7
Aralin 5 Ang Pagdating at Paglaganap ng Islam Pagpasok ng Islam sa Katimugang Bahagi ng Kapuluan

SIBIKA: Pagpasok ng Islam sa Katimugang Bahagi ng Kapuluan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: SIBIKA: Pagpasok ng Islam sa Katimugang Bahagi ng Kapuluan

Aralin 5 Ang Pagdating at

Paglaganap ng Islam

Pagpasok ng Islam sa Katimugang Bahagi ng

Kapuluan

Page 2: SIBIKA: Pagpasok ng Islam sa Katimugang Bahagi ng Kapuluan
Page 3: SIBIKA: Pagpasok ng Islam sa Katimugang Bahagi ng Kapuluan

Noongs 878 ce ,napilitang magsilikas ang mga Arabeng Muslim sa Canton,China dahil pinapatay ang mga

mangangalakal doon.Dumayo ang mga Arabeng Muslim sa Kalah na

matatagpuan sa Malay Peninsula at ito ang naging sentro ng kanilang kalakalan.

 Unti-unting lumaganap ang Islam ng maitatag noong 1400 ang Malacca at naging estado ng muslim noong 1414

Page 4: SIBIKA: Pagpasok ng Islam sa Katimugang Bahagi ng Kapuluan

Ang pagakatuklas ng isa pang ruta patungong

China na hindi na babaybayin ang

Indochina ang naging sanhi ng pagkakahimpil dito ng ilang misyonero

at mangangalakal

    

Page 5: SIBIKA: Pagpasok ng Islam sa Katimugang Bahagi ng Kapuluan

Ang pagkakatatag ng pamayanan ng mga Muslim sa Sulu ay naganap noong Ika-13 dantaon.

Ilan sa kanila ang nagdala ng Islam.Kaya,dumami rin ang mga pamilyang Muslim.

Sumunod ang pagdating ng mga Makhdumin,mga misyonerong Muslim noong ika-14 dantaon.

Ang pagdating ni Sheik Karim ul-makhdum noong 1380 ang nagbigay-daan sa pagtaguyod ng Islam sa

kapuluan.Nagpagawa siya ng moske sa Buansa at sa Tubig

Indangan sa pulo ng Simunul sa Tawi-Tawi.Pianalaganap niya ang relihiyong Islam sa mga

katutubong naroroon.

  

Page 6: SIBIKA: Pagpasok ng Islam sa Katimugang Bahagi ng Kapuluan

Sinundan siya ni Raja Baguinda na mula sa Sumatra noong 1390 at iba pang alagad sa kaniyang korte na

nagpapahiwatig ng pagsuhay sa mga nagawa na mga misyonero.

Naging pinuno siya ng Buansa nang mapangasawa niya ang prinsesa roon.

Noong 1450,lumaganap ang Islam sa mgaloobang bahagi ng Sulu sa pagkakaktatag ng sultanato sa panguna ni

Sharif il-Hashim o Sultan Abu Bakr.Naging pinuno siya nang mapangasawa niya ang anak ni

Raja Baguinda na si Paramisuli.Nang namatay si Raja Baguinda,si Sultan Abu Bakr naman

ang naglaganap ng Islam.Inayos niya ang pamumuhay ng mga tao sa Sulu.Gumawa siya ng mga batas na

pinagsasamasama ang mga lokal na kaugalian ng mga taoat ang mga turo ng Koran,ang banal na aklat ng mga

Muslim.

Page 7: SIBIKA: Pagpasok ng Islam sa Katimugang Bahagi ng Kapuluan

Naging matagumpay rin ang paglaganap ng Islam sa Maguindanao ni Sharif Mahammad Kabungsuwan na

nagsimula sa Malacca matamos na bumagsak ang lungsod sa mga

Portuges noong 1511.Sa huling bahagi ng ika-16 dantaon,

lalong lumaganap ang Islam sa Maguindanao dahil na rin sa

pakikipag-ugnayan at pag-aasawa sa sa iba pang maharlikang pamilya ng

Sulu at Ternate.