14
ILANG TUNTUNIN SA PAGBAYBAY SA WIKANG FILIPINO Inihanda ni Arnold R. Lapuz

Ilang tuntunin sa pagbaybay sa wikang filipino

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ilang tuntunin sa pagbaybay sa wikang filipino

ILANG TUNTUNIN SA PAGBAYBAY SA WIKANG

FILIPINOInihanda ni

Arnold R. Lapuz

Page 2: Ilang tuntunin sa pagbaybay sa wikang filipino

Mga salitang hiram sa Espanyol na nagsisimula sa e

• Pinananatili ang e sa simula ng mga salitang hiram sa Espanyol at hindi ito pinapalitan ng i.Halimbawa: estilo (estilo)- hindi istiloestudyante (estudiante)- hindi estudyanteeskandalo (escandalo)- hindi iskandaloespiritu (espiritu)- hindi ispirituestadistika (estadistica)- hindi istadistika

Page 3: Ilang tuntunin sa pagbaybay sa wikang filipino

Mga salitang pinananatili ang o

• Pinananatili ang o sa mga salitang hiram sa Espanyol at hindi ito pinapalitan ng u.Halimbawa:politika (politica)- hindi pulitikaopisina (oficina)- hindi upisinakombinasyon (combinacion)- hindi kumbinasyonkompetisyon (competicion)- hindi kumpetisyonkompleto (completo)- kumpleto

Page 4: Ilang tuntunin sa pagbaybay sa wikang filipino

Ang pang-abay na kay

• Ang kay ay pang-abay at hindi panlapi. Sa gayon, hindi ginagamit ang gitling para idugtong ang salita sa kay.Halimbawa:kay sigla (sa halip na kay-sigla)kay bagal (sa halip na kay-bagal)kay galing (sa halip na kay-galing)kay init (sa halip na kay-init)

Page 5: Ilang tuntunin sa pagbaybay sa wikang filipino

Pangmaramihang anyo ng mga salitang hiram

• Sa pagsulat ng pangmaramihang anyo ng salitang hiram, gamitin ang mga kasama ang batayang anyo o pang-isahang anyo ng salita.Halimbawa:mga painting- hindi ang mga paintingsmga computer- hindi ang mga computersmga cellphone- hindi ang mga cellphones

Page 6: Ilang tuntunin sa pagbaybay sa wikang filipino

Pangmaramihang anyo ng mga salitang hiram

• Maaari rin ang mga sumusunod:ang paintings

ang cellphonesang computers

Page 7: Ilang tuntunin sa pagbaybay sa wikang filipino

Mga salitang kolektibo• Ang mga salitang nasa anyong kolektibo ay

hindi maaaring pangunahan ng pamilang. Kung gagamit ng pamilang, ang batayang anyo ng salita ang dapat gamitin.Halimbawa:mga lalaki- tatlong lalaki- kalalakihanhindi tatlong kalalakihan o mga kalalakihanmga pulis- tatlong pulis- kapulisanhindi tatlong kapulisan o mga kapulisan

Page 8: Ilang tuntunin sa pagbaybay sa wikang filipino

Paggamit ng din at rin; daw at raw

• Ang pang-abay na din at daw ay nagiging rin at raw, kapag sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig o malapatinig o glide (w o y).Halimbawa:hiwaga raw (sa halip na hiwaga daw)berde rin (sa halip na berde din)kaakbay raw (sa halip na kaakbay daw)ikaw rin (sa halip na ikaw din)

Page 9: Ilang tuntunin sa pagbaybay sa wikang filipino

• Kapag ang nauunang salita ay nagtatapos sa pantig na –ri, -ra, -raw, o –ray, ang din o daw ay hindi nagbabago ng bigkas at baybay.Halimbawa:maaari din (sa halip na maaari rin)pari din (sa halip na pari rin)sari-sari din (sa halip na sari-sari rin)para daw (sa halip na para raw)araw daw (sa halip na araw raw)karay-karay daw (sa halip na karay-karay raw)

Page 10: Ilang tuntunin sa pagbaybay sa wikang filipino

Pagbigay ng mga bilang mula isa hanggang siyam

• Binabaybay nang buo ang bilang mula isa hanggang siyam. Ginagamit ang numeral kapag 10 pataas. Halimbawa:May dalawang estudyante na nagdala ng 11 bandila mula sa apat na kontinente.

Page 11: Ilang tuntunin sa pagbaybay sa wikang filipino

Pagbaybay ng bilang sa unahan ng pangungusap

• Binabaybay nang buo ang bilang kapag nasa unahan ng pangungusap.Halimbawa:Dalawampu’t walong titik ang bumubuo sa alpabetong Filipino ayon sa 1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

Page 12: Ilang tuntunin sa pagbaybay sa wikang filipino

Paggamit ng kuwit sa isang serye

• Sa paglalahad ng serye, gumagamit ng kuwit bago ang at o o.Halimbawa:Maglalaban-laban sa kampeonato ng UAAP ang UP, Ateneo, at FEU.Tinanong ako ng aking nobyo kung sa Mehiko, Tsina, o Greece kami magbabakasyon sa susunod na buwan.

Page 13: Ilang tuntunin sa pagbaybay sa wikang filipino

Mga salitang sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig o malapatinig

• Nagiging r din ang d kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa patinig o malapatinig (w at y).Halimbawa:bumaba roon (sa halip na bumaba doon)mababaw rito (sa halip na mababaw dito)

Page 14: Ilang tuntunin sa pagbaybay sa wikang filipino

Referens:Gabay sa Editing sa Wikang Filipino (tuon sa pagbaybay) (2005) ng UP

Sentro ng Wikang Filipino