17
Aralin 1 Kahulugan at Pag-aaral ng Ekonomiks Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA www.slideshare.net/sirarnelPHhistory

K-12 AP10-Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: K-12 AP10-Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks

Aralin 1

Kahulugan at Pag-aaral ng EkonomiksInihanda ni: ARNEL O. RIVERAwww.slideshare.net/sirarnelPHhistory

Page 2: K-12 AP10-Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks

Suriin ang larawan sa ibaba:

Page 3: K-12 AP10-Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks

Araw-araw, ang tao ay laging nahaharap sa sitwasyong kailangan niyang pumili.

sitwason desisyon dahilan

Pinipili ng tao ang bagay na nagdudulot ng labis na kapakinabangan.

Page 4: K-12 AP10-Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks

Kahulugan ng Ekonomiks Ang ekonomiks ay pag-aaral kung paano

tutugunan ang walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao sa pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang-yaman.

Nakatuon ito sa mapanuring pag-iisip at pagtugon sa mga pangyayari o suliranin mula sa tinatawag na economist’s perspective.

Sinisikap nitong mapalawak ang kakayahan ng tao sa pagbuo ng matalinong desisyon.

Pangunahing layunin nito ang pagtugon sa suliranin ng kakapusan.

Page 5: K-12 AP10-Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks

Kaisipan sa Pag-aaral ng Ekonomiks

Ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay walang katapusan.

Ang mga bagay na tumutugon sa kanyang kagustuhan at pangangailangan ay may hangganan.

Kailangang gumawa ng matalinong pagpapasya upang matugunan ng tao ang kanyang pangangailangan at kagustuhan gamit ang kanyang limitadong pinagkukunang-yaman.

Ang di-matalinong pagpapasya ng tao ay nagdudulot ng suliranin ng kakapusan.

Page 6: K-12 AP10-Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks

Mga Mahalagang Konsepto ng Ekonomiks

Efficiency Masinop na pamamaraan ng paggamit sa

limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Pangunahing tuon ng pag-aaral ng ekonomiks ang paglago ng ekonomiya (economic growth) ng bawat bansa.

Page 7: K-12 AP10-Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks

Mga Mahalagang Konsepto ng Ekonomiks

Equality Pantay-pantay ang mga karapatan ng tao at ang

distribusyon ng pinagkukunang yaman.

Ang yaman na mapapasakamay ng tao ay nakabatay sa hirap at haba ng kanyang pagpapagod sa pagkamit nito.

Page 8: K-12 AP10-Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks

Mga Mahalagang Konsepto ng Ekonomiks

Sustainability Ang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman

para tugunan ang mga kasalukuyang pangangailangan at kagustuhan nang hindi nanganganip ang kakayahan ng susunod na henerasyon na tugunan ito.

Page 9: K-12 AP10-Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks

Ekonomiks bilang Isang Agham Panlipunan

Ang agham panlipunan ay isang sangay ng kaalaman kung saan pinag-aaralan ang mga pag-uugali ng tao habang siya ay nakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa at kapaligiran.

Isang displina ng agham panlipunan ang ekonomiks. Nakatuon ang ekonomiks sa pagsasagawa ng tao ng mga desisyon bilang pagtugon sa suliranin ng kakapusan.

Page 10: K-12 AP10-Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks

Ang Pamamaraang Siyentipiko

Paglalahad ng Suliranin

Pagbuo ng hinuha (Hypothesis)

Aktwal na pagpapatunay o pagsubok

Pagbibigay ng kongklusyon

PAGLALAPAT

Page 11: K-12 AP10-Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks

Dibisyon ng Ekonomiks

Ang ekonomiks ay nahahati sa dalawang dibisyon: maykroekonomiks at makroekonomiks.

Page 12: K-12 AP10-Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks

Maykroekonomiks

Ang maykroekonomiks ay tungkol sa galaw at desisyon ng bawat bahay kalakal at sambahayan. Ito ay tumitingin sa bawat indibidwal na yunit – sambahayan, bahay-kalakal at industriya. Ang mga desisyon ng bawat indibidwal ay napakahalaga sa pag-unawa ng ekonomiya.

Page 13: K-12 AP10-Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks

Makroekonomiks

Ang makroekonomiks naman ay tumitingin sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa. Sinusuri nito ang pambansang produksyon pati na ang pangkahalatang antas ng presyo at pambansang kita. Ito ay tumitingin sa kabuuan.

Page 14: K-12 AP10-Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks

Paghahambing sa Dalawang Dibisyon ng Ekonomiks

Dibisyon ng Ekonomiks

Produksyon Presyo Kita

Maykro-ekonimiks

Produksyon ng bawat industriya

Presyo ng bawat kalakal

Distribusyon ng kita ng bawat tao

Makro-ekonomiks

Pambansang Produksyon

Kabuuang lebel ng presyo

Pambansang kita

Page 15: K-12 AP10-Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks

Bilang Pagtatapos…..

Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nakatutulong upang magkaroon ng tamang pagpapasya at pagpili ang tao.

Page 16: K-12 AP10-Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks

• Mahalaga pa ba para sa mga kabataan ang

pag-aaral ng ekonomiks? Bakit?

PAGPAPAHALAGA

Page 17: K-12 AP10-Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks

References: EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul

para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015

Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House

De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI

Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI

Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI