing dahilan ng pagbungkal ng
tao sa mga di-mabuting lupa upang matustusan
ang kanilang mga pangangailangan.
Samantalang si Thomas Robert Malthus
ay naglahad ng kaisipan ukol sa epekto ng
mabilis na paglaki ng populasyon. Batay sa
kanyang teorya na tinawag na Malthusian Theory
na naisulat sa aklat na An Essay on the
Principle of Population,ang populasyon ay mas
mabilis lumaki kaysa sa suplay ng pagkain na
maaaring magbunga ng pagkagutom ng maraming
tao at makaaapekto sa pagsasagawa ng
mahahalagang gawaing pangkabuhayan.
Ang 'Ama ng Komunismo' na si
Karl Marx ay nag-ambag din ng mahahalagang
prinsipyo at pananaw ukol sa ugat ng kahirapan
na tao at lipunan. Si Marx ay naniniwala na
ang pag-iral ng kapitalismo ang pangunahing
dahilan kung bakit mraming tao, lalo na ang
mga manggagawa ang naghihirap sapagkat sila ay
kinasangkapan ng mga mayayamang kapitalista
para sa pansariling interes at pagpapayaman
6 | P a g e
nila. Siya rin ang may-akda ng librong Das
Kapital. Ayon naman kay John Maynard Keynes,
ang pamahalaan ay may malaking papel na
ginagampanan upang mapanatili ang ekwilibriyo
sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagsasaayos ng
demand, suplay at presyo sa pamilihan. Ang
saklaw ng ekonomiks ay nakapaloob sa dalawang
konsepto o sangay, ito ay ang maykroekonomiks
at makroekonomiks. Ang maykroekonomiks ay
tumtukoy sa pag-aaral ng mga maliliit na yunit
o bahagi ng ating ekonomiya. Samantala ang
makroekonomiks ay pag-aaral ng kabuuang gawi o
pangkalahatang dimensyon ng ekonomiya.
KARAGDAGANG KAHULUGAN NG EKONOMIYA
7 | P a g e
→ Kalipunan ng mga gawain ng tao, pamayanan at institusyon na may kaugnayan sa paglilikha, pamamahagi, palitan at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo. Mahalaga ito sa pag-aaral ng ekonomika. Nalalaman kung ang isang bansa ay maunlad, papaunlad o mahirap ayon sa mga estadistika ng ekonomiya. Maaari ring sabihin na ang ekonomiya ay ang sitwasyong pang-kabuhayan sa isang bansa.
→ Ang ekonomiya ay ukol sa pag-aaral ng pagkonsumo at produksyon ganun na rin ang pangangailangan ng mga tao at ang pinagmumulang yaman ng ating pangangailangan. Kailangang pagaralan ang ekonomiya sa kadahilanang sa dami ng populasyon sa ating bansa, halata naman at hindi maiiwasang isipin na balang araw ay hindi na magiging sapat at magkukulang na ang suplay ng ating pangangailangan na nakukuha natin sa ating kalikasan dahil na rin sa walang katapusang hilig at luhong hindi naman masyadong mahalaga.
Ang ekonomiks ay isang agham dahil ginagamitan ito ng mga tsart, grap, at
8 | P a g e
matematika sa mga pagsusuring ukol dito. Higit pa rito ay sinusunod nito ang mga pamamaraan ng paglulutas sa mga suliraning iginawad sa sangkatauhan ni Sir Francis Bacon, ang scientific method. Gaya ng ibang mga agham, naniniwala ang ekonomiks sa kalipunan ng mga hakbang na dapat isagawa upang malutas ang mga suliranin sa asignaturang ito. Kinakailangan muna tukuyin ang problema, gumawa ng hypotheses, mag-obserba at kumalap ng mga datos, bago guamawa ng konklusyon. Sa tulong ng pamamaraang ito lamang, ayon kay Bacon, maari nating masiguro ang mga konklusyong ating binubuo bilang kalutasan sa mga suliranin.
Ayon kay Paul Wonnacott . Ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano ang tao naghahanap-buhay, naghahanap ng pagkain at iba pa ng pangangailangang materyal. Binibigyang pansin ang mga suliraning pangkabuhayan sa pamamagitan ng pamamaraan kung paano malulunasan o mababawasan ang mga ito.
Ayon kay Roger Le Roy Miller Ang mga kalagayan na nangangailangan ng kapasayahan kung paano, kailan, at saan gagamit ang sapat na pinagkukunang yaman.
Ayon kay Lloyd Reynolds Ito ay ang pag-aaral na may kinalaman sa produksyon,
9 | P a g e
pamamahagi at paggamit ng pinagkukunang yaman.
Ayon kay Gerardo Sicat Ayon sa kanya ang ekonomiks ay isang makaagham na pag-aaral na tumutukoy kung paano gumagawa ng pasya ang isang tao o lipunan. Maraming pangangailangan ang mga tao at pangkat ng lipunan at upang matugunan ito, may pinagkukunang yaman na dapat gamitin subalit hindi ito makasasapat sa pangangailangan at ang paggamit ay maaaring sa ngayon at bukas. Kaya naman ang tamang pagpapasya o pagpili ay isinasaalang- alang ang ngayon at bukas. Bukod dito ang paggamit ng likas na yaman ay may kakulangan ngunit may kaukulan na halaga at pakinabang na nangangailangan ng wastong kapasyahan.
Ayon kay Clifford James Kabuuan ng nalalaman, bunga ng pakikipag-ugnayan ng tao sa pagnanais na magkakita sa kabuhayan.
Ang Kaugnayan ng Ekonomiks sa Iba pang Agham-Panlipunan
10 | P a g e
Ang ekonomiks ay nauugnay sa iba pang agham-
panlipunan. Ilan sa mga ito ay ang kasaysayan,
heograpiya, agham-pampulitika, sosyolohiya, at
etika at pilosopiya.
Bilang isang agham ng pag-aaral tungkol sa
mga pangyayari sa nakalipas, nauugnay ang
ekonomiks sa kasaysayan dahil pinag-aaralan
din dito ang mga gawaing pangkabuhayan ng tao
simula pa noong sinaunang panahon hanggang sa
kasalukuyan.
Sa heograpiya, pinag-aaralan ang kalagayan
at estruktura ng ibabaw ng daigdig at ang
epekto nito sa tao at kapaligiran. Sa
ekonomiks, natatalakay ang ilang batayang
konsepto ng heograpiya dahil binibigyang-
pansin dito ang pinagmumulan ng mga likas na
yaman.
Samantala, mahalaga naman ang kaalaman sa
agham-pampulitika upang malaman kung paano
pinangangasiwaan ng pamahalaan ang mga
11 | P a g e
pinagkukunang-yaman nang sa gayon ay matugunan
nang maayos ang mga pangangailangan ng mga
mamamayan. Maaaring sa pag-aaral ng agham-
pampulitika, papasok ang mga batayang
kaisipang pang-ekonomiko tulad ng kakapusan at
populasyon.
Kaugnay rin ng ekonomiks ang sosyolohiya na
tungkol sa pag-aaral kung paano kumikilos ang
mga tao sa kanilang lipunan kaugnay ng
kanilang kinagisnang kultura. Pinag-aaralan
din dito ang ugnayan ng tao, institusyon, at
estruktura ng lipunang ginagalawan. Nakapaloob
din dito ang pag-aaral sa pag-uugali ng mga
mamimili at negosyante kung kaya ang agham ng
sikolohiya ay natatalakay rin sa pag-aaral ng
ekonomiks.
KALAGAYAN NG EKONOMIKS
12 | P a g e
Kung maganda ang ekonomiya ng bansa ay maganda rin ang estado nito o lagay ng pananalapi o maraming investors at mga negosyo ang asensado. 1. Paggawa ng matalinong desisyon. 2. Paglinang ng kaisipan sa mga nagaganap sa ating paligid. 3. Pagnanais ng tao na mabuhay.
Ang kahalagahan ng ekonomiks ay napag-aaralan nito ang mga bagay bagy tungkol sa ating bansa katulad ng populasyon at ang mga walang katapusang pangangailangan ng tao. Hindi natin kailangan ng mga maluhong bagay para mabuhay sa mundo.
1) Nauunawaan ang pamamaraan kung papaano magamit ang limitadong pinagkukunang yaman. 2) Makakatulong sa pagsuri sa mga paraan na matugunan ang suliranin ng kakapusan. 3)Naiintindihan kung paano nakakaapekto sa bansa ang kilos ng ekonomiya. 4) Malalaman ang mga suliraning umiiral sa buong daigdig na may kinalaman sa lipunan at kabuhayan na mga tao.5)Nakakatulong sa pag-unlad ng isang bansa. 6)Mauunawaan ang mga sanhi ng mabagal na pag-unlad ng bansa at kung bakit may mga bansang mabilis ang
pag-unlad.
13 | P a g e
Mga Ekonomistang Pilipino:
1. Si Jose Encarnacion Jr.(1928 - 1998) ang nagbigay ng kontribusyon ukol sa sa teorya ng Ekonomiya ng Pilipinas. Sa kanyang pagsulat ng mga artikulo ukol sa Ekonomiya ng Pilipinas, nahirang siya sa isa sa "Ten Outstanding Young Men (TOYM)" ng Junior Chamber of the Philippines at "Distinguished Scholar of the University of the Philippines" noong 1968.Siya ay pinarangalan bilang "Pambansang Siyentipiko sa larangan ng Ekonomiya" noong 1987. Isinilang si Jose Jr. sa Maynila noong Nobyembre 17, 1928. Nakapagtapos ng Master of Arts in Philosophy sa Unibersidad ng Pilipinas, masters degree at doctorate degree in Economics noong taong 1954 at 1960. Kinilala siya bilang ekonomista, guro at dekano ng School of Economics sa Unibersidad ng Pilipinas. Kauna-unahang Pilipino na nakapagpalathala ng artikulo sa International Economic review, vol. 10, no. 2 na may titulong "On Independence Postulates Concerning Choice.", at sa Econometrica, vol. 32, no. 1 & 2, na may titulong "A note on lexicographical Preferences." Ang iba pa niyang mga sulatin ay lumabas din sa iba't ibang journal sa Inglatera at Estados Unidos.2. Solita Collas-Monsod - sikat at kilala bilang Mareng Winnie, ay isang Pilipinong tagapagbalita sa radyo, isang ekonomista, propesor, at manunulat. Si Monsod ay mahusay at kilala para sa kanyang papel bilang Socio-pang-ekonomiya 14 | P a g e
Planning Secretary sa panahon ng termino ng Pangulo Corazon Aquino at bilang isang host ng debate GMA Network. Si Monsod ay isang iginagalang ekonomista at pampulitikang komentarista sa Pilipinas. Siya ay may-asawa na si Christian S. Monsod, isang corporate executive at minsang naging Chairman ng Philippine Commission sa Halalan. Sila ay may limang anak na humahawak ng iba't-ibang mga karera. Si Monsod ay nagtapos ng Bachelor of Arts in Economics Degree, may karangalan sa Unibersidad ng Pilipinas sa 1959. Siya ay nakuha ng isang Master ng Sining sa Economics mula sa University of Pennsylvania sa 1962 at naging isang kandidato ng Ph.D. Economics. Sya ay nagtuturo sa Unibersidad ng Pilipinas School of Economics noong 1963. Sa 2005, siya ay hinirang upang maging President of the University of Philippines System, isang opisina na nag-uutos sa management ng lahat ng UP campus sa buong bansa. 3. Pura Villanueva Kalaw- (B. Agosto 27, 1886 - D. 1954) ay kilala para sa kanyang mga aktibong panlipunan, pang-ekonomiya at serbisyo sa kanyang bansa at mga tao. Ang pagkakaroon ng isang simbuyo ng damdamin para sa pagsulat, hinihimok nya ang mga batang manunulat upang ituloy ang kanilang mga pangarap. Ang isang negosyante at ekonomista sa kanyang sariling paninindigan, Villanueva Kalaw Social Works ay tumatak sa isip at puso ng kanyang mga kababayang Pilipino. Ang lahat
15 | P a g e
ng mga serbisyo na inalay nya sa kanyang mga benepisyaryo ay nagiging Masaya hanggang ngayon pat sa ibang mga tao. 4. Mar Roxas - nakatuon sya sa pagpapalaganap ng kanyang Palengkenomics Program na naglalayong pangalagaan pareho ang kapakanan ng consumers at mga market vendors at mabigyan ng murang pautang upang huwag mabiktima ang mga vendors ng loan sharks at 5-6 usurers. Layunin din nyang mapasigla at mapaunlad ang ekonomiya sa liblib na mga barangay; at mabigyan ang small and medium enterprises ng pautang sa maliit na interes. Kasama rin sa kanyang nagawa ay ang "Marangal na Kabuhayan," kabuhayan para mga maralitang taga-lungsod; "Presyong Tama,Gamot Pampamilya," dekalidad na gamot at produktong pangkalusugan sa mas murang halaga; personal computers for public schools, pamamahagi ng computers sa mga public schools sa buong bansa; Adopt a School Program - upang matulungan ang mahihirap na public high schools; at call centers upang mabigyan ng trabaho ang 300,000 kabataan sa loob ng limang taon.
5. Benjamin Diokno - nagsilbi bilang pandalawang ministro para sa Budget Operations sa Department of Budget and
16 | P a g e
Management, form 1986-1991 sa panahon ng pamamahala ng Pangulo Corazon Aquino. Sa panahon ng administrasyon Aquino, ibinigay ni Diokno ang teknikal na tulong sa ilang mga pangunahing reporma tulad ng disenyo ng 1986 Tax Repormang Program, na pinagaan ang income tax at ipinakilala ang value-added tax (VAT), at sa 1991 Local Government Code ng Pilipinas. Sinigurado nya ang teknikal na tulong mula sa Canadian International Development Agency (CIDA) upang matulungan ang GPS na bumuo ng isang elektronikong sistema ng pagkuha kasama ang mga linya ng Canadian model. Sa pamamagitan ng Agosto 1999, ang DBM ay nagkaroon ng dalawang mga dokumento na kailangan upang simulan ang reporma sa pampublikong pagkuha. Sa unang bahagi ng 2000, Si Diokno at ang USAID ay matagumpay na ng Substantial Technical Assistance Program para sa mga programa na badyet ng DBM's Reform, na ngayon ay kasama sa pagkuha ng reform.
6. Maria Gloria Macapagal Arroyo - sa ekonomiya nakapokus ang pagkapangulo ni GMA.
17 | P a g e
Sa kanyang pagkapangulo, ipinatupad nya ang isang controversial policy ng holiday economic, pag-aayos ng bakasyon tuwing Sabado at Linggo sa layunin ng boosting domestic tourism at pagbibigay-daan sa mga Pilipino ng mas maraming oras sa kanilang mga pamilya. Ang Economic growth sa mga tuntunin ng gross domestic product ay may average na 4.6% sa panahon ng kanyang pagkapangulo mula 2001 hanggang sa katapusan ng 2005. Ito ay mas mataas kaysa sa nakaraang mga Pangulo kapag inihambing sa 3.8% average ni Aquino, ang 3.7% average ni Ramos, at ang 2.8% average ni Joseph Estrada. Ang pagpapalabas ng labis na salapi sa panahon ng pagkapangulo ni Arroyo ay ang pinakamababa mula 1986, ay 2.5% lamang.
Sa paghawak ng ekonomiya, sya ay nakakuha ng papuri mula sa kabilang observers na si dating US President Bill Clinton, na puri si Arroyo para sa paggawa ng "strong decision" na ilagay ang Pilipinas sa dati nitong kalagayan.
Mga Banyagang Ekonomista: 1.John Maynard Keynes - ay isang ekonomistang Briton na nakaroon ng malaking impluwensya ang kanyang mga ideya, tinatawag na
18 | P a g e
ekonomikong Keynesian, sa makabagong teoriya ng ekonomiya at politika gayon din sa maraming patakaran pang-piskal ng maraming pamahalaan. Sinulong niya ang patakarang pakikialam ng pamahalaan sa ekonomiya, kung saan ginagamit ng pamahalaan ang pamamaraang piskal at pananalapi upang mabawasan ang epekto ng resesyon, depresyon at pagsulong ng ekonomiya. Isa rin siya sa ama ng makabagong teoriya ng makroekonomiya. Kilala din siya ng karamihan sa katagang "In the long run, we are all dead." (Sa kalaunan, mamatay tayong lahat). Kadalasan siyang tinuturing bilang ang pinakamaimpluwensiyang ekonomista ng ika-20 dantaon.2. Maximilian Carl Emil Weber - ay isang Alemang ekonomistang pulitikal at sosyologo at administrasyong publiko. Sinimulan niya ang kanyang karera sa Pamantasan ng Berlin, at lumaong naghanapbuhay sa Pamantasan ng Freiburg, Pamantasan ng Heidelberg, Pamantasan ng Vienna, at Pamantasan ng Munich. Nagkaroon ng pag-impluwensiya sa pulitika ng Alemanya noong kanyang kapanahunan, dahil isa siyang tagapagpayo sa mga negosyador ng Alemanya sa Tratado ng Versailles at sa komisyong nagbalangkas ng Konstitusyong Weimar. Kilala si Weber dahil sa kanyang mga nagawa sa sosyolohiya ng relihiyon. Pinakabantog niyang akda ang Ang
19 | P a g e
Etikang Protestante at ang Espiritu ng Kapitalismo.
3. Eugine Fama - sya ay ang Robert R. McCormick Distinguished Service Professor of Finance at the University Of Chicago Graduate School Of Business. Sinasabing ang kanyang mga research activities ay mayroong "Theoretical and empirical work on investments; Price formation in capital markets; Corporate finance." sa kanyang website.Ang kanyang pananaliksik sa Stock Market, lalo na tungkol sa mga Random Walk Theory at ang mga mahuhusay na Market hypothesis ay sikat at kilala. Di malilimutan ang kanyang pangunguna ng trabaho sa pananalapi, ang mahusay na market theory at ang random walk theory ay parehong mabigat na impluwensiya sa kung paano sa tingin namin tungkol sa pagbabago-bago ng stock market. Si Fama ay isa sa mga iilang ekonomista na maimpluwensya mapa-academia at iba pa.
Mga uri ng sistemang pang ekonomiya
1. (Market) purong kapitalismo o ekonomiyang pamilihan - ang kalayaan ng bawat isang kasapi ng lipunan na magpasiya ukol sa kung ano ang sinasabing
20 | P a g e
pinakamabuting layunin para sa kanila, at sa paggamit ng mekanismo ng presyong sistema bilang tagapag-ugnay ng lipunan.
2. (Command) komunismo; maawtoridad na sosyalismo o ekonomiyang utos-nag-bibigay diin sa publikong pag-aari ng mga kakanyahan, at sa sentral na pagpaplanong pang-ekonomiya ng gobyerno bilang mekanismo sa pag-uugnay dahil sa paniniwala na ang paggamit ng ma-awtoridad na lakas ng estado sa paggalaw ng lipunan o ekonomiya ay magbubunga na mas malaking kita at pagkapantay-pantay kaysa sa malayang mga pagpapasya ng bawat isa.
3. (Mixed economy) Halong ekonomiya - nasa gitna ng kapitalismo at komunismo.Kapitalismo - ay isang kaayusang pangkabuhayan. Ito ay nakikilala sa pamamagitan ng sariling pagmamay-ari at pagpapasimuno. Ang pamaraang ito ay may batayan gaya ng mga sumusunod: 1. Pansariling pag-aari 2. Kaparatang magmay-ari 3. Gumamit ng mga yamang-bayan upang kumita
Sosyalismo - ay isang sistemang pulitikal
21 | P a g e
at pang-ekonomiya. Ang sistemang ito ay ibinabatay sa pagtatanggal ng pribadong pag-aari at sa pagmamamay-ari ng estado sa mga pamaraan o operasyon ng mga sangkap ng produksyon. Sa sistemang ito, ang gamit sa produksyon ay pag-aari ng gobyerno.
Komunismo - ay isang pananaw na naglalayon ng isang ideyal na kaayusan ng sambayanan na dito magtatapos ang lahat ng problemang panlipunan. Naisasagawa ito sa pamamagaitan ng pag-alis ng di-pantay na pag-uugnayan ng mga tao. Si sistemang ito, ang pagpaplano at distribusyon ng produkto at serbisyo ay mula sa pambansang pamumuno.
IMPLASYON Salamin ng pagtaas ng mga presyo sa pamilihan
na nagiging dahilan upang harapin ng pamahalaan ang suliranin na nagbunsod sa
mataas na presyo.
Klasipikasyon ng Implasyon
22 | P a g e
Demand Pull Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais ng bawat sektor ng ekonomiya, sambahayan, kompanya o pamahalaan na makabili ng produkto at serbisyo na mas marami sa isusuplay o ipoprodyus ng pamilihan. Ito ang kalagayan na mas labis aggregate demand kaysa aggregate supply.
Cost push Ang pagtaas ng presyo ng mga gastusing pamproduksyon ang siyang sanhi ng pagtaas ng presyo ng bilihin. Ang mga sahod ng manggagawa, pagbili ng mga hilaw na materyales at makinarya at paghahangad ng malaking tubo ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
Structural Inflation Kawalan ng kakayahan ng ilang sektor na malayon ang anumang pagbabago sa lebel at dami ng kabuuang demand ng ekonomiya. Pagtutunggalian ng mga pangkat sa lipunan upang makakuha ng malaking bahagi sa kabuuang kita ng bansa at tunggalian ng wage earners at profit earners.
"Magkano ba ang gastusin mo sa isang araw? Kasya ba ito sa pangangailangan? Dahilan ba ito ng pagtaas ng presyo? "Oo, ito ay dahilan ng pagtaas ng presyo.Bakit nga ba tumataas ang presyo? Sinasabing ang pagtaas ng presyo ay kaakibat ng ating buhay. Suliranin ng kinakaharap ng
23 | P a g e
bansa. May tinatawag na hyperinflation kung saan ang presyo ay tumataas sa bawat oras, araw o linggo ngunit paano ba ito nasusukat?
Mga Uri ng Panukat sa Pagbabago ng Presyo
GNP deflator o GNP Implecit Price Index Ito ang price index na ginagamitupang pababain ang current GNP sa constant GNP. Ang GNP deflator naman ay ginagamit upang alami ang halaga ng GNP batay sa nakaraang taon. Pormula: GNP at constant prices= GNP at current prices deflator
Whole Sale Price Index Retail Price Index Nagpapakita at sukatan ng pagbabagong presyo ng final goods,intermediate goods at crude materials sa bilihang whole sale at retail.
Consumer Price Index(CPI) Ito ang mas kilalang panukat ng implasyon. Ito ay pagsukat ng average na pagbabago ng presyo ng produkto o bilihing pangkaraniwang kinukonsumo ng mamimili.
Pagkompyut ng CPI 1. Kunin ang tinimbang na presyo(weighted price). -timbangXprsyo sa bawat taon 2.Pag-alam sa kabuuang tinimbang na presyo. -pagsamasamahin ang lahat TP. 3.Kapag nakuha ang TWP ay maaaring makuha ang CPI. 24 | P a g e
Pormula: CPI=TWP(kasalukuyang taon)/ TWP(nakarang taon o basehang taon) X 100
MGA DAHILAN NG IMPLASYON◘ Kapag tumaas ang suplay ng salapi at tumaas din ang kita at demand kaysa produksyon,mahahatak pataas ang presyo.♦ kapag tumaas ang palitan ng piso sa dolyar dahil sa kakulangan ng dolyar na pumapasok sa bansa (suplay),bumababa ang halaga ng piso katumbas ng dolyar.Ang kailangan ay higit na maraming pisong kapalit sa dolyar.kaugnay nito,tataas ang presyo ng mga produkto at serbisyo.♦ Nakaaapekto rin sa presyo ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa.kapag tumaas ang presyo ng langis sa pamilihang pandaigdig,tataas din ang presyo ng mga kalakal at serbisyo na inaangkat mula sa ibang bansa.Bunga nito,tataas ang gastos sa produksyon na magiging sanhi naman ng pagtaas ng presyo sa lokal na pamilihan,
♦ Kapag tumaas ang gastos sa produksyon,tataas din ang presyo ng nilikhang mga kalakal at paglilingkod.♦ Kapag malaki ang gastos ng pamahalaan kaysa kita mula sa buwis,tataas ang suplay ng salaping kita at mahihila ang presyo ng mga kalakal at serbisyo paitaas
25 | P a g e
PATAKARANG PANANALAPI
→Tumutukoy sa manipulasyon ng money supply sa pamumuno ng bangko sentral →Layunin ng patakarang pananalapi na mapatatag ang ekonomiya
MONEY SUPPLY Ang salapi na umiikot sa ekonomiya a. papel na pera b. barya ( coins) c. pandepositong tseke ( checking deposits)
Bangko Sentral ng Pilipinas -Ang nangangasiwa ng patakarang pananalapi Easy money policy-
→pinapairal kapag bagsak ang
ekonomiya
→Patataasin ang money supply
→kapag may depression o recession
→Iniiwasan na maging zero ang production at
26 | P a g e
→lumala ang kaso ng unemployement
Tight Money Policy Iniiwasan ang overheated economy kapag maganda ang takbo ng ekonomiya
→Maaaring magbunsod ng inflation dahil hindi makaagapay ang produksyon sa demand ng sambahayan Kailangang maibaba ang money supply →ang pagdaragdag o pagbawas ng money supply ay naglalayong mailagay sa katatagan ang pambansang ekonomiya
MGA PINANSYAL NA INSTITUSYON Bangko Kooperatiba Insurance Companies Pawnshops Stock Markets
ASSET – anumang ari-arian na may ekonomikong halaga . Hal: lupa, pabrika, instrumentong pinansyal tulad ng bonds
STOCKS – inilalarawan naman ng stocks ang pagmamay-ari ng isang aktor sa isang corporation
27 | P a g e
FOREIGN INVESTMENT – pamumuhunan ng mga dayuhan
a. Foreign Direct investment – pangmatagalan na pamumuhunan ng mga dayuhan na magtatayo ng bahay-kalakal
→mamumuhunan sila ng fixed capital
→mag –eempleyo at magsasanay sila ng manggagawa
→Kinakailangang makita ang return of investments
b. Foreign Portfolio Investment –panandaliang pamumuhunan
→Nakabatay sa bonds at stocks sa loob ng bansa →Isinasaalang – alang ang laki ng dividends sa stocks o ang capital gains
MGA TANGAN NG PATAKARANG PANANALAPI paniguro ito ng BSP upang hindi masaid ang salaping nasa kaha ng mga bangko
Kapag nagpautang ang bangko ang salapi ay may multiplier effect
Ito ang magsasabi kung gaano kalaki ang itataas ng supply matapos ang paunang deposito sa bangko
Money multiplier = 1
RRR 28 | P a g e
Escess reserves ay mas malaki sa reserve requirement Excess reserves = actual reserves – required reserves
Kalagayang Pang-ekonomiya ng Pilipinas
Tulad ng ibang kasaysayan, dumanas ang Pilipinas ng
maraming pagsubok ngunit makulay na kalagayang pangkabuhayan
sa iba’t ibang panahon. Tunghayan ang mga pagbabagong naganap
sa kalagayang pang-ekonomiya ng bansa mula noon hanggang sa
kasalukuyan.
Sinaunang LipunanAng ating mga ninuno ay nabubuhay noon sa pamamagitan ng
pangangalap ng mga butil at bungangkahoy sa gubat. Kalaunan, natuto
ang ating mga ninuno na mangaso at mangisda. Natutuhan din nilang
magtanim ng mga halamang namumunga at mag-alaga ng mga hayop sa
kanilang kapaligiran. Sa mga bagay na ito nila kinukuha ang kanilang
mga pangangailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay. Dito sinimulan
ng ating mga ninuno ang pagbuo ng mga pamayanan sa
kapuluan.
Lipunang BarangayAng pamayanang binuo ng ating mga ninuno na dumating sa
kapuluan lulan ng balangay ay tinatawag na lipunang barangay.
Binubuo ito ng 30 hanggang 100 katao at pinamumunuan ng isang
datu. Nagtayo rin sila ng mga pamayanan sa tabi ng mga ilog o
dagat.
29 | P a g e
Noong ika-15 siglo, dumating sa kapuluan ang mga Kanluranin
at namasid ng mga ito ang lipunang barangay. Inihalintulad ng
mga Kanluranin ang lipunang barangay sa sistemang pyudal na
kanilang naranasan sa Europe. Sa sistemang pyudal, nakabatay
ang estruktura ng lipunan sa ugnayan ng panginoong maylupa at
ng kanyang basalyo.
Sa paglalarawan ng mga Kanluranin sa lipunang barangay, ang datu ang may hawak ng pinakamataas na kapangyarihan, sinusundan ito ng maharlika, at timawa. Ang datu ay hindi lamang pinaniniwalaang nagmamay-ari ng kanilang sakop na lupain, kundi isang pinunong pinagkakatiwalaan ng barangay. Ang datu rin ang nangangasiwa sa kanilang kabuhayan
Ang pinakamababang antas naman sa lipunang barangay noon ay ang
mga alipin. Ang mga alipin ay mauuri sa dalawa—ang aliping namamahay
at aliping saguiguilid. Naglilingkod ang mga aliping namamahay sa
nakatataas sa lipunan ngunit maaari silang magkaroon ng sariling
tirahan. Samantala, ang mga aliping saguiguilid naman ay
naglilingkod sa kanilang panginoong maylupa ngunit wala silang
karapatang magkaroon ng sariling tirahan. Ang pagbibigay ng kalayaan
sa kanila ay nakabatay sa kagustuhan ng kanilang panginoong maylupa.
Ang mga nagiging alipin ay yaong mga taong natalo o nabihag sa
digmaan ng mga tribu. Maaari ring ipinanganak na silang alipin dahil
sa pagiging alipin ng kanilang magulang. Maaari ring maging alipin
ang isang tao kung siya ay naparusahan dahil sa nagawang krimen o
hindi pagbayad ng utang.
Sa paglipas ng panahon, lumawak ang mga pamayanan
dahil sa paglaki ng populasyon kaya kinailangang kumilala ng makapangyarihang pinuno na gagabay sa bawat
barangay. Magkakalayo ang mga barangay noon dulot ng
30 | P a g e
kalagayang pisikal ng kapaligiran subalit nakapag-uugnayan pa
rin ang mga katutubo. May iba’t ibang tawag sa mga barangay
noon tulad ng Sa-Ilud (malapit sa bukana ng mga ilog) at Sa-
raya o Ilaya (nasa gawing itaas ng bundok at looban ng ilog o
look). Samantala, barter naman ang sistema o paraan ng
pakikipagkalakalan ng ating mga ninuno sa bawat barangay.
Nakipagkalakalan din ang ating mga ninuno sa mga dayuhang Asyano na dumating sa kapuluan tulad ng mga Arabe, Tsino, at Hapones. Ang pakikipagkalakalan ay kadalasang nangyayari sa mga pamayanang malapit sa bukana ng ilog o look.
Mga Kagamitan sa Pag-aaral ng Ekonomiks Isa sa malalaking ipinagkaiba ng tao sa hayop ay ang
kakayahan ng tao na lumikha ng kagamitan. Ang mga kagamitan o
kasangkapan ay patunay lamang ng lawak ng kaisipan ng tao. Ang
simpleng gamit ay nalilinang sa mas kapaki-pakinabang na
kagamitan. Maging ang mga paraan ng paglutas ng isang
suliranin tulad halimbawa ng pagtutuos sa Matematika ay
nalilinang mula sa manwal na paraan hanggang sa paggamit ng
mga calculator at mini-computer.
May mga kagamitang kinakailangan sa pag-aaral ng ekonomiks upang higit itong maunawaan. Kabilang dito ang paggamit ng mga grap, talahanayan o tsart, at dayagram. May mga talahanayan namang naglalaman ng mga kinakailangang kaalaman tungkol sa pag-aaral ng ekonomiks at iba pang kaugnay rito. Hindi sapat ang mga pagpapaliwanag sa ugnayan ng mga konsepto sa pamamagitan lamang ng mga tsart o talahanayan. Wala ring katapusan ang pag-uusap sa isang usapin kung hindi lalakipan ng mga ugnayang 31 | P a g e
makikita sa isang grapikong representasyon at matematika.
Ang GrapAng grap ay isang biswal na representasyong nagpapakita ng
ugnayan ng dalawang variables— ang dependent variable at
independent variable. Ang dependent variable ay umaasa sa
anumang pagbabago o epekto ng paggalaw ng independent
variable. Ang independent variable naman ay malayang
nakagagalaw sa linya nito. Tumutukoy ito sa dahilan o sanhi ng
pinag-aaralang kaso. Ibig sabihin, ang galaw ng presyo sa
pamilihan (independent variable) ay nakaaapekto sa dami ng
demand o suplay (dependent variable).
Sa matematika, ang linyang patayo (vertical line) o ang y-
axis ang ginagamit na koordineyt ng dependent variable. Ang
linyang pahalang (horizontal line) o x-axis naman ang
ginagamit na koordineyt ng independent variable. Ngunit
kabaligtaran naman ito sa pag-aaral ng ekonomiks lalo na kung
ang pinag-uusapan ay tungkol sa presyo, kita, o gastos. Sa
ekonomiks, ginagamit ang linyang patayo bilang koordineyt ng
independent variable (presyo, kita, gastos), samantalang ang
linyang pahalang naman
ay koordineyt ng dependent variable (bilang o dami). Hindi
maaaring umasa ang presyo o kita sa bilang o dami ng
pagkonsumo ng tao. Ito ay dahil sa nakabatay sa presyo ng
kalakal o kita ng tao ang bilang o dami ng bibilhing kalakal o
serbisyo.
Iba’t iba ang uri ng grap na maaaring gamitin sa paglalarawan ng
ugnayan ng dalawang pang-ekonomikong variables. Ang mga ito ay ang
32 | P a g e
bar graph, pie graph, at line graph. Nagpakikita o naglalarawan ang
mga ito ng ugnayan ng mga variable. Sa mga grap na ito, ang line
graph ang madalas na ginagamit at nakabatay sa sistemang Cartesian.
Ipinakikita sa sistemang Cartesian ang ugnayan ng mga galaw ng
dependent at independent variables sa pamamagitan ng una at
positibong quadrant sa x at y axis.
Ang Kaugnayan ng Grap at Matematika Bahagi ng kagamitang kailangan sa pag-
aaral ng ekonomiks ay ang matematika tulad ng
geometry at estadistika (statistics). Kaugnay ng grap
na pinag-aaralan ay ang pagtutuos ng mga ugnayan ng
mga variable sa pamamagitan ng equations. Ang
equations ay nakatutulong upang madaling maipahayag
ang ugnayan ng mga variable kaysa ipaliwanag
ito nang pasalita lamang. Pakatandaan na ang
pag-uugnay na ginawa sa mga variable sa grap ay
pandalawahan (two-dimensional) lamang. Kapag
nadaragdagan na ang mga salik o kasong pang-ekonomiko
na pag-uugnayin at pag-aaralan, hindi na sapat
gamitin ang two-dimensional na grap dahil magdudulot
na ito ng kalituhan. Sa puntong ito, masasabing mas
mabisang gamitin ang equations at mga simbolo upang
makita nang malinaw ang ugnayan ng lahat ng variable.
33 | P a g e
Pag-aralan ang sumusunod na halimbawa.
Ang pagtungo ng mga nars palabas ng ating bansa ay dulot ng sahod na tatanggapin nila sa ibang bansa. Maaari nating isulat ang equation sa pamamagitan ng:
X = f (Y)
kung saan ang:
X - bilang ng mga nars na nagtatrabaho sa ibang bansa
f - ugnayan ng bilang ng nars na nagtatrabaho sa ibang bansa sa mga salik na nakaiimpluwensya sa kanila
Y - sahod na ipinagkakaloob ng mga bansang
tumatanggap ng mga nars
Dahil naaapektuhan ang bilang o dami ng mga nars na
naghahangad na makapagtrabaho sa ibang bansa, ang dependent
variable dito ay ang X, samantalang ang Y o sahod na
ipinagkakaloob ng mga bansang tumatanggap ng mga nars ang
siyang independent variable. Subalit, ang X ay naaapektuhan ng
iba pang variable na V, P, at D. Kaya, maaaring isulat ang
equation na ganito:
X = f (V, P, Y, D)
kung saan ang:
V – kabuuang dami ng mga nars sa bansa
34 | P a g e
P – pamantayang sahod ng mga Pilipinong nars sa ibang bansaD – sahod na tinatanggap ng mga nars sa bansa
Ipinakikita lamang ng equation ang ugnayan (f ) ng
bilang ng mga nars na nagtatrabaho sa ibang bansa sa
mga salik na nakaiimpluwensya sa kanila upang
mamasukan sa ibayong dagat tulad ng kabuuang dami
nilang nars sa bansa; sa pamantayang sahod ng mga
Pilipinong nars sa ibang bansa; at ng sahod panlokal.
Sa paggamit ng equation o simbolo, madaling
mapagsabay ang pagkuha ng sagot sa kabila ng maraming
variable na pag-uugnayin.
Samantala, nagagamit naman ang estadistika sa
ekonomiks sa pagsusuri ng bilang ng populasyon; sa
pagtutuos ng implasyon; o sa pagtutuos halaga ng
bilihin sa iba’t ibang panahon. Ang kakayahang
nakukuha sa paggamit ng matematika ay ang pagtukoy sa
wasto o katotohanan sa likod ng mga kaganapan. Hindi
sapat, halimbawa, na sabihing tumaas ang bilang ng
ating Gross National Product (GNP) sa kasalukuyan.
Kailangang makita at mapaghambing natin ang ating GNP
mula sa nakalipas na sampung taon o higit pa. Dito
papasok ang pangangailangan natin ng estadistika.
35 | P a g e
SIGNIFICANCE OF THE RESEARCH
Mahalaga na malaman natin ang kahalagahan nito sa buhay ng bawat mamamayang mag-aaral ng ikaapat na taon dahil sila ang henerasyon na magtataguyod ng kaunlaran ng bayan sa pamamagitan ng kanilang mga kaalaman. Dapat pagtuunan ng kaukulang atensyon ang pag-aaral dito lalo na ng estudyante sa mataas na paaralan para mas madali nilang maunawaan ang mga implikasyon nito sa buhay ng tao. Dahil dito natutunan din natin ang mga paraan kung paano na aasekaso ng
36 | P a g e
gobyerno ang ating ekonomiya at kung paano ito hatihatiin sa bawat departyamento.
Definition of term agham – isang pag-aaral gamit ang pamamaraang sistematiko
upang subukin ang katotohanan sa likod ng mga haka-haka o
katanungang kinakailangang tugunan
causation – isang pangyayari na siyang sanhi o dahilan ng isa
pang pangyayari
controlled variable – alinmang tukoy na bagay na may iba’t ibang tiyak na
halaga at nakokontrol; umaasa ito sa independent variable
independent variable – alinmang tukoy na bagay na may halaga at
malayang kumikilos
Normatibong ekonomiks – pananaw na tumutugon sa tanong na “Ano
ang dapat mangyari?”
alokasyon – ang paraan ng pangangasiwa at pamamahagi ng mga
produkto at serbisyo upang makamit ang kasiyahan sa limitadong
pinagkukunang-yaman
37 | P a g e
kagustuhan – ang kailangan ng tao na maituturing na luho at maaaring
ipagpaliban
konsyumer – mamimili o kumukonsumo ng mga produkto at serbisyo
makroekonomiks – isang sangay ng ekonomiks na tumutukoy sa galaw
ng kabuuang ekonomiya at mga kaugnay na pangkalahatang gawain,
pag-uugaling pang-ekonomiko ng sambahayan, at pag-aaral ng
panlipunang pagpapasya
maykroekonomiks – isang sangay ng ekonomiks na tumutukoy sa
galaw ng maliliit na bahagi o yunit ng kabuhayan at may
kaugnayan sa pag-aaral ng indibidwal na pagpili
pangangailangan – mga bagay o serbisyo na kailangan ng tao
upang mabuhay
sistemang pangkabuhayan – pamamaraan ng pagtugon ng pamahalaan
sa tatlong batayang katanungan: (1) Ano ang gagawin? (2) Paano
isasagawa? at (3) Para kanino ang gagawing produkto at
serbisyo?
datu – pinuno ng isang tribu o barangay
sistemang hacienda – pangangasiwa sa mga lupain na ang layunin ay ang
pagtatanim ng mga produktong panluwas lamang
pyudalismo – sistemang nakabatay sa ugnayan ng panginoong
maylupa at kasama
timawa – pangkaraniwang mamamayan na malaya at maaaring
magmay-ari ng lupa
pamamaraang siyentipiko – organisadong hakbang sa
paglutas ng suliranin o pagtukoy sa katotohanan ng isang
bagay, pangyayari, o phenomena
38 | P a g e
Recommended