Upload
edmond84
View
1.076
Download
52
Embed Size (px)
Citation preview
UNANG YUGTO NG
IMPERYALISMO
Paunang kaalaman…
Nagsimula noong ika-15 na siglo ang
eksplorasyon ng mga Europeo sa mga lugar na
hindi pa nararating.
Ang eksplorasyon ay nagbigay-daan
sa KOLONYALISMO ito ay ang
pagsakop ng isang makapangyarihang
bansa sa isang mahinang bansa.
Motibo para sa kolonyalismo…
Mga Salik ng pagdating ng mgakanluranin sa Asya
Dalawang bansa sa Europe ang
nagpasimula ng paglalayag at pagtuklas
ng lupain
Spain.Portugal
Prinsipe Henry (the Navigator)
– Inspirasyon ng mga manlalayag.
Pinamunuan niya ang pangunguna ng
Portugal sa mga bansang Europeo.
1469 – nagsimula ang imperyo sa panig ng Spain
nang magpakasal si Isabella kay Ferdinand ng Aragon.
Sa pamumuno ni Ferdinand at Isabella ay napanatili nila ang
kapangyarihan ng dugong bughaw sa Castilla. Nasupil din nila
ang mga Muslim sa Granada at nagwakas ang Reconquista.
Noong ika-17 na siglo, naitatag ang mga bagong imperyo sa
Great Britain, France at Netherlands.
Ang mga ito ang nagbigay lakas sa mga Europeo upang
palakihin ang pakikipagkalakalan at pagpapalaganap ng mga
produktong galing sa Silangan.
What’s in a pic?
Paghahanap ng kayamanan
Mga at _ ng Spain at Portugal sa .
Ang paghahanap ng Spices…
Noong ika-13 na siglo ay naka depende ang sa spices na matatagpuan sa Asya particular sa INDIA.
a. paminta
b. cinnamon
c. nutmeg.
Ang mga spices na malaking
demand para sa
Ang paghahanap ng Spices…
Ang kalakalan ng spices sa Europe
at Asya ay nasa control ng mga
taga-Venice, Italy.
SPICES
– ito ay ginagamit nila bilang pampalasa sa kanilang
mga pagkain at upang mapreserba ang mga karne.
SPICES.. SPICES.. SPICES…
Bakit ibig ng mga Europeoang mga Spices?
-Maliban sa mga spices, mayroon pa bang ibangnakukuha ang mga Europeo sa kanilangeksplorasyon?
Pinangunahan ng Portugal ang
Paggagalugad
Portugal
– kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng
interes sa panggagalugad sa karagatan ng Atlantic upang
makahanap ng mga spices at ginto.
Dahil sa banta ng Mongol minabuti ng Europeo na
gamitin ang rutang katubigan hanggang sa Africa
upang mahanap ang rutang Asya.
Pinangunahan ng Portugal ang Paggagalugad
Bartholomeu Dias
– Natagpuan ang pinakatimog na bahagi ng Africa
noong Agosto 1488, na kilala sa tawag na
Cape of Good Hope
Vasco de Gama
– pinamunuan ang apat na sasakyang
pandagat na naglakbay mula Portugal
hanggang India noong 1497.
Natuklasan niya na ang mga Hindu at Muslim
na nakikipagkalakalan ng mahusay na seda,
porselana at pampalasa na pangunahingkailangan ng mga Portugese sa kanilang bansa.
Vasco de Gama
Portugese
Kinilala si de Gama sa Portugal bilang
BAYANI ng Portugese dahil sa kanyang
nalaman sa yamang meron ang Silanganin
Prinsipe Henry
-Si Prinsipe Henry ay anak ni Haring Juan ng Portugal.
-Siya ay tagagawa ng mapa, matematisyan, astrologo, at mag-aaral ng siyensya na nabigasyon sa bansa.
Siya ang naging patron ng mga manlalakbay kaya ikinabit sa kaniyang pangalan ang katawagang “The Navigator”.
Dahil sa kaniyang itinaguyod na paglalakbay ay nakarating siya sa AZORES, isla ng Madeira at sa mga isla ng Cape Verde.
THE MYSTERY ONE…
Sino-sino ang mga Portugese na yan?Ano-anong lugar ang kanilang narating?Ano ang kanilang ambag at nagawa?
Ang Paghahangad ng Spain ng Kayamanan Mula sa
Silangan…
CHRISTOPHER COLUMBUS
– isang Italyanong manlalayag na kauna-unahang namuno sa
ekspedisyon sa Silangan.
Noong 1492 ay tinulungan siya na ilungsad ang kaniyang
ekspidasyon dumaan pakanluran ng Atlantiko Patungong India.
Tatlong buwan ang inilagi ng kanilangpaglalakbay ng maabot nila ang Haiti at ang Cuba.
Nakaranas ng maraming paghihirap gayang walang kasiguraduhan na mararating nilaang Silangan, pagod at gutom sa kanilangpaglalakbay at haba ng panahon na kanilanginilagi sa katubigan.
Maraming ginto siyang natagpuan dto.
Haiti Cuba.
Pagbalik niya ng Spain ay ibinahagi ang
resulta ng kaniyang ekspedisyon at
binigyan ng titulong Admiral of the
Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng
mga islang kaniyang natagpuan sa Indies.
ngunit di siya nagtagumpay sapaghahanap ng bagong ruta patungosa Silangan.
AMERIGO VESPUCCI
– Italyanong nabigador na nagpaliwanang na si
Columbus ay nakatagpo ng Bagong Mundo noong
1507.
-Ang lugar na ito nang lumaon ay isinunod sa pangalan ni
Amerigo kaya nakilala ito bilang America.
KATANUNGAN… KATANUNGAN.. KATANUNGAN..
Bakit hinangad ng Spainang yaman sa Silangan?
PAGHAHATI NG MUNDO
LINE OF DEMARCATION
– noong 1493 ay ginuhit ito ng papa, isang hindi nakikitang linya mula sa
gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola hanggang sa Timugang Pola.
Ipinaliliwanag nito na ang lahat na matatagpuang kalupaan at katubigan sa
Kanlurang bahagi ng linya ay para sa Spain at sa Silangang bahagi ng
linya ay para naman sa Portugal.
Portugal Spain
VS.
Pope Alexander VI – naglabas ng papal bull na
naghahati sa lupaing maaring tuklasin ng Portugal at Spain.
Nagduda ang mga Portuguese sa naging kinalabasan ng kanilang pagtatanong kaya
nagpetisyon sila na baguhin ang naunang linya na dapat mapunta sa kanila at Spain.
Nakita nila na baka lumawak ang paggagalugad ng Spain sa Kanluran at maaaring maapektuhan
ang kanilang mga kalakalan sa Silangan.
Kasunduan sa Tordesillas (1494) – nagkasundo ang Portugal at Spain na bagohin at
ilayo pakanluran ang line of demarcation.
ANG PAGLALAKBAY NI FERDINANDMAGELLAN
o Ferdinand Magellan – isang Portuges na ang paglalakbay ay pinondohan
ng Spain taong 1519 nang magsimula ang kaniyang ekspedisyon.
o Nilakbay ng kanyang ekspedisyon ang rutang pakanluran tungong
Silangan. Natagpuan nila ang silangang baybayin ng South America o
bansang Brazil sa kasalukuyan.
o Nilakbay din nila ang isang makitid na daanan ng tubig; ang Strait of
Magellan ngayon, pinasok ang malawak na Karagatang Pasipiko
hanngang marating ang Pilipinas.
o Sa haba ng paglalakbay, nakaranas sila ng pag-aalsa ng mga kasamahan at
pagkagutom. Ngunit nalagpasan nila ang lahat ng ito at nakatagpo ng
malaking kayamanang ginto at mga pampalasa.
Naging matagumpay din sila na madala sa
Katolisismo ang mga katutubo.
Napatunayan ng ekspedisyon na kayang
ikotin ang mundo ay muling makabalik sa
pinanggalingan.
Pinatunayan ito ng nang barkong Victoria na
nakabalik sa Spain kahit na napatay si
Magellan sa Spain.
Ito ang unang circumnavigation o pag-ikot sa mundo. Itinama nito ang lumang kaalaman
ng mga Europeo na ang mundo ay patag. Naitala sa mapa ang iba pang kalipaan sa
Silangan kaya’t lalo pang nakilala ang yaman nito.
4 pics 1 word…
_ _ _ _ e _ _ _ y _ n
ANG MGA DUTCH…
Dutch – Pumalit sa mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya noong ika-
17 na siglo.
Inigaw nila ang Moluccas mula sa Portugal at nagtatag ng bagong sistemang plantasyon kung
saan ang mga lupain ay pinatanniman ng mga halamang mabili sa pamilihan.
Henry Hudson – nanguna sa pagtatag ng kolonya sa North America. Napasok niya ang
New York Bay noong 1609 at pinangalanan itong New Netherland.
Trade Outpost – isang himpilang pangkalakalan na itinatag noong 1624 sa rehiyon ng New
Amsterdam (kasalukuyang New York City).
Dutch East India Compony – dahilan kung bakit mas tumagal pa ang pananakop ng
mga Dutch sa Asya kysa sa America.
Ilog Hudson – ilog na pinangalan galing kay
Henry Hudson na matatagpuan sa Manhattan,
USA.
Nagtatag din ng pamayanan sa Africa ang mga
Dutch sa pamamagitan ng mga Boers; mga
magsasakang nanirahan sa may Cape of Good
Hope.
Noong ika-17 na siglo, humina ang kapangyarihang
pangkomersiyo ng mga Dutch at napalitan ng England
bilang pinakamalakas na imperyong pangkatubigan ng
Emperyo.
What’s in a Pic?
KAHALAGAHAN NG MGA PAGLALAYAG ATPAGTUTUKLAS NG MGA LUPAIN…
Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang pagtuklas at paglalayag
noong ika-15 at ika-16 na siglo.
Nawala sa dating kinalalagyan ang Italy sa kalakalan na kaniyang pinamumunuan sa Medieval Period.
Naging sentro ng kalakalan ang mga pantalan sa babay dagat ng Atlantic mula sa
Spain, Portugal, France, Flanders, Netherlands at England.
Ang mga kalakal na matatagpuan sa Bansa:
Spices – Asia
Kape, Ginto at Pilak – North America
Asukal at Molasses – South America
Indigo – Kanlurang Indies
Ang mga produktong ito ang nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping ginto at pilak
galing sa Mexico, Peru at Chile. Ito ang nagpasimula sa pagtatag ng bangko.
Kapitalismo – ang Sistema kung saan mamumumuhunan ng kaniyang salapi ang
isang tao upang magkaroon ng tubo.
Noong Medivial Period, hindi alam ng mga tao ang pag-iipon ng salapi.
Nasiyahan na sila kung sapat na ang kanilang kita. Ngunit sa pag-unlad ng kalakalan,
dumami ang kanilang salaping naipon. Hindi nila ito itinago, bagkus ginamit nila itong
puhunan para higit na lumago pa.
EPEKTO NG UNANG YUGTO NGKOLONISASYON
Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Espanol at Portuguese ay nagbigay-daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan.
Nakapukaw ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at
teknolohiya sa heograpiya at paglalayag.
Sumigla ang paglaganap ng sibilasasyong kanluranin sa silangan.
Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad ng pagkawala ng kasarinlan, paninikil at pagsasamantala sa kanilang likas na yaman.
Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng mga hayop, halaman, pati na sa mga sakit sa pagitan ng Old World at New World.
MARAMING SALAMAT!!!!