Upload
orson-clemons
View
2.703
Download
47
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Pokus ng Pandiwa. Kahulugan. Ito ang tawag sa relasyon ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Pokus ng Pandiwa. Tagaganap Layon Ganapan Tagatanggap Gamit Sanhi Direksyonal R esiprokal. Pokus sa Tagaganap ( aktor ). - PowerPoint PPT Presentation
Citation preview
Pokus ng Pandiwa
Kahulugan
Ito ang tawag sa relasyon ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.
Pokus ng Pandiwa
Tagaganap
Layon
Ganapan
Tagatanggap
Gamit
Sanhi
Direksyonal
Resiprokal
Pokus sa Tagaganap (aktor)
ang paksa ng pangungusap ang gumaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa
Halimbawa:
Lumikas ang mga nasalanta ng bagyo.
Iba pang halimbawa
Namitas ng mangga sa kanilang puno si Rudy.
Umawit ng Lupang Hinirang ang Sunis.
Pokus sa Layon (gol)
ang layon o object ang paksa ng pangungusap
Halimbawa:
Ginagawa niya ang kanyang takdang-aralin.
Iba pang halimbawa
Ido-donate ko ang aking ipon.
Inilabas na ang bagong Iphone.
Pokus sa Tagatanggap (benepaktib)
tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos na isinasaad ng pandiwa
Halimbawa:
Ipaglalaba ko ang aking nanay.
Iba pang halimbawa
Ipagluluto niya ng karekare ang mga panauhin.
Ipaghahanda ko ng party ang aking kaibigan.
Pokus sa kagamitan (instrumental)
ang bagay na ginamit o naging kagamitan sa pagganap ng kilos
Halimbawa
Ipansusulat ko ang bolpen na bigay sa akin.
Iba pang halimbawa
Ipambibili ko ng damit ang sweldo ko.
Pokus sa sanhi
ang sanhi o kadahilanan ng kilos ang paksa
Halimbawa
Ikauunlad ng bayan ang kasipagan ng mamamayan.
Iba pang halimbawa
Ipinagkasakit niya ang labis na pag-inom ng softdrinks.
Pokus sa Resiprokal
Ang pokus ay tagaganap pa rin ngunit may kahulugang resiprokal ang pandiwa sapagkat ang kilos ay ginaganap nang tugunan ng mga tagaganap. Samakatwid, laging dalawang indibidwal o dalawang pangkat ang pokus ng pandiwa.
Halimbawa
Nagsulatan si Florante at Laura.
Nagtulungan ang mga magkakapitbahay.
Pokus sa Ganapan (lokatib)
ang paksa ng pangungusap ay ang lugar na pinaggaganapan o pinangyayarihan ng kilos
Halimbawa
Pinaglanguyan ko ang batis na malapit sa amin.
Iba pang halimbawa
Pinintahan niya ang pader.
Pokus sa Direksyunal
pinagtutuunan ng pandiwa ang direksiyon o tinutungo ng kilos
Halimbawa
Pupuntahan natin ang bagyo.
Papasyalan niyo ang aming tahanan.
Sanggunian
http://www.germanlipa.de/text/aganan.htm
Makabagong Balarilang Filipino ni Alfonso Santiago at Norma tiangco