Upload
tine-lachica
View
95
Download
14
Embed Size (px)
Citation preview
Kolum
Kolum- regular na lathalain o serye ng mga artikulo sa pahayagan, magasin, at iba pang kauri nito
- naglalaman ng mga komentaryo o opinyon
- madalas mayroon nang kilalang heading at byline ng manunulat o editor, na nagbibigay ng ulat o komento ukol sa isang lawak ng interes, politika, teatro, at iba pa
- maaaring makita sa pahayagan, magasin, at iba pang publikasyon, kasama na ang blog
- maaaring isulat ng isang tao o isang grupo na gumagamit ng katawagan
Mga halimbawa•Nagpapayo•Show business column•Community correspondent•Critic's review•Fashion column•Food column•Sports column
Karikatura- paglalarawan sa tao na gumagamit ng pagpapayak o pagpapalabis na paraan
-maaaring mapang-insulto o mapagbigay papuri - may pagkakataong ginagamit sa layuning politikal o kaya naman ay para manlibang
- nanggaling sa Italyanong salitang "caricare" na ang ibig sabihin ay "to charge or to load" o "loaded portrait"
- tumutukoy sa mga tao sa tunay na buhay at hindi sa likhang cartoon na fiksyunal na tauhan
* Ang karikatura ng mga politiko ay karaniwang ginagamit sa mga editorial cartoon samantalang ang mga artista ay madalas matatagpuan sa mga magasing mapanlibang.