38
Mga Hakbang sa Dikto- Komp 1. Pumili ng isang teksto na nagtataglay ng mga kayariang sintaktik na nais mong mapagsanayang gamitin sa pagsulat ng mga mag-aaral. 2. Basahin ang buong teksto sa karaniwang bilis sa pagbasa. Hayaang mapakingggan ito ng buong klase at sabihin sa klase na kailangan nilang magtala ng mahahalagang salita o parirala. 3. Pagkatpos, hayaang magpares-pares ang mga mag-aaral at ipabuo mili ang tekstong napakinggan sa tulong ng mga naitalang salita at/o parirala. 4. Mula sa dalawahan, pagpangkat-pangkatin muli ang mga mag-aaral (4-7 kasapi) at hayaang ilahad ng bawat kasapi ng pangkat ang binuong komposisyon. Paghambing-hambingin ito at pabuuin muli ng pinal na komposisyon ang bawat pangkat. 5. Ipakita ang orihinal na teksto nang buong-buo o kaya ay isa-isang ilahad ang mga pangungusap ng buong teksto. Ihambing ang nabuong teksto sa orihinal.

Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Mga Dulog sa Pagsulat sa Filipino

Citation preview

Page 1: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Mga Hakbang sa Dikto-Komp1. Pumili ng isang teksto na nagtataglay ng mga

kayariang sintaktik na nais mong mapagsanayang gamitin sa pagsulat ng mga mag-aaral. 2. Basahin ang buong teksto sa karaniwang bilis sa pagbasa. Hayaang mapakingggan ito ng buong klase at sabihin sa klase na kailangan nilang magtala ng mahahalagang salita o parirala.3. Pagkatpos, hayaang magpares-pares ang mga mag-aaral at ipabuo mili ang tekstong napakinggan sa tulong ng mga naitalang salita at/o parirala.4. Mula sa dalawahan, pagpangkat-pangkatin muli ang mga mag-aaral (4-7 kasapi) at hayaang ilahad ng bawat kasapi ng pangkat ang binuong komposisyon. Paghambing-hambingin ito at pabuuin muli ng pinal na komposisyon ang bawat pangkat.

5. Ipakita ang orihinal na teksto nang buong-buo o kaya ay isa-isang ilahad ang mga pangungusap ng buong teksto. Ihambing ang nabuong teksto sa orihinal.

Page 2: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Ang Malayang Pagsulat-Isang Multidimensyonal na Proseso

Ang proseso sa pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat. Kasangkot dito ang mga manunulat sa pag-iisip, pagtalakay, pagbabasa, pagpaplano, pagsulat, pag-eedit at pagsulat muli ng nabuong sulatin.

Ito ay paulit-ulit na proseso kung saan sinisimulan ang pagsulat at pagkatapos ay maaring baguhin ang naisulat, susulat muli hanggang sa mabuo ang sulatin.

Maaring sa kalagitnaan ay huminto ang manunulat upang makaiisip pa ng magagandang ideya o di kaya ay sasangguni siya sa isang kaibigan o isang libro lalo na kung hindi naktitiyak sa kawastuhan ng ideyang nais na ilahad.

Page 3: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Ang paglikha ng isang sulatin ay binubuo ng

tatlong malalawak na yugto:

Bago Sumulat

Pagpili ng paksaPaglikha ng mga

ideyaPagbuo ng mga

ideya

Pagsulat

Pagbuo ng buradorPagtanggap ng

pidbak/pagsangguniPagrerebisa

Paglalathala

PaglalahadPag-didisplay

Page 4: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Mga Yugto sa Prosesong

Pagdulog sa Pagsulat

Page 5: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

1. Bago SumulatNagsisimula matapos ihayag ng guro ang

paksa o di kaya ay matapos mapagkasunduan ng buong klase ang paksang tatalakayin. Tumatagal ito hanggang sa paglikha at paghanap ng mga ideya at nagtatapos kapag isinulat na ang burador.Ang mga gawaing pangklasrum sa yugtong ito ng pagsulat ay tiyak na makakatulong sa mga mag-aaral sa paglinang ng mga ideya o di kaya ay magpapalinaw o magpapayabong sa kanilang orihinal na mga ideya.Kadalasan ito ay mga pangkatang gawain at makatutulong sa kanila ang mga larawan, tsart, artikulo mula sa pahayagan o magasin, audio-video recording o film viewing upang maganyak ang mag-aaral na mag-isip at makabuo ng makabuluhang ideya.

Page 6: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Ilan sa mga teknik na maaring gamitin sa paglikha o pagbuo ng

mga ideya:

A. Brainstorming

Pagbibigayan ng mga mag-aaral ng maraming

ideya(salita o parirala). Lahat ng ideyang ibibigay ay tatanggapin o lilipunin

sa pamamagitan ng pagsulat sa pisara, manila

paper o kwaderno.Inaasahan na mas

magbubunga ang gawaing ito ng higitna maraming

ideya o kaisipan.

Page 7: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Ilan sa mga teknik na maaring gamitin sa paglikha o pagbuo ng

mga ideya:

B. Pagtatala (Note taking)

Bawat mag-aaral ay hikayating magtala ng mga ideya na kaugnay sa paksa hanggang sa makabuo siya

ng mahabang talaan.Ito ay pagtitiyak na hindi

mawaglit ang lahat ng ideya na nasa kanilang isipan at alaala habang naglalahad ng iba pang

ideya.

Page 8: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Ilan sa mga teknik na maaring gamitin sa paglikha o pagbuo ng

mga ideya:

C. Mabilis na Pagsulat

Sa tulong ng pamagat at ng pambungad na pangungusap, pasulatin nang tuloy-tuloy ang

bawat mag-aaral sa loob ng limang minuto. (Kung wala

siyang maisip na ideya, isusulat niya ang ganito “ Ano ang

susunod kong isusulat?” nang maraming beses hanggang sa

may maisip na ideya.)Patitigilin sa pagsulat ang klase

matapos ang limang minuto. Maaaring magpalitan ang mag-

aaral sa mga naisulat o talakayin ito ng pangkatan.

Page 9: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Ilan sa mga teknik na maaring gamitin sa paglikha o pagbuo ng

mga ideya:

D. Mind-Mapping

Tulad ng brainstorming, maaari

itong isagawa nang pangkatan o ng buong

klase.Ang gawain ay

pasisimulan ng guro sa pagsulat sa

pangunahing ideya sa gitna ng pisara at

susundan ng pagsulat ng mga kaugnay na

ideya/salita sa paligid ng ulong salita o

panginahing ideya

Page 10: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Halimbawa ng Mind-Mapping

libangan

pagkain

inuminhindi gusto

panlabas na anyo

pananamit

mga gusto

bilugan ang mata

mahaba ang buhok

matangkad

panonood ng tvpag-awit

pag-sayaw

sando/t-shirt

shorts/pantalon

rubber shoes

makulit

mayabang

gatas

menudo

spagetti

ice tea tanduay

ice

cake

pandesal

buco pandan

Page 11: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Ilan sa mga teknik na maaring gamitin sa paglikha o pagbuo ng

mga ideya:

E. Pagbuo ng mga ideya

Ang ibat’ibang teknik tulad ng brainstorming ay

makatutulong ng malaki upang makapagtipon ang

mga mag-aaral ng maraming ideya para sa

kanilang sulatin.Susunod ay ang pagbuo at

pagpili ng ideya kaugnay sa paksang susulatin. Maaari itong ipagawa nang isahan upang makapagpasya kung

alin ang dapat ilagay sa unahan, sa gitna at sa

katapusan. Sa dakong ito, ipaplano na ang pagsulat

ng komposisyon.

Page 12: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

2. Pagsulat

Ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat. Dito isinasagawa ang aktawal na pagsulat kung saan napapaloob dito ang pagsulat ng burador.

Isinasaayos ang simula, katawan at pagwawakas ng komposisyon.

Sa akdang patula ito ay kinapapalooban ng pagsasaayos ng taludturan at saknong.

Page 13: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

A. Pagsulat ng Burador (Draft)

Isulat ang burador batay sa planong isinagawa.

Kailangan ito ay positibong saloobin upang malayang mailahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga ideya sa paraang gusto nila ng hindi pigil o takot magkamali.

Maaaring masiyahan na sila sa unang burador o di kaya’y gumawa pa ng pagbabago habang sumusulat.

Ipaalala na dapat isaisip ang layunin at kung sino ang target na tagabasa upang makapili ng angkop na salita, istilo at anyo ng mga pangungusap para sa sulatin.

Page 14: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

B. Pidbak/Pakikipanayam

Sa yugtong ito ay nabibigyan ng ibayong patnubay ang mga mag-aaral kung paano nila mapapabuti ang kanilang mga kasanayan sa pagsulat. Sa pamamagitan ng mga tanong at puna ng guro o ng isang kaklase, matutuklasan ng isang mag-aaral ang kahinaan at kabutihan ng kanyang komposisyon at daan ito upang mapalinaw at mapadalisay ang kanyang sulatin.

Ang pakikipanayam ay maaaring isahan o pangkatan. Gawin itong maikli at bigyang-pokus ang nilalaman at pakahulugan dito. Tungkulin ng guro na bumuo ng mga tanong na gaganyak at pansuporta sa mga pagsisikap na ginagawa ng mga mag-aaral sa pagsulat.

Page 15: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

B. Pidbak/Pakikipanayam

Ilan sa mga tanong na maaaring gamitin sa pakikipanayam ay ang mga sumusunod:

Ano ang paksa ng iyong sulatin?

Bakit gusto mo itong sulatin?

Sino ang iyong target na tagabasa?

Ano ang pinakagusto mong bahagi?

Sinabi mong malungkot ka nang…

Page 16: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

C. Muling Pagsulat/Rebisyon

Pagtatapos, isususlat na muli ng mga mag-aaral ang kanilang komposisyon na isinasaalang-alang ang mga kaisipang natamo sa pakikipanayam.

Hikayatin ang mga mag-aaral na mag-sip habang isinusulat muli ang komposisyon at hindi lamang basta kinokopya ang burador.

Dapat bigyang pagpapabuti ang gawain sa pamamagitan ng mga wastong paglilinaw sa ideya at pagiging kawili-wili nito.

Page 17: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

C. Muling Pagsulat/RebisyonMga patnubay na tanong para sa muling

pagsulat:Kawili-wili ba ang pangunahing ideyang inilahad mo sa iyong burador?Sa iyong palagay, iisipin ba ng iyong target na tagabasa na kawili-wili

ang ideyang iyong inilahad, mauunawaan kaya nila ang iyong ideya,

makakapulot ba sila ng bagong kaalaman sa iyong mga ideya,

matatanto kaya nila kung sino at ano ka bilang tao?Mayroon bang bahagi sa iyong komposisyon na dapat alisin o baguhin?

Nasisiyahan ka na ba sa iyong panimula/pagwawakas? Paano mo ito mapapaganda?

Mas makabubuti ba kung may bahagi (pangungusap/talata) na ililipat mo ng lugar upang ito’y

maging malinaw at kawili-wili?Maaari mo bang palitan ang ilang salita upang gawin itong

mas tiyak?Malinaw ba ang pag-uugnayan ng mga ideyang iyong

inilahad?Paano mo ito magagawang mas malinaw?

Page 18: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

E. Editing/Pagwawasto

Matapos maisulat muli ang komposisyon, maiwawasto na ito na bibigyang-pansin ang nilalaman, pagbubuo, balarila at kayarian ng pangungusap.

Hikayatin ang mga mag-aaral na gumawa ng sariling pagwawasto sa kanilang komposisyon bago ito ipasa sa guro.

Page 19: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Mga Mungkahing Patnubay sa Pagtuturo ng

Pagsulat

Page 20: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

1. Gawaing maluwag ang kalagayang pangklase:

a. Pagpares-parisin ang mga mag-aaral sa unang araw ng pasukan at hayaang kapanayamin ang isat’ isa.

Pagkatapos, hayaang ipakilala sa klaseng bawat isa ang kanilang kapares.

b. Ganyakin ang bawat mag-aaral na magkwento tungkol sa isang karanasan na nagpapakita ng “pagmamalaki sa

sarili.”c. Magpakita ng larawan(pansarili o pampamilya) at

magkwento tungkol dito. Bigyang pansin ang mga sumusunod:

Ano ang iyong naging damdamin ng kunan ang larawang ito?

Masaya o malungkot ka ba? Bakit?Ano ang kaibahan mo noon at ngayon?

Page 21: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

2. Linangin ang kasanayan sa pagmamasid sa paligid.

Ang isang manunulat ay sumusulat upang mailarawan ang mga bagay tungkol sa kanilang sarili at dpat aigdig na ginagalawan. Upang maging tapat sa kanilang paglalarawan, kailangan maging sensitibo sila sa mga detalye- at ito’y nangangailangan ng masugid na pagmamasid.

Isang mainam na pagmamasid ay ang paglalarawan ng isang tao hanggang sa kaliit-liitang detalye tulad ng edad, taas, buhok, mukha, pananamit, tindig, kilos o galaw, pananalita, tinig at iba pang katangiang iyong mapagtutuunan mang pansin.

Page 22: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Halimbawa sa lugar ng Tapsilog Restoran:

Isang lalake

Humigit-kumulang, anim na talampakan ang taas

Animnapu’t isang taong gulang

May salamin

Matangos ang ilong

Nakasuot ng puting polo

Mataba

Nag-iisa. Umiinom

Page 23: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Amoy

Lasa

Page 24: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Tunog

Page 25: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Bahagi ng mga usapan“Panalo na naman ang SanMig!” “Ano po

ang order ninyo?”

“Babawi ang

Ginebra bukas!”

“Dalawang order

ng tapa”

“Kape nga, may

gatas.”

“Ketsap

nga.”

“Kumusta ka na?”

“Anong kakainin

mo?”

Page 26: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Pandama

Malamig ang sabaw

Malangis na mga kutsara

Basang-basa ang mesa

Matigas ang napkin, mumurahin Malagkit ang mukha

Madulas ang sahig

Maalinsangan ang panahon

Mamantika ang itlog

Page 27: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

3. Maging maluwag sa pagbibigay ng mga nakakaganyak na papuri

Gising ang pandamdam:“Napapagalaw mo ang iyong pandamdam”“Naging matalas din ang iyong pandinig.”Detalye:“Siguradong makikita ko ang lugar na iyon;Nailarawan mo ito hanggang kaliit-liitang detalye.”Kapani-paniwala:“Tunay na alam mo ang lugar na iyon.”

Mga Salitang Kilos:“Kumilos… Gumalaw… tunay na nagagamit mo nang mahusay ang mga pandiwa.”Determinasyon:“Alam kong nahihirapan ka sa pagsulat nito pero pakinggan mo ang daloy ng iyong mga pangungusap.”

Page 28: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

3. Maging maluwag sa pagbibigay ng mga nakakaganyak na papuri

Tibay ng Loob:“Nakaranas na rin ako ng kabiguan at minsan mahirap itong sabihin sa iba. Subalit nagawa mo na ito kung kaya’t maganda ang naging marka ng iyong papel.”Paggamit ng salita:“Pansinin mo ang pares ng salitang iyong ginamit patak sa bitak. May bahagi bang matulain sa iyong sinulat?”

Dayalog:“Nang papagsalitain mo ang iyong tauhan, para silang mga totoong tao.”

Imahinasyon:“Naramdaman kong parang totoong nandoon ako sa planetang iyon.”

Katatawanan:“Sumakit ang tiyan ko sa katatawa sa bahaging ito.”

Page 29: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

4. Sabihin: “Ipakita! Huwag sabihin.”

Hindi sinasabi ng magagaling na manunulat ang kanilang naiisip o nadarama. Ipinakikita nila ito. Narito ang ilang paraan ng pagpapakita ng iniisip o nadarama:

Paano… Ano…

Laging ipaalala ang wastong gamit ng salita, bantas at kayarian ng

pangungusap

Gumamit ng usapan sa sulatin.

Bigyang-diin ang paggamit ng mga salitang kilos, lalo

na ang mga pandiwa.Gumamit ng

mga talinghaga tulad ng simili at

metapora.

Bigyan ang mga mag-aaral ng babasahin at

udyukin sila sa mga tanong.

Page 30: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Pagtugon sa/at Ebalwasyon ng mga Sulatin/Komposisyon

1. Lahat ba ng sulatin ay dapat tayain?

Kapanibangang

Pedagohikal

Likas naPagkukuro

2. Sino ang dapat mag-ebalweyt at ano ang tungkulin ng ebalweytor?

Guro Kamag-aral Sarili

Page 31: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Ebalwasyon ng Guro

Tagabasa ng mga likhang sulatin.

Tagapayo o pagbibigay mungkahi upang mapabuti ang sulatin.

Takbuhan o dulugan nga mga salitang hindi maisip o sanggunian ng impormasyon.

Page 32: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Ebalwasyon ng isang kamag-aral

Ang kaklaseng ebalweytor ang tatayong Tunay na Tagabasa upang maging sensitbo ang mag-aaral na

manunulat sa ideya ng awdyens sa sulatin.

Ang talakayan sa ebalwasyon ng isang kaklase ay magbibigay ng pagkakataon upang matutuhan ang

ibat’ibang istratehiya sa paglikha ng sulatin na ginamit ng ibang kamag-aral.

Ang pag-eedit na isasagawa ng mga mag-aaral bilang ebalwasyon ay makababawas upang bigyang-

pansin ng guro ang mga pagbabantas, balarila, pagbaybay atbp.

Page 33: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Ebalwasyon Pansarili

Karaniwan binibigyang mungkahi ng guro ang mga ang mag-aaral upang maging

maganda ang kanilang komposisyon.

- Nagbabasa ang tao ng kwento upang maglibang kung kaya, ito ay dapat kawili-

wili.

-Kailangan malinaw na mailarawan sa isipan ng mambabasa ang tagpuan, tauhan, at mga pangyayari sa kwentong binabasa.

Kung may kamalayan ang mga mag-aaral sa ibat’ ibang mekanismo bago pa man sumulat, malamang na pipilitin niyang

maisaalang-alang ang kabuuan ng proseso ng pagsulat.

Page 34: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

3. Bakit kailangan ng guro ang mahabang oras sa pagtugon

sa pagwawasto ng komposisyon?

Upang mapatnubaya

n ang mga mag-aaral sa rebisyon at

pagpapaganda

ng sulatin.

Upang gumanap na tagabasang nagtatanong

para matulungan

ang mga mag-aaral na maebalweyt ang kanilang

sulatin.

Upang tulungan ang

mga mag-aaral na

mapataas ang kalidad ng kanilang mga ideya.

Upang maganyak ang mga

mag-aaral na maging

epektibong manunulat.

Page 35: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Ibat’ ibang Paraan ng Ebalwasyon

Parmamarkang Holistik

Mapamiling Pagmamarka

Dalawahang Pokus na Pagmamarka

Top-Down na pananaw sa sulatin. Babasahin ng masinsinan at pagbibigay

puna (kabutihan at kahinaan).

May krayteryang dapat sundin (wastong pag-uugnay ng mga ideya). Iwaksi ang

kamalian at bigyang-pansin ang target na kasanayan.

Markang patitik (nilalaman) at markang bilang (kasanayan sa

wika).

Page 36: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Ang Pagtataya ng KawastuhanSalungguhitan

ang kamalian at huwag iwasto.

Maaring bumuo ang guro ng

panuntunan/simbolo na gagamitin

kasama ng pagsalungguhit.

Halimbawa:B ---------------------

bantasMS ------- maling

gamit ng

salitaMT----------- maling

titik? ---------- hindi

malinawX ------------------

alisin ito

Kung ang pangungusap sa

sulatin ay hindi mo maunawaan, mas mainam na lagyan ito ng ? at sabihing makipagkita sa guro sa halip na burahin

ito at isulat ng guro

para sa mag-aaral.

Hal. Kung di pa alam ng mag-

aaral ang tuntunin at/o di inaasahang alam na, hayaan na lamang ito. O di kaya sumulat ng ganito ang isinasaad: “

Makipagkita sa akin at

ipaliliwanag ko ang tuntunin.”

Kung malimit at konsistent sa mga ipinasang sulatin

ang pagkakamali, kailangan maglaan ng

pagsasanay upang malunasan ito bago

isagawa ang susunod na gawain sa pagsulat. (Palaro o gawaing

pambalarila)

Page 37: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Maraming Salamat sa

inyong matimtimang

pakikinig sa akin.

-Abby

Page 38: Filipino Major - mga dulog sa pagsulat

Pagawain: Mind Mapping