10
Anyo ng Pagsulat ayon sa Layunin

Anyo ng pagsulat ayon sa layunin

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Anyo ng pagsulat ayon sa layunin

Anyo ng Pagsulat ayon sa Layunin

Page 2: Anyo ng pagsulat ayon sa layunin

Paglalahad• pagpapaliwanag na nakasentro sa

pagbibigay-linaw sa mga pangyayari• sanhi at bunga• magkakaugnay na mga ideya• pagbibigay ng halimbawa

Page 3: Anyo ng pagsulat ayon sa layunin

Pagsasalaysay• nakapokus sa kronolohikal o

pagkakasunud-sunog na daloy ng pangyayaring aktwal na naganap.

• nakapokus sa lohikal na ayos ng pangyayari sa naratibong malikhaing pagsulat.

Page 4: Anyo ng pagsulat ayon sa layunin

Pangangatwiran• katwiran, opinyon o argumentong ,

pumapanig o sumasalungat sa isang isyung nakahain sa manunulat.

Page 5: Anyo ng pagsulat ayon sa layunin

Paglalarawan • isinasaad sa panulat na ito ang

obserbasyon, uri, kondisyon, damdamin ng isang manunulat sa isang bagay, tao, lugar, at kapaligiran.

Page 6: Anyo ng pagsulat ayon sa layunin

Malinis, malawak, mabini,…..nararaanan ang matibay na tulay na bato, tumatawid sa ilog, natatanaw sa dakong itaas ng bundok, ang nakapanunghay na kastilyo, nagugunita niya marahil ang kanyang Ilog Pasig, ang kanyang Look ng Maynila, o ang higit na malapit-sa-pusong Bai ng Laguna, maging ang bundok ng Binan.

Page 7: Anyo ng pagsulat ayon sa layunin

Sitwasyon: Nagkaroon ng suliranin si Nena tungkol sa kalusugan ng anak.

Kolustrum ang tawag sa unang labas ng gatas ng ina. Ito ay malapot, manilaw-nilaw at masustansiya. Ito ay may anti-bodies na panlaban sa pagtatae, pulmunya at iba pang sakit na maaaring dumapo sa bagong silang na sanggol. Mainam din ang kolustrum pamurga at laksatibo o pampalabas ng “taon”.

Ganito ang ginawa ni Nena.

Kapanganganak pa lamang ni Nena. Napansin niyang manilaw-nilaw ang gatas na lumalabas sa kanya. Inisip niyang panis ito. Hindi niya ito pinasuso sa kanyang sanggol.

Makaraan ang isang buwan, napansin ni Nena na maliit magtae ang kanyang sanggol. Hindi naman ito tinutubuan ng ngipin. Mahina rin ang katawan ng kanyang sanggol.

Page 8: Anyo ng pagsulat ayon sa layunin

Nagdaan ang Pasko, ang Bagong Taon, at ang kasunod na Mahal na Araw. Namamaalam na noon ang katag-initan.Bungkus-bungkos na kung anurin ng hangin sa kalawakan ng himpapawid ang maabu-abong balumdon ng mga panganorin. May mga banta na ng pag-ulan. Patuloy na bigo ang Operation Scarlet ng Army.

Page 9: Anyo ng pagsulat ayon sa layunin

Sa midyang elektronik, higit na kagyat na ang dating ng radyo dahil nabobrodkast kaagad ng reporter ang mga balita mula sa pinangyarihan. Higit din itong aktibong midyum na nangangailangan talaga ng pagsangkot ng nakikinig dahil kailangan nilang lumikha ng sariling larawan mula sa salita at tunog ng nanggagaling sa istasyon ng radyo o aktwal na tagpuan ng pangyayari. You feel at once with radio…just feel the radio is genuine. (Bernett 1989)

Page 10: Anyo ng pagsulat ayon sa layunin

Kiririnnggg…..Napakislot ang iskolar ng bayan. Alas 10:00 na pala, klase na naman. Tumindig, nagsuklat, umiikot-ikot at nagpalingalinga na tila ba may hinahanap. Sa kanyang pagtapon ng tingin sa may kalayuan, nakita niya ang dating kaklase. “Pare, anong block mo?” ang tanong ng kaibigan. “International pare ko.” Hindi na nagtanong pa ang kaibigan, sabay alis. Alam na niya ang ibig sabihin. Naghanap na ng kwarto ang iskolar ng bayan. Naglakad. Tumakbo. Umakyat. Bumaba. Humihingal. Pinagpawisan at muntik nang himatayin. Muling tiningnan ang klas kard. Nanlaki ang mata. Nanang ko….. Kaya pala naman.