3

Ugnayan ng wika sa tao

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ugnayan ng wika sa tao
Page 2: Ugnayan ng wika sa tao

Ugnayan ng wika at tao • UGNAYAN NG WIKA AT TAO

Ayon kay Rankin, pitumpung porsyento (70%) ng gising na oras ng tao ay inuukol niya sa pakikipagtalastasan. Samakatwid, wika ang ginagamit ng tao sa maghapon niyang pakikipag-interaksyon sa kanyang kapwa.

Saan nga ba nagsimula ang wika? Ayon sa genesis 11:1-9, noon ay iisa lamang ang wikang ginagait ng tao. Subalit noong nagtayo ng lungsodang mga tao na halos abot sa langit ay lubos na nabahala ang Diyos dahil gusto nilang langpasan ang Diyos. Pinag-iba-iba ng Diyos ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan at upang hindi matuloy ang kanilang balak. Ang pahayag na ito ay pinaniniwalaan ng mga relihiyoso subalit ayon sa mga pilosopo at dalubwika, ang wika ay dinevelop lamang ng tao para makabuo ng iba’t-ibang kaalaman.

Magkasalungat man ang pinaniniwalaan ng mga relihiyoso at klasikong griyego, huwag natin kalimutan na Diyos ang lumikha at nagbigay sa atin ng talino upang makatuklas ng mga bagay na maaari nating magamit sa araw-araw.

Page 3: Ugnayan ng wika sa tao

• Ugnayan ng wika at kultura

Sinasabing nasasalamn ang kultura ng isang lahi sa wikang siasalita ng lahing iyon. Ang kultura ang nagdidikta ng mga leksikong magiging bahagi ng wika ng isang lahi.

Sinabi ni Gleason sa kanyang komprehensivong definisyon, ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Samakatwid, hindi pweding paghiwalayin ang wika at kultura dahil habang tinutuklas ng tao ang kanyang wika ay tinutuklas din niya kung saans kultura siya nabibilang.

Ugnayan ng wika at lipunan

Bawat lipunan ay may kani-kaniyang wiak. Halimbawa nito ay ang Filipino, Ingles, Prances at iba pa. Sa pilipinas ay may walong maituturing na pangunahing wika: Tagalog, Ilokano, Pangasinan, Pampanggo, Waray, Hiligaynon, Cebuano at Bikol.

Dayalek ang tawag sa wika na nagkakaroon ng pagkkaiba-iba o varayti sa loob ng wika. Halimbawa na lamang ng mga varayti ng Tagalog. Meron tayong Tagalog-Nueva Ecija, Tagalog-Bulacan at iba pa.

Ang Idyolek naman ay masasabing isang finger prints ng isang tao dahil tanging kanya lamang. Dito makikita ang istilo ng isang individwal sa pagsasalita.

Tinatawag na Sosyolek ang wikang nakabatay sa pagkakaiba ng katayuan o istatus ng isang ginagamit ng wika sa lipunang ginagalawan.

Kabilang naman sa mga Islang words ang haleer, yuck, praning, japorms, windang at iba pa. hindi ito lubos na maintindihan ng mga may edad na kapag ito ay binibigkas ng mga kabataan.

Ang mga bakla ay bumuo rin ng naman ng kanilang sariling salita na tinatawag na Gay lingo o Sward speak. Ito ay nilikha nila para sa kanilang grupo.

Bawat profesyon o okupasyon ay may sariling wika rin na hindi basta mauunawaan ng hindi ganoon ang trabaho. Ito ay tinatawag na Jargon.

Meron din tayong tinatawag na Rejister. Ito ay nakabatay sa uri at paksa ng talakayan, sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at iba pang salik.