16
Pagsusuri: Maikling Kwento Sa Panahon ng Hapon Bansot ni Aurora I. Cruz Republika ng Pilipinas MINDANAO STATE UNIVERSITY Fatima, Lungsod ng Heneral santos

Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz

Pagsusuri: Maikling KwentoSa Panahon ng Hapon

Bansot ni Aurora I. Cruz

Republika ng PilipinasMINDANAO STATE UNIVERSITY

Fatima, Lungsod ng Heneral santos

Page 2: Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz

BANSOTNi: Aurora I. Cruz

Page 3: Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz

PAMAMARAAN Palarawan

Pagdulog Realismo at Sosyolohikal

Pagdulog Realismo -  Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa paksang sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.

Page 4: Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz

Pagdulog Sosyolohikal - Ang teoryang sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. ang akda rin ay nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan.

Uri ng Banghay• Linear

Uri ng tauhan• Bilugang Tauhan (Round)

Uri ng Paningin• Paningin sa pangatlong panauhan 

Page 5: Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz

MGA SANGKAP NG MAIKLING KWENTO

Tauhan -Isang taong likha ng imahinasyon na gumagalaw o gumaganap sa kwento. Sila ay may mga motibasyon o sapat na dahilan upang kumilos ayon sa dapat nilang gampanan.

• Lani – ang labintatlong taong gulang na batang bansot• Kaloy at mga barkada- mga batang tumatawag ng bansot kay Lani• Kabesang Pilo –ang nagmamay-ari ng lupang kinatitirikan ng moog o mataas at malaking pader• Mang Indo –ang nagmamay-ari ng hasaan na hiniram ni Lani

Page 6: Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz

Tagpuan - Tumutukoy ito sa pook at panahong pinangyarihan ng mga tagpo sa akda, naglalarawan ito ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan. Inilalarawan ito ng buong linaw, pati na ang kaugalian ng mga nasa kapaligiran ay masisinag sa mabisang pamamaraan.  Sa isang Nayon• Sa gilid ng moog 

Page 7: Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz

Banghay - tumutukoy ito sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

Panimula - Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.  • Nakisilong si Lani sa lilim ng moog.

Saglit na Kasiglahan - naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. 

• Ang pagpupumilit ni Lani na sumama sa pangingisda nina Kaloy at doon ay sinabihan siya ng mga batang iyon na sa liit ni Lani hindi niya kailangan sumama baka siya raw ay liparin ng hangin at mahulog sa tubig.

 

 

Page 8: Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz

Kasukdulan - Dito nagwawakas ang tunggalian. Pinaka-masidhing pananabik ang madarama ng mga mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing tauhan o ng bayani sa kuwento. Subalit bago sumapit ang pinakarurok na ito ng kasabikan, kailangang magduyan muna ang pananabik ng mambabasa sa isang lundo na sa ilang saglit, mabibitin ang tinurang pananabik sa kahihinatnan ng pangunahing tauhan.

• Habang natutulog ang kanyang ama palihim niyang kinukuha ang mga pait at martilyo para sa kanyang binabalak gawin.

Kakalasan - Tulay sa wakas ng Kwento• Minarkahan at binutasan niya ang pader.  

Page 9: Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz

Wakas - Bagama’t ang isang maikling kuwento ay maaari nang magwakas sa kasukdulan, may mga pagkakataong kailangan pa rin ang isang katuusan upang ipahayag ang mga pangyayari pagkatapos ng kasukdulan. Maaari ritong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa mga mambabasa. • Natuklasan niyang sa likod ng mataas na pader na iyon ay isang malawak na tubuhan lamang.

Tunggalian - Ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga pangyayari kaya’t sinasabing ito ang sanligan ng akda. Nagsisimula ito sa paghahangad ng pangunahing tauhan na hahadlangan ng sinuman o anuman sa katuparan. Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na nababagay sa kahalagahan ng layunin; at dapat na magdulot ng pananabik at kasiyahan sa mga mambabasa sa dakong huli. • Tauhan laban sa tauhan

Page 10: Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz

Suliranin - Problemang haharapin ng tauhan. • Gustong malaman ng mga tauhan sa kwento kung anong meron sa kabilang bahagi ng moog.• Gustong patunayan ni Lani na hindi lang siya isang simpleng batang bansot

Tema o Paksang Diwa - pinakakaluluwa ng maikling kwento. 

• Hindi basehan ang pisikal na anyo ng isang tao.

Uri ng Kwento• Kwento ng Tauhan

 

Page 11: Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz

Pagsusuri: Pagdulog Realismo Paniniwala sa mga maligno

Patunay: 

“…,Marahil ay may tumatangkilik dito na masamang espiritu: marahil ay anito, o kapre o matanda sa punso. Ang punlang galit ay iginitgit at isiniksik ng dambuhalang takot sa isang liblib na sulok ng kanyang puso…”

(talata,11)

“Sabi ng inang ko ay may lamang-lupang naninirahan sa loob ng bakurang iyon. Madalas daw niyang masamyo ang amoy ng patis kung siay’y nagdaraan sa tapat ng pader.”

(talata,24) 

 

 

Page 12: Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz

 

Pagdulog Sosyolohikal  Diskriminasyon sa pisikal na anyo at kakayahan ng isang tao

Patunay: 

Maliit na bata lamang si Lani. Labintatlong taon, ngunit lubha siyang maliit para sa kanyang gulang. Ito ang pinaghihinanakit ni Lani: lalo’t kung naririnig niya ang taguring bansot. 

(talata 2)

“Ang liit mong ‘yan. Parang papel kang ililipad ng hangin paghihip nang malakas.” 

(talata 15)

Page 13: Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz

Bansot (Buod)Ni Aurora I. Cruz

 Ang kwentong Bansot ay patungkol sa isang batang nagngangalang Lani. Si

lani ay isang batang tinawag na Bansot dahil sa kanyang gulang na labing tatlo ay sobrang liit nito. Lagi nitong naitatanong sa sarili kung ano ang mali sa pagiging maliit na inaapi siya lagi. Si Lani ay walang naging tunay na kaibigan dahil halos ng mga kabataan sa kanilang nayon ay inapi siya. Nakahiligan ni Lani na magpasilong sa likod ng bakod nina Kabesang Pilo. Ang bakod ay kilala sa kanilang Nayon dahil sa mga kumakalat na mga balitang pinaninirhan umano ang malaking puno sa loob niyon na mga malign, anito at kung anu-anong mga katatakotan. Bunga noon ay tumubo ang kuryosidad sa utak ni Lani ninais niyang malaman kung ano nga ba talaga ang mayroon sa loob ng bakod na iyon. Buhat sa isiping iyon ay nakabuo siya ng plano. Planong tanging siya lang ang nkakaalam. Papangiti nalang siya ng lihim.

Nang mga sumunod na mga araw ay hindi na siya nakabalik pa sa moog na batong iyon dahil sa malimit na pag-ulan sa kanilang Nayon. Dahil dito ay nakahiligan niyang mangisda sa ilog ng kanilang Nayon. Habang siya ay nasa kalagitnaan ng pangingisda, dumating sina Kaloy kasama ng mga barkada nito. Nakahumalingan niya ang panghuhuli ng isda sa kabila ng makulit na pagtutol ng barkada nina Kaloy.

Page 14: Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz

“Huwag ka nang sumama. Walang sasagip sa iyo kung mahulog ka sa tubig. Madulas at maputik ang mga pilapil kung ganitong tag-ulan.” “Ang liit mong ‘yan. Parang papel kang ililipad ng hangin paghihip nang malakas.” Iyan ang mga katagang sinabi nito sa kanya. Habang nasa ganoong usapan sila ay nadako ang kanilang usapan sa moog nina Kabesang Pilo. Napag-usapan nila ang mga katatakotan umanong nanyayari sa likod ng bakod na iyon. Tinanong si Kaloy ng isa sa kanyang kaibigan nito kung nasilip na ba nito kung ano ang nasa likod ng bakod. Maagap itong nakasagot na hindi pa dahil sa taas at madulas ito. Bumalik sa ala-ala ni Lani ang plano niya. Nasambit na lamang niya sa isip “maliit man ako magagawa kong alamin ang nasa luob niyong bakod na iyo.

Umuwi siya. “Isang linggong singkad na hindi naglalayo ng bahay si Lani. Sa tahilan ng bahay nila’y palihim na isinuksok niya ang isang pait na nakakapitan ng makapal na kalawang at ang kaputol na hasaang baton na hiniram niya kay Mang Indo.” Si Lani’y sumasalok ng tubig sa balon ng kanilang kapitbahay. Maingat niyang ibinababa ang pait at hasaan mula sa tahilang kahoy at nauupo siya sa isang bangkitong mababa. Katabi niya ang isang tabong pingas na may lamang kaunting tubig na sinalok niya sa balon at isang kabibing matalim ang labi. Matiyaga niyang kinukudkod ng kabibi ang nagsingit na kalawang sa lukong ng pait, at banayad na ininahasa ang dulo upang manauli ang makislap na talim.”

Page 15: Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz

Makaraan ang ilang araw na pagpaplano sa binabalak. Isasakatuparan na ni Lani ang binabalak. Maaga siyang bumangon, hindi pa tuluyang sumisisikat ang araw ay nagtungo na si lani sa daanang papunta sa sinasabing bakod. Naglalaro sa kanyang balintataw ang namumulang mukha ng Amang niya, ang nakatawang may bahagyang pagkahukot, at ang nakataas na kanang bisig na may kamay na nakakuyom sa paligid ng isang putol na yantok. Kailanman ay hindi madudulas ang kanyang dila sa pangangahas niya sa martilyong nakaligpit sa bayong sa may kakalanan.”

Nakarating na si Lani sa sinasabing Bakod. Tinanaw niya ang kahabaan nito, hinihintay niya ang mga malignong sinasabi ng magbarkadang sina Kaloy ngunit wala. Wala ni isang nagparamdam. Sinimulan niya na ang binabalak. Tinandaan ni Lani nang pantay-mata ang dalawang bilog na sinlalaki ng pera sa pamamagitan ng kapirasong uling. Masigla niyang iniunat at ibinaluktot ang mga batibot na bisig saka itinuon ang dulo ng pait sa isang bilog na may tanda. Palalo ang igkas ng kanyang bisig, ngunit tinanggap ng kaliwa ang kakayahan ng una nang ito’y mayanig sa sunud-sunod na bayo ng martilyong tumatama sa dulo ng puluhan ng pait. Matigas ang batong ito. Lalong matigas ang katiting ng bakal.

Page 16: Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz

At nagtagumpay siya nagawa nga niyang mabutasan ito, upang masilip kung ano ang nasa loob nito. Napangiti siya, namalas niyang ang likod pala nang bakod na iyon na sinasabing pinamumugaran na mga maligno ay isang malawak na tubuhan lang pala.