24
Inilalathala minsan bawat ikatlong buwan ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol REBOLUSYONARYONG PANGMASANG PAHAYAGAN NG BIKOL ------------------- Taon XXV Blg.3 Hulyo-Setyembre 2002 Inilalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol Sundan sa pahina 2 B inato ng mga batikos ang State of the Nation Address (SONA) ni Macapagal- Arroyo. Pawang walang katuturang mga datos ang kanyang ipinangalandakan upang ipakitang may pag-unlad diumano sa ekonomya ng bansa. At kasabay nito, kanyang ipinagmayabang na isang “matatag na republika” ang kanyang papabagsak nang rehimen. Sa likod ng magagarbong salita at nakakalulang mga datos na kanyang binitiwan, hindi maikukubli ang tunay na kalagayan ng 88 porsyentong pamilyang Pilipino na lalo pang nalulugmok sa papatinding paghihikahos. EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng Globalisasyon

EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

  • Upload
    lyhanh

  • View
    371

  • Download
    40

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

Inilalathala minsan bawat ikatlong buwan ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol

REBOLUSYONARYONGPANGMASANGPAHAYAGANNG BIKOL

-------------------Taon XXV Blg.3

Hulyo-Setyembre 2002

Inilalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol

Sundan sa pahina 2

Binato ng mga batikos ang State of the Nation Address (SONA) ni Macapagal-Arroyo. Pawang walang katuturang mga datos ang kanyang

ipinangalandakan upang ipakitang may pag-unlad diumano sa ekonomya ngbansa. At kasabay nito, kanyang ipinagmayabang na isang “matatag narepublika” ang kanyang papabagsak nang rehimen.

Sa likod ng magagarbong salita at nakakalulang mga datos na kanyangbinitiwan, hindi maikukubli ang tunay na kalagayan ng 88 porsyentong pamilyangPilipino na lalo pang nalulugmok sa papatinding paghihikahos.

EDITORYAL

SONA ni GMA:

Isang Ilusyon ng Kaunlaransa Ilalim ng Globalisasyon

Page 2: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

2 Hulyo-Setyembre 2002 * SILYAB

EditoryalSONA ni GMA:Isang Ilusyon ngKaunlaran sa Ilalim ngGlobalisasyon

GMA, Tuta ng US,Patalsikin!

Kundenahin at Labananang Pasistang RehimengMacapagal-Arroyo

Sa Ilalim ngRehimeng US-GMA:Sinisilya-Elektrikaang Bayan

Eskandalo ng mgaMonopolyo-KapitalistangKorporasyon:Nilulumpo angEkonomya ng US

Gawaing Masa:Kamtin ang Higit Pangmga Tagumpay saPagtatayo ng BasengMasa sa Kabikulan

DiwangRebolusyonaryo

“Isang Araw saIsang Baryosa Kanayunan...”

Ang Buhay atPakikibaka ni Ka Boy:“Ang Muog”

SILYABALITA

Batoy

NilalamanHulyo-Setyembre 2002

1

4

7

10

13

15

17

19

21

24

EDITORYAL

Sundan sa pahina 3

Paglago ng GDP at pag-unlad ng agrikultura.Nagkaroon diumano ng 3.8 porsyentong paglago ng Gross

Domestic Product (GDP o halaga ng produkto at serbisyongnalilikha sa lokal na ekonomya) at biglaang umakyat ang tantosng paglago sa sektor ng agrikultura dahil diumano sa programanito sa modernisasyon at liberalisasyon.

Ang pag-unlad ng ekonomya ay isang ilusyon. Sa katunayansustinido ang pagbagsak sa sektor ng manupaktura atindustriya. Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loobng mahigit dalawang taon.

Bagamat tumaas ang tantos ng produksyon sa agrikulturadahil sa mainam na panahon, wala itong naidulot na pag-unladsa buhay ng mga magsasaka. Nananatiling kontrolado ng mgaburgesya-kumprador ang buong sektor ng agrikultura. Angbahagyang pagtaas ng presyong itinatakda nila sa mga produkto(farmgate prices) ay dulot ng pagtaas ng gastusin sa produksyon.Idinidikta nila ang malawakang paggamit ng high yieldingvarieties na nangangailangan ng mas mahal na mga abono atpestisidyo.

Sa katotohanan, hahantong muli sa pagbaba ang mga presyong mga produkto, lalupa’t ipinangako ni GMA ang todo-todongliberalisasyon sa sektor ng agrikultura. Patuloy pang dadagsasa lokal na pamilihan ang mga imported na bigas, mais, kamatis,sibuyas, karne at mga produktong poultry. Nangangahuluganlamang ito ng tuluyang pagbagsak ng buong sektor ngagrikultura.

Murang bigas at galunggongIpinagmalaki ni Macapagal-Arroyo ang murang bigas sa

presyong P14 na mabibili diumano sa 1,500 Glorya Labanderarolling stores at ang kanyang pamamalengke ng galunggongsa presyong P60 bawat kilo. Dahil dito sinabi niyang napigilanang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Napakababaw ng ganitong panuntunan para sabihing masmainam ngayon ang kabuhayan ng karaniwang mamamayan.Para sa kanila, walang kwenta ito dahil lalong bumababa anghalaga ng piso. Halimbawa, noong nakaraang taon, ang P24 aymakakabili na ng 4 na medya ng gaas, samantalang ngayon, 3medya na lang ang mabibili ng parehong halaga. Lalong nagigingmahirap para sa karaniwang mamamayan na bilhin ang kanyangmga pangangailangan.

Isang Milyong TrabahoPalabok lamang ang isang milyong trabaho na kanya

diumanong nalikha, tumutukoy lamang ito sa hindi

Page 3: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

SILYAB * Hulyo-Setyembre 2002 3

EDITORYALpermanenteng mga trabahong nalilikha ngmamamayan bilang pag-angkop sa grabengkrisis. Samantalang sa unang dalawangbuwan ng taon, 355 manggagawa angnawawalan ng trabaho araw-araw kumparasa 198 noong nakaraang taon. Resulta itong pagtitipid ng mga dayuhangmamumuhunan sa bansa at pagbagsak ngmga lokal na negosyo.

PPA IbinabaSa desperadong pagtatangkang pigilin

ang mga protesta at patahimikin angnangangalit na mamamayan laban sa PPA,ilang araw bago ang SONA nagkaroon ngpagbabawas na P0.40 bawat kilowatt hour(kwh). At mabilis na naghugas-kamay s iGMA, minana lamang daw niyaang PPA. Samantalangnoong Abril sa ilalim namismo ng kanyangrehimen nangyariang bwelongpagsirit ng PPAsa P3.21 bawatkwh mula sa P1.27bawat kwh noongEnero 2001.

Mula diumano sapagiging pangalawa sapinakamahal na singil sakuryente sa buong Asya,naging pang-anim nalamang ang Pilipinas.

At balak pa niyangmaging “kauna-unahang spotmarket sa Asya” ang Pil ipinas namagpapahintulot sa mga dayuhangkumpanya na pasukin ang sektor ngenerhiya upang magkaroon daw ngkapangyarihang pumili ang mga konsyumerng kanilang suplayer.

Pinalalabo ni GMA ang tunay napinagmulan ng problema sa PPA at mataasna singil sa kuryente - ang programa ng

gubyerno sa pribatisasyon. Para mapababadaw ang singil sa kuryente, naglabas pa siyang 10 puntong programa na sa katunayanay lalo pang magpapalala sa problema ngsektor ng enerhiya. Ang programang ito aynakatuon sa buu-buong pribatisasyon atliberalisasyon ng sektor.

Walang laman na mga pangako saedukasyon, kalusugan at kabuhayan.

Pangako ni GMA, isang eskwelahan sabawat baranggay, dagdag na guro at mgalibro. Samantalang ang Bagong Kurikulumsa Batayang Edukasyon ay malinaw na isangiskema ng pagtitipid sa papaliit na rekursongnapupunta sa edukasyon. Sa ilalim ngiskemang ito babawasan ang bilang ng mgasubjects, ibig sabihin babawasan din ang

bilang ng mga guro at libro. Sakalagayang ito, patuloyna dadausdos ang

kalidad ng edukasyon sabansa.

Patuloy namangnagsasara ang mgapampublikong ospital dahilipinapasa ng Department ofHealth ang pangangasiwa nito

sa lokal na gubyerno nawala namang

k a k a ya h a n gpondohan at

imantini ang mgaospital. Nagkukunwari

ding nilalabanan ng gubyernoang monopolyo ng mga

korporasyong transnasyunal saindustriya ng gamot sa bansa habang

malawakang itinutulak ang liberalisasyon ngbuong ekonomya.

Sa kakarampot na alokasyon sa badyetna kailangang paghatian sa mga serbisyongpanlipunan kagaya ng edukasyon (P102.8bilyon), kalusugan (P13.64 bilyon) atpabahay, pagtitipid ang tanging solusyon ngrehimen. Mas ginagastusan pa nito ang

Sundan sa pahina 4

Page 4: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

4 Hulyo-Setyembre 2002 * SILYAB

EDITORYAL

pagbabayad sa utang panlabas na umaabot sa P210.5 bilyon ang badyet.

Bangkarote ang rehimeng Macapagal-Arroyo.Sa unang limang buwan ng 2002, umabot na sa P107.5 bilyon ang depisit sa badyet

(sobrang nagagastos kaysa sa itinakdang badyet). Dahil dito, sustinido ang paglobo ngdayuhang pangungutang na umabot na sa $52.4 bilyon noong Mayo. Lalo naman nitongitinatali ang lokal na ekonomya sa mga imperyalistang dikta.

Sa gitna ng desperadong pagpapanggap ng rehimen na mahusay ang ekonomya, hindinito kayang ipakita kahit man lamang ang ilusyong may pag-unlad. Lalo nang nalalantadang kabulukan at kapalpakan ng mga iskema ng liberalisasyon at pribatisasyon sa ilalimng imperyalistang programang “globalisasyon ng malayang pamilihan”.

Sa pagkakandarapang sumunod sa dikta ng kanyang imperyalistang amo, lalo lamangibinabaon ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang ekonomya ng bansa sa kumunoy ng krisisna nararanasan ng pandaigdigang monopolyo kapitalistang sistema.

Sa pagsusulong lamang ng tunay na reporma sa lupa at makabayang pambansangindustriyalisasyon makakamit ang pagsulong ng ekonomya at ng buong lipunan. At tangingsa pambansa demokratikong rebolusyon na may sosyalistang perspektiba ganap namaipagtagumpay ang layuning ito.

S

Hinding-hindi na maikakaila niGloria Macapagal-Arroyo ang

kanyang sagad-saring pagkatutasa imperyalismong US. Bukod sa lubosniyang pagsuporta sa “Digma Laban saTerorismo” na idineklara ni US PresidentBush noong Oktubre 2001 at pag-alipusta sa pambansang soberanya sanapipintong pagpirma ng Mutual LogisticsSupport Agreement (MLSA) sa daratingna Nobyembre, lalo pang nagpakapapet si Arroyo sa pagtalima sa mga imperyalistangdiktang dala ni US Secretary of State Colin Powell nitong Agosto.

Sinalubong ng protesta ang pagdating ni Gen. Powell sa bansa noong ika-2 ng Agosto.Ngunit nanatiling bingi ang sabwatang US-Macapagal-Arroyo sa mga karaingan ngmamamayan. Sinubukan pang linlangin ni Arroyo ang taumbayan na tungkol daw sa pag-eeksport ng tuna ang pag-uusapan nila ng kinatawan ng US.

GMA,Tuta ng US,Patalsikin!

Sundan sa pahina 5

Page 5: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

SILYAB * Hulyo-Setyembre 2002 5

Usapang GMA-Powell: Gera, Hindi TunaSa kanilang pag-uusap, tiniyak ni GMA

kay Gen. Powell ang tuluy-tuloy napagsusulong ng pandaigdigang digma labansa “terorismo” sa pamamagitan ng ibayongpagpapatibay sa MLSA. Pinapahintulutan ngmga ito ang pagpapahaba ng Balikatan 02-1 at pagpakat ng dagdag na tropang US saTimog Katagalugan, Bikol at iba pangbahagi ng bansa, sa ilalim ngBalikatan 02-2. Muli ringbinubuhay ng papet narehimen ang mapanupilna Anti-Terrorism Bill.

Kapalit ng mga ito ang$55 milyong tulong-militar mula sa US, na angkalahati ay nakalaan napara sa pagpapatindi ngmilitarisasyon sakanayunan laban sarebolusyonaryong kilusanat mamamayan.Napapanahon ang dagdag napondong ito dahil sa ibinilang nang US ang Partido Komunista ngPilipinas, Bagong Hukbong Bayan atPambansa Demokratikong Prente ngPilipinas (CPP-NPA-NDF) sa mga tinaguriannitong International Terrorist Organizations(ITO).

At bilang masugid na papet, pormal nanagdeklara si GMA ng todo-gera laban saCPP-NPA-NDF. Bagamat dati nangnaglulunsad ng matitinding operasyongmilitar sa kanayunan, siguradong ibayo panglalala ang mga paglabag sa karapatangpantao sa mga susunod na panahon.

Ang paghahanay ng rehimeng US-GMAsa CPP-NPA-NDF na kapantay ng Abu-Sayyafat iba pang teroristang grupo ay patunaylamang na nagbubulag-bulagan si GMA sapagkakaiba ng mga bandido sa mga grupongmay pampulitikang ideolohiya. Nagingmapagpasya ang ganitong pusisyon ni GMA

GMA, Tuta ng US

Sundan sa pahina 6

sa tuluyang pagsasara ng NDF sa usapangpangkapayapaan sa pagitan nito at ngrehimen. Nauna nang sinuspinde ng GRPang usapan, ngunit ngayon ay pakunwaringnaghahabol si GMA para sa pagpapatuloynito sa gitna ng kanyang deklarasyong todo-gera.

Ayon sa matalas na pagsusuri ni KaRoger, Tagapagsalita ng PKP, nais ngrehimeng palabasin sa kalaunan na

“humingi” ito ng tulong sa US labansa NPA. Gagamitin itong dahilan

upang permanentengmakapanatili ang mga tropangUS sa bansa na hahantong sadirektang interbensyon ng USsa kontra-rebolusyonaryongdigma.

Sa esensya, malinaw nanais lamang ng US na puksainang lumalakas na mgakilusang anti-imperyalistatulad ng pambansa-demokratikong rebolusyonginilulunsad ng CPP-NPA-NDF.

Gagawin nito ang lahat upangdurugin ang mga rebolusyonaryong

pwersa kahit hanggang sa direktangpakikidigma ng sarili nitong armadongpwersa laban sa mga rebolusyonaryongpwersa.

Order ni Powell: Hindi Tuna, KundiBuong Ekonomya!

Kasabay sa utos na todo-gera, ipinaalaladin ni Gen. Powell kay GMA ang buo-buongpagbebenta ng pambansang patrimonya ngPilipinas sa imperyalistang dayuhan. Pinag-usapan ng mag-amo ang lubusangpagtanggal ng mga batas na humahadlangsa malayang pagpasok ng mga imported naprodukto sa bansa.

Kabilang sa mga batas na nais nilangtanggalin yaong nagbibigay-proteksyon samga lokal na negosyo, naglilimita ngdayuhang pamumuhunan sa 40% ng

Page 6: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

6 Hulyo-Setyembre 2002 * SILYAB

Sundan sa pahina 7

GMA, Tuta ng US

kabuuang kapital sa negosyo, at nagbabawalng dayuhang pagmamay-ari ng lupa. Unti-unti nang inaalis ang mga ito sapamamagitan ng mga kasunduan sa ilalimng World Trade Organization (WTO) tuladng General Agreement on Tarrifs and Trade(GATT), General Agreement on Trade inServices (GATS), at Agreement onAgriculture (AoA).

Ang GATT, na pinirmahan ni Ramosnoong 1994, ay sumasaklaw sa halos lahatng industriya. Panimulanitong binuksan angekonomya sa paraan ngtuluy-tuloy napagpapababa hanggangsa lubusang pagtanggalng taripa sa mgadayuhang produktongpumapasok sa bansa.

Ang GATS naman aynagpapahintulot sapagpasok ng mgadayuhang kumpanya sasektor ng serbisyo,kabilang na sa industriyang enerhiya, sa sektor ngkalusugan, edukasyon atsistema ng patubig.Nagdudulot ito ngayon ngmalawakang pagbebenta sa dayuhan ngmga pampublikong ospital at paaralan, atpagdagsa ng iba pang dayuhangkorporasyong may kinalaman sa serbisyo.Resulta na nito ang pribatisasyon ng MWSSat napipintong pagbebenta ng NAPOCOR.

Ang AoA naman ay naglalaman ngpagpapabil is sa l iberalisasyon ngagrikultura. Nagdudulot ito ng patuloy napagbagsak ng mga presyo ng mga lokal naproduktong agrikultural at pagdausdos ngkabuhayan ng mga magsasaka. Unti-untingnilalamon ng mga dayuhang produktongagrikultural ang mga produkto ngmagsasakang Pilipino dulot ng pagbawas o

pagtanggal sa mga buwis sa mga import,pag-alis ng suporta ng gubyerno sa lokal naproduksyon at pagbawas ng subsidyo sapagluwas ng mga lokal na produkto.

Sa bigas na lamang, idinidikta ng AoAna patuloy na pataasin ang tantos ng pag-aangkat nito mula 2% ng lokal na konsumonoong taong 2000 hanggang 4% ng lokalna konsumo sa taong 2004. Ibig sabihin,dadami pa ang imported na bigas kaysa sa2.17 milyong metriko toneladang inangkat

noong 1998 na katumbasng 40% ng lokal naproduksyon nito.

Malinaw na naismadaliin ng US ang papetnitong si GMA napahintulutan ang walang-habas na paghuthot ngmga likas na yaman ngbansa, pagpiga sa lakaspaggawa ng mga Pilipino,at tuluyangpagpapabagsak sa lokalna ekonomya upangmakapagkamal ngpapalaking supertubo angmga monopolyokapitalistang karamihanay nakabase sa US.Upang magmukhang ligal

ang pagsasamantalang ito, muling itinutulakng rehimeng US-Arroyo ang pagbabago sareaksyunaryong Saligang Batas upangmabilisang maalis ang mga natitirangproteksyon ng lokal na ekonomya.

Sa esensya, ang mga diktang ito ay ibayopang pagpapatupad ng imperyalistang“globalisasyon” sa anyo ng mga patakaransa l iberalisasyon, pribatisasyon atderegulasyon. Ang balangkas na ito angtanging nakikitang lunas ng mgaimperyalista sa di-maibsang krisis sasobrang produksyon. Sa ganitong paraan,naipapasa nila ang kapitalistang krisis mula

Bilang tugon sa patuloyna pagpapahirap ng

sagad-saringtutang pangulo atsa amo nitong US,

kailangang ipagpatuloyang rebolusyonaryongpaglaban sa kanyangrehimen hanggang sa

pagbagsak nito...

Page 7: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

SILYAB * Hulyo-Setyembre 2002 7

GMA, Tuta ng US

Sundan sa pahina 8

sa mga sentro ng kapitalismo tungo sa mga kolonya at malakolonya. Gayunpaman,napapatunayang pansamantalang lunas lamang ito sa papalalang imperyalistang krisis nawalang kahahantungan kundi tuluyang pagbagsak.

GMA: Walang Kasing-Sahol ang PagkatutaSa pagkukumahog na manatili sa pagkapangulo at matiyak ang pagkapanalo sa eleksyong

2004, nais ni GMA na laging pasayahin ang kanyang among imperyalista. Kahit masagasaanang mga saligang karapatan ng taumbayan at lalong malugmok sa kahirapan angnakakaraming masang Pilipino, pagsisikapan ni GMA na tuparin ang mga diktang dala niGen. Powell, sa larangan ng militar at ekonomya.

Sa kabilang banda, lalong umaalingasaw ang anti-mamamayang tindig at mahusay napagkapapet ni GMA sa pagtalima niya sa bawat iutos ng US. Unti-unting namumulat angsambayanan sa pangangailangang sagkaan ang pagpapatuloy ng kanyang termino lampassa 2004. Papalawak ang nagkakaisang prenteng nananawagan sa pagpapatalsik kay GMAbago pa man umabot ang eleksyon.

Bilang tugon sa patuloy na pagpapahirap ng sagad-saring tutang pangulo at ng amonitong US, kailangang ipagpatuloy ang rebolusyonaryong paglaban sa kanyang rehimenhanggang sa pagbagsak nito, upang ibayong makapagpalakas ang sambayanan para sapagharap sa mga susunod pang papet ng US hanggang sa lubusang magapi ang naghaharingsistema.

Walang-humpay na hambalos ang ipinapalasap ngayon ng rehimeng Macapagal-Arroyosa mamamayang Pilipino. Tuluy-tuloy ang pagbulusok ng kabuhayan dulot ng mga

kontra-mamamayang patakarang pang-ekonomyang lalo lamang nagpapataas ng tantosng disempleyo sa hanay ng mga manggagawa, nang-aagaw ng lupa sa mga magsasaka, atnagkakait ng mga batayang serbisyo’t karapatan sa iba’t ibang sektor. Sa walang katuladna antas, isinusubsob sa kahirapan at kaapihan ang mga mamamayan.

Kundenahin at Labananang Pasistang RehimengMacapagal-Arroyo!

S

Page 8: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

8 Hulyo-Setyembre 2002 * SILYAB

Kundenahin at Labanan

Sundan sa pahina 9

KARAPATAN AT KABUHAYAN ANGSIGAW NG BAYAN.

Itinutulak ng ganitong mga kalagayanang nagngingitngit na taumbayan na patuloyna dagsain ang rehimen ni Macapagal-Arroyo at igiit ang kanilang mga karapatanat kumilos para sa tunay na pagbabago. Angtuluy-tuloy at papalalang krisis ay sinasagotng papalawak at papaigting na mga protesta.Tumitindi ang mga anyo ng paglaban, mulasa ligal na demokratikong kilusan, hanggangsa pagsapi sa malawak na rebolusyonaryongkilusan at sa Bagong Hukbong Bayan.

Sa mga lansangan, paparami ang mgakilos-protesta para sa trabaho, lupa, atkarapatan. Papalaki ang bulto ng mganagmamartsa laban sa pagtaas ngpresyo ng tubig, kuryente, langisat mga bil ihin, at laban sapanghihimasok ng mgatropang US, samilitarisasyon, at saiba’t ibang anyo ngpang-aapi atpagsasamantala.

Sa mga kanayunannaman, ibayonglumalalim angpagkakaugat ng BagongHukbong Bayan sa ibayoring lumalawak na basengmasa. Dumarami angsumasampa at nagiging mgakadre’t mandirigma ng BagongHukbong Bayan na pana-panahong naglulunsad ng paparaming mgataktikal na opensiba sa pambansang saklaw,na nakapagpapabahala sa rehimen.Pinangangatog ng mamamayan at ng buongrebolusyonaryong kilusan ang tuhod niMacapagal-Arroyo.

TODO-GERA ANG SAGOT NI GLORIA.Pandarahas ang isasalubong sa

sinumang maggiit ng karapatan at

maghangad ng pagbabago. Inilantad na niMacapagal-Arroyo ang kanyang tahasangpagkapasista nang inatasan niya angkanyang pulisya na tanggalin na angpatakarang “maximum tolerance” o“pagtitimpi” sa harap ng mga kilos protesta.Bagamat dati nang talamak ang pandarahassa mga demonstrador at welgista, angpagtanggal ng “maximum tolerance” aynangangahulugan ng walang-pag-aatubili atpursigidong pagbuwag sa mga rali atpiketlayn, at ubos-kayang pandarahas samga demonstrador, katulad ng ginawa samga nagmartsa laban sa SONA.

Sa kanayunan naman, ikinakalat niMacapagal-Arroyo ang mgaalagad ng terorismo. Pinag-iibayo ang mga operasyongmilitar na masugid na

naghahasik ng takotsa masa atkumikitil sak a n i l a n gbuhay atkabuhayan.

T i l ahayok sadugo ngmamamayan,itinulak niMacapagal-Arroyo angk a n y a n g

berdugong AFPna pangunahan ang

pagpapaapaw ng bilang ngCAFGU. Sa Bikol, tinarget na

bumuo sa minimum ng anim na kumpanyana may walumpu’t-walong (88) CAFGUbawat kumpanya. Tangka ng rehimenglukubin ng lagim ang mamamayan at lunurinang puwersa ng rebolusyonaryong kilusan.Nagbabadya ang pagbaha pa ng mga kasong pamamaslang, pangmamasaker,pandurukot at pagsalbeyds, tortyur, iligal napang-aaresto, puwersahang pagpapalikas,

Page 9: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

SILYAB * Hulyo-Setyembre 2002 9

Kundenahin at Labananpagkakait ng pagkain at gamot, at iba panganyo ng mga paglabag sa karapatang pantaona matagal nang buong-kasigasigangginagawa ng mga pinagsanib na pwersa ngmilitar at CAFGU.

Upang mapalawig pa ang pasismo ngkanyang rehimen, nagbuhos si Macapagal-Arroyo ng 60.2 bilyong piso para saDepartment of National Defense at 5.4bilyong piso para umano sa modernisasyonng AFP. Ang mga pondong ito, sa halip nailaan para sa serbisyongpanlipunan, ay gagamitinpara tustusan angkanyang todo-gera.Dagdag pa rito angmalaking bahagi ng44.54 bilyong pisongbadyet ng Department ofInterior and LocalGovernment, angkagawaran ng pasistangg u b y e r n o n gnangangasiwa sa pulisya.

Itinutulak niya rin angpagsasabatas ng Anti-Terrorism Bil l. Angpanukalang batas na ito, na inendorso niKongresista Imee Marcos, ay nagsasaad naang paggiit mula sa estado ng karapatan ngmga sektor, o ang pagpahina ng tiwala ngmamamayan sa estado, sa anumang paraan,ay isang gawaing terorista. Sinusugannaman ito ni Senador Robert Barbers, naparusang kamatayan umano ang nararapatsa mga gawaing terorista. Hubad na saanumang pagkukunwari ang rehimen niMacapagal-Arroyo at lubusan na niyanginilantad ang sarili bilang makabagongHitler. Pasismo ang sagot sa protesta. Todo-gera laban sa masa.

GLORIA, TUTA!Abot-tenga ang ngiti ng

imperyalistang amo ni Macapagal-Arroyo sa

iniamba nitong pasismo. Sagad-sa-buto angpagpapakatuta nito nang agaran itongmagdeklara ng todo-gera laban samamamayan at sa rebolusyonaryong kilusanmatapos isama ng numero unongteroristang US ang Partido Komunista ngPilipinas-Bagong Hukbong Bayan-PambansaDemokratikong Prente ng Pilipinas (CPP-NPA-NDFP) sa kanyang l istahan ngInternational Terrorist Organizations.

Pangunahing nababahala ang US sapaglakas ng rebolusyonaryong kilusan, dahil

ang CPP-NPA-NDFP angtanging hadlang sai m p e r y a l i s t a n gpangangamkam ng US sabansa. Kaya’t sa tabingng “digma laban saterorismo”, pinuntirya ngUS ang rebolusyonaryongkilusan bilang sunodnitong target. Inudyukanna nito ang kanyang mgakapwa imperyalistau p a n gmakipagsalimbayan sapagdedeklara sa CPP-NPA-NDFP bilang isang

internasyunal na teroristang organisasyon.Tangka nitong himukin ang mga kapwa-imperyalista at bigyang-matuwid angkanyang digmang agresyon.

Nagbuhos din ang teroristang US ng 55milyong dolyar bilang pondo umano ngrehimeng Macapagal-Arroyo para sapagsugpo sa rebolusyonaryong kilusan.Pangunahin ding pinakikilos ng US siHeneral Angelo Reyes, Kalihim ngDepartment of National Defense, upangmaniobrahin si Macapagal-Arroyo. Angberdugong si Reyes, na siyang nagdisenyong todo-gera laban sa Bangsamoro sapanahon ni Estrada, ang siya ngayonghumahawak sa leeg ni Macapagal-Arroyoupang tumupad sa mga dikta ng US.

Sundan sa pahina 10

Hubad na sa anumangpagkukunwari ang

rehimen ni Macapagal-Arroyo at lubusan naniyang inilantad ang

sarili bilangmakabagong Hitler.

Page 10: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

10 Hulyo-Setyembre 2002 * SILYAB

Kundenahin at Labanan

TULOY ANG LABAN! PASISTANG GLORIA, PATALSIKIN! TROPANG US, PALAYASIN!Walang patutunguhan ang todo-gera ni Macapagal-Arroyo kundi ang sukdulang

pagkundena ng mamamayan. Tulad ng pagkamuhi sa panghihimasok-militar ng US,sasalubungin ng galit ng mamamayan ang pasismo ng rehimeng Macapagal-Arroyo.

Hindi maglulubay ang protesta ng mamamayan. Sa halip, ang lumalalang krisis saekonomiya ay lalo lamang magtutulak sa mamamayan na lumaban at sumapi sarebolusyonaryong kilusan. Gayundin naman, itutulak ng krisis ang mga ganid na burukrata-kapitalista at mga heneral na mangurakot sa pondo na nakalaan sa todo-gera.

Kabiguan ang kahihinatnan ng rehimeng Macapagal-Arroyo at ng todo-gera nito.Dudumugin at pababagsakin si Macapagal-Arroyo ng galit ng milyong mamamayan mulasa lahat ng panig, sa iba’t ibang paraan, at sa papaigting na antas.

Hanggang ngayon, patuloy pa ring dumaranas ng dagdag na pabigat sa bulsa angmamamayang Pilipino sa papataas na singil sa kuryente. Nananatiling bingi ang

rehimeng US-Macapagal-Arroyo sa kahilingan ng sambayanang ibasura ang Electric PowerIndustry Reform Act (EPIRA), at mga dagdag na singil sa kuryente (PPA, Currency ExchangeRate Adjustment (CERA), atbp.), at isabansa ang industriya ng kuryente.

Patuloy na pinapahintulutang magkamal ng laksa-laksang tubo ang mga lokal atdayuhang kumpanya sa kuryenteng na kabilang sa mga Independent Power Producers(IPP), makapagbulsa ng kurakot ang mga burukratang kasabwat nila at pagkakitaan ngmga upisyal sa gubyernong kumokontrol sa mga kooperatiba sa kuryente ang mga anomalyadito. Masahol pa, ipinagmalaki ni GMA sa kanyang SONA ang programa ng rehimen sapagpapababa sa singil sa kuryente, habang patuloy niyang sinisilya-elektrika ang mgaPilipino sa masasamang epekto ng EPIRA at PPA at iba pang dagdag na singil.

Sa Ilalim ng Rehimeng US-GMA:

Sinisilya-Elektrika ang Bayan

S

Sundan sa pahina 11

Page 11: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

SILYAB * Hulyo-Setyembre 2002 11

Sundan sa pahina 12

Binuong IPP Contracts Review Board,Inutil

Upang pahupain ang kalampag ngprotesta ng mamamayan, binuo ng rehimenang isang grupong magsusuri sa mgakontrata sa pagitan ng NAPOCOR at mgaIPP. Layunin daw nitong solusyunan ang mgaanomalya sa mga kontratang ito upangmaibaba ang singil sa PPA.

Ayon sa pinakahuli nitongulat, anim lamang sa 35pinakamahal na kontratanginimbestigahan ang walanganumang ligal o pinansyal nausaping kailangang ayusin.Dalawampu’t pitong (27)kontrata naman angnapatunayang “depektibo,”kung saan 22 na may iba’t ibangantas ng pagka-”depektibo” angnirerepaso pa, habang ang natitiranglima ay ipinasa sa Department ofJustice.

Siyam na kontrata ang hindipinahintulutang i-renew, ngunit karamihannito ay sa 2004 o 2005 pa matatapos. Ibigsabihin, dalawa hanggang tatlong taon pangmagbabayad ang mga konsumer ng PPA samga IPP na may-ari ng mga kontratang ito.

Nirekomenda ng grupo ang NationalElectrification Authority (NEA) upangmangasiwa sa renegosasyon ng mganatukoy na “depektibong” kontrata. Kungsusuriin, hindi makatarungan angrenegosasyon ng mga kontratang itongnagdudulot ng papataas na PPA nabinabayad ng mga konsumer para sakuryenteng hindi naman nila nakokonsumo.Kalakhan pa nito ay bayad sa kuryentenghindi kailanman nilikha ng mga IPP.Binabale-wala ng renegosasyon ang bilyun-bilyong pisong binayad ng mga konsumersa NAPOCOR at mga IPP sa loob ngmaraming taon.

Mga Kooperatiba ng Kuryente sa Bikol,Puno ng Anomalya

Sa rehiyong Bikol, talamak din anganomalya sa pagpapatakbo ng mgakooperatiba sa kuryente. Patuloy angpagtaas ng singil sa kuryente habangdumadausdos naman ang kalidad ngserbisyo ng mga kooperatiba. Napipilitanumano ang mga itong sumingil ng papataasna basic rate, PPA at iba pang dagdag na

singil at madalas ang brownoutdahil sa pagkalugi at sa di-mabaya-bayarang mga utang saNAPOCOR.

Nitong Hulyo, ilang orasnawalan ng kuryente sa mgalugar na sineserbisyuhan ngCANORECO dahil umano sa P35milyong utang nito sa NAPOCOR.Mahalagang pansinin na ang P10milyon nito ay dulot ng hindipagbayad ng utang ng PrimeChemical Co. at Paracale MiningCo., ngunit ang mas maramingkaraniwang konsumer angnaapektuhan.

Ayon sa mga pag-aaral, sobra-sobra angsingil ng ALECO sa kanyang mga myembro-konsumer. Bukod pa sa PPA at CERA, maydagdag pang Employees Wage IncreaseAdjustment (EWIA) na ipinapakarga sa mgakonsumer. Ang EWIA ay pagpapatupadumano ng resolusyon para sa pagtaas ngsweldo ng mga empleyado sa kooperatiba.Kung tutuusin, dapat itong ituring bilangkaraniwang gastos ng kooperatiba, ngunitdahil baon sa utang, minarapat na lamangng ALECO na ipasa ang dagdag-sahod samamamayang Albayanong dati nangnaghihirap.

Baon na rin sa utang ang CASURECO II.Nalugi ito ng P13 milyon dahil umano samaling komputasyon ng PPA. Binawasan nitoang siningil na PPA ng P0.42 kadakilowatthour imbes na P0.30 lang sa loobng 10 buwan, kaya’t plano nitong bawiin sa

Sinisilya-Elektrika ang Bayan

Page 12: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

12 Hulyo-Setyembre 2002 * SILYAB

Sinisilya-Elektrika ang Bayan

Sundan sa pahina 13

mga konsumer ang P0.12 kada kilowatthoursa loob ng parehong panahon. Ang totoo aysumobra ang gastos ng kooperatiba ng mayP10 milyon. Bahagi lamang ito ng P20milyong hindi kasama sa ulat na siguradongnapunta sa mga bulsa ng kurakot na mgaupisyal sa nasabing kooperatiba.

Walo sa labing-isang mgakooperatiba dito sa rehiyonang dumaranas ng pagkalugiat mga problema sapangangasiwa, ayon sa datosng gubyerno. Ngunit hindimaikakailang mas masaholpa dito ang kalagayan. Anu’t-anuman, ang mgaburukratang may kontrol samga kooperatiba at mgamatataas na upisyal ng mgaito ang pangunahingnakikinabang. Sila angnagiging sanhi ng pagkalugiat pagkakautang ng mgakooperatiba at ipinapasa nilaang mga epekto nito samamamayang Bikolanongdati nang lugmok sakahirapan.

10 Puntong Programa ni GMA saPagpapababa sa Singil sa Kuryente, 10Puntong Panloloko

Ayon kay GMA, isa sa mga prayoridadng kanyang administrasyon angpagpapababa sa singil sa kuryente. Ngunitmalinaw na ang ipinangangalandakanniyang 10 Puntong Programa saPagpapababa sa Singil sa Kuryente ay nasabalangkas pa rin ng EPIRA, na lalongnagpapasahol sa kalagayan ng industriya atnagpapabigat sa pasaning singil sa kuryenteng karaniwang mamamayan.

Bilang pagsunod sa World TradeOrganization (WTO), Asian DevelopmentBank (ADB) at iba pang maka-kapitalistang

pormasyon, pinapatupad ni GMA angimperyalistang “globalisasyon” na aapektomaging sa mga estratehikong industriyatulad ng kuryente. Sa kabuuan, angprograma ay pinagandang paglahad lang ngliberalisasyon at pribatisasyon ng industriya.Sa katunayan, may mga hakbangin nangnasimulan ang NAPOCOR sa pagbebenta ng

mga prangkesa nito namaaaring upahan ng mganegosyanteng dayuhan saloob ng 25 taon.

Sisikapin din daw ngrehimeng pataasin angpangangailangan sakuryente upang mapababaang singil dito. Bibigyan ng25% bawas sa singil angmalalaking negosyong maykonsumong mas malaki sakaraniwan. Karamihan ngmga makakakuha ngganitong pribelehiyo ay angmalalaking kumpanyangdayuhan o yaong mga pag-aari ng malalaking burgesyakumprador. Sa kabilangbanda, aalisin ng EPIRA angsubsidyo sa mga karaniwangkonsumer at patuloy na

sisingil ng PPA at iba pang dagdag na singilsa anyo ng universal charge.

Kasama din sa programa ang nabanggitna pagrepaso sa mga IPP Contracts, ngunitligtas sa kaparusahan ang mga matataas naupisyal ng NAPOCOR sa mga nadiskubrenganomalya. Dagdag pa, pinangako ni GMAkay Powell noong Agosto na hindi gagalawinang mga kontrata sa 5 Amerikanong IPP.

Plano ring baguhin ang istruktura ngmga kooperatiba upang mabawasan angkabuuang P18 bilyong utang ng 119kooperatiba sa mga prubinsya nanakakasakop sa 6 milyong konsumer.Pumapatungkol ito sa rekomendasyon ng

...ISULONG ANGTUNAY NA

PANGMATAGALANGSOLUSYON:

ANGPAGTATAGUMPAY NG

PAMBANSADEMOKRATIKONGREBOLUSYON AT

PAGSASABANSA NGINDUSTRIYA NGKURYENTE SA

BALANGKAS NGPAMBANSANG

INDUSTRIYALISASYON.

Page 13: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

SILYAB * Hulyo-Setyembre 2002 13

Sundan sa pahina 14

Sinisilya-Elektrika ang Bayan

NEA na pag-isahin na lamang ang mga kooperatiba dito sa Bikol. Kung ipapatupad ito,mahigit dalawang libong manggagawa ang mawawalan ng trabaho.

Sagot ng Mamamayan, Ibayong Paglaban!Malinaw na walang maaasahan ang mamamayan kay GMA tungkol sa pagpapababa ng

singil sa kuryente. Bagkus, iginagapos niya ang bayan sa silya elektrika upang ibayongmakapiga ng tubo ang mga dambuhalang kumpanya sa kuryente at mga kasabwat naburukrata. Walang ibang sagot ang mamamayan kundi ibayong paglaban.

Nagkaroon ng malalaking protesta laban sa PPA noong mga nakaraang buwan.Idineklarang Pambansang Araw ng Protesta Laban sa PPA ang ika-4 ng Hunyo sa pamumunong Bayan at People’s Organization against Warrantless Electricity Rates (POWER).Nanawagan ang mga progresibong organisasyon para sa national blackout, na nilahukanng 11 prubinsya at syudad, kabilang ang POWER-Bikol. Noong ika-6 naman ng parehongbuwan, nakakalap ng 4,500 pirma ang ilang upisyal ng CANORECO at mga progresibonggrupo para sa petisyon sa pagbabasura ng PPA.

Kailangang pag-ibayuhin pa ang mga ganitong pagkilos upang mailantad ang mganakapakong pangako ni GMA tungkol sa pagpapababa ng singil sa kuryente. Ngunit higitsa lahat, kailangang isulong ang tunay na pangmatagalang solusyon: ang pagtatagumpayng pambansa demokratikong rebolusyon at pagsasabansa ng industriya ng kuryente sabalangkas ng pambansang industriyalisasyon.

Patuloy na

sumisingaw ang mgasenyales ng nabubulokna yugto ngimperyalismo. Dahil sakrisis sa labis naproduksyon, walangpinipiling maniobra angmalalaking monopolyo-kapitalista upang mapigaang sobrang halaga mulasa mga ordinaryong

mamamayan at mula sa mga manggagawang lumilikha ng mga produkto. Kasabwat nilaang mga imperyalistang estado na siyang nagpapatupad ng sistemang tuwirangkumukunsinti sa mga panggagantso ng mga naglalakihang korporasyon.

Eskandalo sa mgaMonopolyo-Kapitalistang Korporasyon:

NILULUMPO ANG EKONOMYA NGIMPERYALISMONG US

S

Page 14: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

14 Hulyo-Setyembre 2002 * SILYAB

Sundan sa pahina 15

Nilulumpo ang Ekonomya ng US

Noong nakaraang taon, bumagsak saresesyon ang ekonomya ng US dahil sapagkalugi ng mga kumpanyang lumilikha ngmga haytek na produkto. Mahigit sa 4trilyong dolyares na pamumuhunan angnaglaho sa pamilihan ng US mula Agosto2001. Ngayon ay patuloy na nilulumpo ngsunud-sunod na eskandalo ang pamilihanng sapi (stockmarket) ng US dahil nabulgarang sari-saring pandaraya ng mgakorporasyong Amerikano sa kanilang librode kwenta (accountingbooks) upangpagtakpan angk a n i l a n gpagkalugi atp a m u k h a i n gkumikita angkanilang mgakumpanya upangpatuloy na bilhinang kanilang mgasapi.

Isa ang Enron, ika-anim sa pinakamalakingmga korporasyon sa buongmundo noong nakaraang taon,sa mga bumagsak dahil sa mgadambuhalang utang nito nanadispalko ng mga may-ari.Sumunod naman ang Worldcom, isangk u m p a n y a n gtelekomunikasyon, kungsaan natuklasang huwadang idineklara nitong 3.9bilyong dolyares na tubo.Natuklasan ding dinadayang Xerox, isa pangkumpanya ng mga haytekna produkto, ang mga ulat nitong kita saloob ng nakalipas na limang taon. Angkumpanyang Apple na gumagawa ng mgakompyuter, ay nagbebenta naman ng mgasapi bago ipaalam sa publiko na bagsak angkanilang kita.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sapatuloy na mga nabubunyag na kaso ngpanloloko ng mga korporasyong Amerikano.Hindi rin nagpapahuli sa mga eskandalo angmga korporasyong Europeo. Problemado rinsa pinansya ang mga korporasyon dito tuladng KPNQwest ng Olandes, ang BabcockBorsig ng Alemanya at ang Vivendi ngPransya.

Walang ginagawa angadministrasyon ni Presidente Bush ngUS upang solusyonan ang ganitong

sitwasyon dahil ito mismo angkumakandili sa mga bigtaym namanggagantsong burukrata-kapitalista. Maging si Bush mismoat ang kanyang bise-presidentengsi Dick Cheney ay kumita sapanloloko sa pinansya ng sektor ngenerhiya.

Sa bandang huli, ang mgaordinaryong mamamayan sa mgakapitalistang bansa ang totoongnapapagsamantalahan. Sila ang

mga maliliit na mamumuhunangipinambibili ng mga sapi sa

pamilihan ang kanilangkakarampot na naitatabing

pera. Sa pagbagsak ngEnron, malamang na

saluhin ng gubyerno ngUS ang kumpanya at

galing sa buwis ngm a m a m a y a n gAmerikano angibabayad sa mgautang ng Enron.Ang mgamanggagawa ang

unang tinatanggalsa pagbagsak ng mga kumpanya. Halos17,000 manggagawa ng Worldcom angnawalan ng trabaho. Ang buongtelekomunikasyon ng US ay nagtanggal ng160,000 na manggagawa. Nagpahayag din

Page 15: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

SILYAB * Hulyo-Setyembre 2002 15

Umaani ng tagumpay sa

pagsusulong ngarmadong pakikibaka saKabikulan. Mula 1999 hanggang2001, nairehistro ang halos 42%pagtaas sa bilang ng basengmasa mula sa nakamit na 21%pagtaas noong 1998. Sustinidoang pagtaas ng bilang ng basengmasa mula noong 1995. Angpagsulong na ito aynakakaagapay sa kabuuang pag-unlad at pagsulong ngrebolusyon sa buong bansa.

Nakamit na ang sapat na lawak atlatag ng mga lakas kumpanyang larangang gerilya

sa lahat ng prubinsya sa Bikol. Lumalawak ang mga baryo at bayang nakikilusan ng mgayunit ng BHB at inaabot na ang mga paborableng lugar sa kanayunan, mga panabihan ngkalsada, mga kostal na lugar at marami-raming baryo sa kapatagan.

Umaani rin ng mga tagumpay ang pagsusulong ng rebolusyong agraryo sa mas malawakna saklaw at sumigla ang mga pampulitikang aksyong masa. Pakikibakang agraryo angsusing kilusang masang inilulunsad sa kanayunan. Nalunsaran na ng RA ang mahigit 20,000

Gawaing Masa:Kamtin ang Higit Pang mga Tagumpay

Sa Pagtatayo ng Baseng Masa sa Kabikulan

Nilulumpo ang Ekonomya ng US

ang 113 na kumpanyang Amerikano na hindi sila mag-eempleyo ng mga manggagawa sasusunod na 12 buwan. Hindi nakapagtatakang naitala noong Abril ang pinakamataas natantos ng disempleyo sa US sa loob ng pito at may kalahating taon. Noong nakaraangHunyo, 5.9 hanggang 6% ang tantos ng mga walang trabaho sa US.

Habang bumabagsak ang halaga ng dolyar, wala nang kumpyansa ang mgamamumuhunan at ordinaryong mamimili, malakihan ang pagtanggal sa mga manggagawaat tumataas ang pagkalugi sa kalakalan ng buong ekonomya ng US, bumubwelo namanang produksyon at kita ng industriya sa kagamitang pandigma. Gera ang binabalinganngayon ng teroristang administrasyon ni Bush upang paganahin ang palyadongimperyalistang ekonomya nito sa kapinsalaan ng mga mamamayan sa buong daigdig nakanyang dinidigma. S

Sundan sa pahina 16

Page 16: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

16 Hulyo-Setyembre 2002 * SILYAB

ektaryang niyugan, palayan, maisan,abakahan at gulayan. Nakamit ang 50porsyentong pagpapababa ng upa sa lupasa partihang 2/3-1/3, 60-40 at 50-50 napabor sa mga magsasaka sa niyugan; at 90-10 naman sa mga palayan at maisan.Umaabot sa mahigit 10,000 pamilya angnabiyayaan nito.

Subalit natukoy na ibayong mas malakipa ang dapat maabot sa gawaingkonsolidasyon ng ating baseng masa,partikular sa pag-oorganisa. Sa inabot nalatag ng baseng masa,relatibong mas malaki pa angbilang ng impluwensyadongmasa na kailangang ipaloob samga saligang organisasyongmasa ng magsasaka.

Mahigpit angpanawagang pokusan anggawaing konsolidasyon. Sahakbang-hakbang na pag-oorganisa, matagal nanagkaroon ng bara sa mahabangpanahong pagkapako sa antasng pagbubuo ng GP at KP. Sadaan-daang baryong i langdekada nang nakikilusan nghukbo at may mga istablengSangay ng Partido sa Lokalidad(SPL), tumagal ng ilang taon sa paulit-ulitna proseso ng tatag-buwag na paraan ngpag-oorganisa ng GPB at KPB.

Nang makapaglunsad ng paglalagom angmga SPL sa maraming baryo, tumampok angpartikular na mga kalakasan at kahinaansa kanilang mayamang karanasan sapagsusulong ng iba’t ibang linya ng gawainsa pagmumulat, pag-oorganisa atpagpapakilos. Nahalawan ng mayamang aralang kanilang pagbabalik-aral sa kasaysayanng pakikibaka sa kanilang baryo. Ibayongnakapagpataas ng kanilang diwangmapanlaban ang pagbabalik-tanaw sa mga

aktwal na pakikibakang antipyudal nainilunsad ng mga tenante at magsasaka samga asyendang nagtatamasa na sa ngayonng biyaya ng rebolusyong agraryo.

Nakita ang kahalagahan ng pagsisinopat pagsasadokumento ng mga partikular napanlipunang pagsisiyasat sa bawat baryo.Nakatulong ito nang malaki sa mahusay napag-aangkop at pagpaplano ng mga yunitsa gawaing masa para sa lahatang panig napagsulong ng buong eryang saklaw.

May panimulang sikad na sa pagtatayong mga ganap na samahan ng magsasaka(GSM) sa apat na prubinsya. Habang sa

ibang mga prubinsya,inihahanda na rin ang mgarekisitos sa pagbubuo nito.Dagdag na pagpupursige atkapangahasang mag-organisaang naging susi sa matagumpayna pagbubuo ng mga samahangmagsasaka bagamat nagkaroonng pagkaantala at ilang bara saimplementasyon nito. Napunarin ang konserbatismo sa panigng ilang namumunong kadre,na nagpapatagal sa rekisito atproseso sa pagbubuo ngsamahan.

Ibayong lakas at labis nagalak ang nadama ng daan-daang masang magsasakanglumahok sa pagtatayo ng mga

GSM. Hudyat ito ng pagpapanibagong lakasupang higit pang magpursige sa mgakampanyang antipyudal at iba pangkampanyang masa sa pagpapataas ngproduksyon upang lalong mapalakas angbaseng masa.

Gayunpaman, kapansin-pansin naminimal pa ang ganitong pag-unlad kumparasa aktwal na lakas na ating inaabot.Napakalaki ng potensyal ng ilampung libongorganisadong magsasaka at higit sasampung libong aktibistang masa na nasasonang gerilya. Ang patuloy na paglaki ng

Tumitinding Bigwas ng Karahasan

Sundan sa pahina 17

Page 17: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

SILYAB * Hulyo-Setyembre 2002 17

Diwang Rebolusyonaryo

Isang araw sa isangbaryo sa kanayunanMay isang pangyayaringhindi malilimutan…

BABAEAno itong ating pagpupulungan?Ano ang ating pag-uusapan?Iniwan ko pa namanIsang tambak na lalabhan.

LALAKEHindi ko rin alam kung bakit tayopinatawagNg mga kasamang naglilingkod na tapatHintayin na lang natin ang paliwanagSiguradong lilinawin din ang lahat.

KASAMA 1Magandang hapon sa ating lahatMaganda’t andito na tayong lahatUpang masimulan nang pag-usapanAng bubuuhing Ganap na Samahan.

BABAEHa? Bakit? Ano yan?Ano ang sinasabi mong Ganap naSamahan?

Gawaing Masa

KASAMA 2Teka Teka Teka aking ipapaliwanagUpang masagot ang ating mgakatanungan

Ang Ganap na Samahan o G-S-EmeAy isang organisasyong mas mataas angantas sa K-P-EmeIto’y itinatayo ‘pag ang baryo konsolidadoUpang sa praktika, masa angmaggugubyerno

Ang mga kagawad nito ay inyong ibobotoGaling sa hanay ng masang organisadoBabasahin at susuriin ang rekord ng mgakandidato Upang ang karapat-dapat ang siyanguupo.

Walang manloloko walang mandadayaDahil sa eleksyon at bilangan andyan angbuong asembliyaAt nasa asembliya rin ang kapangyarihanpang patalsikin ang ‘di na maaasahan.Ang mga nahalal na kagawad, pwera sapangulong mapipiliAng siyang hahawak sa mga sub-komiteEdukasyon, Arbitrasyon, Ekonomya,KalusuganPati Depensa at Pag-oorganisa ang siyanghahawakan.

Sundan sa pahina 18

baseng masa ay kailangang mai-transporma bilang balon na pagkukunan ng lakas ngarmadong pakikibaka sa rehiyon.

Paandarin ang kilusang masa upang mapalawak at tunay na mapalalim ang basengmasa. Ang pinakamataas na sukatan ng tagumpay sa pag-oorganisa sa masa ay angpagsasalin ng lakas ng organisasyon sa aktwal na pagkilos ng masa at pagsusulong ngkanilang kilusan at mga pakikibaka. At upang mabisang mapakilos ang mamamayan,kailangang pagtuunan ang mga pagsasanay sa iba’t ibang linya ng gawain. Kaalinsabay nggawaing pagpapalawak at konsolidasyon, kailangang pasiglahin ang pagsusulong ng gawaingpangkultura upang mapataas at mahubog ang militante at proletaryong diwang mapanlabanng malawak na masa ng sambayanan. S

Page 18: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

18 Hulyo-Setyembre 2002 * SILYAB

Diwang RebolusyonaryoKung sumulpot ang ekonomismo,komandismo, konserbatismoAt iba pang sakit na tutungo sa pagigingreaksyunaryo.Upang mapangalagaan itong dakilangadhika.Maliban pa, ang ating istrukturaAy hindi katulad sa bulok na gubyerno.Ang kapangyarihan ay magmumula saasembliyaPababa sa kumperensya tungo sa komiteat mga sub-kom nitoHanggang mga grupong balangay, at saasembliya na namanKung saan ang simula at dulo ngkapangyarihan.

BABAEIsang karangalan kung gayun ang atinghaharapinMabigat ding responsibilidad kung iisipinNgunit alam nating ito’y napapanahon.Panahon na upang ating isulong sa masmataas na antasAng rebolusyonaryong organisasyongmasaTungo sa organo ng kapangyarihangpampulitika.

LALAKEMga kasama, isipin pa natin ang ibaNa kakailanganin bago ang pangkabuuangasembliyaLohistika, seguridad pati pang-ekonomya.Pwede pa nating magamit ang luma konglona*Kahit may butas na yun,Pwede pang magsilbi sa rebolusyon!

MGA KASAMAHalina’t isulong halina’t ikampanya!Ang pagbubuo ng Ganap na SamahangMasa!

*Lona — isang materyal na ginagamitbilang tent at pambubong sa payag.

Ang mga grupong pang-organisaMagiging grupong balangay na.May kanya-kanyang gawain ngunitmagkaka-ugnayIto ang hatian at tulungan sa trabahoUpang sistema’y mas maunlad, masmahusay.Tunguhin ay sistema ng siyentipikongsosyalismo.

Maglulunsad ng mga kampanya sa bawatusapinMalakihan malawakan at mga taon angsasaklawinResponsibilidad ng mga sub-komite angpagpaplanoAng implementasyon ay sa pagkakaisaninyo.

LALAKEMaganda ang naisip ninyong plano mgakasamaNgunit sa tingin n’yo ba kami’y handa na?Ano ang gagawin? Paano sisimulan?Sabihin n’yo sa amin ang pamamaraan.

KASAMA 1Wag mag-alala kayo’y aming gigiyahan.Unang hakbang bumuo ng mga task force Tutulungan kayo sa inyong pagkilos.Lalagumin ang kasaysayanNg buong organisasyong masa sa baryoUpang sa mga aral tayo’y matuto.

Kailangan ding maglunsad ng kampanyasa edukasyonUpang ihabol inyong pampulitikangkamulatan.Dahil malaking responsibilidad ang inyonghahawakanKailangang maging handa sa paghawak ngkapangyarihan.

Ito ang magiging sandata sa pagpigil atpagsawata S

Page 19: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

SILYAB * Hulyo-Setyembre 2002 19

Diwang Rebolusyonaryo

May bantayog na ibinabaon sa puso’tdiwa ng masa. May dambanang

muli’t-muling ipinupundar, pinatatayog ngmga kasama. Muog na siyang ititindig atimumuhon sa harap ng tarangkahan ngkaaway, at siya ring dadagok at dudurog sakanila.

Ang muog na ito ay si Ka Boy, hinubog atpinatatag ng rebolusyon. Mula sa mataas na sarayng petiburgesya, tinibag niya ang kanyang uri at piniling tahakin ang landas ng proletaryado.Sa rebolusyon unti-unting dinurog ni Ka Boy ang pinagmulang uri at hinubog ang sarilibilang tagapaglingkod ng sambayanan.

Nagsimulang kumilos si Ka Boy sa Bikol matapos ideklara ang Batas Militar. Buo angkaloobang sumanib siya sa sambayanan sa paglaban sa Imperyalismo, BurukrataKapitalismo, at Pyudalismo. Walang-pag-aatubili siyang tumalima upang gumampan ngmahahalagang gawaing magpupundar ng rebolusyon sa Bikol. Una siyang itinalaga saLiaison Staff at nang lumao’y naging kagawad ng Komiteng AdHoc sa Urban. Nakilala ngmasa at hukbo ang mapagpakumbabang kasama bilang Ka Angel at Ka Mumar.

Bawat tipak ng kaniyang muog ay hinulma ng puspusang pag-aaral at pagkilos.Sinamantala ni Ka Boy ang bawat pagkakataon upang matuto at magpalalim ng mga bagoat wastong kaalaman, at walang-sawa ring ipinapasa niya ito sa mga kasama.

Sa pagpapabilis at pagpapadulas ng mga rebolusyonaryong gawain, laging handangmatuto at buong kasiglahan siyang umaangkop at kinakabisa ang mga bagong kagamitanat teknolohiya, halimbawa na ang kompyuter, upang pagsilbihin ang mga ito sa rebolusyon.At hindi nagtatapos sa sarili ang kaalaman. Buong-alab din siyang tumututok sa mgakasama upang ibahagi ang kanyang natutunan. Wala siyang sinayang na panahon sa pag-aaral at pagpapalaganap ng napag-aralan.

Tagos sa kanya ang kahalagahan ng ibang larangan ng gawain sa pag-aarmas ngsambayanan, kaya’t maging sa pagtula, pagsulat ng iskrip, at paglikha ng kanta ay taglayniya ang pagmamahal sa bayan at pagpupunyagi sa komunistang kaisipan.

Walang pag-iimbot sa sarili, buong-tatag niyang hinarap ang mga sakripisyo at kahirapanna kaakibat ng pagrerebolusyon. Mula sa pagpapahalaga sa mga gamit, hanggang sapagpapakatatag sa loob ng bilangguan, halimbawa si Ka Boy ng pag-aalay ng sarili. Hindimaselan at walang pagpipili, hangga’t maaari ay pinakikinabangan niya ang mga gamit.Hindi rin naging hadlang sa kanyang pagkilos ang kahinaan sa paningin gayundin sapagkabisa ng lugar. Hangga’t sa magagawa niya pa ay hindi siya magpapatulong, bagkusay buong pagsisikap siyang magpapatuloy.

Ang Buhay at Pakikibakani Ka Boy:

Ang Muog

Sundan sa pahina 20

Page 20: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

20 Hulyo-Setyembre 2002 * SILYAB

Maharap man sa mga tunggalian,nagsisikap si Ka Boy na maipaliwanag angkanyang panig, at tumutupad pa rin kahitang lumitaw na panig ay di kanya. Bihirasiyang magalit, at kung magalit man,kakikitaan lamang siya ng pamumula,pagkabalisa at bilis ng pananalita.

Sa pagharap ng panlalamig ng ibangkasama dahil sa sunud-sunod nadepensibang labanan, namalagi pa rin si KaBoy sa rebolusyon. Minahal ng masa athukbo ang kasamang nagrekober sa mgabaryong naiwan at sumalo sa mga kasamangnanlamig.

Nang mabilanggo siya, sinikap niya paring magampanan ang mga gawain sa kabilang mga limitasyon. Patuloy siyang umugnaysa mga kasama, at nag-organisa sa loob ngkulungan – wagas na pag-aalay ng sarilipara sa rebolusyon!

Nakabaon na sa kalooban ng mgakasama ang muog ni Ka Boy. Imahe siyang pag-uugat sa masa at kasama. Sa kabilang kaniyang mahahalagang responsibilidaday may panahon siya upang manatilingnakalubog sa mga kasama. Umaapaw angdiwa ng mga kasama sa mga kwento ngkani-kanilang karanasan kapiling si Ka Boy.Bagamat ang ibang kwento’y naghahatid ngkatatawanan, bawat alaala’y puno ngpagmamahal at pagdakila sa kasama.

Madaling lapitan at malapitin si Ka Boy,ang kasamang laging nakasumbrero, angkasamang mababa lang at nakasalamin, angkasamang malumanay magsalita. Kilala siyabilang kasamang nakakaalam ng partikularna interes ng iba pang kasama. Alaala siKa Boy ng ikinokonsultang mga personal naproblema, ng pagtutok sa kasama sapagtuturo ng kompyuter, ng pagbabalitatungkol sa pagkapanalo ng kanyangpaboritong tim sa basketbol, ngipinapadalang mga mumunting balita atl itratong ginupit sa dyaryo, ngpakikipagsayaw sa kasama nang makarinigng tugtog habang nasa lakaran, at marami

pang ibang paggunita sa banayad niyangmuog.

Maging sa pagpapamilya ay mapag-alalapa rin si Ka Boy, maasikaso pa rin sa kabilang kanyang mga gawain, laging inaalam angkalagayan ng pamilya, at mapag-alala –minsa’y nagbalot ng matamis na bao parasa asawa, at nagpadala ng prutas kahitnabulok na ito nang makarating. Katulongniya ang mga kasamang nagmamahal sakanya sa pagharap sa mga hamon ngpagpapamilya.

Hindi pinagsasawaan ng masa at kasamasi Ka Boy. Inialay niya ang kanyang sarilipara sa kanila. At malugod siyang tinanggapang minahal ng sambayanan.

Umaga ng Hunyo 7, taong 2000.Tinangkang tungkabin ng mga pasista angmuog ni Ka Boy. Kinubkob ang base ng mgakasama at isa siya sa mga namatay.Ibinuwal nila si Ka Boy, ngunit ang kanyangbantayog ay malaon nang nakapag-muhonsa kaloob-looban ng puso’t diwa ng masa athukbo. Pagkalalim-lalim ng kanyangpagkakaugat, na ang pangalan niya’ynagpapasikdo sa dugo ng masa at kasama,at nagluluwal ng mas kabog-dibdib, mastalas-diwang pagrerebolusyon – ibayongpagkilos na pupuno sa puwang ngpagkakabuwal ni Ka Boy.

Ito ang magpapaguho sa kuta ng mgamapagsamantala’t mapang-api – angpinaigting na pagkilos na kabiyak ng pag-alala. Sa unti-unting pagtibag sa pader napinaglulukuban ng kaaway, dagdag naarmas nating mga nagpapatuloy sarebolusyon ang mga aral sa buhay atpakikibaka ng mga kasamang nagbuwis ngsarili. Ang alaala ng mga rebolusyonaryongmartir ay lamat na magiging bitak atmagpapabagsak sa balwarte ng kaaway.Dudurugin ang kanilang lungga ng alaalani Arsenio Gil Lacsamana, ng ni-minsa’yhindi-natinag na muog ni Ka Boy, isangganap na rebolusyonaryo.

Diwang Rebolusyonaryo

S

Page 21: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

SILYAB * Hulyo-Setyembre 2002 21

BALITA SILYABALITA SILYABALITA SILYABALITA SILYABALITA

BAGAMANOC - Matagumpay na ni-reyd ng mga Pulang Mandirigma ang munisipyo atbaraks ng PNP ng Bagamanoc sa isla ng Catanduanes noong Hulyo 12, 2002. Nasamsam sanasabing reyd ang apat na M16 armalayt, dalawang M14, isang shotgun, dalawang cal .45,isang 9 mm, isang cal .38, mga bala, iba’t ibang klase ng granada at iba pang gamit militar.

Napatay sina SPO1 Roberto Enaga at PO1 Patrick Pante ng magtangka itong lumaban.Samantalang dalawa pa sa reaksyunaryong PNP ang nasugatan.

Alas 12:30 ng tanghali, sakay ng dalawang trak, dumating ang isang malaking platunng mga NPA sa bayan ng Bagamanoc. Pagbaba sa trak ay dumiretso ang isang iskwad ngmga mandirigma sa munisipyo. Dahil sa mahusay na maniobra at inisyatiba ng mgamandirigma, madaling napasok ang gusali at nakontrol ito sa loob lamang ng ilang segundo.Samantalang dumiretso naman ang isa pang iskwad sa baraks ng PNP. Bahag ang buntotna nagsitakas ang ilan sa mga pulis matapos paputukan ang mga ito. Wala pang dalawangminuto ay nakontrol na ng mga mandirigma ang nasabing baraks. May pulis namangnagtangkang bumira sa likod ng pormasyon ng mga mandirigma subalit binigo ito ng mganakatalagang isnayper.

REYD SA ISLA NG CATANDUANES, TAGUMPAY!

Sundan sa pahina 22

Page 22: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

22 Hulyo-Setyembre 2002 * SILYAB

SORSOGON - Pinarusahan ngdemokratikong hukumang bayan ang isapang abusadong Cafgu na si AurellanoLazarte ng barangay Marinab, Bulan,Sorsogon noong Hulyo 14.

Si Lazarte ay aktibong miyembro ngCAFGU at masugid na giya sa mgaoperasyong militar. Bahagi siya ng Barangay

Intelligence Network(BIN). Imbwelto dinsiya sapagpapadampot samga sibilyangdiumano’y maykuneksyon sarebolusyonaryongkilusan.

At bilangmiyembro ng CHDF

noong panahon ng batasmilitar, imbwelto rin siya sa

pangmamasaker sa mgasibilyan sa kanilang lugar.

BALITA SILYABALITA SILYABALITA SILYABALITA SILYABALITA

S

Itinaon ng mga NPA na oras ng pananghalian ang pag-atake sa munisipyo upangmakaiwas sa bulto ng sibilyan sa nasabing lugar. Nang masumpungan nila ang isang sibilyansa loob ng munisipyo ay agad nila itong pinaliwanagan at tiniyak na hindi madadamay saputukan. Bilang bahagi pa rin ng pagsasaalang-alang ng kaligtasan ng mga sibilyan, ilangoras pa bago maganap ang reyd ay nagtalaga na ang mga mandirigma ng harang sakalsada papasok sa lugar na paglulunsaran ng reyd. Sa pagharang at pagbantay ng mgamandirigma sa kalsada, nagpakilala at nagpaliwanag ang mga ito sa mga sibilyang naroontungkol sa nagaganap sa sentro. Nasumpungan nila sa isang dyip ang dalawang PNP naagad namang kumaripas ng takbo. Dahil wala nang kakayahang lumaban ang mga pulis,hindi na ito hinabol o pinaputukan ng mga mandirigma. Nasamsam ang mga baril atbalang naiwan nito.

Sa pag-atras, naglakad lamang ang mga mandirigma palabas ng sentro at namigay ngpahayag at mga babasahin sa mamamayan. Tuwang-tuwa naman ang mga Catandunganongsumalubong at nakipagkamay sa mga mandirigma. Niyanig ang buong isla ng Catanduanessa kauna-unahang reyd dito.

ABUSADONG MGA CAFGU, PINARUSAHAN!

ALBAY - Ginawaran ng parusangkamatayan ang abusadong CAFGU atkapitan ng barangay na si Emerito Capitalng brgy Mahaba, Ligao City noong Hulyo 11.

Siya ay aktibong CAFGU mula pa noong1986. Noong panahon ng kasagsagan ngmga Low Intensity Confl ict-SpecialOperations Teams (LIC-SOT) ng militar,marami siyang naging krimen samamamayan.

Napatunayan nghukumang bayan nadirektang sangkot siCapital sa pag-salbeyds saisang sibilyang aktibongkasapi ng Komiteng Pang-organisa ng Magsasaka.Nanguna siya sapagpapahamak ng mgasibilyan na diumano’ymga poste at susi ngNPA. Masugid din siyanggiya sa mga operasyongmilitar.

S

Reyd sa Isla ng Catanduanes

CAFGU

Page 23: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

SILYAB * Hulyo-Setyembre 2002 23

Direkta siyang sangkot sa pagpahuli atpagpatay sa ilang mga namumunong kadreng Partido sa rehiyon at sa gawaing urban.Isa sa mga kinasangkutan niya ay ang kasong pagpaslang kay Melito Glor.

Naghasik siya ng pang-iintriga atpaninira sa prestihiyo ng Partido sa rehiyonsa layuning magkaroon ng malawakangpagpasurender sa mga kumander atmandirigma ng NPA.

Aktibo siyang nakipagtulungan sakaaway upang maibagsak ang baseng masaat rebolusyonaryong kilusan sa Sorsogon.Napakaraming sibilyan ang kanyangipinahamak at direkta siyang sangkot samaraming kaso ng pamamaslang,pagtortyur at pananakot sa mamamayangsumusuporta sa kilusan. Resulta nito,maraming saligang organisasyong masa angnabuwag.

Alinsunod sa batas at hustisya ngdemokratikong gubyernong bayan, iginawadang pamamarusa sa isang rebisyunistangtaksil na may mabibigat na kriminal napananagutan sa rebolusyonaryong kilusanat sa mamamayan.

BALITA SILYABALITA SILYABALITA SILYABALITA SILYABALITA

S

DETATSMENT NG ARMY, HINARAS!

LEGASPI CITY - Hinaras ng pitong pulangmandirigma ang detatsment ng CharlieCompany ng 22nd Infantry Batallion ngPhilippine Army sa Brgy. Humapon, LegaspiCity nitong Hulyo 9, 2002 bandang alas 9:00ng gabi. Napatay sa aksyong militar na itoang dalawang pasistang militar.

Brown-out sa nasabing lugar ngmagmaniobra ang mga mandirigmapapalapit sa detatsment. Nasa pusisyon naang mga ito nang magkailaw samantalangnaghihiyawan naman ang mga lasing naCAFGU at militar habang nakikipag-inuman.

Dahil taglay ng mga mandirigma angmahusay na manerang kumando at angelemento ng sorpresa, nabulabog atnataranta ang mga pasistang militar nangpaputukan na ang mga ito. Bahag angbuntot na nagtakbuhan at nagsipagtago angmga ito. Tumagal ng 30 minuto ang nasabingpanghaharas ng mga NPA.

Ligtas na nakalayo ang mga pulangmandirigma. Malayo na sila nangmakapagpaputok ang mga CAFGU at militarsa detatsment.

S

SORSOGON CITY - Iginawad ngdemokratikong hukumang bayan angparusang kamatayan sa ahente ngIntelligence Service of the Armed Forces ofthe Philippines (ISAFP) na si Gerry Espinassa pamamagitan ng operasyong isparo saSorsogon City noong Agosto 31.

Si Espinas ay may mahabang rekord ngkrimen sa rebolusyonaryong kilusan atmamamayan simula pa noong maagangbahagi ng dekada 70.

Napatunayan sa hukumang bayan angkanyang sukdulang pagtataksil sa kilusanmatapos siyang lihim na magsurender noong1977.

Dati siyang miyembro ng KomitengAdhoc ng CPP-NPA-Bikol noong dekada 70.Dati siyang kumilos sa probinsya ngSorsogon. Kanyang ibinulgar sa kaaway angmaseselang impormasyon hinggil saorganisasyon ng PKP na puminsala nangmalaki sa kilusan.

Bilang aktibong miyembro ng ISAFP,pangunahin siyang itinalaga sa rehiyon IVat V upang iproyekto ang mga susing kadreat lider ng CPP-NPA-NDF.

INTEL NG ISAFP, INISPARO

Page 24: EDITORYAL SONA ni GMA: Isang Ilusyon ng Kaunlaran sa ... · PDF fileIsang Ilusyon ng Kaunlaran sa Ilalim ng ... Dumausdos ito sa pinakamababang tantos sa loob ng mahigit dalawang taon

24 Hulyo-Setyembre 2002 * SILYAB

ISANG BUS NG SAINT JUDE BUSLINER, SINUNOG!

ALBAY - Pinarusahan ng Santos BinameraCommand ng NPA-Albay ang Saint Jude BusLiner na pag-aari ni Socorro Buban ngTabaco, Albay. Sinunog ng mga pulangmandirigma ang isang bus ng nasabingkumpanya nitong Hulyo 25, 2002 bandangalas 6:45 ng gabi sa Brgy. Bariw, Camalig,Albay.

Iginawad ang parusang ito sa nasabingkumpanya dahil sa hindi nito pagkilala samga patakaran sa pagbubuwis ngdemokratikong gubyernong bayan.

Limang mandirigma ang sumakay sa busng Saint Jude na biyaheng Pasay mula saterminal sa Legazpi City. Paglagpas sasentrong bayan ng Camalig ay nagpakilalaitong mga NPA sa drayber at mga pasahero.Nagulat subalit hindi natakot ang mgapasahero ng bus. May mga pasaherongnakapagsambit, “Ah mga kasama pala, ‘wagtayong matakot at mababait ang mga ‘yan.Hindi tayo maaano.”

Nagpaliwanag ang mga mandirigma sadrayber at mga pasahero tungkol sarebolusyonaryong pagbubuwis naipinatutupad ng Demokratikong GubyernongBayan. Nagpropaganda din sila tungkol saisinusulong na demokratikong rebolusyongbayan, sa lumalakas at lumalawak narebolusyonaryong kilusan, at sa inilulunsadna digmang agresyon ng US.

Matapos ang i lang minutongpagpapaliwanag ay pinahinto ang nasabingbus sa kalsada papasok sa barangay Bariw.Katulong ang mga madirigma, ibinaba ngmga pasahero ang lahat nilang gamit mulasa bus. Nang matiyak na wala nang lamanang bus, maliban sa mga pag-aari ngkumpanya nito, ay binuhusan na ito nggasolina at pinasabog.

Ligtas na nakaatras ang mga mandirigmamatapos ang pamamarusang ito.

BALITA SILYABALITA SILYAB

250,000 EKTARYANAKAMIT PARA SA

LAND REFORMBLAH! BLAH! NASAAN NA

KAYA ANG MGA LUPANG ‘YAN?

BLAH! BLAH! P14 NA LANG ANG KILONG BIGAS AT P60 NA RIN LANG ANGGALUNGGONG... BLAH! BLAH!

BLAH! BLAH! PATAY NA SIABU SABBAYA!KASAMA TAYO NG U.S.SA PAGLABANSA TERORISMO!

TUTATALAGASI GMA!

ANG U.S.ANG

TOTOONGTERORISTA!

...MATATAG ATMALAKAS NAREPUBLIKA! MANLOLOKO,

MILITARISTA,AT

MAKA-IMPERYALISTA!

KAMOTENG

KAHOY

ASIN

S OO NGAAA!