Upload
university-of-santo-tomas
View
4.771
Download
11
Embed Size (px)
Citation preview
Aralin 1: Katuturan at Katangian ng Wika Mahahalagang Tala: KATUTURAN: Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat at pasalitang simbulo (Webster, 1974) Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. (Archibald Hill, What is language, c1980s) Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. (Henry Gleason) KATANGIAN :
1. Ang wika ay tunog – nagsisimula ang isang wika sa mga tunog na nagsisilbing berbal na mga simnolong nabubuo at nirerepresenta ng mga letra.
2. Ang wika ay arbitraryo – pinagkakasunduan ng isang grupo ng taong gumagamit ng wika gayundin, ang bawat wika ay may kakaibang katangiang nabubukod sa iba pang wika.
3. Ang wika ay masistema – ang anumang wika ay may sinusunod na organisasyon at may taglay na istruktura (ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika at pragmatiks). Ponerma – tumutukoy sa makabuluhang tunog ng isang wika. Ponolohiya – makaagham na pag-aaral ng makabuluhang tunog sa isang wika Morpema – tumutukoy sa pinakamaliit na yunit ng isang salita. Morpolohiya – makaagham na pag-aaral sa mga morpema ng isang wika. Sintaks – tumutukoy sa masistemang palabuuan ng mga sugnay, parirala at pangungusap. Semantiks – Pag-aaral sa kahulugan ng isang wika. Pragmatiks - Pag-aaral kung papaano iniimpluwensyahan ng konteksto ang paraan ng
paghahatid ng impormasyon ng mga sentens. Samakatwid, ito ay pag-aaral ng aktwal na
pagsasalita.
4. Ang wika ay sinasalita – nabubuo ang wika sa tulong ng mga aparato at iba’t ibang sangkap
sa pagsasalita tulad ng labi, dila, ngipin, ilong, lalamunan at iba pa.
5. Ang wika ay nakabuhol sa kultura – Pinatutunayan lamang na walang superyor na wika
sapagkat ang bawat wika ay may sariling kakanyahang kultural. Ibigsabihin, hinuhubog ng
wika ang kultura at hinuhubog naman ng kultura ang wika (Sapir at Whorf, w.p.)
6. Ang wika ay daynamiko – nagbabago ang wika batay sa nagbabagong panahon. Nagkakaroon
ng mga bagong salita at nakapaglilinang din ng bagong pagpapakahulugan batay sa
sumusulong na panahon. Halimbawa: Ang toxic noon ay lason ngayon ay labis na
pagkapagod.
7. Ang wika ay malikhain – paggamit ng wika sa sariling kaparaanan at batay sa sumusulong na
mga pangkat ng taong may itinatampok na identidad. Binigyang-diin nito ang pagiging
distinct na anyo ng ekspresyon o paggamit ng wika sa pagpapahayag ng saloobin, damdamin
o naiisip. Hallimbawa: ang sumisibol na pamamaraan ng mga jejemon at bekimon.
8. Ang wika ay makapangyarihan – ginagamit ang wika sa pagtatamo ng impluwensiya para
makapagpabago ng pananaw, makaimpluwensya ng kaisipan, makabuo ng mga bagong ideya,
makapaapekto sa pagsusulong ng mga pamamaraan at polisiya at higit ay makapagpakilos.
Sanggunian:
Ampil, R., et al. (2010). Akademikong Filipino sa Komunikasyong Global. Manila City. University of Santo Tomas Publishing House. Arrogante, J., et al. (2009). Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Navotas City: National Bookstore, Inc. Inihanda ni: G. Jonathan Vergara Geronimo