24
Mga Gantimpalang Nakamit ni Rizal sa Ateneo (Karugtong) inihanda ni: ErWIN S. TED BSE 302 English

MGA GANTIMPALANG NATAMO NI RIZAL SA ATENEO

Embed Size (px)

Citation preview

Mga Gantimpalang Nakamit ni Rizal sa

Ateneo(Karugtong)

inihanda ni:ErWIN S. TED

BSE 302 English

Mga Nilalaman:

• Iba Pang Gawain ni Rizal sa Ateneo• Mga Istatwang Ginawa sa Ateneo• Mga Anekdotang Tungkol kay Rizal• Mga Tulang Isinulat sa Ateneo– “Ang Aking Unang

Inspirasyon”– Mga Tulang Tungkol sa

Edukasyon– Mga Relihiyosong Tula

• Mga Gawaing Panteatro ni Rizal sa Ateneo

• Unang Pag-ibig ni Rizal

Iba Pang Gawain ni Rizal sa Ateneo

• Isang “emperador” sa loob ng silid aralan.

• Aktibong kasapi, at naging kalihim ng Kongregasyon ni Maria.

• Kasapi sa Akademya ng Literaturang Espanyol.

• Kasapi sa Akademya ng mga Likas na Agham.

• Naghahasa ng talino sa panitikan sa kanyang bakanteng oras sa patnubay ni Padre Sanchez.

• Si Padre Francisco de Paula Sanchez ang naging inspirasyon ni Rizal para mag-aral ng mabuti at sumulat ng tula.

• Si Padre Jose Villaclara ang nagpayo sa kanyang tumigil sa pakikipag-usap sa mga Musa at sa halip ay pagtuunan ng pansin ang mga asignaturang pilosopiya at likas na agham.

• Naglaan ng panahon para sa sining kay Agustin Saez, isang kilalang pintor na Espanyol at ng eskultura kay Romualdo de Jesus, isang bantog na eskultor.• Higit sa lahat, naglaan din siya ng panahon sa palakasan sa pamamagitan ng pag-aaral ng gymnastics at pag-eeskrima.

Mga Istatwang Ginawa sa Ateneo

• Imahen ng Birheng Maria

Hiniling ni Padre Lleonart na iukit ni Rizal

• Imahen ng Sagradong Puso ni Hesus

Mga Anekdotang Tungkol kay Rizal

• Ang anekdotang nagpapakita ng pagiging mapagpatawad ng bayani na isinulat ni Felix M. Roxas, kapanahon ni Rizal sa Ateneo.

• Ang anekdotang nagpapakita ng pagiging matulungin ng bayani na isinulat ni Manuel Xeres Burgos, maybahay sa inuupahan ni Rizal bago naging interno sa Ateneo.

Isang araw, maraming Atenista, kabilang na si Rizal, ang nag-aaral sa bulwagang-aralan. Dalawang Atenista, sina Manzano at Lesaca, ang nag-away at nagbatuhan ng mga aklat. Si Rizal, na abala sa kanyang mesa, ay tinamaan ng aklat sa mukha. Hindi siya nagalit sa mga nag-aaway kahit na nagdurugo na ang kanyang mukha. Dinala siya sa klinika para mabigyan ng pangunang lunas. Pagkaraan, nagpatuloy siya sa pagpasok at ni minsan ay di nagpakita ng galit sa mga nakasakit sa kanya.

Isang hapon ng Huwebes, dahil walang aral ang araw na ito, nagpapalipad ng saranggola ang mga batang lalaki sa azotea. Si Rizal noo’y nasa may bintana at nagbabasa ng isang aklat ng mga pabulang nasa wikang Espanyol. Di nagtagal, narinig niya si Julio Meliza ng Iloilo, isa sa pinakamaliit na estudyante, na umiiyak dahil ang kanyang saranggola ay sumabit sa mga baging na gumagapang sa kampanaryo ng Katedral ng Maynila na malapit sa kanilang tinitirhan. Dahil pinagtatawanan ng malalaking lalaki ang kamalasan ni Julio, binitawan ni Rizal ang kanyang aklat at sinabihan si Julio na huminto na sa pag-iyak dahil kukunin niya ang saranggola nito. Buong tapang na inakyat ni Rizal ang mataas na kampanaryo at nakuha naman niya ang sumabit na saranggola.

Mga Tulang Isinulat sa Ateneo

• Noong 1874, maglalabing-apat na taong gulang siya ng maisulat ang maaring unang tula na naisulat niya sa Ateneo.

“Mi Primera Inspiracion” (Aking Unang Inspirasyon)

• Inihandog niya sa kanyang ina noong kaarawan nito.• Sinasabing isinulat niya ito bago siya naglabing-apat na taong gulang, ibig sabihi’y noong taong 1874.• Bago ang taong ito, hindi siya sumulat dahil nalulumbay ang puso niya sa pagkakapiit ng ina.

Noong1875, dahil sa inspirasyong bigay ni Padre Sanchez, sumulat si Rizal ng marami pang tula:

“Felicitacion” (Pagbati)

“El Embarque: Himno a la Flota de Magallanes” (Ang Paglisan: Himno para sa Plota ni Magellan)

“Y Es Espanyol: Elcano, el Primero en dar la Vuelta al Mundo”

(At Siya ay Espanyol: Elcano, ang Unang Nakaikot sa Mundo)

“El Combate: Urbiztondo, Terror de Jolo (Labanan: Urbiztondo, Kilabot ng Jolo)

Noong 1876, sumulat ng tula si Rizal tungkol sa iba’t-ibang paksa.

“Un Recuerdo a Mi Pueblo” (Sa Ala-ala ng Aking Bayan)

“Alianza Intima Entre la Religion y la Buena” (Malapit na Ugnayan ng Relihiyon at Mabuting Edukasyon)

“Por la Educacion Recibe Lustre la Patria” (Sa Edukasyon ay Magtatamo ng Liwanag ang Bansa)

“El Cautiverio y el Triunfo: Batalla de Lucena y Prision de Boabdil”

(Ang Pagkakabilanggo at ang Tagumpay: Ang Labanan ng Lucena at ang Pagkakakulong ng Boabdil)

“La Entrada Triunfal de los Reyes Catolices en Granada” (Ang Matagumpay na Pagpasok ng Katolikong Monarkiya sa

Granada)

Noong 1877, huling taon niya sa Ateneo, sumulat siya ng marami pang tula.

“El Heroismo de Colon” (Ang Kabayanihan ni Columbus)

“Colon y Juan II” (Columbus at Juan II)

“Gran Consuelo en la Mayor Desdicha” (Ang Dakilang Konsuelo sa Dakilang Kamalasan)

“Un Dialogo Alusivo a la Despedida de los Colegiales”

(Isang Dialogo ng Pamamaalam ng mga Mag-aaral)

“Ang Aking unang inspirasyon

• Ito ang karapat-dapat na maging unang tulang naisulat ni Rizal bilang isang Atenista dahil tungkol ito sa kanyang ina. • Sa kanyang tula, binati ni Rizal ang ina sa kaarawan nito at ipinahayag ang pagmamahal.

Bakit nga banagpapaligsahansa bango ang mga bulaklaksa masayang araw na ito

Bakit nga bamay bubulong-bulongna matamis at malamyos na himigsa lambak na ito?

Bakit nga baumaawit ang mga ibon,lumilipad nang paroo’t paritosabay sa ihip ng hangin?

At bakit nga baang malinaw na batisay ipinagheheleang mga namumukadkad na bulaklak

Tanaw ko ang bukangliwayway sa SilanganNa taglay ang kagandahan.Bakit siya namimistaSa nagbabagang ulap?

Giliw kong ina, iyong kaarawanIpinagdiriwang nila.Ang rosas sa angking bango,Ang ibon sa kanyang pugad.

Bumubulong ang batisWalang humpay ngayong araw,Binubulong-bulong naLumigaya ka tuwina.

Habang sa malinaw na batisAng malinaw na bulongAy marinig mula sa’king lira, pakinggan1Sa aking puso’y unang awit ng pag-ibig.

Mga Tulang Tungkol sa Edukasyon

• Sa Edukasyon ay Magtatamo ng Liwanag ang Bansa

• Malapit na Ugnayan ng Relihiyon at Mabuting Edukasyon

Sa Edukasyon ay Magtatamo ng Liwanag ang Bansa

(ika-4 sa 9 na saknong)

“At habang dumadaloy itong batis ng buhaySa lahat ng halaman, sa palumpong sa

parang,Dulot nito’y kalinga, kapayapaan,Bubusugin ng pagmamahal na walang

hangganSa pampang nito’y umaagos nang banayad,Mga biyayang bigay niya sa kalikasanKaya mahusay na edukasyon kapag nakamtanLahat ng karangala’y abot-kamay na.”

Malapit na Ugnayan ng Relihiyon at Mabuting Edukasyon

(ika-3 sa 4 na saknong)

“Kung walang Relihiyon, Edukasyong Pantao

Tulad nito’y bangkang hinampas ng hangin

Na nawalan ng lakas, di malaman ang gagawin

Sa nagngangalit na alon, nakatatakot na daluyong

Malupit na Boreas, nasa’yo ang lakasAt kapangyarihang

ipinangangalandakan sa’minDito sa kaibuturan ng iyong

nagngangalit na dagat.”

Mga Relihiyosong Tula ni rizal

• Sa Sanggol na si Hesus

(“Al Nino Jose”)

• Para sa Birheng Maria

(“A La Virgen Maria”)

Sa Sanggol na si Hesus (“Al Niño Jose”)

O Diyos na Sanggol, paano ba kaya’tAng sinilangan Mo ay sabsabang aba?Diyata’t di pa man ay pag-alipustaAng dulot ng Palad sa Iyong pagbaba?

Kay lungkot, O Hari ng Sangkalangitan!Nagkatawang-tao’t sa lupa’y tumahanHindi Mo ba ibig na Haring matanghalKundi Pastol namin na kawan Mong

mahal?

Para sa Birheng Maria (“A La Virgen Maria”)

Mahal na Maria, katahimikan at kapayapaanSa lahat ng nahahapis ay iyong bigay.Daloy ng ginhawa, nagmumula sa’yong bukal.Walang humpay na nagdidilig sa’ming lupain;Mula sa trono mong sintaas ng langit,Mangyaring ako’y ambunan ng konting awaIlukob nawa sa’kin ang iyong balabal ng habagAking tinig na pumailanlang sa langitInang Maria, aking inang mahal,Ikaw ang aking buhay, aking sandigan,At sa maalong dagat, ikaw ang patnubay.Sakaling dumating ang bupete ng tukso,At ako’y lapitan ni Kamatayan,Lumbay ko ay pawiin, ako’y iyong tulungan.

Mga Gawaing Panteatro ni Rizal sa Ateneo

• “San Eustacio, Martir”, isang dulang batay sa tulang pasalaysay na isinulat ni Rizal habang siya ay estudyante sa Ateneo.

Unang Pag-ibig ni Rizal

• Labing anim na taong gulang si Rizal nang unang umibig.

• Ang babae ay si Segunda Katigbak, magandang Batangueña na 14 na taong gulang na umibig din kay Rizal.

• Paglalarawan ni Rizal:“May kaliitan siya, mga mata niya’y parang nangungusap at kung minsa’y nagpapakita ng marubdob na damdamin at minsa’y parang nananamlay; mapupula ang mga pisngi niya; may kahali-halinang ngiti, at magagandang ngipin, at para siyang ada; ang buong katauhan niya’y may di maipaliwanag na bighani.”

Segunda Katigbak

Ang Unang Pagkikita nila Jose at Segunda

Isang araw ng Linggo, binisita ni Rizal ang kanyang lola na naninirahan sa Trozo, Maynila.

Sinamahan siya ng kanyang kaibigang si

Mariano Katigbak.

Ang kanyang lola ay

kaibigan ng mag-anak na Katigbak ng

Lipa.

Pagdating nila sa bahay ng

lola ay marami palang

panauhin.

Isa rito ay ang napakagandan

g babae na biglang

nagpatibok ng kanyang puso.

Siya pala’y kapatid ni

Mariano, at ang pangalan

niya’y Segunda.

Karamihan sa mga bisita ay mga estudyante na nakakaalam ng

kanyang husay sa pagpinta, kaya

hinilingan nila si Rizal na igawa ng

larawan ni Segunda.

Pumayag si Rizal at

kumuha siya ng lapis at

iginuhit ang dalaga.

“Manaka-naka’y

napapatingin siya sa akin, at ako’y biglang namumula.”

Higit na nakilala ni Rizal si Segunda sa lingu-linggo niyang

pagpunta sa Kolehiyo ng La Concordia, kung saan nangungupahan ang kapatid niyang si

Olympia.

Si Olympia at Segunda ay malapit na

magkaibigan.

Matatalos na nagmamahalan

sina Rizal at Segunda. Ang kanilang pag-

ibig ay masasabing “pag-ibig sa

unang tingin.”

Ngunit wala na itong pag-asa sa

simula palang dahil

naipagkasundo na si Segunda na

magpapakasal sa isang kababayan,

si Manuel Luz.

Si Rizal, kahit na siya’y ubod ng talino, ay mahiyain at

kiming mangingibig.

Naipakita na ni Segunda sa

pamamagitan ng kanyang pagkilos ang nararamdaman para

sa binata, ngunit nangingimi pa rin si Rizal na magtapat sa

kanya.

Huli silang nag-usap

noong isang Huwebes ng Disyembre 1877, at

papalapit na ang Pasko.

Binisita niya si Segunda sa Kolehiyo ng La Concordia

para magpaalam dahil uuwi na siya ng Calamba

sa susunod na araw. Sinabi naman ni Segunda na

uuwi rin siya mg Lipa sa makalawa.

Tumahimik ang dalagita,

naghihintay na sabihin ni Rizal ang hinihingi ng kanyang

puso.

Ngunit walang sinabi ang binata, bagkus ay

nagpaalam.“Paalam. Kung sabagay magkikita tayo kapag

napadaan ka ng Calamba sa iyong pag-uwi sa Lipa.”

Nang sumunod na araw,

dumating si Rizal sa kanyang bayan.

Hindi siya agad nakilala ng kanyang

ina dahil nanlalabo na

ang mata.

Ikinalungkot ni Rizal ang

kalagayan ng mga mata ng

ina.

Ngunit nasaya siyang sinalubong ng mga kapatid na babae,

panay ang tukso sa kanya kay Segunda,

lalo pa’t naikwento na ni Olympia ang

tungkol sa dalawa.

Nang gabing iyon, ipinakita ni Rizal sa

kanyang pamilya ang husay niya sa pag-eeskrima. Nakipag-

eskrima siya at nanalo sa pinakamahusay sa

Calamba.

Nang sumunod na araw (Sabado), nalaman ni Rizal na hindi dadaong

sa Calamba ang barkong naglululan kay Segunda at kanyang pamilya

dahil malakas ang hangin; sa halip, ay titigil ito sa Biňan.

Sumakay si Rizal sa kanyang puting kabayo at naghintay sa may kalsada. Isang parada ng mga karomata mula Biňan ang

nagdaan.

Sa isa roon ay sakay si Segunda na nakangiti at

nagwawagayway sa kanya ng isang panyolito.

Tila naumid ang dila, itinaas lamang ni Rizal

ang kanyang sombrero.

Nagpatuloy lamang sa pagbiyahe ang mga karomata

hanggang sa mawala ang maga ito, gaya ng isang “mabilis na

anino.”

Umuwi si Rizal, malungkot sa kinasapitan ng kanyang

pag-ibig na “naudlot dahil sa aking pagiging mahiyain.”

Ang unang babaing nagpatibok ng kanyang puso ay tuluyan nang

nawala sa kanya.

Nagbalik ito sa Lipa at kinalauna’y nagpakasal

kay Manuel Luz.

Samantala, si Rizal ay nanatili sa Calamba na bigong mangingibig

na nagnanamnam lamang sa mga ala-ala ng isang nawalang

mahal.

Pagkaraan ng tatlong taon, ito ang nasabi ni Rizal sa

kanyang una ngunit bigong pag-ibig:

“Nagwakas nang maaga ang aking

unang pag-ibig laging magluluksa ang aking puso sa nangyaring ito. Oo’t magbabalik ang aking ilusyon,

ngunit iba na ang mga ito at di na sigurado sa mga mangyayari, hindi na handa dahil sa unang pagkabigo nito sa larangan ng

pag-ibig.”

“ Masakit na karanasang

sumasapit sa buhay ng lahat ng tinedyer.”

WakasSALAMAT!