8
GABAY AT DASAL SA PAGBI-BISITA IGLESIA BISITA IGLESYA Ang pagdalaw ng iba’t ibang simbahan kung Huwebes Santo ay isang sakripisyo at hindi pamamasyal. Maaaring dumalaw sa kahit ilang simbahan o maaaring sundin ang matandang kaugalian na pitong simbahan ang dadalawin. Hindi ito panahon para sa Daan ng Krus kundi para pagdalaw sa Santisimo Sakramento.

Bisita Iglesya Prayer

Embed Size (px)

DESCRIPTION

TAGALOG PRAYER SA PAGBISITA IGLESYA TUWING MAHAL NA ARAW.

Citation preview

GABAY AT DASAL SA

PAGBI-BISITA IGLESIA

BISITA IGLESYAAng pagdalaw ng iba’t ibang simbahan kung Huwebes Santo

ay isang sakripisyo at hindi pamamasyal.

Maaaring dumalaw sa kahit ilang simbahan o maaaring sundin ang matandang kaugalian na pitong simbahan ang dadalawin.

Hindi ito panahon para sa Daan ng Krus kundi para pagdalaw sa Santisimo Sakramento.

UNANG SIMBAHAN

N. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.B. Amen.N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sapangalan ko, naroon ako sa piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod nangayo’y nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mgaalagad ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo at sa amingkapwa.B. Amen.

Pagbasa: Juan 13:13-35Pagkaalis ni Judas ay sinabi ni Jesus, “Ngayo’y mahahayag na ang karangalan ng Anak

ng Tao; at mahahayag din ang karangalan ng Diyos sa pamamagitan niya. At kung mahayagna ang karangaln ng Diyos, ang Diyos naman ang maghahayag ng karangalan ng Anak, atgagawin niya ito agad. Mga anak, kaunting panahon na lamang ninyo akong makakasama.Hahanapin ninyo ako; ngunit sinasabi Ko sa inyo, “Hindi kayo makapupunta sa paroroonanko. Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo! Kung paanong inibigko kayo, gayon din naman, mag-ibigian kayo. Kung kayo’y mag-iibigan, makikilala ng lahatna kayo’y mga alagad ko.” (Sandaling katahimikan)

Salmo 51:1-6Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos, Sang-ayon sa iyong kagandahang-loob; Ayon

din sa Iyong pag-ibig sa akin! Linisin mo sana ang aking karumhan At ipatawad mo yaringkasalanan! Ang pagsalansang ko ay kinikilala, Laging nasa isip ko at alaala. Sa iyo lang akonagkasalang tunay, At ang nagawa ko’y di mo nagustuhan. Kaya may matuwid ka na ako’yhatulan,Marapat na ako’y iyong parusahan. Ako’y masama na buhat nang iluwalMakasalanan na nang ako’y isilang Nais Mo sa aki’y isang pusong tapat; Puspusing Mo akong dunong mong wagas.

Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama

Mga Hibik sa Kabanal-banalang Manunubos

Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako, Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako. Dugoni Kristo, tigmakin Mo ako. Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako. Butihing Hesus, dinggin Mo ako. Sa loob ngsugat Mo, ako’y itago Mo. Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo. Sanagpapahamak na kaaway ako’y ipagsanggalang Mo.Sa sandali ng pagpanaw ako’y tawaginMo. At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo. Upang kaisa ng Iyong mga Banal. Ako’ymakapagpuri sa Iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan. Amen.

IKALAWANG SIMBAHAN

N. Sa Ngalan ng Ama,ng Anak,at ng Espiritu Santo.B. Amen.N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sapangalan ko, naroon ako sa piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod nangayo’y nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mgaalagad ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo sa amingkapwa.B. Amen.

Pagbasa: Juan 14:27-31“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo;

hindi ito katulad ng ibinibigay ng sanlibutan. Huwag kayong mabalisa; huwag kayongmatakot. Sinabi Ko na sa inyo, ‘Ako’y aalis, nguni’t babalik ako’. Kung iniibig ninyo Ako,ikagagalak ninyo ang pagpunta ko sa Ama, sapagkat dakila ang Ama kaysa akin. Sinasabi kona ito sa inyo bago pa mangyari upang, kung mangyari na, kayo’y manalig sa bago sa akin.Hindi na ako pakahahaba ng pagsasalita sa inyo, sapagkat dumarating na ang pinuno ngsanlibutang ito. Wala siyang kapangyarihan sa akin, subalit dapat makilala ng sanlibutan nainiibig ko ang Ama at ang ginagawa ko’y ang iniutos niya sa akin. Tumindig kayo; tayo!”(Sandaling katahimikan)

Salmo 51:7-11Ako ay linisin, sala ko’y hugasan At ako’y puputi nang walang kapantay.Sa galak at

tuwa ako ay puspusin; At muling babalik ang galak sa akin. Ang kasalanan ko’y iyo nanglimutin. Lahat ko nawang masama’y pawiin. Isang pusong tapat sa aki’y likhain, Bigyan Mo,O Diyos, ng bagong damdamin. Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin Ang Espiritu Mo angpapaghariin.

Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama

Mga Hibik sa Kabanal-banalang Manunubos

Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako. Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako. Dugoni Kristo, tigmakin Mo ako. Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako. Butihing Hesus, dinggin Mo ako. Sa loob ngsugat Mo, ako’y itago Mo. Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo. Sanagpapahamak na kaaway ako’y ipagsanggalang Mo. Sa sandali ng pagpanaw ako’y tawaginMo. At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo. Upang kaisa ng Iyong mga Banal. Ako’ymakapagpuri sa Iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan. Amen.

IKATLONG SIMBAHAN

N. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.B. Amen.N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sapangalan ko, naroon ako sa piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod nangayo’y nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mgaalagad ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo sa amingkapwa.B. Amen.

Pagbasa: Juan 15-:1-4“Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga. Pinuputol niya

ang bawa’t sangang hindi namumunga; at kaya namang pinuputulan at nililinis ang bawa’tsangang namumunga upang lalong dumami ang bunga. Nalinis na kayo sa pamamagitan ngsalitang sinabi ko sa inyo. Manatili kayo sa akin at manatili ako sa inyo. Hindimakapamumunga ang sangang hindi nananatiling nakakabit sa puno. Gayon din naman,hindi kayo makapamumunga kung hindi kayo mananatili sa akin. (Sandaling katahimikan)

Salmo 51:12-17Ang galak na dulot ng ‘yong pagliligtas, Ibalik at ako ay gawin mong tapat. Kung

magkagayon na, aking tuturuan, Sa Iyo lumapit ang makasalanan, Ingat Mo ako, Diyos kongmanunubos, Ang pagliligtas mo’y galak kong ibabantog. Turuan mo akong makapagsalita. Atpupurihin ka sa gitna ng madla. Hindi mo na nais ang mga panghandog; Sa haing sinunog dika nalulugod, Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat Ay ang pakumbaba’t pusongmapagtapat.

Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama

Mga Hibik sa Kabanal-banalang Manunubos

Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako. Dugoni Kristo, tigmakin Mo ako. Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako. Butihing Hesus, dinggin Mo ako. Sa loob ngsugat Mo, ako’y itago Mo. Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo. Sanagpapahamak na kaaway ako’y ipagsanggalang Mo. Sa sandali ng pagpanaw ako’y tawaginMo. At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo. Upang kaisa ng Iyong mga Banal, Ako’ymakapagpuri sa Iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan.

IKAAPAT NA SIMBAHAN

N. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.B. Amen.N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sapangalan ko, naroon ako sa piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod nangayo’y nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mgaalagad ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo sa amingkapwa.B. Amen.

Pagbasa: Juan 15:18-20“Kung napopot sa inyo ang sanlibutan, dapat ninyong malamang napoot na ito sa akin

bago sa inyo. Kung kayo nga’y sa sanlibutan, iibigin kayo nito bilang kanya. Ngunityamang hindi kayo sa sanlibutan, kundi pinili ko kayo mula rito, ito’y napopoot sa inyo.Alalahanin ninyo ang sinabi ko sa inyo: walang aliping higit kaysa kanyang Panginoon.Kung ako’y inusig nila, uusigin din nila kayo’ kung tinupad nila ang aking salita, tutuparindin nila ang salita ninyo.” (Sandaling katahimikan)

Salmo 51:18-19Iyong kahabagan, O Diyos, ang Sion; Yaong Jerusalem ay muling ibangon. At kung

magkayaon, ang handog na haing, Dala sa dambana, torong susunugin Malugod na ito’yIyong tanggapin.

Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama

Mga Hibik sa Kabanal-banalang Manunubos

Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako, Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako. Dugoni Kristo, tigmakin Mo ako. Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako. Butihing Hesus, dinggin Mo ako. Sa loob ngsugat Mo, ako’y itago Mo. Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo. Sanagpapahamak na kaaway ako’y ipagsanggalang Mo. Sa sandali ng pagpanaw ako’y tawaginMo. At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo. Upang kaisa ng Iyong mga Banal Ako’ymakapagpuri sa Iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan.

.

IKALIMANG SIMBAHAN

N. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.B. Amen.N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sapangalan ko, naroon ako sa piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod nangayo’y nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mgaalagad ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo sa amingkapwa.B. Amen.

Pagbasa: Juan 17:5-8“Kaya, Ama, ipagkaloob Mo sa akin ngayon ang karangalang taglay ko sa piling Mo

bago pa likhain ang sanlibutan. “Ipinakilala Kita sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sasanlibutan. Sila’y iyo; ibinigay Mo sila sa akin at tinupad nila ang Iyong salita. Ngayo’yalam na nilang mula sa Iyo ang lahat ng ibinigay Mo sa akin; sapagkat itinuro ko sa kanilaang lahat ng aking nabatid sa Iyo at tinanggap naman nila. Natitiyak nilang ako’y galing saIyo, at naniniwala silang Ikaw nga ang nagsugo sa Akin. (Sandaling katahimikan)

Salmo 55:1-7Ang aking dalangi’y dinggin, Panginoon, O dinggin Mo ako sa aking pagtaghoy;

Lingapin nalilito ako at di mapalagay. Ang dulot sa akin nila’y kaguluhan, Namumuhi silaat galit na tunay. Yaring aking puso’y tigib na ng lumbay, Sa katakutan kong ako aypumanaw Sa tindi ng takot, ako’y nanginginig Sinasaklot ako ng sindak na labis. Wika ko,“kung ako lamang ay may pakpak. Parang kalapit, ako ay lilipad; Ako ay hahanap ng dakongpanatag. Aking liliparin ang malayong lugar, At doon sa ilang mananahan.

Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama

Mga Hibik sa Kabanal-banalang Manunubos

Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako, Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako. Dugoni Kristo, tigmakin Mo ako. Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako. Butihing Hesus, dinggin Mo ako. Sa loob ngsugat Mo, ako’y itago Mo. Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo. Sanagpapahamak na kaaway ako’y ipagsanggalang Mo. Sa sandali ng pagpanaw ako’y tawaginMo. At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo. Upang kaisa ng Iyong mga Banal, Ako’ymakapagpuri sa Iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan.

IKAANIM NA SIMBAHAN

N. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.B. Amen.N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sapangalan ko, naroon ako sa piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod nangayo’y nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mgaalagad ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo sa amingkapwa.B. Amen.

Pagbasa: Juan 17:9-13“Idinadalangin ko sila, hindi ang sanlibutan kundi ang lahat ng ibinigay Mo sa akin,

sapagkat sila’y iyo. Ang lahat ng akin ay iyo, at ang lahat ng iyo ay akin; at parangalan akosa pamamagitan nila. At ngayon, ako’y papunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan ngunitnasa sanlibutan pa sila. Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ngiyong pangalan, pangalang ibinigay mo sa akin, upang sila’y maging isa, kung paanongtayo’y iisa. Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ngiyong pangalang ibinigay Mo sa akin. Inalagaan ko sila at ni isa’y walang napahamak libansa taong humanap ng kanyang kapahamakan, upang matupad ang Kasulatan. Ngunit ngayon,ako’y papunta na sa iyo at sinasabi ko ito habang akoy nasa sanlibutan upang mapuspos silang aking kagalakan. (Sandaling katahimikan)

Salmo 4:1-3Sagutin mo ako sa aking pagtawag, Panginoong Diyos na aking kalasag; Ikaw na

humango sa dusa ko’t hirap, Ngayo’y pakinggan Mo, sa aki’y mahabag. Hanggang kailan pakaya lilikhain Niyong mga tao ang Iyong alipin? Hanggang kailan pa nila iibigin Ang walanghalaga’t pagsisinungaling? Dapat mapagkuro ninyo at malaman, Na mahal ng Panginoonakong Kanyang hinirang, Dininig Niya sa panawagan.

Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama

Mga Hibik sa Kabanal-banalang Manunubos

Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako, Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako. Dugoni Kristo, tigmakin Mo ako. Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako. Butihing Hesus, dinggin Mo ako. Sa loob ngsugat Mo, ako’y itago Mo. Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo. Sanagpapahamak na kaaway ako’y ipagsanggalang Mo. Sa sandali ng pagpanaw ako’y tawaginMo. At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo. Upang kaisa ng Iyong mga Banal, Ako’ymakapagpuri sa Iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan.

IKAPITONG SIMBAHAN

N. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.B. Amen.N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sapangalan ko, naroon ako sa piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod nangayo’y nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mgaalagad ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo sa amingkapwa.B. Amen.

Pagbasa: Juan 17:24-26“Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay Mo sa akin, upang

mamasdan nila ang karangalang bigay Mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa nilikhaang sanlibutan. Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilalakita; at nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kitasa kanila at ipakikilala pa, upang ang pag-ibig na sa akin ay sumapuso nila at ako nama’ysumakanila. (Sandaling katahimikan)

Salmo 137, 1-2a; 2bk-3.4-5.7k-8Ako, Poon, buong pusong aawit ng pasalamat, Sa harap ng mga anghel pupurihin

kitang ganap. Sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang, Pupurihin kita roon,pupurihin ang yong ngalan. Dahilan sa pag-ibig mo sa iyong katapatan, Ika’y tunay nadakila, pati ‘yong kautusan. Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo, Sa lakasmong itinulong ay lumakas agad ako. Dahilan sa pangako mong narinig ng mga hari,Pupurihin ka ng lahat at ikaw’y ipagbubunyi Ang lahat ng ginawa mo ay kanilang aawitin, Atang kadakilaan mo ay kanilang sasambitin. Nahahandang harapin mo mapupusok kongkaaway, Ligtas ako sa piling mo, sa lakas na iyong taglay. Yaong mga pangako mo ay handamong tupding lahat, Ang dahilan nito, Poon, pag-ibig mo’y di kukupas, At ang mgasinimulang Gawain may magaganap.