21
i Crisostomo Ibarra Isang Paglalahad

Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Nakapaloob dito ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin bilang mangingibig at biktima ng pagkakataon sa nobelang Noli Me Tangere.

Citation preview

Page 1: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Si Crisostomo Ibarra

Isang Paglalahad

Page 2: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Crisostomo Ibarra

• Buong pangalan: Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin

• Ama: Don Rafael Ibarra • Kasintahan niya si Maria Clara.• Nag-aral siya sa Europa ng pitong taon.• Likas siyang matalino at mataas ang

pagpapahalaga sa edukasyon bunga na rin ng pagtataguyod ng ama.

• Nagmula sa isang mayamang pamilya sa bayan ng San Diego.

• Nangarap na makapagpatayo ng paaralan sa bayan ng San Diego.

Page 3: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Ibarra: Mangingibig at

Biktima ng Pagkakataon

Page 4: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Kabanata 2- Si Crisostomo Ibarra

• Siya ay bumalik sa Pilipinas matapos ang pitong taong pamamalagi niya sa Europa nang mabalitaan niya ang pagkamatay ng kanyang ama na si Don Rafael Ibarra.

Page 5: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Kabanata 3- Ang Hapunan

• Ininsulto ni Padre Damaso ang tungkol sa mga karanasan ni Ibarra sa ibang bansa. Kalmado lamang si Ibarra at nagpaalam na. Nang gabing iyon, sinulat ni Ibarra sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang pakpak at leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu-salo at ang hindi dapat pag-aaral ng isang Indio sa ibang lupain.

Page 6: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Kabanata 4- Erehe at Pilibusterismo

• Naglakad lakad si Ibarra at nakilala niya si Tinyente Guevarra. Pinakiusapan niya itong magsalaysay tungkol sa buhay ng kanyang ama dahil wala siyang nalalaman dito. Ayon sa kanya, ang kanyang ama ang pinakamayaman sa kanilang lalawigan, bagamat siya ay ginagalang ay kinaiinggitan din. Pinagbintangan siyang nakapatay kaya siya ay naging erehe at pilibustero.  Isinalaysay din niya ang tungkol sa pagkamatay nito.

Page 7: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Kabanata 7- Suyuan sa Isang Asotea

• Nagkita sina Ibarra at Maria Clara na nagdulot ng kaligayahan sa kanilang mga puso.

Page 8: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Kabanata 23- Pangingisda

• Tumungo sa dalawang bangkang nakahinto sa pasigan sila Ibarra, Maria Clara at iba pa nitong kasama upang mangisda at mag-piknik.

Page 9: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Kabanata 24- Sa Gubat

• Pinapausig ni Padre Damaso si Ibarra dahil sa pag-anyaya at pagkupkop nito umano sa masamang tao (si Elias). Ginalugad ng mga sibil at sarhento ang gubat upang hanapin si Elias ngunit hindi siya nakita.

Page 10: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Kabanata 32- Ang Sermon

• Isang lalaki (si Elias) ang lumapit kay Ibarra at nagbabala tungkol sa gagawing pagdiriwang sa paaralan. Kailangang maging maingat, anya si Ibarra sa pagbaba sa hukay at huwag lalapit sa bato sapagkat maari siyang mamatay. Nakilala ni Ibarra si Elias na kaagad namang umalis.

Page 11: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Kabanata 33- Ang Kabriya

• Malakihan ang paghahanda ni Ibarra sa pagbabaon ng panulukang-bato ng bahay-paaralan. Sa ilalim ng maraming habong itinayo ay pawang puno ng pagkain at inuming aalmusalin ng mga panauhing isa-isang sinundo ng mga banda at musiko. Ang mga naghanda sa almusal ay pawang mga guro at mag-aaral.

Page 12: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Kabanata 34- Malayang Pag-iisip

• Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isa pa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat ng dako nito ay mayroong kaaway.

Page 13: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Kabanata 35- Ang Tanghalian

• Panay ang pasaring ni Padre Damaso kay Ibarra ngunit wala itong kibo. Inungkat din niya ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama. Sumulak ang dugo ni Ibarra. Bigla niyang dinaluhong si Padre Damaso at muntik na itong saksakin sa dibdib ngunit pinigilan siya ni Maria Clara. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis.

Page 14: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Kabanata 36- Usap-usapan

• Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastangan sa kanyang ama.

Page 15: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Kabanata 49- Hiwaga

• Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang hindi pinasabing pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya si Maria Clara na parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi. Malungkot si Maria Clara, kaya nakuro ni Ibarra na bukas na lamang siya dumalaw.Tumango ang dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang kanyang isipan.

Page 16: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Kabanata 55- Pagbubunyag

• Sinabi ni Elias kay Ibarra ang nakatakdang paglusob. Si Ibarra ang nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia na lolo ni Ibarra. Nayanig ang buong pagkatao ni Elias.

Page 17: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Kabanata 56- Malaking Sakuna

• Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi sa bahay nila Maria Clara si Ibarra. Paalis na sana siya nang makarinig siya ng malakas na pagputok sa pintuan. Tinig ng isang kawal na Kastila. Lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binitawan niya ang kanyang baril at binuksan ang pinto. Dinakip si Ibarra ng sarhento ng mga dumating na kawal.

Page 18: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Kabanata 59- Isinumpa

• Walang gapos ngunit nasa pagitan ng dalawang kawal si Ibarra. Pasuyod na tinignan siya ng maraming tao. Umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito, inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal. Pati ang kanyang mga nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao hanggang siya ay tinawag na erehe na dapat mabitay. Kasunod nito ay pinagbabato siya.

Page 19: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Kabanata 61- Ikakasal si Maria Clara

• Nagtungo sa asotea si Maria Clara. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria Clara. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod sa dalaga. Sumagwang papalayo si Ibarra sa lumuluhang si Maria Clara.

Page 20: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Kabanata 62- Pagtakas hanggang Lawa

• Tumakas si Ibarra sakay ng bangka sa tulong ni Elias. Umaga na nang sapitin nila ang lawa ngunit nabanaagan nila ang isang palwa ng mga sibil na papalapit sa kanila. Nakuro ni Elias na napagtatalikupan sila at isa pa, wala silang kalaban laban. Mabilis na naghubad ng damit si Elias. Sinabi niya na magkita sila sa noche buena sa libingan ng nuno ni Ibarra.

Page 21: Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

Si Crisostomo Ibarra, isang biktima ng pagkakataon na humantong ang pag-ibig para kay Maria Clara sa isang masaklap na pagwawakas.