9
Barayti at Antas ng Wika

Barayti at antas ng wika

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Barayti at antas ng wika

Barayti at Antas ng

Wika

Page 2: Barayti at antas ng wika

Layunin :Pagkatapos ng aralin , ang mga mag-

aaral ay inaasahang ;

Nakapagbibigay ng deskripsyon ng varayti ng wika.

Napagpapangkat- pangkat ang barsasyon sa wika.

Nailalarawan ang mga antas ng wika.

Page 3: Barayti at antas ng wika

Ang pag- usbong ng mga barsasyon ng wika ay may malaking kinalaman sa estado ng buhay , kasarian , trabaho , antas ng pinag- aralan at paniniwala. Maging ang teritoryo , lugar o espasyo ay may malaking epekto sa pagkakaroon ng barayti ng wika.

Ipinangkat ni Rubrico ang barsasyon ng wika sa tatlo Dayalekto Sosyolek Rehistro

Page 4: Barayti at antas ng wika

Dayalekto o Dayalek

– ang barsasyon ng wika na nalilikha dulot ng dimensyong heograpikal. Ito ang wikang ginagamit sa loob ng isang partikular na lugar o teritoryo ng isang pangkat ng tao.

Sosyolek - ang barsasyon ng wika na dulot ng dimensyong sosyal. May kakayahan ang tao sa pag- angkop ng kanyang sarili sa isang sitwasyong pandiskurso.

Page 5: Barayti at antas ng wika

Rehistro ng Wika – Isang barsasyon sa wika na may kaugnayan sa paggamit ng istilong formal o informal na mas madalas ay nakikita / nagagamit sa isang partikular na disiplina ( akademik ).

a. Jargon – tumutukoy sa mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain.

b. Idyolek – nakasanayang pamamaraan ng pagsasalita ng tao o maaari ring grupo ng tao. Ang idyolek ay umaayon sa indibidwalidad na kakanyahan ng gumagamit ng wika.

Page 6: Barayti at antas ng wika

ANTAS NG WIKA

1. Pambansa- isang wika na kung saan ay opisyal na naisabatas para gamitin sa buong bansa.

2. Pampanitikan – nasasalamin sa paggamit nito ang husay ng gumagamit tulad ng pagsulat ng obrang pampanitikan , talumpati at maging sa mga talakayan.

Page 7: Barayti at antas ng wika

3. Lalawiganin – ang ginagamit na wika sa ma tiyak at partikular na pook at lalawigan. Makikita ito sa pagkakaiba ng mga punto o tono sa pagsasalita.

4. Kolokyal – ito ay mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong impormal , na karaniwan sa pakikipag- usap sa tahanan , kaibigan at paaralan.

Page 8: Barayti at antas ng wika

5. Balbal – itinuturing ito na pinakamababang antas ng wika. Katumbas ito ng slang sa Ingles. Nalilikha ito ng mga grupo ng tao upang magsilbing koda sa kanilang pag- uusap.

Page 9: Barayti at antas ng wika

Panuto : Awit ng Wika

Hatiin sa limang (5) pangkat ang klase. Bawat pangkat ay maglilista ng mga halimbawa ng salita o pangungusap na kakikitaan ng antas ng wika. Apat na salita o pangungusap sa bawat antas ng wika ang minimum. Mula sa mga nalilistang salita o pangungusap, gagawa ang pangkat ng liriko o awitin na may malayang tema o paksa. Pipili ang pangkat ng isang napapanahong awitin na paglalapatan ng lirikong nalikha. Matapos itong gawin , aawitin ng pangkat ang nabuong kanta na kinapapalooban ng mga antas ng wika. Maaaring maganda at kaaya- aya ang pagtatanghal.