Upload
lyka-zulueta
View
4.248
Download
11
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Citation preview
MGA HUMANISTA SA LARANGAN NG SINING AT PANITIKAN
SA PANAHON NG RENAISSANCE
Lyka L. Zulueta
BSED 2F
Ang salitang Renaissance na nagsimula noong 1300’s na nangangahulugan “muling pagsilang”. Sa panahong ito nanumbalik ang interes ng mga tao sa klasikal na kultura ng Griyego at Romano.
Sa panahong ding ito umiral ang kasiglahan
at pagiging malikhain ng mga tao sa pagbabalik
tanaw at pagbibigay pansin lalung-lalo na sa
sining at panitikan ng naturang kabihasnan.
HUMANISMO
Sa kalagitnaan ng 1300, maraming mga iskolar sa Italya ang nagkaroon ng interes sa sining at panitikang klasikal lalung lalo nasa panitikang Romano. Sila ay tinawag na mga Humanista.
Ang mga Humanista sa Hilagang bahagi ng Europe ay hindi lamang naging interesado sa pag-aaral ng klasikal na kabihasnan bagkus ay kinilala ang kanilang kasiglahan at kakayahang maunawaan ang ugat pundasyon ng kanilang paniniwala.
PANITIKAN
Sa larangang ito nabigyang kalayaan ng Renaissance ang paglalayag ng kaisipan ng mga tao na maipahayag ang mga sariling kakayahan, karanasan,obserbasyon, at kaisipan ukol sa buhay ng mga tao.
Narito ang ilang humanistang manunulat ng panahong ito:
Francesco Petrarch• (1304-1374 )
Ipinanganak sa Arezzo, Italy.
Lumaki sa korte ng Papa sa Avianon at nakapag-aral sa Unibersidad ng Bologna kung ipinamalas niya ang pagiging iskolar at manunulat. Siya ay naging tampok na humanistang manunulat na tinaguriang “Ama ng Humanismo dahil sa masidhing pagmamahal sa klasiko.
Ilang sa mga naisulat ni Francesco Petrarch : Canzoniere Trionfi ("Triumphs") Secretum ("My Secret Book") De Viris Illustribus ("On Famous Men“) De Otio Religiosorum ("On Religious Leisure") De Vita Solitaria ("On the Solitary Life") De Remediis Utriusque Fortunae ("Remedies
for Fortune Fair and Foul")
Sa kabuuan nakagawa siya ng higit na 400 natula na nasusulat sa wikang latin at Italyano at karamihan sa mga ito ay naisulat para sa minamahal niyang si Laura na namatay noong panahon mg Black Death.
Giovanni Boccaccio 1313-1375
Naging tagasunod ni Petrarch na isinilang
sa Paris ngunit ginugol niya nag kanyang
buhay sa Florence.
Sumulat siya ng mga kwento at tula.
Naglarawan siya ng mga karanasan
at damdamin ng tao sa pamamaraang
madaling maunawaan ng tao.
Ilang sa mga naisulat na kwento at tula ni Giovanni Boccaccio
DecameronOn the Genealogy of the Gods of the
GentilesThe CorbaccioBiography of DanteOn the Fates of Famous MenConcerning Famous Women
Desiderius Erasmus 1466-1536 Isinilang sa Rotterdam, Holland. Nag- aral sa France at England. Siya ay isa sa maimpluwensyang tao ng
Renaissance sa Hilagang Europa. Naging pari at humanista sa larangan ng
panitikan at pinag- aralang mabuti ang
bibliya upang higit na maintindihan ang
kristiyanismo para sa kabutihan ng mga tao.
Naging tanyag si Desiderius Erasmus
sa kanyang aklat na “The Praise of
Folly” isang satiriko na tumutuya sa
kamangmangan at bisyo ng mga Pari.
Miguel de Cervantes 1547-1616 Isinilang sa Alcalá de Henares
isang maliit na bayan na malapit sa
Madrid. Siya ay isang Espanyol na nobelista,
mandudula at makata. Siya ay naging isang kawal laban sa mga
turko at nakulong ng limang taon sa
Hilangang Europa. Naging isa rin siyang espanyol na
nangungulekta ng buwis.
Isinulat ng Espanyol manunulat na
ito ang “Don Quixote” na tungkol sa
isang nagmamay- ari ng lupa na
mahilig magbasa ng mga kwento ng
mga kabalyero noong Middle Ages.
William Shakespeare (1564-1616) Siya ay bantog na manunulat ng England
na nakapagsulat ng mga dulang komedya,
trahedya, at pangkasaysayan. Ipinakita ng kanyang akda ang malawak niyang
kaalaman ukol sa damdamin at pagharap ng tao
sa ibat ibang sitwasyon ng tunay na buhay. Magpasa hanggang ngayon ang kanyang
mga akda ay itunatanghal sa teatro ayon
sa orihinal na nilalaman nito o pagkakalapat
sa kasalukuyang panahon.
Nakilala si William Shakespeare sa kanyang mga dula gaya ng:
Hamlet Romeo and Juliet
Anthony and Cleopatra Julius Caesar
Macbeth Timon anAthens
SINING
Sa larangang ito naging matingkad ang pagpapamalas ng diwang humanismo sa panahon ng Renaissance. Binigyang buhay at higit na makakatotohanan ang pagpapakita ng karanasan at damdamin ng mga tao. Pinagtibay ang kagandahan sa paglalapat at ginamitan ng perpektibo upang makita ang ibat ibang angulo ng obra.
Narito ang ilan sa mga naging tanyag na indibidwal sa larangan ng sining at arkitektura:
Filippo Brunelleschi1377 - 1446 Isinilang sa Florence, Italy.Gumawa ng mga gusali at simbahan sa
sa Florence taglay ang kaalaman sa
arkitektura ng klasikal na Rome.Sa pagpipinta naman tinatayang siya
ang unang gumamit ng linear
perpective.
Ilan sa mga nagawang niyang gusali at simbahan:
Church of San Lorenzo Pazzi Chapel
Crucifix
The Church of Croce
Michelangelo Buonarotti1475 - 1564
Isinilang sa Florence, Italy.
Isang pintor, arkitekto, at
manunulat.
Ang sentro ng kanyang mga
obra ay ang mga tao.
Ilan sa kanyang obra maestra:
David Crucifixion Pieta Madonna
with Mary and John with child
Raphael Sanzio1483-1521
Isinilang sa Urbino.
Tinaguriang “Ganap na Pintor”
dahil sa pagkakatugma at proporsyon
ng kanyang mga ipininta.
Lumikha ng maraming birheng Maria
at ang The school of Athens.
Ilan sa kanyang mga obra maestra:
Sistine Madonna The School of Athens
Portrait of Baldassare Castiglione Self Portrait
Leonardo da Vinci 1452-1519 Isinilang sa sa Florence, Italy. Tinuturing na pinakamagaling sa
pangkat dahil bukod sa pagiging
pintor, siya rin ay isang inhinyero,
imbentor, musikero, at dalubhasa sa
agham. Ginamit niya ang kanyang karunungan
sa anatomiya at kaalaman sa siyensiya
sa kanyang pagpipinta.
Ilan sa kanyang mga obra maestra:
Monalisa Last Supper
Head of Christ Vitruvian Man
Talasanggunian
Teresita C. Valencia, Kasaysayan ng Mundo (Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House, Inc., 2006),215.
Ma. Dolores S. Cabiles and Aurora L. Santiago, Araling Panlipunan: Daigdig Kasaysayan ( Valenzuela City, Philippines: JO-ES Publishing House, Inc.,1997), 231.
Marvin Perry, A History of the World ( Boston: Houghton Mifflin Company, 1989), 325
Internet: www.yahoo.com, www.google.com, http://nethelper.com, http://www.nndb.com