15
Pebrero 27, 2013 Ipinasa ni: Angeline C. Espeso ABF 3-1 Ipinasa kay: Bb. Mayluck Malaga

Konseptong papel

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Isyung pangwika (konseptong papel)

Citation preview

Page 1: Konseptong papel

Pebrero 27, 2013

Ipinasa ni: Angeline C. Espeso

ABF 3-1

Ipinasa kay: Bb. Mayluck Malaga

Page 2: Konseptong papel

Isyung Pangwika 1

PANIMULA

Ayon kay Constantino (1996), ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng

komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan nito

ang mga instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo

para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang

mga pangangailangang ito. Samakatuwid, ang pahayag na ito ni Constantino ay

nagpapatunay lamang na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa pang-

araw-araw na buhay ng tao. Gamit ang wika, nagagawa ng tao na masatisfay ang

kanyang mga pangangailangan maging ito man ay pansosyal o pampersonal. Nagiging

instrumento ang wika upang makisangkot ang tao sa mga nangyayari sa kanyang

paligid. Dahil dito, mahalaga para sa isang tao na maging maalam siya sa kanyang

wikang ginagamit upang ito ay magamit niya sa paraang tiyak at planado.[1]

Kung gayon, hindi na talaga kaila sa atin ang katotohanan na ang wika ang nagsisilbing

instrumento ng komunikasyon at pagpapalitan ng impormasyon ng tao upang makaagapay sa

kanyang paligid at lipunang ginagalawan. Ngunit upang maging matagumpay sa interaksyong

sosyal, kailangang maging malinaw, maayos, nauunawan at tama ang pagkakagamit ng wika.

Sa pagkuha ng mananaliksik ng kursong FILI 3183 Mga Isyung Pangwika, nabatid at naipakilala

ang iba’t ibang suliranin sa wikang pambansang Filipino –na isyu na noon, isyu pa rin

magpasahanggang ngayon.

Lalamanin ng konseptong papel ang napili ng mananaliksik na isyung pangwika ang mga

kamalian sa balarilang Filipino. Ang pag-usbong ng Enggalog at Taglish dahil pagiging

Lingua Franca ng Ingles sa Pilipinas.

Layunin ng konseptong papel na ito na maglahad ng isyung pangwika na nagaganap sa

kasalukuyan bilang pagtugon sa kahingian sa pang-gitnang pagsusulit.

______________________[1]Christian George C. Francisco, “Intelektwalisado na ba ang wikang filipino?”, http://wiki.answers.com/Q/Intelektwalisado_na_ba_ang_wikang_filipino

Page 3: Konseptong papel

Isyung Pangwika 2

PAG-USBONG NG ENGGALOG AT TAGLISH DAHIL PAGIGING LINGUA FRANCA

NG INGLES SA PILIPINAS

Kapansin-pansin ang impluwensiya ng wikang Ingles sa bokabularyo ng wikang Filipino bunga

nang pagpapanatili nito bilang lingua franca ng bansa kaya naman hindi na ito maialis sa pang-

araw-araw na pakikipagtalastasan nating mga Filipino mula sa mga telebisyon, radyo, pahayagan

at internet sa paghahatid ng mensahe.

Sa pagkakaroon ng dalawang umiiral na pangunahing wika, nasasaalang-alang ang ating

katatasan sa mga ito lalo na’t salitan nating ginagamit ang mga ito sa ating pahayag. Ito iyong

tuloy-tuloy tayong magsasalita ng Filipino tapos bigla nating hahaluan ng Ingles. Taglish ang

tawag doon, Enggalog naman ang kabaliktaran nito. Ano ba ang ugat nito?

Unang nakikitang dahilan ng mananaliksik ang kakulangan sa bokabularyo ng Filipino o may

mga salitang Ingles (teknikal, siyentipiko, matematika, etniko at kultural na kulay) na walang

katumbas sa Filipino kaya tayo ay nanghihiram.

Kapag nagtagpo ang dalawang kultura, di maiiwasan ang pagbabago ng

mga wika nito, lalo na iyong wika ng mga grupong dinaig, sinakop o umaasa sa

iba. Nagkakaron ng pagbabago tinatanggap ng isang grupo ang mga bagay,

gawi, at ideya –kasama ng mga tawag sa mga ito-mula da ibang grupo. Ang

proseso ng pagtanggap o paglilipat ng mga elemento ng isang iwka sa ibang

wika ang tinatawag na panghiiram o sa Ing, borrowing. Ang napakaraming

salitang galing sa Intsik, Kastila, at Ingless s amga WP ang nagpapatunay sa

matagal at mabisang kontak sa pagitan ng mga nanakop sa kultura at ng sinakop.

Ilan lang sa mga napakaraming ganitong salitang nalipat sa mga WP ang sabi

(Kas saber), sabon (Kas jabón), lamesa (Kas la mesa), gubyerno (Kas

gobiernno), braso (Kas brazo), titser (Ing teacher), haywey (Ing high way),

bolpen (Ing ball pen), boling (Ing bowling), helo (Ing hello), kuya (Ins kuya),

bilao (Ins bilao).

Isyung Pangwika 3

Page 4: Konseptong papel

Ang isang malakas na motibong nagtutulak sa mga nanggagaya sa

kultura’t wika ng iba’y ang pangangailangan. Dahil bago ang bagay na

tinatanggap na galing sa ibang kultura, walang termino o salita para ditto lalo na

sa larangan ng tekniloji, halimbawa Kas telefono –Tag telepono, Ing computer –

Tag kompyuter. Pangangailangan din ang rason kung bakit mey salitang

unibersidad, jip, sabmarin, eksrey, inaeksyon, TV, nukleyus, molekyul, lipstik,

nowtbuk at napakarami pang salita na nalipat sa mga WP na galing sa mga

banyagang wika.

Ang isa pang motibo’y ang prestij o paghanga sa kulturang

pinanggalingan ng bagong salita. Nalilipat ang mga ganitong salita kahit meron

ng katumbas na salita ang wikang tumatanggap, na kadalasan ay wika ng

maynoriti, mga sinakop o mga tinatratong mas mababang klaseng tao.

Halimbawa ang salitang gera na galing sa Kastila kahit mey Tag digmaan. Isa

pang halimbawa’y ang mga tawag sa magulang na dadi, mami na galing sa Ing

Daddy, Mommy o ang mga mama, papa na galing sa Kastila kahit na mey Tag

tatay, nanay o itay, inay. (Ang pag-aaral ng wika, pp.151)

Makikita sa ating kasaysayan na ang wika ay ginamit ng mga mananakop upang palaganapin ang

kanilang ideyalismo. Wika ang kanilang ginamit upang ipasailalim ang kaisipan ng mga Pilipino

sa kanilang pamamahala. Sa dami ng mangangalakal na dumayo at sumakop sa bansang

Pilipinas, maraming wika ang naipakilala, natutunan at nagamit ang mga Pilipino.

Nariyan ang mga wikang Intsik, Arabo, Kastila, Ingles, Nihonggo at marami pang iba. Ngunit sa

paglipas ng panahon, mas pinanatili natin ang wikang Ingles dahil ito ang pangunahing Lingua

Franca ng daigdig. Dagdag pa rito, Ingles ang Wikang Internasyunal at higit na maunlad sa

pakikipag-ugnayan sa panahon ng globalisasyon at information technology. Kaya naman malaki

ang naging epekto nito sa pakikipagtalastasan nating mga Pilipino. Nakikiagapay tayo sa patuloy

na pag-unlad ng makabagong mundo sa ating bansa lalong-lalo na sa ating wika na ginagamit sa

sentro ng sibilisasyon at kalakalan.

Isyung Pangwika 4

Page 5: Konseptong papel

SULIRANIN

Sa malaking impluwensiya ng Ingles sa wikang Filipino, kapansin-pansin ang paghalo nito sa

bokabularyong Filipino –sa pagsasalita ng isang Pilipino kung saan magkasalit na ginagamit ang

wikang Ingles at Filipino na kilala nga sa tawag na Enggalog at Taglish. Ang pangyayari ito ay

tinatawag na code-switching dahil sa paggamit ng dalawang wika. Nagkakaroon lamang code-

switching sa mga bansang may bilinggwal na wika tulad ng Pilipinas na parehas umiiral ang

Ingles at Filipino. Nangyayari ito kapag tuloy-tuloy tayong nagsasalita ng Filipino at hahaluan

natin ng Ingles (vice-versa). Sa madaling salita, ang Enggalog at Taglish ay ang code-switching

ng wikang Filipino at Ingles.

Ngunit sa pagtanggap at paggamit natin ng mga hiram na salita at paghahalo nito sa wikang

Filipino, hindi natin alam na mali pala natin ito nagagamit. Maling gamit ba sa wikang Ingles o

sa Filipino? Aling wika ang nasisira natin? Ingles ba o sa Filipino?

Bago sagutin ng mananaliksik ang tanong na iyan, narito ang ilang halimbawa ng maling gamit

ng mga salitang hiram at salitang Ingles na may panumbas naman sa Filipino:

1. USB (Universal Serial Bus)- mali ang paggamit ng USB bilang pantawag sa ating

mga storage device dahil ang tama ay ang Flashdrive. Ang USB kasi ang tawag sa

sinasaksakan ng Flashdrive.

2. Xerox/ Xerox Machine- Photocopy (output/product) / Photocopier (machine)dapat at

hindi Xerox/ Xerox machine dahil ito ay brand o pangalan ng pordukto ng isang

photocopier machine.

3. Touch & go/ White Ink- tulad ng sa Xerox, ang touch & go at white ink ay mga

brand o pangalan lamang ng produkto. Liquid eraser dapat o correction tape.

4. Course- Program o Programa ang tawag sa kinukuha sa kolehiyo at hindi course.

Ang course ay ang subject o asignaturang pinag-aaralan sa kolehiyo.

Isyung Pangwika 5

Page 6: Konseptong papel

Dagdag pa sa mga karaniwang pagkakamali ng mga Pilipino sa mga hiram na salita at salitang

Ingles na may panumbas naman sa Filipino ang blog ni monsterteacher na isang blogger. Ito ang

mga sumusunod:

1. Ka-dorm mate/ka-batchmate – I often hear this among college students, but

in fairness, rarely in UPLB.  I think that the Filipino prefix “ka-” means

“co-” in English, as in “co-worker” or “co-teacher”.  Prefix “co-” means

“with”, while “mate” means “companion”.  Just say ka-dorm or better, dorm

mate.

2. ATM Machine/PIN number – “ATM” stands for

“automated teller machine”, so an ATM machine is actually “automated

teller machine machine”; likewise “PIN” stands for

“personal identification number”, so PIN number is personal identification

number number.

3. Free gift- Is there a gift that is not free?  If there is, then it’s not a gift!  It was

a Reader’s Digest article that brought this common redundant expression to

my attention when I was just in grade school.  Reading it was actually a

Eureka! moment for me.  What’s surprising is that this same magazine often

uses this expression in its promotions!  When it is advertising a book, the

advertisement will always say, “FREE GIFT when you purchase blah blah

blah…”

4. Pinaka-latest I feel like saying: ”Ang pinaka ay nagmula sa Tagalog na ang

ibig sabihin sa Ingles ay most o puwede rin itong pamalit sa suffix o hulapi

na -est “.

Explanation kung hindi mo pa rin gets: Pinaka-latest is equivalent to most

latest, which is a double superlative.

Isyung Pangwika 6

Page 7: Konseptong papel

Halimbawa naman ng isang konbersasyon ng code-switching:

TAGLISH

Kaibigan 1: Low bat na ako.

Kaibigan 2: Ok, i-charge mo nalang muna .

ENGGALOG

Guro: Ms. Cruz, where is your assignment?

Mag-aaral: Ma’am I forgot to do my takda because kasi po my mother was sick

and kinakailangan pong alaagan siya while she was in the hospital.

SAGOT

Ngayon, kung anong sagot sa kung mali ba ang pagkakagamit sa wikang Ingles o sa Filipino?

Oo, parehas sa dalawang wika dahil nagiging magulo ang paggamit ng wika. Una, sa mga hiram

na salita, tama naman na panatilihin ang mga ito syempre pati na rin ang tamang kahulugan nito

ngunit ang nangyayari ay nagkakaroon sa atin ng pagbabagong semantik na ekstensyon/

ekspansyon kung saan nagkakaroon ng ekstensyon o paglawak ng kahulugan ng salita.

Nagbabago ang wika dahil sa pagbabago ng kapaligiran nito na maaaring epekto ng migration o

kontak sa ibang grupo/ wika. Ang halimbawa nga nito ang Xerox na pangalan o brand lamang

ngunit naging pantawag sa lahat ng makinang nagkokopya at nang Pampers na naging tawag sa

diaper o lampin –na kapwa mali naman ang gamit.

Pangalawa, dahil naman sa lansakang panghihiram ng mga Filipino ng mga salita, natatabunan

na nito ang mga bokabularyong Filipino. Madalas, kahit may mga panumbas naman tayo ay

hindi na natin ito nagagamit. Halimbawa na lamang sa paaralan, ang mga salitang subject,

notebook, chalk, eraser, blackboard/ board atpb. ay may panumbas naman sa Filipino na

asignatura, kwaderno, tisa, pambura, pisara ngunit miminsan na lamang natin ito naririnig at

nagagamit. Bakit? Maaaring sa popularidad ng mga salita at ginagamit ng karamihan.

Isyung Pangwika 7

Page 8: Konseptong papel

Dahil sa dalawang bagay na iyon? May nasisira bang wika? Kung meron? Ano ito?

…Alin ba ang namamarder sa dalawang wika: Tagalog ba o English?

Pareho, kaya lang, mukhang mas grabe ang nangyari sa English. Patunay. Tiyak

na hindi maiintindihan ng isang monolingguwal na Amerikano ang “let us make

pa-cute na lang”

Samantala, sapagkat ito sa PIlipinas nabuo, maiintindihan ito ng

maraming mga Pilipino, lalo na ng mga kabataan.

Pero balangkas Filipino ba ito? sarili natin ang “make” sa “let us

make…” at “you make…”

Let us make pa-cute na lang.

(paglilipat)

Magpa-cute na lang tayo.

You make tawad naman, o.

(paglilipat)

Tumawad ka naman, o.

Lumalabas sa ating pagsususri na Filipino rin ang balangkas. At Filipino

rin ang panlaping pa-, sobra nga lang ang pagpasok ng mga parirala at salitang

English, kung kaya’t hindi halos mawari kung alin sa dalawang wika ang

magiging dominante. Kung mga salita ang bibilangin, mas marami ang English.

Ngunit hindi iyon mahalaga sa pag-alam kung alin ang wikang dominante sa

paghihiraman.( Dr. Alfonso O. Santiago, Let us make pa-cute na lang)

Isyung Pangwika 8

Page 9: Konseptong papel

KONKLUSYON

Malinaw sa paliwanag ni Dr. Santiago na kung may nasisirang wika, parehas lamang dahil

kapwa walang sinusunod na balangkas. Hindi rin alintana ang bilang o dami ng salitang

dominante. Ngunit sa dalawang nabanggit, higit na namamarder ang Ingles dahil kaya nating

ilipat sa Filipino ang salitang Ingles gamit ang mga panlapi at pagbabaybay nito na kung anong

basa ay siyang sulat.

Nalilipat din ang mga morfim na gramatik tulad ng kas –ero (lalake), -era

(babae) na ginagamit sa Tag pintasero, pintasera; bolero, bolera, kahit hindi

makabuluhan ang jender sa gramar ng Tagalog. Laganap na rin ang paggamit

ng salitang so na nalipat sa Filipino na galing sa Ingles kahit mey katumbas na

kaya. Galing sa Latin at Franses ang Ing –ble at –able na maririnig tulad sa mga

salitang agreeable ‘kasiya-siya, kalugod-lugod’ excusable ‘mapapatawad’,

variable ‘mapagbago-bago, magkakaiba’. Prodaktiv na sa Ingles ang mga safiks

na ito tulad ng bearable ‘matitiis’ eatable ‘makakain’ at drinkable ‘maiinom’.

Dahil sa paglilipat ng mga salita o iba pang elementong galing sa ibang

wika, naaapektohan din ang sistem ng mga tunog ng wikang nalipatan. Kung

pakikinggan ang mga nagsasalita ng Filipino o ilan sa iba pang WP, maririnig

ang bagong kl- na dating wala nito dahil sa mga salitang nalipat tulad ng klineks,

klasrum, klinik at br- sa brand, breyses, brok.Nalipat din ang magkasunod na

kosonant sa hulihan ng salitatulad ng –ks dahil sa taks, klineks, akrobatiks, seks;

ang –ns sa sayans, fans, resistans; -rd sa blakbord, badigard, kord; -dj sa jadj,

gradj at nalipat sa Ing ang Scandinavian sk- dahil sa mga salitang tulad ng sky

‘langit’, skin ‘balat’ at skirt ‘palda’. (Ang pag-aaral ng wika, pp.151)

Ayon muli sa akda ni Dr. Santiago, sinabi niya na baka ang tinuturing ng karamihan na “maling

Filipino” sa ngayon ay ang siyang magiging ‘tamang’ Filipino balang araw.

Isyung Pangwika 9

Hindi naman sarado ang isip ng mananaliksik sa posibilidad na iyon ngunit, sa dami ng umiiral

na wika at dayalekto sa Pilipinas, karapat-dapat pa bang manggaling sa hiram na mga salita ang

Page 10: Konseptong papel

wikang Filipino? Hindi ba’t mas maganda kung tatangkilikin muna ang lokal o sariling atin

kaysa banyaga?

Ang mahirap sa ating mga Pilipino, lumalahok tayo sa globalisasyon na

nag-iisip kaagad sa perspektibang global, bago sa lokal. Bagkus, marapat na

bago mag-isip global ay mag-isip lokal muna upang mayroon tayong maiambag

sa globalisasyon. (Dr. Felipe M. De Leon, Jr, Kamulatang Pangkalinangan tungo

sa Kagalingang Pambansa, February 2012)

Isa pa, ano ang silbi ng tamang balarila kung hindi naman natin ito susundin? Hindi naman natin

kinukulong ang ating mga sarili sa pagiging dalisay sa pagsunod dito. Hindi naman

nangangahulugan na paggamit ng tamang balarila ay pagiging makata na. Baka dumating ang

araw na tanging sa mga panitikan na lamang makita ang kakinisan ng wikang Filipino.

Hamon ito sa mga Filipino lalo ngayon sa panahon ng modernisasyon at teknolohiya. Kaya, heto

ang mga simpleng pamamaraan sa mabisang paggamit ng Filipino. Una, huwag matakot

manghiram ng salita lalo na sa mga terminolohiyang walang katumbas sa Filipino, ang mahalaga

ay maunaawaan at magamit ito ng tama. Pangalawa, magkaroon ng sariling pagsasalin batay sa

pang-araw-araw buhay at karanasan –pagsasalin sa diwa at hindi sa salita. Pangatlo, magkaroon

ng isang balangkas lamang, kung Filipino, Filipino –kung Ingles, Ingles. Panghuli, linangin ang

kaalaman at bokabularyo sa Filipino at Ingles sa pamamagitan ng pagbabasa at panunuod.

Isyung Pangwika 10

BIBLIYOGRAPI

Page 11: Konseptong papel

Christian George C. Francisco, “Intelektwalisado na ba ang wikang filipino?”, http://wiki.answers.com/Q/Intelektwalisado_na_ba_ang_wikang_filipino

Ang Pag-aaral sa wika

Monsterteacher, Disyembre 7, 2011, “Super Duper to the Max Repetitious Redundant Expressions (A Grammar Police Special Report)”, http://momsterteacher.wordpress.com/2011/09/10/5-very-simple-yet-very-common-grammatical-mistakes-of-filipinos-part-1/

Dr. Alfonso O. Santiago, “Let’s make pa-cute na lang”

Mula sa papel na tinalakay ni Dr. Felipe M. De Leon, Jr, Kamulatang Pangkalinangan tungo sa Kagalingang Pambansa, February 2012.