27
Pangatnig

Pangatnig

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pangatnig

Pangatnig

Page 2: Pangatnig

Ang Kahalagahan ng Edukasyon

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga unibersidad at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot.

Page 3: Pangatnig

Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Matematika, Siyensya, Ingles at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad.

Page 4: Pangatnig

Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.

Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.

Page 5: Pangatnig

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito. 

Page 6: Pangatnig

Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad.

Page 7: Pangatnig

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan.

Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda.

Page 8: Pangatnig

Sa ating pagpapahayag, gumagamit tayo ng mga salitang nag- uugnay ng mga salita, parirala, o sugnay na ginagamit natin sa pangungusap.

Pansinin ang mga pahayag na nasa ibaba. Ang agham at teknolohiya ay pag-

aaral tungkol sa isang tiyak at mapaglikhang karunungan ng tao.

Sinasabi nating ang agham ay bahagi ng pangkalahatang karunungan upang magsanay sa sining ng pag- iisip.

Dahil sa pumapasok na kaisipan, nagkakaroon tayo ng tiyak na pagpapakahulugan.

Page 9: Pangatnig

Ang mga nakahilig na salita: at, upang, dahil; ay mga pang- ugnay din. Ginagamit ang mga pangatnig sa pang- uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsunod- sunod sa pangungusap.

Page 10: Pangatnig

Halimbawa:

Dalawang salita- Ang pagsugpo sa bisyo at krimen ay

ginagawa ng pamahalaan.Parirala

- Ang pag- aalaga ng hayop at pagtatanim ng gulay ay nakatutulong sa paghahanapbuhay.Sugnay

- Ang ama ang haligi ng tahanan at ang ina ang patnubay nito.

Page 11: Pangatnig

Mga halimbawa ng pangatnig

Pati O Maging

Subalit

Kung Bago Ni UpangKapag Kaya Saka NgunitNang Sapagk

at

Page 12: Pangatnig

Uri ng Pangatnig1.Pamukod2.Panubali3.Paninsay4.Pananhi5.Panapos

6. Panlinaw7. Panimbang8. Pamanggit9. Panulad

Page 13: Pangatnig

1. Pamukod- ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni, maging, at man.

Halimbawa:a. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger man ang piliing lider natin.c. Walang diprensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa paligsahan.d. Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak.

Page 14: Pangatnig

2. Panubali - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung, kapag, pag, sakali, sana.

Halimbawa:a. Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.b. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang tatay.c. Pag umulan, hindi makakapunta rito si Boyet.d. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling lumitaw ang buwan.

Page 15: Pangatnig

3. Paninsay - kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito. Gaya ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahit.Halimbawa:a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit na) maraming naninira sa kanya.b. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang sa palengke ang kanyang ina.c. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga kaibigang bomoto sa kalaban niya.d. Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.

Page 16: Pangatnig

4. Pananhi - nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay: dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.

Halimbawa:a. Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.c. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan.d. Nahilo si Anna mangyari ay ikot siya nang ikot.

Page 17: Pangatnig

5. Panapos - nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita, gaya ng: upang, sa lahat ng ito, sa wakas, at sa bagay na ito.Halimbawa:a. Sa di-kawasa, ang pulong ay tinapos na.b. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong promosyon sa trabaho.c. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.d. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang paghuhusga.

Page 18: Pangatnig

6. Panlinaw - ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit.

Halimbawa:a. Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na silang muli.b. Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si Berto.

Page 19: Pangatnig

7. Panimbang - ginagamit sa paghahayag ng karagdagang impormasyon at kaisipan, gaya ng: at - saka, pati, kaya, anupa’t.

Halimbawa:a. Sina Jose at Pedro ay nagtungo sa bukid.b. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.c. Anupa't pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para makaahon sa kahirapan.d. Nagtanim siya ng upo at saka patola.

Page 20: Pangatnig

8. Pamanggit - gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng: daw/raw, sa ganang akin/iyo, di umano.

Halimbawa:a. Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.b. Siya raw ang hari ng sablay.c. Di umano, mahusay umawit si Blanca.d. Masisipag daw ang mga taga-Ilokos.

Page 21: Pangatnig

9. Panulad - tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng: kung sino…siyang, kung ano…siya rin, kung gaano…siya rin.

Halimbawa:a. Kung ano ang mga nangyayari noon, siya ring mangyayari ngayonb. Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.c. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya sa iyo. 

Page 22: Pangatnig

Subukan mo!

Page 23: Pangatnig
Page 24: Pangatnig
Page 25: Pangatnig
Page 26: Pangatnig
Page 27: Pangatnig