31
Paglaya ng Pilipinas

Ikatlong republika

Embed Size (px)

DESCRIPTION

dearest 1p

Citation preview

Page 1: Ikatlong republika

Paglaya ng Pilipinas

Page 2: Ikatlong republika

Pagpanaw ni Pang. Quezon

• Aug. 1, 1944 , pumanaw si Pang. Manuel L. Quezon sa Saranac Lake, New York dahil sa sakit na tuberculosis. Pamalit sa kanya bilang pangulo si Sergio Osmeña Sr.

Page 3: Ikatlong republika

Pagbabalik ng mga Amerikano

• Sinimulang bombahin ng mga Amerikano ang mga kuta ng Hapon sa Davao noong Aug. 9, 1944. Sinundan ito ng pagdaong ng mga Amerikano sa Palo, Leyte noong Oct. 20, 1944. Ito ang simula ng pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas.

Page 4: Ikatlong republika

Paglaya ng Maynila

• Napalaya ng mga Amerikano ang Maynila noong Feb. 23, 1945 matapos ang mahigit sampung araw na labanan. Daan-daang mga sibilyan ang namatay sa nasabing labanan.

Page 5: Ikatlong republika

Paglaya ng Pilipinas

• Noong ika-4 ng Hulyo 1945, ipinahayag ni Hen. MacArthur ang paglaya ng Pilipinas mula sa kamay ng mga Hapon. Ngunit may mga nalalabi paring mga puwersa ng mga Hapon na hindi sumusuko sa ibang mga lugar sa Pilipinas.

Page 6: Ikatlong republika

Pagwawakas ng Digmaan

• Aug. 6, 1945, pinasabog sa unang pagkakataon ang Atomic Bomb sa Hiroshima. Nasundan pa ito ng isa pang pagsabog sa Nagasaki noong Aug. 9, 1945. Matapos nito, ipinahayag ni Emperor Hirohito ng Hapon ang pagsuko nito sa digmaan.

Page 7: Ikatlong republika

• Nilagdaan ang kondisyon ng pagsuko sa barkong USS Missouri sa Tokyo Bay, Japan noong Setyembre 2, 1945. Ito ang pormal na pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Page 8: Ikatlong republika

Pagsuko ng mga Hapon sa Pilipinas

• Mula Maynila, umurong ang mga puwersang Hapones sa pamumuno ni Gen. Tomoyuki Yamashita sa Aparri, Cagayan. Nanatili sila roon hanggang sa kanilang pagsuko noong Setyembre 3, 1945. Dito pormal na nagwakas ang pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas.

Page 9: Ikatlong republika

Pagwawakas ng Pamahalaang Komonwelt.

• Noong Abril 23, 1946, naganap ang huling halaan sa ilalim ng pamahalaang komonwelt. Nagwagi sa halaang ito si Manuel Roxas at Elpidio Quirino bilang pangulo at pangalawang pangulo. Sila rin ang naging unang mga pinuno ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.

Page 10: Ikatlong republika

Ang Ikatlong RepublikaAng Pilipinas bilang Malayang Bansa

Page 11: Ikatlong republika

Paglaya ng Pilipinas• Matapos ang mahigit 48

taong panunungkulan, ipinahayag ng mga Amerikano ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946. Naging isang ganap na estado ang Pilipinas. Nanumpa bilang unang pangulo si Manuel A. Roxas.

Page 12: Ikatlong republika

Talambuhay ni Manuel A. Roxas

• Pagsilang: Enero 1, 1892 sa Capiz (Roxas City)• Magulang: Gerardo Sr. at Rosario Acuña• Edukasyon: Unibersidad ng Pilipinas (Law)• Asawa: Trinidad De Leon• Anak: Ruby at Gerardo Jr.• Kamatayan: Abril 16, 1946 sa Clark Air Base,

Pampangga dahil sa sakit sa puso

Page 13: Ikatlong republika

Panunungkulang Pampubliko

• Konsehal, Bayan ng Capiz• Gobernador, Lalawigan ng

Capiz• Kinatawan at Ispiker ng

Mababang Kapulungan• Miyembro, OSROX Mission

1931-1933• Founding Chairman, Liberal

Party• Delegado ng 1935

Constitutional Convention

Page 14: Ikatlong republika

Suliraning Kinaharap ni Pang. Roxas

• Pag-angat sa lugmok na ekonomiya ng bansa dahil sa digmaan.

• Pagpapanatili sa pambansang katahimikan dahil sa mga HUK.

• Paglutas sa isyu ng kolaborasyon.

Page 15: Ikatlong republika

Philippine Trade Act (Bell Trade Act, Parity Rights)

• Layunin nitong maibangon ang bagsak na ekonomiya ng bansa.

• Ito ay nagkaloob sa mga Amerikanong negosyante ng pantay na karapatang gamitin at makinabang sa likas na yaman ng Pilipinas.

Page 16: Ikatlong republika

Amnestiya sa mga Collaborators

• Nagpalabas si Pang. Roxas ng isang proklamasyon na nagbigay ng pagpapatawad sa mga political collaborators. Sila ang mga nanungkulan sa Ikalawang Republika dahil inihabilin ito ni Quezon.

Page 17: Ikatlong republika

Suliraning Pangkatahimikan• Ang mga HUKBALAHAP (HUK) ay isang

pangkat ng gerilya na lumaban sa mga Hapon noong panahon ng digmaan. Nag-umpisa ang gulo nang hindi sila kilalanin ng mga Amerikano sa kanilang ginawa at wala silang tinanggap na backpay. Pinaratangan pa sila bilang mga Komunista. Dahil dito, ipinahayag nila ang pagtutol sa pamahalaan.

Page 18: Ikatlong republika

Pagkamatay ni Pang. Roxas

• Matapos magbigay ng isang talumpati sa Clark Air Base, isinugod sa hospital si Pang. Roxas dahil sa pananakip ng dibdib. Binawian siya ng buhay noong Abril 15, 1948 sa edad na 56. Humalili sa kanya bilang pangulo si Elpidio Quirino.

Page 19: Ikatlong republika

Panunungkulan ni

Elpidio R. Quirino

Page 20: Ikatlong republika

Talambuhay

• Pagsilang: Nob. 16, 1890 sa Vigan, Ilocos Sur • Magulang: Mariano at Gregoria Rivera• Edukasyon: Unibersidad ng Pilipinas (Law)• Asawa: Alicia Syquia• Anak: Fe, Armando, Norma, Thomas at Victoria• Kamatayan: Pebrero 29, 1955 sa Novaliches,

Quezon City

Page 21: Ikatlong republika

Panunungkulang Pampubliko

• Kinatawan ng Ilocos Sur

• Senador

• Gabinete ni Pang. Quezon (Finance at Interior)

• Pangalawang Pangulo

• Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Administrasyong Roxas

Pamilya ni Pang. Quirino, (L-R) Victoria, Conchita at Thomas

Page 22: Ikatlong republika

• Nanumpa bilang pangulo si Elpidio Quirino matapos mamatay si Pang. Roxas noong Abril 15, 1948. Muli siyang nahalal na pangulo noong Nobyembre 1949 at nanungkulan hanggang Disyembre 1953.

Page 23: Ikatlong republika

• Namatay ang asawa at tatlong anak ni Pang. Quirino noong panahon ng digmaan. Nang siya ay naging pangulo, tumayo bilang first lady ng bansa ang bunsong anak ni Pang. Quirino na si Victoria.

Page 24: Ikatlong republika

Mga Programa ng Administrasyong Quirino

• Pagpapaunlad ng Kabuhayan ng mga Pilipino• Pagsugpo sa Paglaganap ng Komunismo• Pagharap ng Suliranin sa mga Huk

Page 25: Ikatlong republika

Ama ng Industriyang Pilipino

• Pinagtuunan ng pansin ng Administrasyong Quirino ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng industralisasyon.

Page 26: Ikatlong republika

Mga Programang Pangkaunlaran• Pagpapagawa ng mga farm-to-market roads• Pagtatatag ng Central Bank of the Philippines• Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at

Minimum Wage Law upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa

Lumang gusali at logo ng Bangko Sentral.

Page 27: Ikatlong republika

Pagsugpo sa Paglaganap ng Komunismo

• Sinikap ng Administrasyong Quirino ang makipag-ugnayan sa maraming bansa upang mabigyang-lunas ang banta ng komunismo.

• Nanatili bilang aktibong kasapi ng United Nations ang Pilipinas. Nahalal bilang pangulo ng UN General Assembly si Carlos P. Romulo.

Page 28: Ikatlong republika

Philippine Expeditionary Forces To Korea (PEFTOK)

• Bilang pakikiisa sa paglaban ng komunismo, nagpadala ang Pilipinas ng mga kawal upang makipaglaban sa Digmaan sa Korea (1950-1953). Isa sa mga kawal na ipinadala sa Korea ay si dating pangulong Fidel V. Ramos.

Page 29: Ikatlong republika

Pagharap ng Suliranin sa mga Huk

• Pinili ni Pang. Quirino si Ramon Magsaysay bilang Kalihim ng Tanggulang Pambansa. Dahil dito, unti-unting napasuko ang mga Huk kabilang na ang pinuno nitong si Luis Taruc.

Page 30: Ikatlong republika

Amnestiya para sa mga Huk

• Itinatag ng Pang. Quirino ang Economic Development Corps (EDCOR). Sa ilalim ng programang ito, lahat ng susukong kasapi ng Huk ay bibigyan ng kapatawaran at pagkakalooban ng lupang masasaka.

Page 31: Ikatlong republika

Konklusyon:• Naging matagumpay ang

kampanyang pangkapayapaan ng Administrasyong Quirino, subalit nabigo ang kanyang mga programang pangkaunlaran sapagkat laganap ang katiwalian sa pamahalaan. Dahil dito, siya ay natalo sa sumunod na halaan noong 1953 ni Ramon Magsaysay.