16
Obserba syon sa Isang

Obserbasyon Sa Isang Klasrum

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Obserbasyon Sa Isang Klasrum

•Obserbasyon sa Isang Klasrum

Page 2: Obserbasyon Sa Isang Klasrum

• Ang mga epektibong guro ay pinamamahalaan ang kanilang klasrum.

• Ang mga di-epektibong guro ay dinidisiplina ang kanilang klasrum.

Page 3: Obserbasyon Sa Isang Klasrum

Ano ang Pamamahal

ang Pangklasru

m?Ano-ano ang mga

isinasaalang-alang sa mabuting

Pamamahalang

Pangklasrum?

Ang Guro at ang

Pamamahala ng Klasrum

Ang mag-

aaral at ang

KlasrumAng pagtutur

o at pagkatuto sa loob

ng klasrum

Tutok ang mga

mag-aaral sa

mga gawain

Matagumpay ang pagtutur

o at pagkatut

oWalang nasasayang na

oras

Relaks at kalugod-

lugod

Page 4: Obserbasyon Sa Isang Klasrum

Bigyang-pansin sa paglalahad ng aralin ang mga pagpili/desisyon na isinagawa ng guro tungkol sa:

Paano sinimulan ang liksyon, kung sino ang tatawagin, kung iwinasto ba ang kamalian ng mag mag-aaral at iba pa.

Tandaan na ang bawat sabihin at gawin ng guro sa loob ng klasrum ay bunga ng kanyang mga desisyon na maaaring sinadya o di-sinadya na hango sa maraming bilang ng pagpipilian.

Maaaring ang pagpiling ito ay bunga ng isang maingat na pagsasaalang-alang ng mga batayang simulain sa pagkatuto at pagtuturo.

Page 5: Obserbasyon Sa Isang Klasrum

Obserbasyon sa Isang KlasrumAng klasrum na ating papasukin ay isang

klase sa pagbasa sa unang baitang sa isang paaralang publiko sa labas ng Maynila.

Ang klase ay binubuo ng tatlumpu’t limang bata na pipituhing taong gulang. Galing ang mga bata sa pamilyang katamtaman lamang ang antas ng pamumuhay.

Filipino ang unang wika ng mga batang ito. May tatlong linggo nang nagkaklase ang guro. Naisagawa na niya ang kahandaan para sa panimulang pagbasa.

Page 6: Obserbasyon Sa Isang Klasrum

Obserbasyon sa Isang Klasrum

1. Sinimulan ni Ms. Magimot (mula ngayon G) ang apatnapung minutong klase sa pamamagitan ng pagpapaawit. Pagkatapos ay nagkaroon ng kaunting pagbabalitaan ang mga mag-aaral (mula ngayon Mg) tungkol sa panahon at iba pa.

2. Pagkatapos, ipinalabas ng G ang aklat sa pagbasa at pinabuksan sa mga Mg ang aklat sa Aralin !. Pinatingnan ang mga larawan sa pahina 1 Ttingnan ang facsimile ng aralin sa p.62).

Page 7: Obserbasyon Sa Isang Klasrum

Obserbasyon sa Isang Klasrum

3. Magbibigay ang G ng maikling salaysay tungkol sa ipinahihiwatig ng larawan sa Aralin 1. Sinasabi ng G ang mga sumusunod habang itinuturo ang mga larawan.Mainit ang sikat ng araw.Naglalakad ang ama at ang kanyang anak.Papuntsa sila sa Baryo Anahaw.

Mamimitas sila ng atis at abokado.

Page 8: Obserbasyon Sa Isang Klasrum

Obserbasyon sa Isang Klasrum

4. Nagtanong ang G tungkol sa salaysay na nagbibigay-diin sa mga salitang nagsisimula sa a.

Ano ang mainit?Sino-sino ang mga naglalakad?Saang baryo sila pupunta?Ano ang kanilang gagawin?Ano-ano ang mga pipitasin nila?

Page 9: Obserbasyon Sa Isang Klasrum

Obserbasyon sa Isang Klasrum

5. Sumagot ang mga Mg na may kaunting tulong at ilang piling pagwawasto ng G sa kamalian ng mga mag-aaral. May Mg na nagbibigay ng mga di-inaasahang sagot, e.g. Ano ang mainit? Sagot: apoy, kalan. Pinapurihan ang mga Mg na nagbibigay ng mga di-inaasahang sagot.

6. Ipinaturo at itinanong ng G sa mga Mg ang mga larawan ng mga bagay sa aklat na nagsisimula sa tunog /a/. Tumawag ang guro ng ilang Mg upang isagawa ito.

Page 10: Obserbasyon Sa Isang Klasrum

Obserbasyon sa Isang Klasrum

7. Itinanong ng G: Sa anong tunog nagsisimula ang mga salitang sinabi ninyo?

8. Sumagot ang mga Mg nang sabayan.9. Nagpakita ang G ng ilang larawan na

nagsisimula sa tunog /a/. Tumawag ang G ng ilang mag-aaral at ipinasabi ang mga ngalan nito.

10. Pinatayo ng guro ang ilang Mg at nagpahanap sa klasrum ng mga bagay na nagsisimula sa tunog /a/. Ipinakuha ito sa mga Mg at ipinasabi ang pangalan ng mga bagay.

Page 11: Obserbasyon Sa Isang Klasrum

Obserbasyon sa Isang Klasrum

11. Nagtanong ang G: Ano anong mga bagay ang nasa paligid natin na nagsisimula sa tunog /a/?

12. Nagpabigay pa ang G sa mga Mg ng ilang bagay na nagsisimula sa tunog /a/ na wala sa loob ng klasrum.

13. Nagpabigay rin ang G ng mga pangalan na nagsisimula sa A katulad ng Abel, Andrew, Abby, Alex at Amalia.

14. Isinulat ng G ang mga pangalang nagsisimula sa malalaking titik A. Ipinabasa ito sa mga Mg. Binigyang-diin ng G ang simulang tunog sa /A/.

Page 12: Obserbasyon Sa Isang Klasrum

Obserbasyon sa Isang Klasrum

15. Isinulat ng G sa pisara ang malaking titik na A at binigkas ito pagkatapos.

16. Itinuro ng G ang wastong pagsulat ng maliit na titik a at malaking titik A. (Ang panggitnang pisara ay may asul at pulang guhit gaya ng guhit sa sulatang papel ng mga Mg.) ipinakita ng G ang direksiyon ng bawat strok sa pagsulat ng titik. Bumuo ang G ng maikling tugma habang ipinapakita ang pagsulat ng bawat strok ng maliit at malaking titik a, A.

Page 13: Obserbasyon Sa Isang Klasrum

Obserbasyon sa Isang Klasrum

17.Nagbigay ang G sa mga Mg ng mga ginupit na maliliit na titik a at malaking titik A na nakadikit sa matigas na karton. Ipinadama ng G sa mga Mg ang hugis ng maliit at malaking titik a, A. Ipinakita ng G kung paano ito isinagawa. Pagkatapos, ay ipinasulat sa mga Mg sa hangin ang titik a, A habang binibigkas ng G ang tugmang nabuo.

18.Tumawag ang G ng ilang Mg at ipinasulat sa pisara ang malaki at maliit na titik a, A. Ipinasuri sa mga Mg ang isinulat na mga titik.

Page 14: Obserbasyon Sa Isang Klasrum

Obserbasyon sa Isang Klasrum

19.Pinagbigay ulit ng G ang mga Mg ng iba pang mga salita na ang tunog ay nagsisimula sa /a/. Ipinaturo rin sa ilang Mg ang lahat ng mga salita na nagsisimula sa a, A na nasa bulitin bord.

Nagdikit din ang G sa pisara ng mga ngalan ng bagay na makikita sa loob ng klasrum tulad ng mesa, aparador, bintana at iba pa. Pinabilugan ng G sa mga Mg ang lahat ng a na nakapaloob sa salita. Pagkatapos, ipinabasa ng guro sa mga Mg ang plaskard na may titik a, A.

Page 15: Obserbasyon Sa Isang Klasrum

Obserbasyon sa Isang Klasrum

20. Naglabas ang G ng ilang pahina ng diyaryo/magasin at ipinamigay ito sa mga Mg. Pagkatapos, pinabilugan niya ang lahat ng A,a na makikita sa isang pahina ng magasin o peryodiko.

Nagpadrowing din ang G sa mga Mg ng mga bagay na nagsisimula sa tunog ng /a/ at ipinasulat ang titik A, a sa ilalim ng drowing.

Page 16: Obserbasyon Sa Isang Klasrum

Obserbasyon sa Isang Klasrum

• Sa pagpapatuloy….Maam Melinda Medina..

Maraming Salamat po!