15
Parabula ng Sampung Dalaga Mateo 25:1-13

Parabula ng Sampung Dalaga

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Parabula ng Sampung Dalaga

Parabula ng Sampung Dalaga

Mateo 25:1-13

Page 2: Parabula ng Sampung Dalaga

Ang paghahari ng mga langit ay katulad sa sampung dalagang birhen. Pagkakuha nila ng kanilang mga ilawan, sila ay lumabas upang

salubungin ang lalaking ikakasal. 

Page 3: Parabula ng Sampung Dalaga

 Ang lima sa kanila ay matalino at ang lima ay mangmang.

Page 4: Parabula ng Sampung Dalaga

Ang mga matalino ay nagdala ng langis sa kanilang lalagyan kasama ng kanilang mga

ilawan.

Page 5: Parabula ng Sampung Dalaga

Ang lima ay mga mangmang, sapagkat pagkakuha ng kanilang mga ilawan, ay hindi

nagdala ng langis.

Page 6: Parabula ng Sampung Dalaga

Ngunit natagalan ang lalaking ikakasal. Silang lahat ay inantok at nakatulog.

Page 7: Parabula ng Sampung Dalaga

Ngunit mayroong sumigaw sa kalagitnaan na ng gabi. Kaniyang sinabi: Narito, dumarating na ang lalaking ikakasal!

Lumabas kayo at salubungin siya.

Page 8: Parabula ng Sampung Dalaga

Bumangon ang lahat ng mga dalagang birhen at inihanda ang kanilang mga

ilawan. 

Page 9: Parabula ng Sampung Dalaga

Sinabi ng mga mangmang na mga birhen sa mga matalino: Bigyan ninyo kami ng mga

langis sapagkat mamamatay na ang aming ilawan.

Page 10: Parabula ng Sampung Dalaga

Sumagot ang matatalinong birhen: Hindi maaari. Baka hindi ito maging sapat para sa

inyo at sa amin. Pumunta na lang kayo roon sa mga nagtitinda at bumili kayo para sa inyong

sarili.

Page 11: Parabula ng Sampung Dalaga

Ngunit nang sila ay umalis upang bumili, ang lalaking ikakasal ay dumating. 

Page 12: Parabula ng Sampung Dalaga

Silang mga nakahanda ay pumasok na kasama ang lalaking ikakasal sa piging ng

kasalan at ang pinto ay isinara.

Page 13: Parabula ng Sampung Dalaga

Maya-maya ay dumating ang ibang mga dalagang birhen. Sinabi nila: Panginoon,

Panginoon, pagbuksan mo kami.

Page 14: Parabula ng Sampung Dalaga

Ngunit sumagot siya: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Hindi ko kayo nakikilala.

Page 15: Parabula ng Sampung Dalaga

At sinabi ni Hesus, ”Magbantay nga kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw at oras

ng pagdating ng Anak ng Tao.”