Upload
merland-mabait
View
392
Download
24
Embed Size (px)
Citation preview
GRADE 10
POINTERS TO REVIEW:Ikatlong Markahan
• Sanaysay• Thesis Statement• PANDIWA (aspekto, pokus, kaganapan at
kaukulan)• Mga Akdang Tinalakay (Aralin 2-5)
Ang mga mag-aaral ay inaasahang;
• A. Natutukoy ang ibat ibang pokus at kaganapan ng pandiwa
• B. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panlapi sa pagbuo ng mga pandiwa sa iba’t ibang pokus at kaganapan
• C. Nakikilahok nang buong sigla at husay sa mga talakayan at pangkatang gawain
POKUS
tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa ng simuno o paksa
ng pangungusap.
POKUS NG PANDIWA KAHULUGAN PANANDA NA GINAGAMIT
TAGAGANAP O AKTOR Ang simuno o paksa ang gumaganap ng kilos na sinasaad ng pandiwa
“sino?”[mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- ,
magpa-]
LAYON Paksa o binibigyang diin sa pangungusap
“ano?”[-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an]Sa Ingles, ito ay ang direct object.
TAGATANGGAP Pinaglalaanan ng kilos na ipinapahiwatig ng pandiwa
“para kanino?”[i- , -in , ipang- , ipag-]Sa Ingles, ito ay ang indirect object.
KAGAMITAN Gamit ang siyang simuno o paksa ng pangungusao
upang maisagawa ang kilos ng pandiwa
“sa pamamagitan ng ano?”
[ipang- , maipang-]
POKUS NG PANDIWA KAHULUGAN PANANDA NA GINAGAMIT
GANAPAN Lugar ang binibigyang diin o ganapan ng kilos
“saan?”[pag-/-an , -an/-han , ma-/-
an , pang-/-an , mapag-/-an]
SANHI Sanhi o dahilan ang paksang binibigyang-diin sa
pangungusap
“bakit?”[i- , ika- , ikina-]
DIREKSYON Nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa
“tungo saan/kanino?” [-an , -han , -in , -hin]
Halimbawa: TAGAGANAP Si Aphrodite ay tumugon sa
panalangin ni Pygmalion
AKTOR POKUS NG PANDIWA
Halimbawa: LAYON
Pinag-uusapan ng mga tao
ang estatwang nilikha ni Pygmalion
LAYON
POKUS NG PANDIWA
Halimbawa: GANAPAN
Pinagmulan ng mga mitolohiya ang
bansang Griyego.GANAPAN
POKUS NG PANDIWA
Halimbawa: TAGATANGGAP
Ipinagdala nina Pygmalion ng mga alay si Aphrodite.
TAGATANGGAP
POKUS NG PANDIWA
Halimbawa: KAGAMITAN
Ginamit ni Pygmalion ang paet at martilyo sa pag-ukit ng estatwa.
POKUS NG PANDIWA
GAMIT
Halimbawa: SANHI
Ikinatuwa ni Aphrodite ang patuloy na pag-aalay ng pamilya ni Pygmalion.
POKUS NG PANDIWA
SANHI
Halimbawa: DIREKSYUNAL
Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
POKUS NG PANDIWA
DIREKSYUNAL
GAWAIN 1POKUS NG PANDIWA
Pagyamanin ang Kaalaman sa Gramatika
A p. 315
GAWAIN 2POKUS NG PANDIWA
Gamit ang mga binilugang pandiwa sa piniling artikulo mula sa pahayagan, kumuha ng 5
pangungusap o pahayag dito at tukuyin kung anong pokus ng
pandiwa ang ginamit dito.
KAGANAPAN
Kaugnayan ng pandiwa sa panaguri ng pangungisap.
Ang mga paksa ng kaganapan na ito ay kung gagamitan ng mga
panandang ang/ang mga o si/sina
KAGANAPAN NG PANDIWA
KAHULUGAN PANANDA NA GINAGAMIT
TAGAGANAP O AKTOR bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa.
Nino?
Ng, ng mga, si, sina
LAYON bahagi ng panaguri na nagsasaad kung ano ang bagay o mga bagay na tinutukoy ng pandiwa
Ano?
TAGATANGGAP nagsasaad kung sino ang nakikinabang sa kilos ng
pandiwa
Para kanino?
KAGAMITAN nagsasaad kung anong bagay, kagamitan, o
instruento ang ginagamit upang magawa ang kilos
Anong bagay o instrumento?
KAGANAPAN NG PANDIWA
KAHULUGAN PANANDA NA GINAGAMIT
GANAPAN nagsasaad ng lugar na ginanapan ng kilos ng
pandiwa
Saan?
Nagsisimula sa “sa”
Dito/rito, diyan/riyan, doon/roon
SANHI nagsasaad kung ano ang dahilan ng pakakaganap ng
kilos ng pandiwa
Bakit?
Dahil or dahil sa
DIREKSYUNAL ang bahagi ng panaguri ay nagsasaad ng direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa
«ng»«sa»
Mga pandiwa:punta, pasok, akyat, baba,
balik, tungo, etc.
Halimbawa: TAGATANGGAP/AKTOR
Ang puno ng saging ay itinanim ng matsing sa basang lupa.
“Itinanim nino?” (Itinanim ng matsing)
Halimbawa:LAYON:
Nagtitiklop ng mga damit si Angela para sa kanyang ate. “Nagtitiklop ng ano?”
TAGATANGGAP:Si Angela ay nagtitiklop ng mga damit
para sa kanyang ate.“Nagtitiklop para kanino?”
Halimbawa: SANHI/DAHILAN
Uminom ako ng gamot dahil masakit ang aking ulo.
“Bakit ka uminom ng gamot?”
(Ako ay uminom ng gamot dahil masakit ang aking ulo.)
Halimbawa: KAGAMITAN
Si Raul ay naghukay sa bakuran sa pamamagitan ng pala.
“Anong bagay o instrumento ang ginamit ni Raul para maghukay?”
Halimbawa:DIREKSYONAL:
Sina Tatay at Nanay ay pumunta sa Makati Medical Center para bisitahin si
Lola Puring.“Saan pumunta sina Tatay at Nanay?”
GANAPAN:Kinausap nila ang doktor sa Makati
Medical Center.“Saan nila kinausap ang doktor?”
GAWAIN 1KAGANAPAN NG PANDIWA
Pagyamanin ang Kaalaman sa Gramatika
A p. 336
GAWAIN
Mula sa maikling kuwentong “Saranggola” ni Efren Abueg, kumuha ng 7 pangungusap na nagpapakita ng 7 pokus ng pandiwa.