33
1 Araling Panlipunan 1 Kasaysayan, Heograpiya at Kabihasnang Pilipino Unang Markahan Modyul 1.3: Sinaunang Kabihasnan Tuklasin ang Pag-unawa Handa ka na ba sa iyong pag-aaral? Narito muna ang iyong panimulang pagsusulit. Naniniwala akong sanay ka na at kayang-kaya mo ito. Huwag ka ring mag-alala sapagkat layunin nito na mula sa maayos mong pagsagot ay mataya kung mayroon ka ng dating kaalaman sa paksang yunit na tatalakayin sa modyul na ito at anumang maging resulta nito ay walang epekto sa iyong marka. Kaya, sagot na! Panimulang Pagsusulit Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang _____1. Ang kauna-unahang tao na nakarating sa Pilipinas. A. Indones Sa bahaging ito ay tutuklasin ang iyong kaalaman, antas ng pag-unawa at kasanayan tungkol sa bahaging ginampanan ng Heograpiya at ng tao sa pagbuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnang Pilipino. Kinakailangan mo rin na masagutan ang paunang pagsusulit at iba’t ibang gawain upang mataya ang iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. Mayroon din itong mga gawain na gigising at hihikayat na malinang ang iyong dating kaalaman/karanasan tungkol sa paksa. Kalakip nito ay ang oryentasyon sa mga inaasahan, mga pamantayan kung paano ito tatayain gayundin ang pagpapaunlaad ng aralin. Mabibigyan ka rin dito ng pagkakataon na bumuo ng mahahalagang tanong (EQ) kaugnay ng aralin. Inaasahan din na malilinang sa iyo ang Anim na Aspekto ng Pag-unawa mula sa bahaging ito hanggang sa bahaging Paglalapat.

Ohspm1b q1

Embed Size (px)

Citation preview

1

Araling Panlipunan 1

Kasaysayan, Heograpiya at Kabihasnang Pilipino

Unang Markahan

Modyul 1.3: Sinaunang Kabihasnan

Tuklasin ang Pag-unawa

Handa ka na ba sa iyong pag-aaral? Narito muna ang iyong panimulang

pagsusulit. Naniniwala akong sanay ka na at kayang-kaya mo ito.

Huwag ka ring mag-alala sapagkat layunin nito na mula sa maayos

mong pagsagot ay mataya kung mayroon ka ng dating kaalaman sa

paksang yunit na tatalakayin sa modyul na ito at anumang maging

resulta nito ay walang epekto sa iyong marka. Kaya, sagot na!

Panimulang Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin at isulat ang titik ng tamang

sagot sa patlang

_____1. Ang kauna-unahang tao na nakarating sa Pilipinas. A. Indones

Sa bahaging ito ay tutuklasin ang iyong kaalaman, antas ng pag-unawa at kasanayan tungkol sa bahaging ginampanan ng Heograpiya at ng tao sa pagbuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnang Pilipino. Kinakailangan mo rin na masagutan ang paunang pagsusulit at iba’t ibang gawain upang mataya ang iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. Mayroon din itong mga gawain na gigising at hihikayat na malinang ang iyong dating kaalaman/karanasan tungkol sa paksa. Kalakip nito ay ang oryentasyon sa mga inaasahan, mga pamantayan kung paano ito tatayain gayundin ang pagpapaunlaad ng aralin. Mabibigyan ka rin dito ng pagkakataon na bumuo ng mahahalagang tanong (EQ) kaugnay ng aralin. Inaasahan din na malilinang sa iyo ang Anim na Aspekto ng Pag-unawa mula sa bahaging ito hanggang sa bahaging Paglalapat.

2

B. Malay C. Austronesyano D. Ita

_____2. Ang paglaganap ng tao sa Pilipinas ay_______ A. nagpayabong ng kulturang Pilipino. B. nag-udyok sa permanenteng paninirahan. C. nagpalaganap ng paggamit ng metal.

D. nagpasimula ng paghahabi ng mga damit ng ating mga ninuno.

_____3. Ang ebidensiya ng pagkakaroon ng lider ay ang A. pagkakaroon ng buhay-pulitika.

B. di pagkakapantay-pantay ng mga dekorasyon sa libingan. C. di pagkakapantay-pantay ng mga alahas.

D. di pagkakapantay-pantay ng mga libingang banga.

_____4. Ang sentro ng kalakalan ng sinaunang lahi ay karaniwang matatagpuan sa A. kapatagan B. isla C. kabundukan D. katubigan _____5. Alin sa sumusunod ang katangian ng kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino?

A. Nakikipagkalakalan na sila sa mga karatig-bansa at maunlad na ang pagsasaka.

B. Nabubuhay lamang sa pagkakaingin at pangangaso ang mga Pilipino. C. Palipat-lipat ng tirahan at di pa sapat ang kanilang kaalaman sa pamumuhay.

_____6. Ano ang katangian ng barangay sa panahon ng sinaunang Pilipino?

A. Mauunlad at nakapagsasarili ang mga bawat barangay. B. Mayroon nang malalaking kahariang kinabibilangan ang mga barangay. C. Madalas nakikidigma sa kapwa barangay.

_____7.Paano nagiging pinuno o datu ang isang tao noong sinaunang panahon?

A. Kung siya ay nanalo sa digmaan o kung siya ay anak ng dating datu

B. Kung siya ang pinakamayaman sa barangay

C. Kung siya ang inihalal ng mga kasapi ng barangay

_____8. Naipamalas ng mga sinaunang Pilipino ang kahusayan sa paglalakbay sa

pamamagitan ng:

3

A. pagwawagi sa karera ng mga bangka. B. paggawa ng mahuhusay na sasakyang dagat. C. paninirahan sa tabing dagat. _____9. Ang isang katibayan na mayroon nang mataas na antas ng kultura ang mga

Pilipino noon ay ang: A. paninirahan nila sa tabing dagat. B. pagkakaroon ng mga awit at tula. C. pagkakaroon ng maunlad na sistema ng pakikipagkalakalan. _____10. Isinasaad ng teoryang ito na mayroong mismong sinaunang tao sa

pinagmulan ng ating lahi. a. Teorya ng Migrasyon b. Teorya ng Ebolusyon c. Teorya ng Paglilipat ng mga Asyano

_____11. Paano nakarating ang Islam sa Pilipinas?

A. pangangalakal ng mga Arabeng Muslim B. paglalakbay sa Arabya ng mga sinaunang Pilipino

C. pananakop ng mga Arabeng Muslim

_____12. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na maunlad na ang kaalaman ng

mga sinaunang Pilipino sa teknolohiya?

A. kahusayan sa pangingisda B. paggamit ng mga Pilipino ng sistema ng pagmimina ng metal

C. kahusayan sa pakikidigma

_____13. Paano lumaganap ang Islam sa Mindanao?

A. Tinakot ang mga katutubong Pilipino. B. Nakipag taling-puso ng mga misyonerong Muslim sa mga anak ng mga pinunong Pilipino.

C. Sinakop at binili ng mga mangangalakal na Arabe ang mga lupain sa Mindanaw.

_____14. . Ang regular na pagdarasal ng limang beses sa loob ng isang araw na

bahagi ng limang haligi ng katotohanan ay tinatawag na

A. Salat o Salah B. Sahada C. Saum

_____15. . Isinasagawa ng mga Muslim ang pag-aayuno sa panahon ng A. Hari Raya B. Biyernes C. Ramadan

_____16. Sa panahon ng barangay, ang tinuturing na sentro ng panrelihiyon,

pampulitika at panlipunang gawain ay ang:

4

A. barangay B. Haj C. Moske

_____17. . Ang sistemang barangay sa panahon ng mga sinaunang Pilipino ay naiiba sa sistemang barangay sa kasalukuyan sa pamamagitan ng :

A. May sari-sariling pamahalaan ang bawat barangay noon. B. Lahat sila ay napapailalim sa pangulo ng bansa. C. Nabibilang ang mga unang barangay sa mga kaharian. ______18. . Ipinakilala ang sistemang sultanato sa Pilipinas ni:

A. Mohammed B. Sharif Abu Bakr C. Rajah Baguinda ______19. Sa sistemang sultanato, ang pamahalaan at relihiyon ay A. hindi dapat magkasama. B. magkasama at pinag-isa. C. hindi pinahahalagahan. ______20. Ang Madrasah ay isang sistema ng: A. panulat B. edukasyon C. pamamahala Gawain 1: NOYPI AKO!

A. Panuto: Sabayan ang awiting “ Lahing Pilipino... at sa kuwaderno ay isulat

ang sagot sa sumusunod na tanong

Link: http://www.youtube.com/watch?v=qZ7yZBb-1uM

Mga Tanong 1. Ano ang naging damdamin mo sa awitin? 2. Bakit kinakailangang ipagmalaki ang lahi natin? 3. Ano-ano ang mga bagay ang nais mong ipagmalaki bilang Pilipino? 4. Paano makatutulong ang mensahe ng awiting ito sa pagpapataas ng dangal ng

mga Pilipino?

Gawain 2 Spot the Difference

5

Panuto: Hanapin sa sumusunod na larawan ang mga bagay na mas nauugnay sa

sinaunang kabihasnang lipunan. Isaalang-alang ang bilang sa kanang dulo ng larawan

na nagsasaad kung ilang bagay ang hahanapin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

2

Gawain 3 : Me, Myself & I

Panuto: Ilagay ang iyong sarili sa katauhan ng nasa larawan at lagyan ng sa iyong palagay.

6

Gawain 4 LETRANG WALASTIK

7

Panuto: Suriin at bilugan ang limang letra sa larawan na bubuo sa mystery word. Sagutin din

ang mga sumusunod na tanong sa ibaba habang isinasaalang-alang ang limang letra bilang

paunang letra ng mga sagot .

1. Tawag sa pinunong panrelihiyon ng pangalawang pinakamalaking relihiyon sa bansa

_____m _______ m

2. Kung sa K sa KSA ay Kingdom ano ang S at A ___ ___ u ___ i ___ r ___ ___i __

3.Bilang ng pagdarasal ng mga karamihan ng kababayan sa ARMM _______i_______ ____

4. Isa sa mga nagdala ng Sultanato sa bansa _____b_____ ____ak______

5. Tawag sa lugar kung saan nanalangin si Robin Padilla ____ ____ s __ e

Mystery Word

Gawain 5: Ang Tanong!

________ __________ _______ ________ _________

8

Panuto: Bumuo ng mga sariling tanong sa loob ng kahon tungkol sa sinaunang lipunang

Pilipino alinsunod sa mga ipinapahayag na ideya ng mga larawan

Linangin ang iyong Pag-unawa

Aralin I Ang Lahing Pilipino at Sinaunang Pamayan Tiyak na isang malaking katanungan mo na hindi masagot-sagot ay kung ano nga ba ang lahi nating Pilipino. Madaling akuin na tayo ay Pilipino pero kapuna-puna na iba-iba ang itsura natin. Maliban dito maging ang ating kultura ay samu’t sari at animo’y melting pot ng iba pang kultura ng ibang dayuhan na mga karatig bansa at yaong mga na sa ibang kontinente.

Sa bahaging ito ay muli mong balikan ang naging mga kasagutan mo sa bahaging Pagtuklas. Gawin mo ang mga mungkahing gawain na naglalahad ng maayos at malinaw na pagtalakay sa aralin na nagbibigay daan din upang magamit mo ang mga kasanayang kailangang malinang. Inaasahan din na sa bahaging ito ay makatutulong ang mga naihandang makabuluhan at mapanghamong mungkahing gawain upang maitama kung

mayroon mang mali o di katanggap-tanggap na Kakailanganing Pag-unawa.

Mayroon din mga pagsusulit upang mataya at maisasayos ang iyong pag-unawa gayundin ang iyong mga kasanayan.

9

Ang kalagayang heograpikal ng ating bansa at pagkakaroon ng ugnayan ng mga Pilipino sa isa’t isa at maging sa ibang dayuhan ay maituturo na malaking salik dito. Karagdagan pa ay ang katotohanan na ang lahat ng ito sa paglipas ng panahon ay napaunlad. Kaugnay ng tinatayang pinagmulan ng ating lahing Pilipino ay ang mga teoría kung saan tayo nagmula. Pawang hinihinuha na maaaring pinagmulan ito ng ating lahi ngunit may mga ebidensiya na mahina o ipinapalagay na malayo sa katotohanan. May ilan- ilang teorya na noon ay isinasaalang alang ngunit sa paglakad ng panahon ay unti-unti ng natatabunan bunsod ng mas kapani-paniwalang panibagong tuklas sa ibang teorya. I. Ang Teorya ng Paglipat-lipat ng mga Asyano

A. Mainland Theory

Isinulong ito ni Peter Bellwood (1985) na nagsasaad na hindi pangkat-pangkat tulad ng Teoryang Migrasyon kung mangilan-ngilan lamang ang lumipat at nanirahan sa ating bansa. Sila ay ang mga Austronesyano na sinasabing nagmula sa Timog China at nakarating sa Taiwan. Ang salitang Austronesian ay hango sa salitang latin na “auster,” nangangahulugan sa Ingles ng “south wind” at salitang griyego na “nesos” na ibig sabihin ay “island.” Kung kaya sila ay tinatawa na “South Islander.” Sila ay may wikang Austronesian at gumamit ng mga kagamitang bato. Noong una, ang Austronesian ay tumutukoy lamang sa wika na karaniwang ginagamit sa Oceania at Southeast Asia hanggang sa Easter Island sa silangan at Madagascar sa kanluran. Ngunit kalaunan ang terminong ito ay pinalawak ni Bellwood at sumaklaw na rin upang tukuyin ang mga taong nagsasalita o ang may ninunong gumagamit ng wikang Austronesian.

Ang pangkat na ito kalaunan ay nahati sa tatlo o apat. Sa pagitan ng 1500-1500

BC ang isa sa mga pangkat na ito ay nandayuhan sa direksyong patimog patungong

Indonesia at Pilipinas. Narating pati ang Borneo at Molucca noong 1500 BCE habang

binubuo ang panibagong pangkat at pinapaunlad ang natatanging wika nila.

Link:

10

https://www.itslearning.com/data/ntnu/44801/bellwood-solheim.pdf

Alinsunod sa teoryang ito, ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing ito at nanatili sa

ating bansa habang ang ibang pangkat ay naglakbay patimog, pasilangan at

pakanluran.

Kung iyong susuriin posible nga bang naganap ang teoryang ito? Nakapag-ambag

ba ng husto ang kalagayang heograpikal ng Pilipinas upang mangyari ito?

B. Island – Origin Hypothesis Ang teoryang ito ay ayon kay Wilhelm G. Solheim II na isang kilalang Amerikanong Anthropologist. Ito ay nakabatay sa mga natuklasang labi taliwas sa pagsusuri ng wika na isinaalang-alang ni Bellwood. Batay sa maingat na pagsusuri ng mga labi, ang pagkakaroon ng kalakalan at komunikasyon ay unang lumaganap sa rehiyong Asia- Pacific noong Panahon ng Neolitiko o Bagong Bato (c.8,000 to 500 BC). Dagdag pa dito, binubuo ng Austronesian at hindi Austronesian na mandaragat ang naging paglaganap ng kultura sa kabuuang Asya Pasipiko.

Sentro din ng teoryang ito ang konsepto ng Nusantao. Ang terminong Nusantao ay hango sa salitang Austronesian na nangangahulugan ng “south” at tao na nangangahalugan ng “man or people.” Ayon kay Solheim, ang katutubo sa Timog Silangang Asya at ang kanilang mga ninuno ay mayroon ng kaalaman sa karagatan mula pa 5000 BC o mas maaga pa dito. Karamihan sa kanila ay may naunang wika na kaysa sa Austronesian. Ang Baybayin na kinikilala noong Alibata bilang sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino ay nagmula sa Hilagang Indonesia at Mindanao at kumalat sa direksyong pahilaga ng bansa. II. Teorya ng Ebolusyon Malaki ang kinalaman ng kapaligiran ng mga sinaunang tao kung paano sila nagsimulang manirahan sa Pilipinas.

Dumaan ang kapuluan ng Pilipinas sa malawakang pagbabago noong panahong Pleistocene o Ice Age matapos ang panahon ng pagtunaw ng mga yelo, bulkanismo, at pagbiyak ng mga lupa. Dahil dito, nagkaroon ng mga tubig at isla at naging arkipelago ang Pilipinas. May mga nadiskubreng labi ng tanim, hayop at tao na kapareho sa mga kalapit bansa natin at sa iba pang bahagi ng Asya. Ito ay katunayan lamang na ang Pilipinas ay karugtong ng Asya.

11

Sa mga sinaunang tao, ang Taong Cagayan ay natuklasan na nanirahan sa Lambak ng Cagayan noong Panahon ng Yelo at itinuturing na pinakaunang tao sa Pilipinas. Ito ay tinatawag din na Homo Erectus Philippinesis at nabuhay 500,000 libong taon na ang nakalipas. Nakarating sila sa Pilipinas sa pagsunod sa mga prehistorikong hayop na naunang gumamit ng mga tulay na lupa na nag-uugnay sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng kontinente.

Natuklasan ang mga labi ng malalaking hayop at mga tipak ng mga kagamitang bato na maaaring ginamit ng Taong Cagayan sa panghuhuli at pagkatay nito. Ang labi ng mga hayop ay tinukoy ni Dr. Yves Coppans na mga bungo, ngipin at sungay ng Rhinoceros, stegodons at elephas (a pygmy elephant). Ilan sa mga ito ay natagpuan din sa lalawigan ng Cagayan, Rizal, Batangas, Pangasinan, Pasig at mga lugar sa Mindanao. Ang mga hayop na ito ay makikita din sa ibang bahagi ng kontinente ng Asya.

Kung gayon, matataya na ang Taong Cagayan ay mga naninirahan sa kuweba at gumagamit ng mga kagamitan na yari sa bato. Ang mga kagamitang ito ay tinapyas ang bahagi upang magamit sa pagputol. May mga ebidensiya din na ang mga batong ginamit bilang kasangkapan ay hinulma upang maging pinong kagamitan. Samantalang ang mga malalaking bato ay pinupukpok mula sa gitna nito upang makahulma ng matulis na bahagi ng kagamitan. Ang labi ng mga kagamitang ito ay tulad sa mga natuklasan sa mga Taong Java at Taong Peking.

12

Samantala, ang Taong Tabon ay ang pinakamahalagang nahukay ng mga anthropologist. Ang bungo at ngipin ng mga sinaunang taong ito ay nahukay sa Kuweba ng Tabon sa Palawan noong 1962. Nabibilang sila sa tinatawag na Homo Sapiens. Tinatayang nabuhay sila may 25,000-30,000 taon na ang nakaraan o sa panahon ng Bagong Bato o Neolitiko. Pinaniniwalaan na ang Taong Tabon ay namalagi sa mga komunidad na binubuo ng tatlumpu’t anim na indibidwal. Binubuo ang pamilya ng kanilang mga kamag-anak. Namamalagi lamang sila sa isang lugar hangga’t marami pang pagkain na ikinabubuhay dito ngunit kapag naubos na ang mga ito ay hudyat na ng kanilang paglipat.

Hindi katulad ng labi ng mismong Taong Tabon, ang tanging patunay lang sa

Taong Cagayan ay labi ng mga hayop na mula sa pangangaso gayundin ang mga relikya ng mga kagamitang ginamit nila.

Ang pagkatuklas sa mga Taong Tabon at Taong Cagayan ay matinding patunay na maaaring may sinaunang tao na sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Negrito, Indones, at Malay.

Link: http://www.bing.com/images/search?q=mga+taong+tabon&view=detail&id=3E938EDDCAD7928999880E382483EE9CD34B3A03&first=0&FORM=IDFRIR

Gawain 1 Aprub o Di-Aprub

Panuto: Piliin ang kolum na nais bigyan ng katuwiran sa bawat aytem. Ibigay ang

sariling katuwiran alinsunod sa bilang na salita na hinihiling sa bawat aytem kung

tunay na nararapat ibilang ang sumusunod na pagpapangalan sa ating lahi at bansa

na pinagmulan ng katawagang Pilipino. Isulat ang sagot sa sagutang papel

Aprub Di Aprub

1.

13

Mainland Theory __________________________(10 Salita)______________________________

2. Island-Origin Theory _____________________________ ( 7 salita)_____________________________

( 3)

Teorya ng Ebolusyon

_____________________________ ( 12 salita) ___________________________

Gawain 2: I-Spot Panuto: Magpakita ng mga larawan ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Ipahanap ang

mga bahaging may bilog at iugnay ito sa mga konseptong inilahad sa mga binasa sa teksto. Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na katanungan sa ibaba.

Mga Gabay na Tanong;

1. Paano nakaapekto ang heograpikal na kalagayan sa pisikal na katangian ng mga Pilipino?

2. Alin sa mga teorya ang kapani-paniwalang nakaapekto sa lahing Pilipino? 3. Ipahayag ang iyong damdamin sa sariling katangiang pisikal. 4. Ihalintulad ang mga ito sa mga tao sa mga karatig bansa at sa ilang bansa na

tinatayang nakipag-ugnayan sa atin. 5. Sumulat ng isang islogan na nagpapakita ng pagmamalaki sa lahing Pilipino.

14

Gawain 3: Ang Pinaka!

Panuto: Punan sa sagutang papel ang sa iyong palagay na kahinaan at kalakasan ng Tatlong Teorya ng Pinagmulan ng lahing Pilipino. Isaayos ito ayon sa tindi ng iyong pangangatuwiran. Sa malawak na bahagi ay ang pinakamahalaga hanggang sa pinakamaliit na bahagi para sa hindi masyadong mahalaga.

Gawain 4: Likha-Salita

Panuto: Bumuo ng larawan gamit mismo ang bawat linya ng salita na nagpapakita ng

pagpapaliwanag ng ugnayan ng sinaunang Pilipino sa kaniyang kapwa na nakaambag sa

pagbuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnan.

Sinaunang Kabihasnan

Gawain 5 : Box on a Stick

15

Panuto: Gawin sa isang malinis na papel. Gumuhit ng linya (animo’y itinuhog sa stick) mula sa kinakatawan nito na yugto ng panahon ng sinaunang Pillipino. Gamitin ang kulay ng ballpen alinsunod sa kulay na itakda sa 3 yugto ng bawat panahon ng sinaunang Pilipino. Bumuo ng pakahulugan sa ilalim bawat larawan kung paano ito nakapag-ambag sa pagbuo at pag-unlad sinaunang kabihasnang Pilipino

Panahon ng Panahon ng Panahon ng

Lumang Bato Bagong Bato Metal

Aralin 2 : ANG PANLIPUNANG PAMUMUHAY NG MGA PILIPINO SA PANAHON NG BARANGAY AT ANG KALAGAYANG PANGKULTURA NG MGA SINAUNANG PILIPINO

16

Pamumuhay sa Barangay

Nakabatay ang pamayanan ng mga sinaunang Pilipino sa bilang ng miyembro

ng pamilya at sa mismong lugar kung saan sila nanirahan. Ang malalaking pamayanan

ay matatagpuan sa mga baybaying dagat sapagkat dito nagaganap ang

pakikipagkalakalan sa ibang katutubo at sa mga taga-ibang bansa. Ang iba namang

pamayanan ay matatagpuan sa mga kapatagan at kabundukan ng Pilipinas. Dito, ang

mga sinaunang Pilipino ay nabubuhay sa pamamagitan ng pangangaso, pagtatanim,at

pagkakaingin. Pangunahin sa mga kabuhayan ay ang pagsasaka. Ang mga sinaunang

Pilipino ay nangangaso, nagingisda, nagpapanday at nakikipagpalitan ng kalakal.

Patunay lamang ito na ang bansa ay isang arkipelago at ang panahanan ay makikita

sa iba’t ibang anyong lupa at tubig kung saan madaling maka angkop upang mabuhay.

Sa mga pamayanang ito nabuo ang sistema ng pamamahala na tinatawag na

barangay. Ang barangay ang itinuturing na yunit ng pamahalaan. Kadalasan, ito ay

binubuo ng humigit kumulang sa 30 hanggang 100 pamilya. Ang mga barangay ay

malaya sa impluwensiya ng iba pang barangay. Ang bawat barangay ay nagsasarili at

may kani-kaniyang pamamaraan sa pamamahala.

Ang barangay ay pinamumunuan ng isang datu

na pinipili batay sa pamanang pamumuno,

gulang at malawak na kaalaman sa mga bagay-

bagay sa loob ng barangay. Maaaring maging

datu ang isang tao kung siya ay anak ng dating

pinuno. Maaari ring maging datu ayon sa

kakayahan o talino. Ang datu ay may tungkuling pamunuan at protektahan ang

barangay sa ano mang panganib. Bilang kapalit, ang mga kasapi ay nagbibigay ng

buwis sa datu. Tinutulungan din nila ang datu sa pagsasaka ng lupain at pagtatanggol

sa barangay sa panahon ng digmaan.

Mayroon na ring maayos na sistema ng paggawa ng batas sa panahon ng

barangay. Tinutulungan ng konseho ng matatanda ang datu sa paggawa ng mga batas.

Ang paghuhukom naman ay isinasagawa sa paraang pinagkasunduan ng mga kasapi

ng barangay. Sinasabing mayroon na ring maunlad na ugnayan ang mga barangay

tulad ng pakikipagpalitan ng mga kalakal, pagtutulungan sa panahon ng digmaan, at

pakikiisa sa ritwal na tinatawag na sanduguan. Sa sanduguan, nagkakaroon ng ritwal

ang dalawang pinuno. Gagawa sila ng maliit na hiwa sa kanilang mga bisig. Ang

dugong dito ay ihahalo sa kaunting alak at iinumin ng dalawang pinuno. Sa

pagkakataong iyon, itinuturing ang dalawang barangay na magkapatid sa dugo at

kapwa sasailalim sa mga batas at kautusan na itinakda ng dalawang barangay.

17

Maliban sa barangay, sinasabing bago pa man dumating ang mga Espanyol ay

may maunlad na tayong kulturang Pilipino. Nang dumating ang mga Espanyol sa

Pilipinas, natuklasan nila na ang mga Pilipino

ay mayroon nang mataas na antas ng

kalinangan at pamumuhay. Ibig sabihin,

hindi nahuhuli sa iba pang lipunan ang

Pilipinas noong panahong iyon. Halimbawa,

sa larangan ng paggawa ng mga kagamitan,

natagpuan nila na mahusay na ang mga

Pilipino sa paggawa ng mga kagamitan sa

pakikidigma at iba pang uri ng kagamitang

metal.Mayroon na rin silang minahan ng

ginto, pilak at copper. Maging ang

mananalaysay na si Pigafetta ay namangha sa mga bagay na gawa sa ginto tulad ng

mga palamuting ginto, hawakan ng mga panaksak, ginto sa ngipin, at maging ang mga

dekorasyon sa kabahayan ng mga Pilipino.

Mayroon na ring kahusayan sa paglalakbay dagat gamit ang sasakyan tulad ng

karakoa at praos. Sila rin ay gumagamit ng kompas tulad ng ginagamit ng mga a tulad

ngginagamit ng mga manlalakbay sa China at Borneo. Mayroon nang paniniwala sa

isang makapangyarihang Diyos ang mga sinaunang Pilipino.

Naniniwala na rin sila sa isang makapangyarihang Diyos. May iba-iba silang

tawag dito tulad ng salitang Bathala, Kabunian, Mansilatan, Makaptan, Laon, Lumauig,

Mayroon din silang kinikilalang mas mabababang diyos na sinasamba at

pinagdarasalan tulad ng mga diwa, diwata, tuhan at anito. Mayroon din silang mga

shaman o pari na nagsisilbing tagapamagitan sa kanilang mga diyos at sa mga

katutubong Pilipino. Naniniwala rin ang mga Pilipino sa mga ispiritu na nanahanan sa

mga bagay sa paligid tulad ng mga puno, kabundukan, lawa, at mga bato. Dahil dito,

karaniwan na sa mga sinaunang Pilipino ang mag-alay sa mga kalikasan o sa isipiritu

ng kanilang mga ninuno.

Sa larangan ng agham, sinasabing ang mga Pilipino ay mayroon na ring

mahusay na sistema ng pagbibilang, pagtitimbang, at panukat. Gumagamit na sila ng

sistemang decimal sa pagbilang at mayroon na silang mga katawagan sa iba’t ibang

sukat. Gumagamit na rin sila ng mga pantulong na gamit sa bilang tulad ng mga sungka

at runo ng mga Ifugao.Ang mga sinaunang Pilipino ay mayroon na ring kabatiran sa

astronomiya. Katulad ng mga Ifugao ay may tinatayang kabatiran sa bilang ng mga

taon batay sa inog ng araw at mga batong kalendaryo.

18

Ayon kay Antonio de Morga, marunong ng sumulat at bumasa ang lahat ng

Pilipino noong panahong iyon. Gumagamit sila ng mga dahon at panulat na gawa sa

matulis na bakal. Ang sistema ng panulat ay unang ginamit sa pakikipagkalakalan ng

mga sinaunang Pilipino. Gumagamit ang mga Pilipino ng Baybayin bilang sistema ng

panulat. Sa kasalukuyan, ito ay ginagamit pa rin ng mga Tagbanua sa Palawan at ng

mga Mangyan sa Mindoro.

Kaakibat nito ay pagkalinang ng panitikan. Mayroon silang mga awitin o dalita,

kasabihan, bugtong, salawikain, at mga duplo. Gumagamit din sila ng mga instrumento

sa pag-awit tulad ng kudyapi, bangsi, subling, gansa at kolelong. Maraming awitin ang

mga katutubong Pilipino tulad ng kundiman, balitaw, at dalot. Masalimuot ang

kanilang mga sayaw na kakikitaan ng kanilang pamumuhay at mga paniniwala.

Tunay na mayaman at may mataas na antas ang kultura ng mga sinaunang

Pilipino. Ito ay pinatunayan ng kanilang mahahalagang sistemang panlipunan tulad ng

sistema ng panulat, sistema ng paniniwala, agham at teknolohiya at maging sa sining

aliteratura.

Gawain 1: LHDKR- Tsart

Panuto: Punan ng hinihinging impormasyon ang mga sumusunod na tsart. Isulat ang sagot sa

kuwaderno.

Gawain 2 : Dokyu-Suri

Larangan

Halimbawa ng

tiyak na

ambag

Paano nalinang sa

pamamagitan ng ugnayan

ng tao kanyang kapwa at

sa heograpiya

Kasalukuyang

katayuan

Reaksyon

Pamahalaan

Pananampalataya

Agham at

Teknolohiya

Panitikan

Sining

Edukasyon

19

Panuto: Ikaw ngayon ay manonoood ng isang dokyu tungkol sa “Gintong Pamana.”

Sagutin ang mga kasunod na mga tanong pagkatapos ng panonood.

Link: http://www.youtube.com/watch?v=CmNr30HYtT8

http://www.youtube.com/watch?v=JMr86CNBels

Gawain 3: Hagdan-Hagdang Pagpapahalaga Panuto: Isulat sa sagutang kuwaderno ang kahalagahang pangkasaysayan ng pagkabuo at pag-unlad ng sinaunang kulutra ng mga Pilipino. Ang bilang 1 ang pinakamahalaga at bilang 5 ang hindi gaano mahalaga.

ARALIN 2 : Relihiyong Islam: Mula sa Pagdating Hanggang sa mga Naging

Impluwensiya nito

20

Tinatayang nakarating ang relihiyong Islam sa Pilipinas dahil sa

pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino sa mga Arabeng Muslim at Malay.

Ang Islam ay pinaniniwalaang nakarating sa Pilipinas noong kalagitnaan ng ika-

14 na siglo. Ito ang panahon ng pagtatatag at pagpapalawak ng Islam sa Malay

Peninsula. Ang mga mangangalakal at mga gurong Arabe ang nagpakilala ng Islam sa

mga Malayo. Sinasabi na ang pangangalakal ang siyang nagbigay-daan upang

mapalaganap ang pananampalatayang Islam sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng

Asya.

Si Mukdum na isang Iskolar na Muslim ang pinaniniwalaang nagdala nito sa

Sulu. Siya rin ang pinaniniwalaang unang nagtayo ng moske sa Buansa at sa Pulong

Simunol.

Pagkatapos ng sampung taon, dumating sa Sulu ang pinuno ng Menangkabaw,

Sumatra na nagngangalang Rajah Baguinda. Siya ang nanghikayat sa mga katutubong

Pilipino na maging Muslim. Ang mga gawain ni Rajah Baguinda ay ipinagpatuloy naman

ni Abu Bakr na naging asawa ng anak ni Rajah Baguinda na si Paramisuli. Nang

yumao si Raha Baguinda, si Abu Bakr na ang naging sultan. Itinatag niya ang

pamahalaang sultanato at sinunod niya ang sistema ng pamamahala sa Arabia. Sa

pamamagitan nito, mabilis na lumaganap ang Islam sa lahat ng bahagi ng Sulu.

Ayon sa kasaysayan, muling dumating ang isang pangkat ng mga

mangangalakal na Muslim sa Cotabato at Malembang noong huling mga taon ng

ikalabinlimang siglo. Ito ay pinamunuan nina Sharif Auliya at Sharif Maharajah na

nagmula naman sa Malacca. Si Sharif Auliya ay nakapag-asawa ng isang anak ng

pinuno ng Pulangi. Ang anak nitong babae ang naging kabiyak naman ni Sharif

Maharajah.

Sa ilang bahagi ng Mindanao, ang Islam ay itinatag at pinalaganap naman ni

Sharif Muhammad Kabungsuwan, anak ng isang prinsesa ng Malacca. Ayon sa mga

salaysay, nagdaan sila sa Brunei, Cagayan de Zulu at Zamboanga kung saan nagawa

niyang hikayatin ang mga katutubong tribo na tanggapin ang relihiyong Islam. Siya ay

nakapag-asawa ng isang nagmula sa makapangyarihang pamilya sa Mindanao. Ang

ilan sa mga alagad niya ay nakapag-asawa rin ng mga katutubo. Ito ang naging dahilan

kayat matagumpay niyang napalaganap ang Islam sa Mindanao na mula noon ay

kumalat naman sa Kabisayaan at Luzon.

ANG RELIHIYONG ISLAM SA PANAHON NG BARANGAY

Mula noon hanggang ngayon ay maraming magaganda at mahahalagang aral

ang relihiyong Islam. Ang Islam ay nangangahulugan ng “lubos na pagsuko ng sarili sa

kagustuhan ng Diyos na si Allah.” Ang pagsasagawa nito ay napapaloob sa

mahalagang aral ng Islam na tinaguriang Limang Haligi ng Katotohanan na nasusulat

sa Koran, ang banal na aklat ng mga Muslim. Isa-isahin natin ang mga ito:

21

a. Sahada. Si Allah lamang ang Diyos at si

Mohammed ang propeta.

b. Salat o Salah.

Ang regular na pagdarasal ay bahagi ng

nakagawiangbuhay. Itinuturo sa Islam na kailangang

magdasal ng limang beses sa loob ng isang araw.

Kung araw ng Biyernes, sama-samang nagtutungo

ang mga Muslim sa moske o masjid at nagdarasal

ng Janna-ah.

c. Zakat o Sakah

Ito ay tumutukoy sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan, gaya ng

mga sinalanta ng bagyo, lindol, maysakit, naulila at naghihikahos. Dalawa’t kalahating

bahagdan ng kanilang sahod sa buong taon ang kanilang iniuukol para sa pagtulong sa

tuwing sasapit ang RAMADAN.

d. Saum

Ito ang pag-aayuno kung buwan ng Ramadan. Ito’y isa sa pinakabanal na

pagdiriwang ng mga Muslim. Ang sinumang nasa hustong gulang na ay inaasahang

magsasagawa ng saum. Ang pag-aayuno ay ginagawa mula sa pagsikat ng araw

hanggang sa paglubog nito. Sa mga oras na sakop nito, ipinagbabawal ang sobrang

kasayahan at iniiwasan ang gawaing mabigat. Pagkalubog ng araw, maaari na silang

kumain at gawin ang pangkaraniwang gawain sa araw araw.

Sa pagwawakas ng pagdiriwang (Hariraya Puasa), nagkakaroon ng masaganang

pagdiriwang at nag-aabot ng mga tulong pananalapi para sa mahihirap.

Impluwensiya ng Islam sa Pamahalaan at

Lipunang Muslim

Ang pagdating ng mga Arabeng

Muslim sa Pilipinas dala ang relihiyong

Islam ay isang malaking impluwensiya sa

pagkakabuo ng ating kultura at

pamamahala.

Sa larangan ng pamamahala, ang sistemang sultanato ay dinala ni Sharif

Kabungsuwan at Abu Bakr noong ika 15-siglo. Sa sistemang ito ang pamahalaang

22

sultanato at relihiyong Islam ay itinuturing na iisa. Kaya ang sultan na pinakamataas na

pinuno nito ay kapwa pinunong panrelihiyon at pinunong tagapagpaganap.

Sa edukasyon, ang Madrasah ang tawag sa sistema ng edukasyon ng mga

Muslim. Nakatuon ito sa pagtuturo ng Koran at ng kulturang Muslim. Bukas ang pag-

aaral sa elementarya sa lalaki at babaeng Muslim ngunit para lamang sa lalaki ang pag-

aaral sa mataas na antas. Ang Madrasah ay mga paaralang Qu’raniko kung saan

sinasanay ang mga Muslim na nagnanais magturo ng mga aral ng Islam.

Ang sining naman ng mga Muslim ay nauuri sa pag-ukit ng kahoy, paggawa ng

metal, paghahabi, pagbuburda, paggawa ng banig at basket

Samantala, iniuugnay ng mga Muslim ang kanilang musika sa kanilang sayaw na

inaangkop sa kanilang mga ritwal at pagdiriwang. Maaring instrumental o inaawit ang

kanilang musika. May iba’t iba rin silang instrumentong pangmusika tulad ng kulintang,

kudyapi, at kubing.

Ang sayaw ng mga muslim ay kinatatampukan ng mga galaw ng katawan at

mga kamay na nagbabadya ng isang kasaysayan o pakikipagsapalaran ng mga bayani

sa mga epiko.

Sa pagliligawan/pag-aasawa, ang lalaking Muslim ay nakikipagkasundo sa

pamilya ng babae sa pamamagitan ng isang kamag-anakan. Nagbibigay siya ng bigay-

kaya sa babae at nangangakong bubuhayin ang babae hanggang kamatayan.

Pinangagasiwaan ng ama, ina at mga pinunong pangrelihiyon ang seremonya ng kasal.

Pinapayagan ang isang lalaking Muslim na magkaroon ng hanggang apat na asawa

kung kakayanin niyang buhayin ang mga ito.

Gawain 1: 1T+ 3S Tsart ( Isang Tanong, 3 Sagot)

Panuto: Bumuo ng karagdagang mahalagang tanong tungkol sa kabihasnang Islam

at sagutin ayon sa hinihingi sa bawat kolum

Tanong Sagot para sa nakaraan Sagot para sa Kasalukuyan Sagot sa para Hinaharap

Ano ?

Bakit?

Saan ?

Kailan ?

Paano ?

Gaano?

Gawain 2 Give Me Five

23

Panuto: Ilagay ang sarili sa katauhan ni Gobernador Ansaruddin Alonto Adiong. Ipahayag ang limang matinding natatanging bunga ng ugnayan ng mga Muslim sa Mindanao noon at ngayon. Isulat ang sagot sa sagutang kuwaderno

Gawain 3 AKROSTIK Panuto : Bumuo ng akrostik gamit ang sumusunod na letra na nagsasaad ng paliwanag

kung paano ang naging ugnayanng mga Muslim sa mga kapwa nila sa pag-unlad ng kanilang kabihasan sa Mindanao. Isulat ang sagot sa sagutang kuwaderno

24

PALALIMIN ANG IYONG PAG-UNAWA

Gawain 1: Ka-Talk Patok! Panuto: Ilagay ang sarili sa katayuan ni Aya (Sinaunang Pilipino) Ipahayag ang iyong saloobin sa mga ipinapakitang larawan ng kaibigang si Eric ( Kasalukuyang Panahon). Ilagay ang sagot sa mga salungguhit sa ilalim ng pangalan. Gawain ito sa isang malinis na papel.

Sa bahaging ito ay higit na mapalalalim ang pag-aaral mo sa nabuong Kakailanganing Pag-unawa, Sa tulong ito ng mapanghamong mga tanong o gawain upang ikaw ay makapagnilay-nilay, makabalik sa mga natutuhan upang muling baguhin at mag-isip kung kinakailangan.Palalimin mo pa ang pag-aral sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga isyu o suliraning nauugnay tungkol sa paksang tinatalakay.Magiging gabay ang bahaging ito bilang paghahanda sa iyo upang mailapat ang natutuhan sa pagsasagawa ng Inaasahang Pagganap sa bahaging Paglalapat. At upang mataya mo ang iyong natutuhan at kakayahan ay magkakaraon ka ng pagkakataon na sumagot sa pagsusulit.

25

26

Gawain 2: Dokyu-Suri Panuto: Manood ng isang dokyu tungkol sa Tasaday.Sagutin ang kasunod na mga

tanong pagkatapos ng panonood.

Link:

http://www.youtube.com/watch?v=U90vqvvS7Bs http://www.youtube.com/watch?v=1dFXIXuGKZQ http://www.youtube.com/watch?v=hw7qp_2giAY

27

1. Unawain at suriin ang nilalahad ng dokyu 2. Sagutin ang mga tanong:

2.1 Sino ang mga Tasaday? 2.2 Ilarawan ang kanilang pamumuhay. 2.3 Paano sila nagtapuan ng sambayanan? 2.4 Paghambingin ang pagkabuo ng kabihasan sa kabihasnan ng mga

Tasaday 2.5 Ano-ano ang mga argumentong magpapatunay ng pagiging tunay na

tribo o pangkat-etniko? May mga ebidensiya ba na mahina ang kabihasnan ng mga Tasaday.

Gawain 3 : Pulsuhan Mo Panuto: Sa sagutang papel ay sumulat ng hindi baba sa 50 salita sa paghahambing ng

mensahe ng sa bawat editoryal sa pamana ng sinaunang kabihasnan ng mga Muslim.

A B

c

28

Gawain 3: Magsaliksik ka!

Panuto: Magsaliksik ng isang artikulo na pumapaksa sa isyu ng paghihiwalay ng

Mindanao bilang isang bansa. Idikit ito sa sagutang papel at sagutin ang

sumusunod na itanong:

1. Ano ang iyong naramdaman sa inilahad ng isyu? 2. Bakit lumabas at labis na pinag-uusapan ang nasabing isyu?

3. Saang panig ka mas sumasang-ayon ? Bakit? 4. Sa iyong palagay, paano makaaapekto ang isyung ito sa relasyon ng mga Pilipinong Muslim at Pilipino Katoliko? 5. Magmungkahi ng mga tiyak na solusyon tungkol sa isyu.

Gawain 4: Sarbey

Paraan: 1. Pumili ng tig-isang napapanahong isyu tungkol sa Islam sa larangan ng aspekto ng

edukasyon, kalusugan, at musika. 2. Bumuo ng tig-3 katanungan at mga sagot na pagpipilian. 3. Pumili lamang ng tig-5 respondent sa bawat tanong sa iyo lamang bayan. 4. Likumin ang nakuhang datos. 5. Gumawa ng Pie Chart o iba pang tsart sa presentasyon sa naging resulta sa bawat

tanong. 6. Sumulat ng reaksiyon at rekomendayson sa bawat presentasyon. PANGHULING PAGSUSULIT: I. Sa sagutang papel. Isulat ang T kung tama at M kung Mali ang sumusunod na pangungusap:

_____1. Iisa lamang ang teorya na tungkol sa pinagmulan ng lahing Pilipino. _____2. May teknolohiya na ang mga sinaunang Pilipino. _____3. Ang nagpayabong sa kalinangang Pilipino ay ang pagkakatuklas ng kabibi. _____4. Malalim ang pinagmulan ng kalinangang Pilipino. _____5. Maaaring nanggaling ang sinaunang Pilipino sa Austronesyano. II. Piliin ang wastong sagot sa mga tanong. Bilugan lamang ang titik. 1. Alin sa sumusunod ang katangian ng barangay sa panahon ng mga sinaunang Pilipino:

A. Ang lahat ng barangay ay nasa ilalim ng pamumuno ng isang sultan o datu lamang.

B. Hindi mauunlad at hindi nakapagsasarili ang mga barangay. C. Malaya at nagsasarili ang bawat barangay.

2. Alin sa sumusunod ang tamang paglalarawan sa kabuhayan ng mga

29

Pilipino bago dumating ang mga Espanyol? A. Makaluma at naghihikahos ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino B. Palipat-lipat ng tirahan at di pa sapat ang kanilang kaalaman sa pamumuhay. C. May agrikultura at maunlad na kalakalan na ang mga sinaunang Pilipino.

3. Kailan nagiging pinuno o datu ang isang tao sa panahon ng mga sinaunang Pilipino?

A. kung siya ay nanalo sa digmaan B. kung siya ay anak ng dating datu C. kung siya ang pinakamayaman sa barangay

4. Ang isang katibayan na mayroon nang mataas na antas ng kultura ang mga Pilipino noon ay ang:

A. sistema ng panulat na tinatawag na alibata. B. paninirahan nila sa tabing dagat. C. pagkakaroon nila ng mga awit at tula.

5. Naipamalas ng mga sinaunang Pilipino ang kahusayan sa paglalakbay sa pamamagitan ng:

A. paggawa ng mahuhusay na sasakyang dagat. B. pagwawagi sa karera ng mga bangka. C. paninirahan sa tabing dagat.

6. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na maunlad na ang kaalaman ng mga sinaunang Pilipino sa agham at matematika?

A. kahusayan sa pangingisda B. paggamit ng mga Pilipino ng sistemang decimal C. kahusayan sa pakikidigma sa karatig-Barangay

7. Paano nakarating ang Islam sa Pilipinas?

A. Pangangalakal ng mga Arabeng Muslim. B. Paglalakbay sa Arabia ng mga sinaunang Pilipino. C. Pananakop ng mga Arabeng Muslim.

8. Bakit madaling napalaganap ang Islam sa katimugan ng Mindanao?

A. wala pa kasing relihiyon ang mga katutubong Pilipino B. pakikipagtaling-puso ng mga misyonerong Muslim sa mga anak ng mga

pinunong Pilipino C. pananakot at pananakop ng mga Arabeng Muslim

9. Ang regular na pagdarasal ng limang beses sa loob ng isang araw ay bahagi ng pangunahing aral ng Islam na tinaguriang:

A. Limang Haligi ng Katotohanan B. Walong Daan sa Kaliwanagan C. Sampung Utos ng Diyos

30

10. Ang pag-aayuno ay isinasagawa ng mga Muslim sa panahon ng

A. Hari Raya B. Biyernes Santo C. Ramadan 11. Sa panahon ng barangay, ang moske ay tinuturing na sentro ng:

A. panrelihiyong gawain B. pampulitika at panlipunang gawain C. panrelihiyon, pampulitika at panlipunang gawain

12. Sa paanong paraan napatatatag ng relihiyong Islam ang pagkakaisa ng pamayanan?

A. Ang sama-samang pagsamba ang nagpalakas sa pagkakaisa ng mga Muslim. B. Ang mabilis na pananakop ng mga Arabeng Muslim ng iba pang pamayanan. C. Ang takot na sila ay magapi ng mga Kristiyano.

13. Sa sistemang sultanato, ang pamahalaan at relihiyon ay:

A. hindi dapat magkasama B. magkasama at pinag-isa C. hindi pinahahalagahan

14. Ang sistema ng edukasyon na ipinakilala ng mga Muslim ay ang

A. Baybayin B. Madrasah C. Ramadan 15. Ang sistemang barangay sa panahon ng mga sinaunang Pilipino ay naiiba sa sistemang barangay sa kasalukuyan sa pamamagitan ng:

A. May sari sariling pamahalaan ang bawat barangay noon. B. Lahat sila ay napapailalim sa pangulo ng bansa. C. Nabibilang ang mga unang barangay sa mga kaharian.

31

PAGLALAPAT NG IYONG PAG-UNAWA

Gawain 1 : Lingap Ka-Baranggay

Sa gawain ay bubuo ng ka ng isang project proposal tungo sa ikabubuti pa ng kabihasnan nila dito sa kasalukuyan alinsunod sa konsultasyon mo sa eksperto. Hakbang sa Paggawa

1. Pumili ng isang baranggay kaugnay ng isang planong gagawin. 2. Makipag-ugnayan sa Pinunong Barangay nito at ipagpaalam ang gawain. 3. Suriin ang kabihasnang nabuo dito sa kasalukuyan 4. Tukuyin ang kalakasan at kahinaan ng barangay sa lahat ng aspekto. 5. Buuin ang SWOT Analysis na nagpapakitaq ng mga Strength, Weakness,

Opportunity at Threat. Halimbawa ng format ng SWOT

6. Suriin ang mga lumutang na kahinaan 7. Bumuo ng isang project proposal sa pipiliing kahinaan ng barangay.

Isaalang-alang ang sumusunod na bahagi ng project proposal : a. Introduksyon b. Taong makikinabang c. Tagal/ Panahon d. Tinatayang Gastuhin e. Pangalan ng nagsusulong ng proyekto f. Istratehiya g. Inasahang Bunga

Strenghts

Opportunities

Weaknesses

Threats

Sa bahaging ito ay isasagawa mo na ang Inaasahang Pagganap bilang patunay na nauunawaaan mo ang aralin. Muli mong balikan ang mga pamantayan sa pagtataya ng nasabing gawain. Dito ay mapagtatanto mo ang kahalagahan at kaugnayan ng Inaasahang Pagganap sa iyong sarili at sa iyong pamayanan o bansang ginagalawan.

32

8. Kumunsulta sa mga eksperto tulad ng nasa simbahan, pinunong lokal, mga negosyante, karaniwang mamayan.

9. Muling isaayos ang project proposal batay sa nalikom na ideya at bumuo ng pinal na anyo nito.

Gawain 2: Case Unclosed

1. Magsaliksik ng isang luma ngunit naging maingay na isyu na may kinalaman tungkol sa mga Muslim.

2. Magsaliklik ng mga artikulo at mga taong maaaring kapanayamin 3. Suriin at pag-aralan ang mga ito. 4. Buuin at isaayos case study 5. Pumili ng isang pinunong muslim sa komunidad at hingin ang kanyang

reaksyon tungkol dito. 6. Gamitin ang Rubric sa ibaba sa pagbibigay ng puntos sa gawain.

Krayterya Pamantayang A

( 90- 100)

Pamantayang B

(80-90)

Pamantayang C

70- 79

Pamantayang D

70 pababa

Kakumpletuhan Kumpleto sa lahat ng

aspekto, naipapakita ng

lahat ng kinakailangan

Kumpleto sa karamihan

ng aspekto,

naipapakita ang

karamihan sa

kinakailangan

Hindi kumpleto sa ilang

aspekto, hindi

naipapakita ang ilan

lang sa kinakailangan

Hindi kumpleto sa

karamihan ng aspekto.

Walang maipakita sa

mga kinakailangan

Pag-unawa Nagpapakita ng

malalim na pag-unawa

sa paksa at isyu

Nagpapakita ng

katanggap –tanggap na

pag-unawa sa paksa at

isyu

Nagpapakita ng

simpleng pag-unawa sa

paksa at isyu

Nagpapakita ng hindi

kumpletong pag-unawa

sa paksa at isyu

Pagsusuri Nagpapakita ng sarili at

malalim na pagsusuri

sa mga katanungan

Nagpapakita ng

epektibong pagsusuri

ng lahat ng katanungan

Nagpapakita ng

pagsusuri sa ilang mga

katanungan

Nagpapakita ng hindi

kumpletong pagsusuri

sa mga katanungan

Paglalapat Nakagagawa ng tama

at malakas na pag-

uugnay ng tinampok na

kaso at mga

konseptong pinag-

aralan

Nakagagawa ng

tamang pag-uugnay sa

pagitang ng tinampok

na kaso at mga

estratehikong

konseptong pinag-

aralan

Nakagagawa ng

tamang pag-uungay

ngunit may kalabuan sa

pagitan ng tinampok na

kaso at mga

konseptong pinag-

aralan

Nakaggawa ng maliit

na pag-uugnay o kaya

ay walang pag-uugnay

sa pagitan ng tinampok

na kaso at mga

estratehikong

konseptong pinag-

aralan

33

Gawain 3 Ka Blog

1. Magdisenyo at bumuo ng isang blog 2. Lakipan pa ito ng ibang mga nalikom datos at produktong nabuo habang at

pagkapos magawa ng case study sa gawain 1 3. I-publish ang nasabing blog. 4. Manghikayat ng mga kaibigan o kakilala na bisitahin ang gawang blog. 5. Humingi ng reaksiyon tungkol sa nagawang blog at isaalang-alang ang mga

ito sa patuloy na paglinang nito. 6. Gamitin ang rubric sa ibaba sa pagbibigay ng puntos sa gawain.

Krayterya Pasimula

4

Papaunlad

6

Maayos

8

Malakas

10

Kabuuang gamit ng blog Ang mga nailagay sa blog

ay iilan at simpleng

naglalahad ng personal

na pangyayari. Wala pang

komento na inilagay sa

blog

Halos lahat ng

kinakailangan na ilagay

sa blog at mga komento

ay nakumpleto

Lima ang nailagay sa blog

at limang komento ang

naipasa kahit na ang lahat

ng mga ito ay hindi

maaring magbigay ng

malaking kontribusyon

Lima ang nailagay sa blog

at limang komento ang

naipasa. Lahat ng ito ay

nakapagbigay ng

malaking kontribusyon

Pangkaisipan

Pagkakaugnay kasama

ang mga tampok na

konsepto

Ang mga nailagay sa blog

ay hindi nakabatay sa

mga isyung inilahad sa

binasa o gawaing

pangklase

Ang mga nailagay sa blog

ay may ilang nakabatay

sa mga isyung inilahad sa

binasa o gawaing

pangklase

Ang mga nailagay sa blog

ay nagpapakita ng

kamulatan sa halos lahat

ng pangunahing isyung

inilahad sa binasa o

gawaing pangklase

Ang mga nailagay sa blog

ay nagpapakita

ng pag-uugnay

sa mga isyung inilahad sa

binasa o gawaing

pangklase

Pansariling Pagtugon sa

mga Konsepto

Ang mga nailagay sa blog

ay hindi nagpapakita ng

personal na pagtugon sa

mga isyung inilahad sa

binasa o gawaing

pangklase

Ang mga nailagay sa blog

ay nagpapakita ng

ebidensiya ng maliit na

personal na pagtugon sa

mga isyung inilahad sa

binasa o gawaing

pangklase

Ang mga nailagay sa blog

ay nagpapakita ng

ebidensiya ng personal na

pagtugon sa mga isyung

inilahad sa binasa o

gawaing pangklase

Ang mga nailagay sa blog

ay nagpapakita ng

ebidensiya ng

komprehensibong

personal na pagtugon sa

mga isyung inilahad sa

binasa o gawaing

pangklase

Pagsulat Ang mga nailagay sa blog

ay gumamit ng maling

balarila at istruktura ng

pangungusap na nagiging

dahilan ng mahirap na

pagsunod ng iba. Walang

pag-uugnay sa konsepto

at sa konsepto ng iba.

Ang mga nailagay sa blog

ay nagpapakita ng ilang

ebidensiya ng tamang

paggamit ng balarila,

bantas, baybay at iba pa.

Ang mga tumutingin sa

blog ay mayroon lamang

maliit naging problema sa

pagbaasa nito

Mayroong paminsan-

minsang pag-uugnay ng

mga konsepto

Ang mga nailagay sa blog

ay nagpapakita ng

tamang paggamit sa

balarilang Ingles. Walang

naging problema ang

mambabasa. Karamihan

sa mga nasa blog ay may

pag-uugnay- ugnay ng

mga konsepto

Ang mga nailagay sa blog

ay nagpapakita ng

napakahusay na paggamit

ng balarilang Ingles at

may sariling estilo at

orihinalidad. Ang mga

nailagay sa blog ay

maraming pag-uugnay sa

mga konsepto.