Upload
lorelyn-dela-masa
View
1.129
Download
71
Embed Size (px)
Citation preview
PAHAYAG KO, PANSININ MO!
Mahal ka niya, hindi niya gaanong naipakikita ito. Marami na akong natutuhan, tila kulang pa ito.Nagluluto ang Nanay ko nanunuod ang Tatay ko.Siya ay matalino mapagbigay pa. Abala ang lahat, ikaw ay walang ginagawa.
PANGATNIGAng pangatnig ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap.
TRANSITIONAL DEVICES ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari, (naratibo) at paglilista ng mga ideya, pangyayari, at iba pa sa paglalahad.
MGA URI NG PANGATNIG1. Paninsay. Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay nagkakasalungatan.
Halimbawa:Namatay si Mang Isko ngunit ang
kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay.
2. Pananhi. Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang maipakilala ang mga kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o niloloob.
Halimbawa:Ang kanyang prinsipyo ay
mananatiling buhay sapagat nariyan si Dong na magpapatuloy ng kanyang naudlot na gawain.
3. Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang bagay o isipan.Halimbawa:Maging ang mga kasamahan niya’y nagpupuyos ang kalooban.
4. Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga nasabi na.Halimbawa:Sumisigaw ang kanyang puso at humihingi ng katarungan.
5. Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong di-ganap at nangangailangan ng ibang diwa o pangungusap upang mabuo ang kahulugan.Halimbawa:Sakaling hindi ibigay, magpapatuloy ang welga.
6. Panapos. Nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita.Halimbawa:At sa wakas naibigay rin ang kanilang sahod.
7. Panulad. Nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari.Halimbawa:Kung ano ang utang, siya ring kabayaran
KUWENTO MO, ISALAYSAY MO!Bumuo ng ilang pahayag na may kinalaman sa
kuwentong natalakay kahapon ayon sa tamang pagkakasunod-sunod gamit ang sumusunod na salita upang malaman mo kung nakatutulong ang paggamit ng transitional devices sapagsasalaysay.
Subalit, datapwat, ngunit, samantala , saka, kaya ,dahil sa, sa wakas, sa lahat ng ito, kung gayon
KASUNDUANDalhin ang mga sumusunod bukas:1 bondpaper (short)LapisRulerMga pangkulay