Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1.3(Week 2):
Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at
Kilos-Loob
10
ii
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1.3 (Week 2): Ang Mataas na Gamit at Tunguhun ng Isip at Kilos-Loob Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng:
Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province Office Address : IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax : (032) 255-6405
E-mail Address : [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Ruth Angelie S. Carin
Editor: Jane O. Gurrea
Tagasuri: Chona B. Jumao-as, Hipolito Q. Pegarido Jr.
Tagaguhit: Ruth Angelie S. Carin
Tagalapat: Ruth Angelie S. Carin
Management Team
Schools Division Superintendent - Dr. Marilyn S. Andales, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent - Dr. Cartesa M. Perico
Dr. Ester A. Futalan
Dr. Leah B. Apao
Chief, CID Dr. Mary Ann P. Flores
EPS in LRMS Mr. Isaiash Wagas
EPS in EsP Mrs. Jane O. Gurrea
iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Mataas na Gamit
at Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
iv
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip
at Kilos-Loob!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
v
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawain para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
vi
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
1
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat na isinaalang-alang ka bilang
mag-aaral. Ito ay para tulungan kang maintindihang-lubos ang konsepto ng isip
at kilos-loob. Ang saklaw ng modyul na ito ay nagbibigay-daan upang magamit
sa iba’t ibang kalagayan ng pagkatuto.
Ang wikang ginagamit ay kinikilala ang magkakaibang antas ng
bokabularyo ng bawat mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang sundin ang
karaniwang pamantayan ng kurso. Ngunit ang pagkakasunud-sunod kung saan
mo basahin ang mga ito ay maaaring mabago upang magkatugma sa aklat na
ginagamit mo ngayon.
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na napatutunayan na ang isip at
kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa
paglilingkod/pagmamahal (MELC EsP10MP-Ib-1.3).
2
“Mumunting mga anak, huwag tayong magsi-ibig sa salita o pananalita kundi sa gawa
at sa katotohanan (1 Juan 3:18).” Sa mga katagang ito sa bibliya, pinapatunayan na ang
paghahanap sa katotohanan at pagmamahal ay hindi lamang sa salita. Kundi sa paggawa. At
para makamit ito kailangan ang dalawang konsepto na ating tinatalakay – isip at kilos-loob.
Subukin
Panuto: Ngayon, sagutan iyong kwaderno ang paunang pagsusulit upang matukoy ang
iyon kaalaman ukol sa araling tatalakayin natin.
1. Ito ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa iba.
a. Kamalayan sa sarili b. Pagmamalasakit
c. Pagmamahal d. Kakayahang mag-abstraksiyon
2. Kabilang sa mga paggpipilian, halawain ang hindi kasali sa mga katangian ng kakayahan ng
tao at hayop.
a. Pandama b. Pagkagusto
c. Manghusga d. Paggalaw
3. Ang isinasaad na pananaw ng taong ito na pinakapangunahing kilos ay ang pag-ibig dahil
ito ay batay sa iba't ibang pagkilos ng tao.
a. Sto. Tomas de Aquino b. Max Scheler
c. Mother Teresa d. Fr. Roque Ferriols
Aralin
3
Ang Mataas na Gamit at Tungkulin ng Isip at Kilos-Loob
3
4. Ibigay ang ipinapahiwatig sa kaisipan na nagbibigay ang isip ng katwiran bilang isang
kakayahang maimpluwensyahan ang likas na ugali.
a. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
b. Walang sariling paninidigan ang kilos-loob
c. Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti.
d. Hindi maaring maghiwalay ang isip at kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito.
5. Tinatawag itong kakayahan o karakter upang makaramdam ng pangangalaga sa iba.
a. Umiiral ng nagmamahal
b. Kakayahang mag-abstraksiyon
c. Kamalayan sa sarili
d. May kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral
4
Balikan
Sa nakaraang aralin, ating kinilala ang kahinaan sa pagpapasya at gumawa ng
konkretong hakbang upang malampasan ang mga ito. Upang makagawa ng hakbang,
kailangan natin ng likas na kakayahan at katangian. Gamit ang iyon kwaderno, sumulat ng
salitang kasingkahulugan ng nakapaloob sa graphic organize, at ipaliwanag ang iyong sagot
katulad ng halimbawa:
1.
2.
3.
Sa bawat may akmang sagot sa ay isang puntos at gamitin ang rubriks sa ibaba para sa
gawaing ito:
5
Tuklasin
Panuto: Balikan ang talatang ginawa mula sa pananaliksik sa takdang aralin at pumili
sa tatlong paksang pagpipilian at gawin ang katumbas na malikhaing paggawa.
Pagpipilian #1: KALIKASAN NG TAO
Gumawa at mag-video record ng isang Talkshow
Ayon sa pilosopiya ni Santo Tomas de Aquino, ang tao ay binubuo ng ispiritwal at
materyal na kalikasan. Kakabit ng kalikasang ito ay ang dalawang kakayahan ng tao (E.
Esteban, 1990, ph.48).
1. Ang pangkaalamang pakultad (knowing faculty) dahil sa kanyang panlabas at panloob na
pandama at dahil sa isip kaya’t siya ay nakauunawa, naghuhusga at nangangatuwiran
2. Ang pagkagustong pakultad (appetitive faculty) dahil sa mga emosyon at dahil sa kilos-loob
Ipinakita ito ni Esteban (1990) gamit ang tsart sa ibaba:
Nakakaalam ang tao na hindi lang dahil sa kanyang isip kundi dahil din sa kanyang
pandama. Sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama - ang paningin, pandinig, pandama,
pang-amoy at panlasa, nagkakaroon ang tao ng direktang ugnayan sa reyalidad. Ang reyalidad
ang siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang makaalam. Ang mga panloob na
pandama ay ang kamalayan, memorya, imahinasyon at instinct.
Kamalayan – pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapag-uunawa Memorya – kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan Imahinasyon – kakayahang lumikha ng larawan sa kanyang isip at palawakin ito Instinct – kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumaan sa katuwiran
6
Pagpipilian #2 – TAMANG PAGGAMIT NG ISIP
GUMAWA NG ISANG TULA ISULAT SA ISANG LONG BONDPAPER
Ang Isip
Ang isip ay walang taglay na kaalaman o ideya mula sa kapanganakan ng tao.
Nakukuha niya ito sa ugnayan niya sa reyalidad sa pamamagitan ng mga panlabas na
pandama. Samakatuwid, ang kakayahang ito na nakakabit sa materyal na katawan ang
nagbibigay ng kaalaman sa isip. Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto
sa isip.
Pagpipilian #3 – KILOS-LOOB
SUMULAT NG ISANG SCRIPT NG RADYO BALITA SA ISANG LONG BONDPAPER
Kilos-Loob
Inilarawan ito ni Santo Tomas ang kilos-loob bilang isang makatuwirang pagkagusto
(rational appetency) sapagkat ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Umaasa ito sa
isip, kaya’t mula sa paghuhusga ng isip ay sumusunod ang malayang pagnanais ng kilos-loob.
Upang maunawaan ang kalikasan ng kilos-loob bilang natatanging kakayahan ng tao,
mahalagang ihambing ito sa emosyonal na buhay ng hayop. Sa hayop, anuman ang mapukaw
na emosyon ay kumikilos ito nang naaayon dito. Kung ito ay galit, maaari itong mangagat
(depende sa kalikasan ng hayop). Samantalang sa tao, dahil may kamalayan at may kakayahan
itong kumuha ng buod o esensiya sa mga bagay na umiiral, maaaring ang emosyon at ang
kilos-loob ay magkakaroon ng magkaibang pagkilos (E. Esteban, 1990, ph.48).
Ipinanganak man ang taong hindi TAPOS, nilikha naman siyang kawangis ng Diyos na
may isip at kilos-loob upang tuklasin ang katotohanan at buuin ang kanyang pagkatao sa
pamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod sa kanyang kapwa. Sa puntong ito maaaring
sabihing ang ginawang paglikha ng Diyos ay hindi pa tapos, nagpapatuloy ito sa kamay ng mga
taong nagsisikap lilukin ang kanilang kinabukasan, mga taong nagsisikap paunlarin ang
kanilang sarili at abutin ang pagka-sino ng kanilang pagiging tao.
Gamit sa Pagsusuri:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan ng Paggawa 10%
7
Suriin
Isip at Kilos-Loob Tungo sa Paghahanap ng Katotohanan, Paglilingkod at
Pagmamahal
Ating linawin upang maunawaan ang kabuuang kalikasan ng tao. Ayon sa paliwanag ni
De Torre, ang kaalaman o impormasyong nakalap ng pandama ng tao ay pinalalawak at
inihahatid sa isip upang magkaroon ito ng mas malalim na kahulugan (1980). Ipinapahiwatig
ni De Torre na sa kapanganakan simulang gumana ang isip ng tao na isang blankong papel,
walang taglay na ideya. Mayroong epekto sap ag-iisip kung depektibo ang pandama. Sa iyong
nakaraang pag-aaral, ang isip ay may kakayahang umisip, umalam sa ideya at buod, humusga,
mangatuwiran, sumuri, umalala, at unawain ang kahulugan ng mga bagay-bagay. Lalo na sa
kakayahang matuklasan ang katotohanan.
Ayon kay Fr. Roque Ferriols (Dy, 2012), “ang katotohanan ay tahanan ng mga katoto."
Ipinapahiwatig nito na ang isip ay ang kasamang katoto na tumutulong sa tao na makita ang
katotohanan. Ang katotohanan ay hindi hiwalay sa tao at sa mga katoto na nakakabatid dahil
ito ay makasaysayan, ito ay totoo.
Ang pag-arte ng makatwiran ay hinihiling ang pagbabago ng pokus sa buhay. Ang
pagbabago na ito ay ang unahin at pahalagahan ang iba bago ang sarili. Inihiwalay nito ang
sariling mga interes at nakahiwalay sa mga hangarin ng iba para sa iba.
Gamit at Tunguhin ng Isip
Ang isip ay may dalawang kakayahan. Isa na dito ay ang likas na pagiging mulat sa sarili
ay sumasalamin sa pag-unawa sa naiintindihan ng tao. Ito ang kakayahang maghiwalay sa
sarili na makakatulong sa regulasyon sa sarili, pagiging pabigla-bigla, at pagnanasa.
Ang pangalawa ay ang kakayahang magbuod at kunin ang mga mahahalagang katangian
ng umiiral na mga bagay. Dahil sa kakayahang ito, mauunawaan ng tao ang kahulugan at
mabibigyan niya ng kabuluhan ang mga bagay sa mundo.
8
Gamit at Tunguhin ng Kilos-Loob
Ang kilos-loob ang ininilarawan ni Santo Tomas na makatuwirang pagkagusto. Ito ay
lumalayo sa masama at naaakit sa mabuti. Sumusunod ang malayang pagnanais ng kilos-loob
sa katuwirang binibigay ng kakayanan ng isip. Nabibigyang kahulugan ang sitwasyon dahil sa
kakayahan na makapagbuod at kunin ang esensiya ng mga umiiral na bagay. Dapat tugunan
ng tao ang tawag kapag nagkakamit na mabigyang kabuluhan ang isaang sitwasyon o bagay.
Tulad ng pagtulong sa kapwa at ang pagtugon sa makatarungang obhetibong hinihingi ng
isang sitwasyon.
Dahil sa likas na katangian ng tao na nabubuhay para sa pagmamahal, ang tao ay may
kakayahang makaramdam at tumulong sa kapwa. Sa palagay ni Scheler na ang pag-ibig ang
pangunahing kilos sapagkat ito ang batayan ng kilos ng tao. Hinahanap ng tao ang
pinagmumulan ng totoong kaligayahan sa pamamagitan ng pag-ibig na ipinahayag sa
paglilingkod sa kapwa.
9
Pagyamanin
Gawaing Pagkatuto
Panuto: Mula sa malikhaing paggawa, sagutan ang mga sumunod na mga tanong sa
iyong kwaderno.
1. Upang mabuo ang katangian ng tao, ano ang mayroon siya? Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Ang isip ay may anong kakayahan? Ang kilos-loob?
3. Ang isip at kilos-loob ay magkaugnay sa anong katangian ng pagkatao ng tao?
Gamit sa Pagsusuri:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan ng Paggawa 10%
10
Isaisip
Gawaing Paglalapat
Panuto: Ngayon, ating linangin pa ang iyong kabihasnan. Gamit ang iyong kwaderno,
gumuhit ng isang simbolo na maglalarawan sa mga katagang ito,”Ang Tao ay Hindi Tapos” at
isulat ang iyong paliwanag.
Gamit sa Pagsusuri:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan 10%
Isagawa
Panuto: Ating ilapat sa sariling mong karanasan and aralin at sumulat sa iyong
kwaderno ng sanaysay na binubuo ng isang daang salita o higit pa ukol sa mga katagang ito:
“Ang pagmamahal ay ang pinakapangunahing kilos ng tao” at i-ugnay sa iyong mga karanasan
sa buhay.
Gamit sa Pagsusuri:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan ng Paggawa 10%
11
Tayahin
Panuto: Sa nakahandang graphic organizer, kopyahin ito sa iyong kwaderno at isulat
ang mga kahalagahan ng gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. Magbigay ng maikling
paliwanag sa iyong mga sagot sa ibaba.
Gamit sa Pagsusuri:
12
Karagdagang Gawain
Binabati kita! Malapit mo nang matapos ang lahat ng mga gawain para sa araling ito.
Upang mas mahusay na ipagbagay ang aralin sa iyong kaisipan, inaasahan na gagawin mo ang
huling gawain.
Panuto : Batay sa iyong sariling karanasan o mula sa iyong kilala, lumikha ng isang
komiks strip na sumusuporta na ang isip na purong katotohanan at matayog na kilos-loob ay
para sa pag-ibig at paglilingkod sa iba. Iguhit sa long bondpaper.
Gamit sa Pagsusuri:
13
Susi sa Pagwawasto
Paunang Pasulit
1. C
2. C
3. B
4. D
5. C
Balikan
1. Damdamin
2. Banal / Pangkaluluwa/ Pandiwa
3. Pagkabatid
14
Sanggunian Arnedo, P.J., Brizuela, M.J., et.al. (2015). Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao. P.21-41: FEP
Printing Corporation, Pasig City. De Torre, J. (1980) Christian Philosophy. Sinag-Tala Publishers. Manila. Dy, M. Kaisipan, Ang Opisyal na Dyornal ng Isabuhay, Saliksikin, Ibigin ang Pilosopiya (ISIP).
Vol. No.1 Esteban, E. (1989). Education in Values: What, Why And For Whom. Manila: Sinag-Tala
Publishers (July, 2017). Heart vector created by rawpixel.com - www.freepik.com.
https://www.freepik.com/free-photos-vectors/heart." (October, 2018). Technology vector created by rawpixel.com - www.freepik.com.
"https://www.freepik.com/free-photos-vectors/technology." (2001). The Holy Bible, English Standard Version. 3 John Chapter 3 Verse 18. Crossway Bibles.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province Office Address : IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City Telefax: (032) 255-6405 Email Address: [email protected]