Upload
ceej-susana
View
2.350
Download
8
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Para sa asignaturang Filipino: Kahulugan, Uri, Elemento, Layunin, Katangian, Kaligirang Pangkasaysayan at Mga Kilalang Manunulat ng Nobela. Gramatika: Pagbibigay-komentaryo Pleasenote: Kung gagamitin po, kindly messaged me at my facebook account listed on my slieshare profile. Tnx!
Citation preview
ANG NOBELA
MAHAHALAGANG TANONG:
Bakit nag-iiba-iba ang paksa ng nobela sa bawat
panahon at bansang pinanggalingan nito?
Paano lumaganap ang nobela sa mga bansa sa
Asya?
Paano ang tamang paraan ng pagbibigay ng
komentaryo, positibo o negatibo man ito?
KAHULUGAN NG NOBELA:
Ang nobela ay binubuo ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga
kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa
nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at
kamalayan ng mga mambabasa.
Iisa ang balangkas ng nobela, nagkakaiba lamang ito sa
nilalaman dahil ang mga pangyayaring isinasalaysaydito ay may
kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng mga mamamayan at
naglalarawan ng kultura ng bawat bansang pinanggagalingan
nito.
URI NG NOBELA:
1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-
iibigan
2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang
kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa
pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang
ikawiwili ng mga mambabasa
4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at
pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili
ng mga mambabasa
5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang
mahalaga sa buhay ng tao
6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang
ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga
hangarin, kalagayan, sitwasyon, at
pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na
nakakapagpabago ng ating buhay o sistema
ELEMENTO NG NOBELA:
1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa
nobela
4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda
a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap
c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. tema - paksang-diwang binibigyan ng
diin sa nobela
6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga
pangyayari
7. pamamaraan - istilo ng manunulat
8. pananalita - diyalogong ginagamit sa
nobela
9. simbolismo - nagbibigay ng mas
malalim na kahulugan sa tao, bagay at
pangyayari
LAYUNIN NG NOBELA:
1. gumising sa diwa at damdamin
2. nananawagan sa talino ng guni-guni
3. mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng
buhay at lipunan
5. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng
sarili at lipunan
KATANGIAN NG NOBELA:
1. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
2. pumupuna ng lahat ng larangan ng buhay
3. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
4. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-
wili
5. binubuo ng 20 000-40 000 na salitaTemplate:Fact
6. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
7. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
8. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig
mangyari
KASAYASAYAN NG PAG-UNLAD NG NOBELA SA ASYA
Sinaunang Panahon
Isinulat ang mga kathang salaysay na tuluyan at itinuring na
nobela ang ilan sa mga kathang ito na karamihan ay nagmula sa
Ehipto.
Sa India, may itinuring na tagapagpauna ng nobela—ito ay ang
Dashakumaracarita (Mga Kwento ng Tatlong Prinsipe) na isang
tuluyang romansa na isinulat ni Dandin sa wikang Sanskrit
noong ika-16 na siglo.
Sa Japan naman, noong ika-16 na siglo, naisulat ang Tale of
Genji ni Boroness Shikibu Murasaki.
Gitnang Panahon
Sa Europa, sumikat ang mahahabang kwentong berso
at ang Fabliau, isang nakakatuwang akda na karaniwan
ay nakikita sa sinaunang Pransya. Ang mga ito ang
siyang nakatulong sa paglinang ng Nobela sa Asya.
Sa pagitan ng 1605 at 1612, ipinalimbag ni Miguel de
Cervantes ang itinuturing na unang mahalagang nobela
sa Kanluraning daigdig, ito ang Don Quixote De la
Mancha, isang nobelang espanyol na nagsasalaysay ng
mga adbentura.
Modernong Nobela sa Ingles
Nadagdagan ang kasikatan ng nobela noong ika-
18 siglo, si Daniel Defoe ang sumulat ng Robinson
Crusoe (1719) at Moll Flanders (1722)
Si Samuel Richardon naman ang itinuturing na
tagapaglikha ng nobela ng tauhan, sinulat niya
ang Pamela (1740-1741) at Clarissa (1747-1748)
Samantala, si Henry Fielding ang unang
tuwirang sumulat ng nobela dahil alam niyang ang
isinulat niya ay isang nobela.
Mga Impluwensya sa pagsulat ng nobela
Ayon kay Virgilio S. Almario, naging impluwensiya sa
ilang mga nobelistang Pilipino ang sumusunod na mga
akdang banyaga: ang Hudeo Errante (1844) ni Eugene
Sue, ang Conde de Montecristo (1844-46) at ang La
Dama de las Camellias (1848) ni Alexandre Dumas, ang
Les Miserables (1862) ng mga kastila.
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG NOBELA SA PILIPINAS
Panahon ng Kastila
Ang kasaysayan ng nobela sa Pilipinas ay nagsimula noong
Panahon ng Kastila na may paksain tungkol sa relihiyon,
kabutihang-asal, nasyonalismo, at pagbabago. Nagpapatuloy
ito hanggang sa kasalukuyang panahon.
Sa panahong ito, ang Commission Permanente de Censura
ang sumusuri ng mga akdang pampanitikan na nilalathala
upang siguraduhin na walang ano mang paglaban sa
pamahalaang Kastila.
2 uri ng nobela sa panahon ng Kastila.
Nobelang Pangrelihiyon - nagbibigay diin sa
kabutihang-asal
Nobelang Mapaghimagsik - nagbibigay diin sa
kalayaan, reporma, pagbabago, at diwang nasyonalismo
Mga Nobela sa Panahon ng Kastila.
Ang Noli me Tangere at El Filbusterismo ni Jose Rizal
na ang paksa ay tungkol sa Himagsikan.
Doctrina Christiana ni Padre Juan de Placencia at
Padre Domingo Nieva na tungkol sa relihiyon.
Urbana at Felisa ni Padre Modesto de Castro
na tungkol kagandahang asal at relihiyon.
Barlaan at Josaphat ni Padre Antonio de Borja
na tungkol sa relihiyon.
Ninay ni Pedro Paterno
Ang Bandido ng Pilipinas ni Graciano- Lopez
Jaena na tungkol sa paghihimagsik.
Panahon ng Amerikano
Nahahati sa tatlong panahon ang kasaysayan ng nobela
noong panahon ng Amerikano:
Panahon ng Aklatan-Bayan (1900-1921)
- naging maunlad ang nobela na tumatalakay sa mga paksain
tungkol sa pag-ibig, paghihimagsik, buhay lalawigan at
karanasan. Inilalathala sa mgapahayagan ang mga nobela na
payugtu-yugto o hinahati sa parte ang nobela sa mga kabanata.
Si Lope K. Santos, ama ng Balarilang Tagalog ang nagsimula
ng ganitong paglalathala.
Halimbawa ng pahayagan
Ang Kapatid ng Bayan
Muling Pagsilang
Ang Kaliwanagan
Mga nobelang nailathala ng mga pahayagan.
Salawahang pag- ibig ni Lope K. Santos
Unang Bulaklak ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala
sa Ang Kaliwanagan
Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña na
nilathala sa Ang Kapatid ng Bayan
Mag-inang Mahirap ni Valeriano Hernandez Peña na
nilathala sa Muling Pagsilang
Sampaguitang Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado
Panahon ng Ilaw at Panitik (1922-1934)
-hindi naging maunlad nobela at nahalina ang mga
nobelista na sumulat ng tula at maikling kuwento.
Mga nobela:
a. Mutyang itinapon ni Rosalia Aguinaldo
b. Magmamani ni Teofilo Sanco
Panahon ng MalasarilingPamahalaan (1934-1942).
-bumaba ang uri ng nobela dahil sa pagkakahilig ng
mga tao sa mga tula at maikling kwento gayundin din
dahil sa pagbabago ng panahon.
Panahon ng mga Hapon
Noong Panahon ng Hapon, hindi rin naging maunlad
ang nobela dahil sa kakulangan sa materyales (papel)
at niliitan ang mga letra (sa Liwayway).
Mga Nobela sa panahon ng Hapon
Tatlong Maria - Jose Esperanza Cruz
Sa Lundo ng Pangarap - Gervacio Santiago
Lumubog ang Bitwin - Isidro Castillo
Sa pula, sa puti ni Francisco Soc rodrigo
Panahon ng Republika
Panahon ng Ikatlong Repulika ng Pilipinas
-walang pagbabago sa sistema ng pagsulat ng nobela subalit
nagkaroon ng atakeng tradisyunal. Tumatalakay ng mga
paksain tungkol sa nasyonalismo, isyung panlipunan at
naglalayong mang-aliw ng mambabasa.
Halimbawa ng nobela sa panahon na ito:
Sa Mga Kuko ng Liwanag - Edgardo Reyes
Binhi at Bunga - Lazaro Francisco
Dekada 70 - Lualhati Bautista
Luha ng Buwaya - Amado V. Hernandez
Mga Ibong Mandaragit - Amado V. Hernandez
Daluyong - Lazaro Francisco
Bagong Lipunan (1972-kasalukuyan)
Noong panahon ng batas militar hanggang kasalukuyan,
tumatalakay ang mga nobela ng mga paksain tungkol sa
reporma, pag-ibig, ugaling Pilipino, pamilya, pangaraw-
araw na pamumuhay. Nagbalik ang nobela sa romantisismo
na nailalathala sa Liwayway at nasa pamantayang
komersyal.
Mga Nobela ng Panahon ng Republika:
Ginto ang Kayumangging Lupa - Dominador Mirasol
Maling Pook, Maling Panahon, Dito, Ngayon - Lualhati
Bautista
Dekada 50
Lumaganap sa panahong ito ang problema sa lupa at
insureksiyon kung kaya, lumutang ang mga paksang may
kinalaman sa mga suliraning panlipunan at kakaibang larawan
ng buhay sa mga nobela.
Mga Nobela ng Dekada 50
“Maganda pa ang Daigdig” ni Lazaro Francisco.
“Pagkamulat ni Magdalena” nina Alejandro Abadilla at
Elpidio Kapulong.
“Ang Tundo man ay may Langit din” Ni Andres Kristobal
Cruz
“Mga Ibong Mandaragit” ni Amado V. Hernandez
Dekada 60-nagsimula na ang kabi- kabilang protesta laban sa bulok na sistema ng
pamahalaan.
-sa unang tatlong taon nito, nanatili ang mga nobelang maromansa,
samantalang sa kalagitnaan ng dekada ay nagsimula na ang pakikilahok sa
pagmumulat tungkol sa mga problemang kinakabaka ng karamihang
mamamayan.
Mga nobela ng Dekada 60
“Daluyong” ni Lazaro Francisco
“Luha ng Buwaya” ni Amado V. Hernandez
“Apoy sa Madaling Araw” nina Dominador Mirasol at rogelio Ordoñez.
“Sa Kagubatan ng Lungsod” at “Sa mga Kuko ng Liwanag” ni Edgardo M.
Reyes.
“Dugo sa Kayumangging Lupa” ni Efren R. Abueg
“Ipaglaban mo ako” at “Nagbabagang Paraiso” ni Liwayway Arceo
Dekado 70
-nagpatuloy sa dito ang paglalathala ng mga nobela.
-isa sa mga namayagpag na magasin ay ang Liwayway. Sa
magasing ito, nalatahala ang karamihan sa mga nobelang
nabanggit sa dekada 60.
-ang lantarang pagwagayway ng bandilang pula ay lumaganap
sa panahong ito. Kabi- kabila ang mga rali at protesta ng mga
estudyante, manggagawa at magsasaka sa kalsada hanggang sa
ipatupad ni pangulong Ferdinand Marcos ang batas militar.
Natahimik ang mga lansangan. Nabusalana ang bibig ng mga
mamamayan at halos mapuno ang mga kulungan sa mga
bilanggong pulitikal. Naging maigting ang pamumuna ng mga
nobelista sa lipunan.
ga Nobela ng Dekada 70
“Mga Buwaya sa Lipunan at Satanas sa Lupa” ni
Celso Al Carunungan.
“Madilim Ang Langit sa Bayan ko” ni Jose Mercedes.
“Nangluhod sa Katihan” nina Fausto Galaruan at
Gervasio Santiago.
“Canal de la Reina” ni Liwayway Arceo
“Ito ang Rebolusyon at Judas Iscariot” nina Clodualdo
del Mundo at Gervasio Santiago
“Ginto ng Kayumangging Lupa” ni Dominador Mirasol
Dekada 80
-ang nobela sa panahong ito ay karamihang nasa
pamantayang komersiyal, lalo na iyong isinulat na ang pananaw
ay nakatuon sa pagkapili nito upang maisapelikula.
-muling naibalik ang romantisismo sa mga nobelang lumabas
sa Liwayway at ang mga manunulat na may layunin ay nawala.
Mga Nobela ng Dekada 80
“Gapo” ni Lualhati Baustista
“Mga Tinapay sa Ibabaw ng Tubig” ni Reynaldo A. Duque
“Tutubi, Tutubi, Wag kang Magpahuli sa Mamang Salbahe” ni
Jun Cruz Reyes.
Kulang ng isa sa Sandusena Ba’t di pa magkasya sa sa
Labing- isa Nalang” NI Victor Francisco.
“Bata, Sinaksak isinilid sa Baul” ni tony Perez
Mga Nobela ng Dekada 90
“Ang kaulayaw ng Agila” ni Lilia Santiago
“Bulaklak ng Maynila” ni Domingo Landicho
“Malaybay” ni Edmund Coronel
“Moog” ni Buenaventura Medina
Mga Nobela Kasalukuyang panahon
“Kung paano Ko Inayos Ang buhok Matapos ang mahab- Haba
Ring Paglalakbay” ni Norman Wilwayco
“Unang Ulan ng Mayo” ni Eleen Sicat
“Gerilya” ni Norman Wilwayco
“Ang Banal na Aklat ng mga Kumag” ni Allan Alberto Derain
MGA KILALANG MANUNULAT NG NOBELA SA ASYA
Jose Rizal- Isang magaling at matalinong manunulat si
Rizal. Sumulat siya ng dalawang nobela tungkol sa
lipunang Pilipino noong Panahon ng Kastila. Ang mga
nobelang ito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Francisco Baltazar-Isang tanyag na makata at
mandudula si Francisco Balagtas. Florante at Laura
ang tanyag na nobelang patulang kanyang isinulat. Isa
ring awitin ito. Maraming dakilang Pilipino, kabilang
na si Rizal, ang naimpluwensyahan ng nasabing tula.
Kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog si Balagtas.
Lope K. Santos-Hindi lamang isang magaling na
makata at nobelista si Lope K. Santos. Maituturing
siyang isang dalubwika dahil sa kanyang mga
naiambag na akda hinggil sa balarila ng wikang
pambansa. Dahil dito, tinagurian siyang Ama ng
Balarila ng Wikang Pambansa.
Miguel de Cervantes Saavedra- isang Espanyol na
nobelista na siyang may akda ng unang mahalagang
nobela sa Europa, ang Don Quixote. May napakalaki
siyang impluwensya sa wika ng Espanya kaya madalas
itong tinatawag na la lengua de Cervantes.
Valeriano Hernandez Pena- itinuturing na Ama ng
Nobelang Tagalog. Itinuring na obra maestra nya ang
akdang Kasaysayan ng Magkaibigang si Nena at si
Neneng.
Daniel Defoe- isang Ingles na kilala sa akdang
Robinson Crusoe, siya rin ay isang mahusay na
manunulat at tinatayang nakapagsulat na ng mahigit
sa 5oo akda kabilang sa mga ito ay nobela.
PAGBIBIGAY-KOMENTARYOSa anumang kalagayan o pangyayari, lagi tayong nagbibigay ng komentaryo
upang maipahayag an gating mga saloobin sa mga bagay-bagay at
pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran. Ito ay kaugnay ng pagpili ng
salita, maayos na pamamaraan ng paggamit ng salita at tamang intonasyon.
Mga uri:
Pagtanggap – mga pahayag na nagsasaad ng pagkilala, pagpayag, pagsang-
ayon at positibong
tugon tulad ng oo, sige, tunay, at totoo.
Pagtanggi – mga pahayag na nagsasaad ng pagsalungat, at negatibong tugon
tulad ng hindi,
ayaw, di- totoo, at iba pa.