30
PAGBASA

Mga Yugto Ng Pagbasa

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Yugto Ng Pagbasa

PAGBASA

Page 2: Mga Yugto Ng Pagbasa

Basahin nang pabigkas ang mga sumusunod:

1. Ang susi ni Susie ay nilagay ni Siso sa seesaw.

2. Nagbaging ang mga matsing at nahulog sa bangin ng ito’y bumahin.

3. Nagbigay ang dakilang alalay ng isang kabang palay.

4. Isang piling ng saging dala-dala ni Saling para kay Lola Laling.

5. Matingkad ang dahlia ni Dahlia samantalang mapupula ang rosas ni Rosa.

Page 3: Mga Yugto Ng Pagbasa

PanimulaPanimula

• Sa pagtuklas ng karunungan, napakahalaga ng magiging tungkulin ng pagbasa sa isang indibidwal upang lumawak ang pananaw at magbukas ng kaalaman upang matuto sa takbo ng buhay sa ginagalawang daigdig ng isang tao.

Page 4: Mga Yugto Ng Pagbasa

• Ang kakayahan sa pagbasa ay isa sa pinakamahalagang kasanayang dapat matamo ng isang mag-aaral sa mga unang taon pa lamang ng kanyang pag-aaral sa paaralan. Dito nakasalalay ang tagumpay niya at kaunlaran sa hinaharap.

• Ang makabagong daigdig ay isang daigdig na nagbabasa. Sa makabagong daigdig ding ito, ang pagbasa ay isang likas na bahagi ng pag-unlad.

Page 5: Mga Yugto Ng Pagbasa

MGA PANANAW

SA PAGBASA

Isang malaking hamon ang pagtuturo ng pagbasa

Mahalaga ang pagtuturong interaktibo sa pagbasa

Dapat ang gabay sa unti-unting pagkatuto tungo sa pagbasa; tungo sa pagkatuto.

Ang pag-aaral ng pagbasa ay hindi isang pakikipag-unahan.

Malaking kontribusyon sa pagkatuto ng pagbasaang mga gawaing nararanasan

sa buhay araw-araw.

Isaalang-alang din ang literasi sa media at literasi sa kompyuter.

Higit sa lahat ang mahalagang papel ng guro sa pagkatutong mga mag-aaral sa pagbabasa.

Kailangan ang kapaligirang magkakaroon ng interaksyon ang mag-aaral sa kapwa mag-aaral,

mag-aaral sa guro at mag-aaral sa iba’t ibang uri ng kagamitang panturo.

Page 6: Mga Yugto Ng Pagbasa

MGA YUGTO NG PAGBASA

Unang Yugto

Kahandaansa Pagbasa

(Reading Readiness)

IkalawangYugto

PanimulangPagbasa

(Beginning Or InitialReading)

IkalimangYugto

Pagpapapino at

Pagpapaunlad pa ng mga

kasanayang natamo sa

pagbasa

Ikaapat na Yugto

Malawakang Pagbasa

(Extensive Reading)

Ikatlong Yugto

Pagpapaunladng Kakayahan

o Mabilis na Pag-unlad

(Expanding Power or

Rapid Growth)

Page 7: Mga Yugto Ng Pagbasa

Kahandaan saKahandaan sa Pagbasa Pagbasa

• Ang yugtong ito sa pagbabasa ay nararanasan ng mga bata sa iba- ibang edad. May mga batang maagang nalilinang ang kahandaan sa pagbasa.

Page 8: Mga Yugto Ng Pagbasa

Ilang Salik na Kailangan sa Ilang Salik na Kailangan sa Paglinang ng Kahandaan sa Paglinang ng Kahandaan sa PagbasaPagbasa

Salik na Emosyonalat Sosyal

WikaPersonalidad at

Karanasan

Mental

Pisikal

MgaSalik

Page 9: Mga Yugto Ng Pagbasa

Palatandaan ng Palatandaan ng Kahandaan sa Kahandaan sa

PagbasaPagbasa

• Ayon kay Belvez (2002), mahalagang tiyakin muna ang kahandaan sa pagbasa ng mag-aaral bago turuan ito ng pormal na pagbasa. Kahit na anong sipag, sikap at tiyaga ng guro sa pagtuturo na matutong bumasa ang mag-aaral kung hindi naman siya handa sa ay balewala rin.

Page 10: Mga Yugto Ng Pagbasa

1. Nakikita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng hugis, anyo at laki.

Halimbawa:

iba ang sa

iba ang sa

iba ang sa

Palatandaan ng Palatandaan ng Kahandaan sa Kahandaan sa

PagbasaPagbasa

Page 11: Mga Yugto Ng Pagbasa

2. Nakikilala na iba ang: n sa hb sa dm sa nM sa WO sa QR sa B at iba pa.

Page 12: Mga Yugto Ng Pagbasa

3. Nakakahawak na ng aklat na wasto at maayos. Marunong magbukas ng aklat at magbuklat ng mga pahina. Nahahawakan ang dyaryo o magasin nang hindi patuwad o pabaliktad.

Page 13: Mga Yugto Ng Pagbasa

4. Nakikita, napapansing mabilis ang pagkukulang ng bahagi ng isang bagay o larawan sa isang tingin.

Halimbawa: Kulang ng isang tainga, kamay o paa ang isang bata.

Page 14: Mga Yugto Ng Pagbasa

5. Napapangkat-pangkat ang magkakatulad, naibubukod ang naiiba.

Halimbawa: • Pinagsasama-sama ang magkakahugis.• Nilalagyan ng X o bilog ang bagay na

hindi kapangkat.

Page 15: Mga Yugto Ng Pagbasa

6. Nakauulit ng buong pangungusap na narinig. Nauulit ang naririnig na pahayag.

7. Naihahagod ang paningin sa larawan o limbag nang mula kaliwa pakanan.

8. Naisasaayon sa wastong pagsunud-sunod ang tatlo hanggang apat na larawan.

9. Nakakapagsalaysay ngpayak na kwento,payak na pangyayari.

10. Nakapag-uugnay ng kawilihan sa aklat, sa pagbuklat ng aklat, pagkilala ng aklat, pagkilala ng mga larawan at simbolong naroon.

Page 16: Mga Yugto Ng Pagbasa

Panimulang Pagbasa(Reading Readiness)

• Sa yugtong ito, inihahanda ang mga mag-aaral sa mundo ng pagbasa.

Page 17: Mga Yugto Ng Pagbasa

Ilang mahahalagang bagay na dapat isaalang–alang ng guro sa panimulang pagbasa.

1. Unti-unting bilang ng salita lamang ang dapat ipasok sa mga araling babasahin.

2. Ilang paraan ang magagamit sa pagkilala sa bagong salita.

2.1 kombinasyon ng pantig na kilala na2.2 sa tulong ng larawan2.3 sa pamamagitan ng konteksto o gamit sa pangungusap2.4 maaari rin ang configuration cues, bagaman hindi gaanong gamit ito sa Filipino tulad ng Ingles.

Page 18: Mga Yugto Ng Pagbasa

3. Gawing lubhang kawili-wiling gawain o karanasan ang unang gawain sa pagbasa upang kagiliwan ang pagbabasa. Samakatuwid, ipabasa ang kwento, tula na maikli lamang, kawili-wili at humahamon sa angking kakayahan sa pagbasa.

4. Sikaping mapalawak ang nababasa at maunawan ang mga salita, parirala at pangungusap.

Page 19: Mga Yugto Ng Pagbasa

5. Magkaroon ng maraming gawaing pasalita at pasulat kaugnay ng binasang aralin.

Maaaring:• pag-uugnay ng salita sa larawan• pagbubuo ng bagong salita mula sa dati nang alam

na pantig at salita • pagkuha ng maliliit na salita mula sa mahabang

salita• pagsagot sa tanong tungkol sa binasa• pagsunod sa panuto• pagsulat sa nawawalang salita• pagpili sa angkop na salita• pagsasadula sa binasang kwento• pagkukwentong muli• pagsusunud-sunod sa mga pangyayari• pagbibigay ng angkop na pamagat• pagbabago sa wakas ng kwento

Page 20: Mga Yugto Ng Pagbasa

Pagpapaunlad ng Kakayahan / Mabilis na Pag-unlad (Expanding Power / Rapid Growth)

• Sa yugtong ito, nalilinang ang kasanayan sa mabilis na pagkilala sa salita, parirala at pangungusap at ang mabilis na pag-unawa o komprehensyon sa binasa.

Page 21: Mga Yugto Ng Pagbasa

Sa ikakatagumpay ng paglinang ng mabilis na pagbasa nang may pag-unawa at may kawilihan at kasiglahan sa gawain, narito ang ilang dapat isaalang-alang:

1.Simulan ang aralin tuwina sa maayos, angkop at kawili-wiling pagganyak o panggi- sing ng

kawilihan.

2. Tiyaking naialis na ang mga balakid sa maayos, angkop at kawili-wiling pagbasa gaya ng pagkilala sa mga bagong salita

at iba pang paghawan ng sagabal.

3. Magbigay ng mga tanong pangganyak na siyang sasagutin matapos ang pagbasa.

4. Ang komprehensyon sa binasa ay pag-uugnay ng dati ng alam o prior knowledge at ng hindi pa alam. Iniuugnay

ang bagong ideya o impormasyon sa dati ng

nakaimbak na kaalaman sa kanilang isipan.

Page 22: Mga Yugto Ng Pagbasa

Malawakang Pagbasa (Extensive Reading)• Sa yugtong ito, pinipino at

pinauunlad ang pagbasa. Ang pagbasa na isang kasanayang angkin ng mag-aaral ay isang instrumento rin sa pagtuklas ng lalong marami at malawak na impormasyon, mga kaisipan, pagpapakahulugan o interpretasyon.

Page 23: Mga Yugto Ng Pagbasa

Sa yugtong ito, patuloy na nalilinang ang iba-ibang kasanayan gaya ng komprehensyon, organisasyon, bokabularyo, interpretasyon gaya ng:

pag-aaral at interpretasyon ng talaan, tsart, grap, dayagram atb.

kasanayan sa paggamit ng Talaan ng Nilalaman at Indeks

•kasanayan sa paggamit ng diksyunaryo, ensayklopedya, almanac atb.

Page 24: Mga Yugto Ng Pagbasa

Pagpapapino ng Kasanayang Natamo sa Pagbasa

• Patuloy na pinipino at pinauunlad ang pagbasa sa yugtong ito. Mula sekondarya hanggang tersyarya nagaganap ang yugtong ito. Dito rin malalaman ng mag-aaral ang ibinubunga ng iba’t ibang kasanayan sa pagbasa sa kanya tulad:

pagkilala ng salita

pag-unawa sa salita

bilis sa pagbasa nang tahimik

yumayaman ang talasalitaan

nagiging mapanuri sa pagbasa at pagpapahalaga

sanay bumasa sa pagitan ng mga linya

nakapagsusuri ng mga materyal upang makuha ang mga pangunahing kaisipan at layunin sa pagbasa.

maliwanag na pagbasang pasalita

natututong gumamit ng grap, tsart, mapa

marunong gumamit ng aklatan at mga sangguniang aklat

Page 25: Mga Yugto Ng Pagbasa

Sa patuloy na pagpapapino at pagpapaunlad ng pagbasa, maaaring gamitin ang pormulang SM3B sa pagbasa.

• S Nangangahulugan ng SARBEY na binubuo ng tatlong gawain.

S 1 Balik-gunita sa ating nalalaman kaugnay ng paksang babasahin.

S 2 Pagkilala sa mensaheng ibig ipahatid ng awtor.

S 3 Pagpapasya sa layunin sa pagbasa.

Page 26: Mga Yugto Ng Pagbasa

M Magtanong: ng mga nais malaman sa teksto sino, ano, kailan, paano, bakit

B 1 Unang PAGBASA. Simulang basahin ang teksto pagkatapos na mapili ang pamamaraang angkop sa layunin. Masaklaw bang pagbasa ang gagawin o masinsinang pagbasa? Sagutin na ang mga tanong na ginawa at nais masagutan sa pagbasa.

B 2 BALIK-BASA. Basahing muli ang teksto upang matiyak kung nakuha ang kasagutan sa mga tanong. Tingnan kung walang nakaligtaang sagot sa tanong. Tingnan kung walang nakaligtaang sagot sa tanong. Ang pagtiyak at paggunita sa mga natutuhan ay nakatutulong upang mabasa ang inyong pantanda o memorya.

B 3 BUOD. Ayusin ang mga ideyang napili upang magamit sa maayos na pag-uulat. Ang paggawa ng buod sa binasa ay katiyakan na nauunawaaan ang binasa. Nakatutulong sa paggawa ng buod o lagom ang paggawa ng balangkas ng binasa.

Page 27: Mga Yugto Ng Pagbasa

KAPIT-KAMAY

IHuwag maligawSa bawat arawAng narating

Huwag mong sayanginMagtiwala sa iyong pangarap

Umasang magaganapIsabuhay, katotohananMatatamo’y tagumpay

Page 28: Mga Yugto Ng Pagbasa

REFRAIN:Kapit-kamay ang dapat

Upang pangarap matupadSa adhika magsamasama

Habang buhay walang hangganIII

Ang pagyuko ay di pagsukoMagsimula sa iyong adhika

Kung may luha ay may ligaya Na iyong madarama

Pananalig, laging isipinMinimithi’y darating

Page 29: Mga Yugto Ng Pagbasa

REFRAIN:Kapit-kamay ang dapat

Upang pangarap matupadSa adhika magsamasama

Habang buhay walang hangganIV

Kung tayo ay nasa dilim Mithiin ay ningning

Ang puso’y pag-alabinTagumpay mararating

(ulitin ang Refrain)

Page 30: Mga Yugto Ng Pagbasa

GAWIN:Isama (+) ang Panginoon sa iyong buhay

Alisin (-) ang lahat ng takotParamihin (x) ang mabuting gawi

Ipamahagi () sa iba ang mga biyayang natatanggap

KALALABASAN: (=)

Resipe ng Magandang Buhay