3
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA Edukasyon sa Pagpapakatao 2 (ESP 2) Taon: 2013 – 2014 PANGALAN: ____________________________ BAITANG: __________ PETSA: ____________ I. Sabihin kung ano ang gagawin sa bawat sitwasyon. Isulat sa sagutang papel and letra ng tamang sagot. _____ 1. Galing sa puno ang ating mga papel. Nakita mong ginagawang eroplanong papel ng kaklase mo ang kanyang bagong papel. Ano ang sasabihin mo sa kanya? A. Sige! Ubusin mo ang papel mo mayaman naman kayo. B. Pahingi ako ng papel. Gagawa din ako ng para sa akin. C. Huwag mo sayangin ang papel mo kasi galing yan sa ating mga puno. Hindi iyon dapat sinasayang. _____ 2. Nakita mong nagkakalat ang ibang mga bata sa parke. Sa isang malaking dram may nakasulat na “Dito ang Tamang Lagayan ng Basura”. Ano ang dapat mong gawin? A. Sasabihin ko sa kanila na huwag magkakalat at meron namang tamang lagayan ng basura. B. Titingnan ko lang sila. C. Makikitapon na rin ako marami naman kami. _____ 3. Kumakain ka ng kendi habang nasa loob ka ng dyip. Walang basurahan doon. Ano ang dapat mong gawin? A. Itatapon sa bintana ng dyip, tatangayin naman iyon ng hangin. B. Ibubulsa ko muna, itatapon ko na lang sa basurahan pagkababa ko. C. Ihuhulog sa lapag ng dyip, wala namang nakakakita. _____ 4. Nakita mong tuyo na ang lupang pinagtamnan ng mga halaman sa inyong munting hardin. Ano ang nararapat mong gawin? A. Sabihiin ko kay nanay na tuyo na ang mga halaman. B. Didiligan ko na lang kapag may oras na ako. C. Didiligan ko agad para hindi ito tuluyang malanta. _____ 5. Inuutusan ka ng nanay mo na magwalis ng bakuran. maraming tuyong dahon ang iyong naipon. Ano ang gagawin mo sa mga ito? A. Ilalagay ko sa compost pit para maging pataba ng halaman. B. Hahayaan ko na lang na liparin ng hangin papunta sa kapitbahay. C. Susunugin ang mga ito para wala ng kalat. _____ 6. Bagong pintura ang pader ng inyong kapitbahay. A. Maganda itong sulatan dahil bagong pintura. B. Panatilihin itong malinis at huwag sulatan. C. Puwede ng umihi dito.

K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2 (3rd Periodical Exam)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Third periodical test in Edukasyon sa Pagpapakatao 2 (ESP 2) in K12 Note: I just copied it from my daughter's exam and upload it to here for some reference.

Citation preview

Page 1: K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2  (3rd Periodical Exam)

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA

Edukasyon sa Pagpapakatao 2 (ESP 2)

Taon: 2013 – 2014

PANGALAN: ____________________________ BAITANG: __________ PETSA: ____________

I. Sabihin kung ano ang gagawin sa bawat sitwasyon. Isulat sa sagutang papel and letra ng tamang sagot.

_____ 1. Galing sa puno ang ating mga papel. Nakita mong ginagawang eroplanong papel ng kaklase mo

ang kanyang bagong papel. Ano ang sasabihin mo sa kanya?

A. Sige! Ubusin mo ang papel mo mayaman naman kayo.

B. Pahingi ako ng papel. Gagawa din ako ng para sa akin.

C. Huwag mo sayangin ang papel mo kasi galing yan sa ating mga puno. Hindi iyon dapat

sinasayang.

_____ 2. Nakita mong nagkakalat ang ibang mga bata sa parke. Sa isang malaking dram may nakasulat

na “Dito ang Tamang Lagayan ng Basura”. Ano ang dapat mong gawin?

A. Sasabihin ko sa kanila na huwag magkakalat at meron namang tamang lagayan ng basura.

B. Titingnan ko lang sila.

C. Makikitapon na rin ako marami naman kami.

_____ 3. Kumakain ka ng kendi habang nasa loob ka ng dyip. Walang basurahan doon. Ano ang dapat

mong gawin?

A. Itatapon sa bintana ng dyip, tatangayin naman iyon ng hangin.

B. Ibubulsa ko muna, itatapon ko na lang sa basurahan pagkababa ko.

C. Ihuhulog sa lapag ng dyip, wala namang nakakakita.

_____ 4. Nakita mong tuyo na ang lupang pinagtamnan ng mga halaman sa inyong munting hardin. Ano

ang nararapat mong gawin?

A. Sabihiin ko kay nanay na tuyo na ang mga halaman.

B. Didiligan ko na lang kapag may oras na ako.

C. Didiligan ko agad para hindi ito tuluyang malanta.

_____ 5. Inuutusan ka ng nanay mo na magwalis ng bakuran. maraming tuyong dahon ang iyong

naipon. Ano ang gagawin mo sa mga ito?

A. Ilalagay ko sa compost pit para maging pataba ng halaman.

B. Hahayaan ko na lang na liparin ng hangin papunta sa kapitbahay.

C. Susunugin ang mga ito para wala ng kalat.

_____ 6. Bagong pintura ang pader ng inyong kapitbahay.

A. Maganda itong sulatan dahil bagong pintura.

B. Panatilihin itong malinis at huwag sulatan.

C. Puwede ng umihi dito.

Page 2: K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2  (3rd Periodical Exam)

_____ 7. Habang naglilinis silid ang mga mag-aaral ng grade 2 marami silang naipong halo-halong

basura. Ano ang dapat gawin sa mga ito?

A. Pagsama-samahin lahat ng basura sa isang sako.

B. Ihiwalay ang mga plastic sa papel para sunugin.

C. Paghiwalayin ang mga nabubulok sa di-nabubulok para pwede pa itong pakinabangan muli.

_____ 8. Pagpasok mo sa eskwela, napansin mong inaasar ng isa mong kaklase ang katabi mo sa upuan.

Ano ang nararapat mong gawin?

A. Aawatin ang kaklase at payuhan na huwag mang-asar kahit kanino dahil hindi ito mabuti.

B. Hahayaan ko siya at ayoko mangi-alam sa kanila dahil baka ako naman ang aasarin.

C. Gagatungan ko ang pang-aasar ng kaklase para bati kami.

_____ 9. Kinuha ng kaklase mo ang pambura ng walang paalam. Ano ang sasabihin mo sa kanya?

A. Sisgawan ko siya kung bakit niya kinuha ang pambura ng walang paalam.

B. Susuntikin ko siya kasi hindi siya marunong magpaalam.

C. Pagsasabihan ko siya ng mahinahon na magpaalam muna bago kuhanin ang gamit ng iba.

_____ 10. Narinig mong nag – uusap at nagtatawanan ng malakas ang iyong mga kaklase sa iyong likuran habang

nagpapaliwanag ng aralin ang guro. Ano ang dapat mong gawin?

A. Sawayin sila at pagsabihang makinig sa guro.

B. Hahayaan sila para mapagalitan ng guro.

C. Makikisali sa kanilang usapan dahil mukhang mas masaya iyon kaysa sa itinuturo ng guro.

II. Pagtapatin ang sitwasyon sa Hanay A ng karapatan ng bata sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang

sagot.

HANAY A HANAY B

_____ 11. Maysakit si Kyle. Dinala siya ng nanay sa doktor A. Mapaunlad ang kakayahan

para ipagamot.

_____ 12. Sumali si Dong sa paligsahan sa pagpinta. B. Maisilang at magkaroon ng pangalan.

_____ 13. Joseph ang pangalan ng sanggol sa aming kapitbahay. C. Manirahan sa isang mapayapa at tahimik

na pamayanan.

_____ 14. Nagsisimba kami tuwing Linggo. D. Makapaglaro at makapaglibang.

_____ 15. Namamasyal ang buong pamilya sa parke. E. Maging malusog at aktibo ang

pangangatawan

_____ 16. Nasa ikalawang baytang na si Kayla. F. Magkaroon ng pamilyang mag-aaruga

_____ 17. Laging may nagrorondang mga tanod sa aming G. Mabigyan ng sapat na edukasyon

barangay

_____ 18. Malaki ang pasasalamat ni dana sa pagmamahal H. Magkaroon ng sariling paniniwala sa

at pag-aaruga sa kanya ng mga magulang. Diyos.

_____ 19. Kumakain kami ng tatlong beses sa isang araw. I. Magkaroon ng saoat na pagkain

_____ 20. Nagbabahagi ng sariling opinion. J. Makapagpahayag ng sariling pananaw

Page 3: K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2  (3rd Periodical Exam)

III. Isulat ang TAMA kung tama ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung hindi.

_____ 21. Kapag pumupunta kami sa mall, kahit saan na lang pinaparada ng tatay ang sasakyan.

_____ 22. Naghihintay ng pasahero ang drayber ng dyip sa lugar na may nakapaskil na “No Loading, Unloading

Zone.”

_____ 23. Nag-aabang ng bus sa tamang sakayan.

_____ 24. Sumusunod sa batas trapiko kapag nasa lansangan.

_____ 25. Humihinto ang bus sa gitna ng kalsada kapag may bumababang pasahero.

_____ 26. Patakbong tatawid sa kalsada habang nasa kulay berde ang ilaw trapiko.

_____ 27. Pumipila ng maayos sa pagsakay ng dyip.

_____ 28. Naglalakad sa bangketa at hindi sa kalsada.

_____ 29. Nakipagkarerahan ng sasakyan habang nasa daan.

_____ 30. Nakikipaglaro ng habulan sa mga kalaro sa lansangan.

IV. Piliin ang letrang larawang nagpapakita ng pagpapanatili sa kalinisan at kaayusan ng pamayanan. Isulat ang titik

ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 31. Napansin mong may nagtapon ng basura sa ilog. Alin ang dapat mong gawin?

A. Pinagbawalan mong magtapon ng basura sa ilog. B. Pinabayaan mo lang na magtapon sa ilog.

_____ 32. Bagong pintura ang inyong pader. Nakita mong may batang nagsusulat dito. Alin ang gagawin mo?

A. Pagbabawalan mo siya na huwag sulatan ang pader. B. Susuntukin mo ang batang nagsusulat.

_____ 33. May itinanim na gulay ang tatay. Alin dito ang gagawin mo?

A. Didiligan mo ito ng hindi matuyo. B. Pababayaan mo itong matuyo at hindi mo didiligan.

_____ 34. Nagwawalis kayo ng kapatid mo ng mga tuyong dahon. Alin ang dapat gawin?

A. Itatapon namin sa ilog ang mga ito. B. Ilalagay namin sa compost pit upang gawing pataba.

_____ 35. Kumakain ka ng siopao. Alin ang dapat gawin sa balat nito?

A. Itatapon ko ang balat sa basurahan. B. Ikakalat ko ang balat sa kung saan lang.

V. Sagutin ang tanong. ( 5 puntos)

Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng

iyong paaralan?