3
3 rd Periodic Test EPP6 Marie Jaja T. Roa Kagawaran ng Edukasyon Distrito ng Santa Maria Mababang Paaralan ng Kanlurang Sentral ng Santa Maria Ikatlong Markahang Pagsusulit sa EPP 6 Pangalan: ________________________________________________________________________ I. Bilugan ang letra ng pinakamabuting sagot. 1. Ang animal husbandry ay makaagham nap ag- aalaga ng hayop. Alin sa mga sumusunod ang hindi naaayon ditto? a. Pagtingin ng beterinaryo sa mga hayop. b. Pagkukulong sa mga hayop upang matingnan. c. Pagkukulong sa mga hayop para madaling mapatay. d. A at B 2. Ano ang maaaring magawa ng pamamaraang cloning? a. Mapalago ang mga hayop na malulusog at magandang lahi b. Patayin ang mga hayop na hindi gusto c. Magkaroon ng kamukhang hayop d. Magkaroon ng bagong lahi ng hayop 3. Bakit dapat na hybrid ang hayop na aalagaan? a. Ito ay magandang tingnan. b. Ito ay matagal ang buhay. c. Ito ay magandang lahi. d. B at C 4. Anong pakinabang ang nakukuha sa hayop? a. Pera at kasiyahan b. Tagumpay at kabiguan c. Kaligayahan at hirap ng katawan d. Pagkain 5. Maaari bang maalagaan ang mga baboy sa paligid ng mga bahayan? a. Hindi, mangangamoy ito. b. Oo, kung mapanatili itong lagging malinis at walang amoy. c. Oo, kailangan lamang na humingi ng pahintulot sa mga kapitbahay. d. Oo, nakakatulong ito sa kagandahan ng bakuran. 6. Ano ang makaagham napag- aalaga ng hayop? a. Nag- aalaga lamang ng mga hayop na imported b. Lagging nag- eeksperimento sa iba’t- ibang hayop c. Sumusunod sa magandng pamamaraan ng pag- aalaga. 7. Ito ay paraan ng pagbibili ng produkto kung saan ipagbili nang isa- isa sa mga taong lumalapit at pagnanais na bumili. a. Tingi b. Lansakan o pakyawan c. Piraso, pares o bilang d. B at C 8. Ang lahat ng hayop na maaaring maipagbili ay binibiling lahat ng isang mamimili. a. Tingi b. Lansakan o pakyawan c. Piraso, pares o bilang d. A at C 9. Ang bilihan ay ayon sa bilang ng piraso o kung ilan. a. Tingi b. Lansakan o pakyawan c. Piraso, pares o bilang d. A at B

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa EPP 6

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ikatlong Markahang Pagsusulit sa EPP 6

3rd Periodic Test EPP6 Marie Jaja T. Roa

Kagawaran ng Edukasyon

Distrito ng Santa Maria

Mababang Paaralan ng Kanlurang Sentral ng Santa Maria

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa EPP 6

Pangalan: ________________________________________________________________________

I. Bilugan ang letra ng pinakamabuting sagot.

1. Ang animal husbandry ay makaagham nap ag- aalaga ng hayop. Alin sa mga sumusunod ang hindi naaayon

ditto?

a. Pagtingin ng beterinaryo sa mga hayop.

b. Pagkukulong sa mga hayop upang matingnan.

c. Pagkukulong sa mga hayop para madaling mapatay.

d. A at B

2. Ano ang maaaring magawa ng pamamaraang cloning?

a. Mapalago ang mga hayop na malulusog at magandang lahi

b. Patayin ang mga hayop na hindi gusto

c. Magkaroon ng kamukhang hayop

d. Magkaroon ng bagong lahi ng hayop

3. Bakit dapat na hybrid ang hayop na aalagaan?

a. Ito ay magandang tingnan.

b. Ito ay matagal ang buhay.

c. Ito ay magandang lahi.

d. B at C

4. Anong pakinabang ang nakukuha sa hayop?

a. Pera at kasiyahan

b. Tagumpay at kabiguan

c. Kaligayahan at hirap ng katawan

d. Pagkain

5. Maaari bang maalagaan ang mga baboy sa paligid ng mga bahayan?

a. Hindi, mangangamoy ito.

b. Oo, kung mapanatili itong lagging malinis at walang amoy.

c. Oo, kailangan lamang na humingi ng pahintulot sa mga kapitbahay.

d. Oo, nakakatulong ito sa kagandahan ng bakuran.

6. Ano ang makaagham napag- aalaga ng hayop?

a. Nag- aalaga lamang ng mga hayop na imported

b. Lagging nag- eeksperimento sa iba’t- ibang hayop

c. Sumusunod sa magandng pamamaraan ng pag- aalaga.

7. Ito ay paraan ng pagbibili ng produkto kung saan ipagbili nang isa- isa sa mga taong lumalapit at pagnanais na

bumili.

a. Tingi

b. Lansakan o pakyawan

c. Piraso, pares o bilang

d. B at C

8. Ang lahat ng hayop na maaaring maipagbili ay binibiling lahat ng isang mamimili.

a. Tingi

b. Lansakan o pakyawan

c. Piraso, pares o bilang

d. A at C

9. Ang bilihan ay ayon sa bilang ng piraso o kung ilan.

a. Tingi

b. Lansakan o pakyawan

c. Piraso, pares o bilang

d. A at B

Page 2: Ikatlong Markahang Pagsusulit sa EPP 6

3rd Periodic Test EPP6 Marie Jaja T. Roa

10. Ang mga hayop ay may 70% na tubig sa katawan, kaya dapat ito:

a. Painumin paminsan- minsan

b. Painumin ng 1.5 litro hanggang 2.5 na litro sa isang araw.

c. Painumin ng 1 litro ng tubig sa isang araw.

d. Pakainin ng mga pagkaing puno ng tubig.

11. Ang sakit na karaniwang kumakapit sa kambing.

a. Anemia b. pneumonia c. kolera d. trangkaso

12. Isa sa mga pangunahing lahi ng baboy na kulay puti, nakababa at nakatakip sa mata ang tenga.

a. Duroc b. Landrace c. Large white d. Pietrain

13. Isa sa mga pangunahing lahi ng baboy na kulay puti ngunit nakatindig ang tenga nito.

a. Duroc b. Landrace c. Large white d. Pietrain

14. Isa sa mga pangunahing lahi ng baboy na kulay puti na may batik na itim. Ito ay may kahinaan sa stress kumpara

sa mga ibang lahi.

a. Duroc b. Landrace c. Large white d. Pietrain

15. Isa sa mga pangunahing lahi ng baboy na kilala dahil sa metatag ito sa stress. Ito ay may kulay tansong pula o

brown.

a. Duroc b. Landrace c. Large white d. Pietrain

16. Isa ito sa mga sakit na maaaring dumapo sa mga baboy kung saan ang isa sa mga sintomas ay pamumula ng

balat.

a. Anemia b. brucellosis c. foot and mouth disease d. kolera

17. Isa ito sa mga sakit na madalas dumadapo madalas sa mga baboy na may hustong gulang na. Ang mga sintomas nito ay pagkaagas at mahinang pag- aanak.

a. Anemia b. brucellosis c. foot and mouth disease d. kolera

18. Ang sintomas ng sakit na ito ay pagtatae, pamumutla, walang ganang kumain at pamamayat.

a. Anemia b. brucellosis c. foot and mouth disease d. kolera

19. Ang sintomas ng sakit na ito ay (1) pamamaso sa balat, bibig at mga pagitan ng mga kuko, (2) sugat sa dila,

nguso, gilagid at mga pagitan ng mga kuko, (3) paglalaway at (4) nahihirapang maglakad.

a. Anemia b. brucellosis c. foot and mouth disease d. kolera

20. Ang sintomas ng sakit na ito ay (1) walang ganang kumain, (2) pamamayat, (3) pag- uubo at (4) pagsusuka.

a. Anemia b. brucellosis c. kolera d. trangkaso

II. Isulat sa patlang ang TAMA o MALI.

________21. Ang apat nag gawaing pang- industriya ay pangkamay, metal, kahoy at elektrisidad.

________22. Ang gawaing kamay ay kilala din sa tawag na handicraft.

________23. Ang produktong pamaypay na abaniko ay nabibilang sa gawaing metal.

________24. Ang pagiging latero ay pwdeng pasukan ng mga taong magaling sa gawaing metal.

________25. Ang pagiging karpentero ay pwedeng pasukan ng mga taong magaling sa gawing kahoy.

________26. Ang mga taong malikhain at gumagamit ng mga recycled na materyales ay magaling sa gawaing elektrisidad.

________27. Ang taong magaling sa pagkukumpuni ng mga sirang bagay- bagay na may kaalaman sa kahoy ay magaling sa gawaing kahoy.

________28. Ang gawaing metal ay kinakailangan ng karagdagang pag- iingat dahil ito ang pinaka delikado sa lahat ng mga gawaing pang- industriya.

________29. Ang gawaing kahoy ay gumagamit ng mga patapong bagay tulad ng lata na maaaring gawing susi at iba pa.

________30. Ang pagiging latero ay gumagawa ng mga produktong gawa sa kahoy.

III. Lagyan ng tsek (√) ang nararapat na gawin at (X) kung hindi.

________31. Ipunin ang lahat ng gamit sa isang lugar.

________32. Gamitin ang mapurol na kasangkapan.

Page 3: Ikatlong Markahang Pagsusulit sa EPP 6

3rd Periodic Test EPP6 Marie Jaja T. Roa

________33. Maglaro habang gumagawa.

________34. Punasan at langisan ang kasangkapang ginamit.

________35. Ikumpas- kumpas ang kamay na may hawak ng kutsilyo habang nakikipag- usap.

________36. Maglaan ng isang lugar na gawaan na malayo sa maraming tao.

________37. Laging ihasa o patalasin ang kasangkapang ginagamit.

________38. Iwasan na gamitin sa pagbibiro ang kasangkapang ginagamit.

________39. Ibato ang ginamit na kasangkapan tulad ng kutsilyo, itak o anumang may tulis para patusukin.

________40. Tiyakin na hindi kakalawangin sa tabihan ang anumang kasangkapan.

IV. Pagtambalin ang larawan na nasa Hanay A sa pangalan nito sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

41. Ruler

42. Protractor

43. Compass

44. Coping saw

45. Lagari

46. Measuring tape

47. Saw dust

48. Swiss knife

49. Knife

50. Steel brush