75

Modyul 14

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Modyul 14
Page 2: Modyul 14

Panimula Noong Gitnang Panahon, ang Bibliya ang

pangunahing pinagbatayan ng mga Europeo ng kaalaman tungkol sa daigdig.

Page 3: Modyul 14
Page 4: Modyul 14

Rebolusyong Siyentipiko Noong ika-16 siglo, naging higit na mapanuri ang mga

Europeo sa mga tradisyonal na kaalaman at katuruan ng Simbahan

Nagsimulang magtanong ang tao tungkol sa sansinukob.

Page 5: Modyul 14

REBOLUSYONG SIYENTIPIKO: Mga Pagbabago sa Kaalaman sa Astronomiya

Noong Gitnang Panahon sa Europe, pinaniwalaan ng mga Europeo ang sumusunod:

Ang daigdig ang sentro ng sansinukob. Hindi gumagalaw ang daigdig. Ang mga heavenly body ay bilog at napalilibutan ng

liwanag. Umiikot ang mga heavenly body paikot sa daigdig sa isang

perpektong bilog. Sa labas ng kalawakan matatagpuan ang kalangitan na

tirahan ng Diyos at ng mga kaluluwang nagkamit ng kaligtasan.

Pinabulaanan nina Nicolaus Copernicus, Johannes Kepler, at Galileo Galilei.

Page 6: Modyul 14

Rebolusyong Siyentipiko: Ang Teoryang Heliocentric ni Copernicus

Nicolaus Copernicus - unang siyentistang humamon sa teoryang geocentric nina Aristotle at Ptolemy .

- isang Polish na astromer at mathematician.

- sa kanyang teoryang heliocentric o sun-centered, ang araw ay ang sentro ng sansinukob.

- sa takot na maparusahan minabuti niya na huwag ilathala ang kaniyang On the Revolutions of the Heavenly Spheres. Ipinalimbag ito ng kaniyang mga kaibigan noong 1543 bago ang kaniyang kamatayan.

Page 7: Modyul 14
Page 8: Modyul 14

Rebolusyong Siyentipiko: Si Kepler at ang Paggalaw ng mga Planeta

Johannes Kepler- isang German astronomer at

mathematician na siyang nagwakas ng paniniwalang gumagalaw ang mga planeta sa direksyong pabilog sa araw.

- nakadiskubre ng three laws of planetary motion.

-ayon sa kaniya:

patambilog ang orbit na iniikutan ng mga heavenly body.

magkakaiba rin umano ang bilis ng pag-ikot ng mga ito.

Page 9: Modyul 14
Page 10: Modyul 14

Rebolusyong Siyentipiko: Si Galileo, ang Dakilang siyentista

Galileo Galilei- Italian astronomer, mathematician, at physicist na itinuturing bilang unang modernong siyentista na nagkamit ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng pagsusuri sa kaniyang kapaligiran.

- naimbento ang teleskopyo noong 1609. Gamit ito napag-alaman niya na:

gumagalaw ang daigdig paikot sa araw.

hindi isang perpektong bilog ang buwan. Mayroon itong mga bundok at lambak.

hindi lahat ng heavenly body ay gumagalaw paikot sa araw, katulad ng mga buwan ng Jupiter.

Page 11: Modyul 14

Rebolusyong Siyentipiko: Si Galileo, ang Dakilang siyentista

Mga Akda ni Galileo The Starry Messenger- tungkol sa mga buwan ng Jupiter Dialogue Concerning the Two Chief World Systems-

pinanigan niya ang teorya ni Copernicus, kaysa kay Ptolemy

-Noong 1633, ipinatawag si Galileo ni Papa Urban VIII upang harapin ang paglilitis sa Inquisition. Sa takot na maparusahan ng kamatayan, napilitan siya na bawiin ang kaniyang mga pahayag.

-Pagkaraan ng paglilitis, ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng kaniyang mga pag-aaral.

-Namatay siya noong 1642 sa edad na 78 taong gulang.

Page 12: Modyul 14
Page 13: Modyul 14

Rebolusyong Siyentipiko: Si Newton at ang Gravity

Isaac Newton- isang English mathematician at

propesor na naglathala ng Mathematical Principles of Natural Philosophy o “Principia”.

- pinagsama-sama niya ang mga natuklasan nina Copernicus, Kepler, at Galileo sa pagpapaliwanag ng tungkol sa puwersa na gumagabay sa paggalaw ng daigdig at iba pang heavenly body sa kalawakan- ang gravity.

Page 14: Modyul 14
Page 15: Modyul 14

Rebolusyong Siyentipiko: Ang Scientific Method

Ang Scientific Method ay ang sistematikong pagtitipon ng mga datos at pagsusuri ng mga idea.

Pagtukoy sa

suliranin

Pagbuo ng kongklusyon

Pagsusuri ng datos

Pagsusuri ng Hypothesis

Paggawa ng Hypothesis

Page 16: Modyul 14

Rebolusyong Siyentipiko: Ang Scientific Method

Francis Bacon- isang English na pilosopo, politiko,

at manunulat na kailangan bumuo ng kongklusyon batay sa pag-aaral ng mga nakalap na datos

- pinaniniwalaan niya na sa pamamagitan ng pag-unawa sa daigdig, makapagkakamit ang tao ng kaalaman na para sa ikabubuti ng tao.

Page 17: Modyul 14
Page 18: Modyul 14

Rebolusyong Siyentipiko: Ang Scientific Method

Rene Descartes- French mathematician at

pilosopong nagsasabing ang pag-iisip, at hindi ang pakiramdam, ang daan sa pag-alam ng katotohanan.

- higit niyang pinagtuonan ang lohika at matematika sa pag kamit ng karunungan.

- naging tanyag ang kanyang pahayag na, “I think, therefore I am”, kung saan pinatunayan niya ang kaniyang eksistensiya gamit ang katuwirang siya ay nag-iisip.

Page 19: Modyul 14
Page 20: Modyul 14

Rebolusyong Siyentipiko: Rebolusyon sa Daigdig ng Agham

Galen- pinag-aralan niya at dinissect ang aso at unggoy

upang maunawaan ang katawan ng tao.

Page 21: Modyul 14
Page 22: Modyul 14

Rebolusyong Siyentipiko: Rebolusyon sa Daigdig ng Agham

Andreas Vesalius- hindi tinanggap ang mga pag-aaral ni Galen sapagkat ibinatay ito sa hayop at hindi sa tao.

- bagama’t ipinagbawalb ng Simbahan, nag-dissect pa rin siya ng labi ng tao para pag-aralan ang estruktura nito.

- inilathala noong 1543 ang On the Fabric of the Human Body, na tumatalakay sa human anatomy.

- pinasinungalingan ang idea ni Galen na nagmumula ang pagdaloy ng dugo sa atay.

Page 23: Modyul 14
Page 24: Modyul 14

Rebolusyong Siyentipiko: Rebolusyon sa Daigdig ng Agham

William Harvey- inakda ang On the Motion of

the Heart and Blood, kung saan issinaad na:

a) dumadaloy ang dugo sa buong katawan;

b) ang puso ang nagpapadaloy ng dugo sa katawan;

c) magkatulad ang dugo na nasa vein at artery.

Page 25: Modyul 14
Page 26: Modyul 14

Rebolusyong Siyentipiko: Rebolusyon sa Daigdig ng Agham

Robert Hooke- inilathala noong 1665 ang

Micrographia, kung saan isinasaad niya ang kaniyang pagkakatuklas ng cell gamit ang kaniyang imbensyong microscope.

Page 27: Modyul 14
Page 28: Modyul 14

Rebolusyong Siyentipiko: Rebolusyon sa Daigdig ng Agham

Robert Boyle- tinaguriang “Ama ng Modernong

Chemistry”

- inakda ang The Sceptical Chymist, kung saan hinamon niya ang idea ni Aristotle na binubuo ang pisikal na daigdig ng apat na elemento- lupa, hangin, apoy, at tubig.

- binubuo ang lahat ng bagay ng mas maliliit, na nagsasama-sama sa iba’t ibang paraan.

Page 29: Modyul 14
Page 30: Modyul 14

Rebolusyong Siyentipiko: Rebolusyon sa Daigdig ng Agham

Joseph Priestly- nakatuklas ng chemical element

na oxygen. Tinawag niya itong “dephogisticated air”.

- noong 1774, naihiwalay niya ang isang purong gas mula sa hangin.

Page 31: Modyul 14
Page 32: Modyul 14

Rebolusyong Siyentipiko: Rebolusyon sa Daigdig ng Agham

Antoine Laurent Lavoisier- tinaguriang

“Tagapagtag ng Modernong Chemistry”.

- inilarawan ang kalikasan ng combustion bilang kombinasyon ng mga sangkap na maaaring magliyab at ng hangin- partikular ng oxygen.

Page 33: Modyul 14
Page 34: Modyul 14
Page 35: Modyul 14

Ang Enlightenment Sa paggamit ng mga siyentista ng scientific method at

pangangatwiran , naisip din ng mga Europeo na gamitin ang katwiran upang subuking ipaliwanag ang kasalana ng tao at iba pang aspekto ng kaniyang buhay.

Dahilan ito upang mailunsad ang Enlightenment o Age of Reason.

Naganap ito sa pagitan ng mga taong 1600 at 1700.

Page 36: Modyul 14

Ang Enlightenment Enlightenment at Pamahalaan

Thomas Hobbes, may- akda ng

Leviathan John Locke, may-akda ng

Two Treaties of Government

•Nailunsad ang magkasalungat na ideang politikal ng mga English na sina:

Page 37: Modyul 14

Ang Enlightenment Enlightenment at Pamahalaan

Kaisipan Hobbes Locke

Kalikasan ng tao

Likas na makasarili ang tao. May kakayahan ang tao na matuto mula sa karanasan at sa pagpapaunlad ng sarili.

Karapatan ng tao Higit na mahalaga ang kaayusan kaysa sa karapatan ng tao.

3 likas na karapatan ng tao- buhay, kalayaan, at pagmamay-ari

Kapngyarihan ng Pamahalaan

Ang pamahalaan ay dapat magtangan ng nakakatakot na kapangyarihan.

Lehitimo ang kapangyarihan ng pamahalang may pahintulot ng mamamayan.

Social Contract o Kasunduang Panlipunan

May kasunduan ang pamahalaang pananatilihin ang kaayusan sa lipunan kung isusuko sa kaniya ng tao ang mga karapatan

Kasunduan ng pamahalaan na pangalagaan ang karapatan ng mga mamamayan nito at may karapatang mag-alsa ito

Uri ng Pamahalaan Monarkiya Nagsasariling pamahalaan

Page 38: Modyul 14

Ang Enlightenment Enlightenment at Pamahalaan

Baron de Montesquieu o Charles de Secondat- may-akda ng The Spirit of the Laws,

tatlong uri ng pamahalaan:

Republika: maliliit na estado

Despotismo: malalaking estado

Monarkiya:katamtamang laki na estado

Page 39: Modyul 14

Ang Enlightenment Enlightenment at Pamahalaan

- isinulong din niya ang mga:

Separation of Powers- paghihiwalay ng kapangyarihan sa pagitan ng tatlong sangay ng pamahalaan: tagapagpaganap, tagapagbatas at tagahukom.

Checks and Balances- pantay na kapangyarihan ng tatlong sangay para maiwasan ang pagmamalabis ng isa’t isa.

Page 40: Modyul 14
Page 41: Modyul 14

Ang Enlightenment Enlightenment at Pamahalaan

Francois Marie d’ Arouet o “Voltaire” - isa sa pinakamaimpluwensiyang

pilosopong French.

- binatikos niya ang pamahalaan, mga mahaerlika, at ang mga algad ng Simbahan, na nagpamalas ng kalupitan at panatismo.

Page 42: Modyul 14
Page 43: Modyul 14

Ang Enlightenment Enlightenment at Pamahalaan

Jean Jacques Rousseau- isang nobelistang

French, likas na mabuti ang tao.

- naniwala na ang mamamayan ang may kapangyarihang mamahala, at ang sinumang maatasang mamuno ay dapat na sundin ang pangkalahatang kagustuhan ng mga tao.

- itinaguyod ang isang social contract sa pagitan ng malalayang mamamayan na sama-samang nagpasiya upang bumuo ng pamahalaan at ng lipunan.

Page 44: Modyul 14
Page 45: Modyul 14

Ang Enlightenment Enlightenment at Pamahalaan

Cesare Beccaria- isang Italian na tumuligsa sa

pang-aabuso sa katarungan.

- ang batas ay para sa pagpapanatili ng kaayusang panlipunan, hindi upang mapaghigantihan ang mga nagkasala.

- sa kaniyang aklat na On the Crimes and Punishments, binatikos niya ang pagpapahirap at ang pagparusa ng kamatayan.

Page 46: Modyul 14
Page 47: Modyul 14

Ang Enlightenment Enlightenment at Kababaihan

Mary Astell- isa sa nagtaguyod ng pagkakaroon ng

pantay na karapatan ng kababaihan sa edukasyon sa akda niyang A Serious Proposal to the Ladies.

- tinuligsa niya ang hindi pantay na katayuan ng mag-asawang babae at lalaki.

Page 48: Modyul 14
Page 49: Modyul 14

Ang Enlightenment Enlightenment at Kababaihan

Mary Wollstonecraft- sa akda niyang A

Vindication of the Rights of Woman, iginiit niyang kailangan ng kababaihan ang edukasyon upang maging mabuti.

- ipinahayag din niyang dapat magkaroon ang kababaihan ng karapatang makilahok sa politika.

Page 50: Modyul 14
Page 51: Modyul 14
Page 52: Modyul 14

Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment Naipalaganap ang kaisipang Enlightenment sa mga

salon at sa pamamagitan ng Encyclopedia.

Salon- pagtitipong ginanap ng mayamang kababaihan sa Europe, partikular sa Paris.

Dito sila nagsaya sa mga pagtatanghal at nagbahaginan ng kaisipan.

Page 53: Modyul 14

Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment

Marie Therese Geoffrin Denis Diderot

•Sa tulong ni Geoffrin, nailabas ni Diderot ang Encyclopedia noong 1751-1772. •Ang Encyclopedia ay kalipunan ng mga akda ng mga naliwanagan.

Page 54: Modyul 14

Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment Enlightenment at Sining

Neoklasikal- panahon ng sining, panitikan at musikang Europeo.

Antonio Canova- eskultor na Italian na naglilok ng marmol na estatwa ng Perseus with the Head of Medusa at ang Napoleon.

Jacques Louis David- pintor na French na gumuhit ng Oath of the Horatii at Death of Socrates.

Page 55: Modyul 14

Antonio Canova Jacques Louis David

Page 56: Modyul 14

Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment Mga Kompositor

Johann Sebastian Bach- German composer at

organist na may likha ng Branderburg Concertos.

Franz Josef Haydn- kompositor na Austrian na

kinikilala bilang “Ama ng Symphony”.

George Frideric Handel- kompositor na English

na tanyag sa opera at oratorio, isang kompositor musikal na nakabatay sa Bibliya.

Page 57: Modyul 14

Johann Sebastian Bach Franz Josef Haydn George Frideric Handel

Page 58: Modyul 14

Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment Mga Kompositor

Ludwig Van Beethoven- kompositor na German

na kinikilala bilang pinakadakilang kompositor na nabuhay sa pagitan ng panahong klasikal at romantic.

Amadeus Mozart- kompositor na Austrian na may-

akda ng musika para sa ballet na Les Petits Riens.

Page 59: Modyul 14

Ludwig van Beethoven Amadeus Mozart

Page 60: Modyul 14

Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment Ang mga Naliwanagang Monarko

Frederick II ng Prussia – taon ng pamumuno 1740- 1786.

- tinagurian ang sarili bilang “unang tagapaglingkod ng estado”.

- nagpatupad ng mga reporma sa kalayaan sa pananampalataya, pagwawakas sa parusang pagpapahirap, binawasan ang pagsensura, at pinagbuti ang sistema ng edukasyon.

Page 61: Modyul 14
Page 62: Modyul 14

Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment Ang mga Naliwanagang Monarko

Maria Theresa ng Austria- taon ng pamumuno ay 1740-1780. -sinubukang itaguyod ang karapatan ng mga serf nula sa mga panginoong maylupa.

- nagpatayo ng mga paaralang elementarya.

- pinaunlad ang komersiyo at agrikultura.

Page 63: Modyul 14
Page 64: Modyul 14

Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment Ang mga Naliwanagang Monarko

Catherine the Great ng Russia- taon ng

pamumuno ay 1762-1796.

-bumuo ng komisyong susuri sa mga batas ng imperyoalinsunod sa mga kaisipan nina Montesquieu at Beccaria.

- nagmungkahing lansagin ang parusang pagpapahirap at kamatayan.

Page 65: Modyul 14
Page 66: Modyul 14

Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment Ang mga Naliwanagang Monarko

Joseph II ng Holy Roman Empire- taon ng

pamumuno ay 1780-1790.

- ipinatupad ang kalayaan sa pananampalataya at pamamahayag.

- nilimitahan ang pribilehiyo ng mga maharlika.

- nagpatupad bagama’t hindi naging matagumpay ang maraming reporma, tulad sa paglansag ng piyudalismo at pagbabayad ng salapi sa trabaho ng mga serf.

Page 67: Modyul 14
Page 68: Modyul 14
Page 69: Modyul 14

Astronomy Timeline 1543- Inilathala ni Copernicus ang teoryang heliocentric.

1610-Natuklasan ni Galileo ang apat na buwan ng Jupiter at mga crater nito gamit ang teleskopyo.

Page 70: Modyul 14

Astronomy Timeline 1687- Inilathala ni Newton ang kaniyang theory of universal gravitation.

1705- Natuklasan ni Edmond Halley ang pagbabalik ng Halley’s comet.

Page 71: Modyul 14

Astronomy Timeline 1781 -Natuklasan ni William Herschel ang Uranus.

1801- Natuklasan ni Giuseppe Piazzi ang asteroid na Ceres.

Page 72: Modyul 14

Astronomy Timeline 1846- Natuklasan ni Johann Galle ang Neptune.

1961- Kinilala si Yuri Gaga rin bilang unang tao sa kalawakan.

Page 73: Modyul 14

Astronomy Timeline 1969- Unang nakapaglakad sa buwan sina Neil Armstrong at Buzz Aldrin lulan ng Apollo 11.

1992- Tinanggap ng Simbahang Katoliko ang paniniwala ni Galileo na umiikot ang daigdig sa araw.

Page 74: Modyul 14

Astronomy Timeline 2000- Gumawa ng detalyadong mapa ng daigdig ang Space Shuttle Endeavor

2001- Natuklasan ng mga Astronomer ang HD 28185 b, isang exoplanet na maaaring nasa habitable zone.

Page 75: Modyul 14