View
63
Download
1
Category
Preview:
Citation preview
Copyright © 2018 Quipper Limited
1
ARALING PANLIPUNAN
BAITANG 8, YUNIT 7
Kabihasnang Klasiko ng Roma TALAAN NG NILALAMAN
Introduksyon 3
Aralin 1: Sinaunang Roma 4
Layunin Natin 4
Subukan Natin 5
Alamin Natin 6
Pag-aralan Natin 6
Suriin Natin 10
Sagutin Natin 11
Pag-isipan Natin 11
Gawin Natin 11
Aralin 2: Republikang Romano 13
Layunin Natin 13
Subukan Natin 14
Alamin Natin 15
Pag-aralan Natin 15
Suriin Natin 21
Sagutin Natin 22
Pag-isipan Natin 23
Gawin Natin 23
Aralin 3: Imperyong Romano 25
Layunin Natin 25
Subukan Natin 26
Alamin Natin 27
Pag-aralan Natin 27
Copyright © 2018 Quipper Limited
2
Suriin Natin 32
Sagutin Natin 33
Pag-isipan Natin 33
Gawin Natin 33
Aralin 4: Kontribusyon ng Klasikong Kabihasnan ng Roma sa Daigdig 35
Layunin Natin 35
Subukan Natin 36
Alamin Natin 37
Pag-aralan Natin 37
Suriin Natin 40
Sagutin Natin 41
Pag-isipan Natin 41
Gawin Natin 41
Karagdagang Kaalaman 43
Pagyamanin Natin 44
Paglalagom 46
Dapat Tandaan 47
Dagdag Sanggunian 47
Gabay sa Pagwawasto 48
Sanggunian 51
Copyright © 2018 Quipper Limited
3
BAITANG 8 | ARALING PANLIPUNAN
YUNIT 7
Kabihasnang Klasiko ng Roma
Bukod sa Kabihasnang Griyego, ang Kabihasnang Romano ay naging mahalaga rin
sa paghubog ng kultura ng Europa hanggang sa kasalukuyan. Itinuturing ng marami na
tagapagmana ng Gresya ang Roma dahil katulad ng mga Griyego, itinaguyod rin ng
mga Romano ang mga sining, agham, at iba pang larangang pinayabong ng Gresya.
• Paano nabuo at nagsimula ang Sinaunang Roma?
• Bakit naging mahalaga sa kasaysayan ng daigdig ang Kabihasnan ng Roma?
• Paano maipakikita ang pagpapahalaga sa mga ambag ng Kabihasnang Romano sa
mundo?
Sinasaklaw ng yunit na ito ang mahahalagang kaalaman at impormasyon tungkol sa
Sinaunang Roma, Republikang Romano, Imperyong Romano, at kontribusyon ng Klasikong
Kabihasnan ng Roma sa daigdig.
Pindutin ang Home button para bumalik sa Talaan ng Nilalaman
Mapa ng Malawak na Imperyong Romano
Copyright © 2018 Quipper Limited
4
Aralin 1
Sinaunang Roma
Nakikita sa mapa ang Lungsod ng
Roma. Nasa gitna ito ng Italya.
Ang Italya ay isang bansang
tangway o nakausli sa Timog
Europa. Estratehiko ang lokasyon
ng Roma dahil dumadaloy rito ang
Ilog Tiber. Biniyayaan din ito ng
kapatagan kaya maunlad ang
agrikultura nito na kayang tustusan
ang pangangailangan ng mga
mamamayan. Sa pamamagitan ng
Ilog Tiber, madali lamang ang
pakikipagkalakalan dahil nakaugnay
ito sa rutang pandagat.
• Ano ang kinalaman ng
heograpiya nito sa pag-
usbong ng Kabihasnang
Romano?
• Ano ang kasaysayan sa
pagbuo ng sinaunang
pamayanan nito?
• Paano hinarap ng mga
namuno sa Roma ang mga
suliraning may kaugnayan sa pagpapatakbo ng monarkiya?
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naipaliliwanag kung
paano nabuo at nagsimula ang Sinaunang Roma.
Lokasyon ng Roma sa Italya
Copyright © 2018 Quipper Limited
5
May pamosong alamat tungkol sa pagkakatatag ng Roma. May ideya ka ba tungkol
dito? Isulat mo ang kuwento sa patlang. Kung wala naman, maaaring bumuo ng
iyong sariling kuwento o pananaw batay sa larawan.
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
Subukan Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
6
Ang Roma ay matatagpuan sa kapatagan ng
Latium sa gitnang-kanlurang bahagi ng Italya,
isang tangway na hugis bota sa gitna ng Dagat
Mediterraneo. Ang pamayanan ng Roma ay
umusbong malapit sa Ilog Tiber, at ang lupain
sa rehiyong ito ay kaaya-aya para sa
pagsasaka. Ang lokasyon ng Roma ay malapit
din sa karagatan, ngunit sapat pa rin ang
layo nito sa baybayin upang maging ligtas
mula sa pamiminsala ng mga pirata. Daanan
din ang Roma ng mga manlalakbay na
nanggagaling sa Hilaga at Timog Italya.
Alamat ng Pagkakatatag ng Roma Hindi kumpleto ang pag-aaral ng kasaysayan
ng Roma kung hindi babanggitin ang alamat ng
pagkakatatag nito. Bamaga’t ito ay isang mito
lamang, may ilan pa ring naniniwala rito.
Ayon sa alamat, matapos matalo ang Troy
sa Digmaang Trojan laban sa mga
Mycenaean, ang bayani ng Troy na si
Aeneas ay tumakas at nagtatag ng
pamayanan sa Italya. Si Aeneas ang
pinaniniwalaang ninuno ng mga nagtatag
ng Roma. Ang nagtatag ng Roma ay ang
kambal na sina Romulus at Remus, mga
anak ni Rhea Silvia at ni Mars, ang diyos ng
digmaan. Para mamatay, ipinatapon ang
kambal sa Ilog Tiber, ngunit sila ay
natagpuan ng isang babaeng lobo na
siyang nag-alaga sa kanila. Natagpuan sila
ng pastol na si Faustulus.
Pag-aralan Natin
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na
salita:
• napadpad – napunta;
napadako
• kalaunan– katagalan; sa
paglipas ng mahabang
panahon
• dantaon – siglo, 100 taon
• monarkiya – uri ng gobyerno
na pinamumunuan ng hari o
reyna
• census – senso; pagbilang ng
populasyon ng isang lugar o
bansa
Sina Romulus at Remus sa
Pangangalaga ng Lobo
Copyright © 2018 Quipper Limited
7
Pinatalsik nina Romulus at Remus ang haring si Amulius, at itinatag nila ang Roma
sa pamayanan kung saan sila nailigtas. Dahil sa isang pagtatalo, pinatay ni Romulus si
Remus, at siya ang naging unang hari ng Roma. Humanap si Romulus ng mga taong nais
manirahan sa kaniyang pamayanan, ngunit ang karamihan ng sumama sa kaniya ay
kalalakihan. Kaya naman, ninakaw niya ang kababaihang Sabine upang dumami ang
populasyon ng Roma.
Kasaysayan ng Pagkakatayo ng Unang Pamayanan sa Roma Sa pagsisimula ng ika-11 siglo BCE, ang ilang grupo mula sa Gitnang Europa ay lumipat ng
tirahan at napadpad sa Italya. Sila ay kabilang sa mga tribong Italic. Isa sa mga tribong
Italic ay Latin. Ayon sa kasaysayan, itinatag ng mga Latin ang unang pamayanan sa Roma
sa kalagitnaan ng ika-8 siglo BCE. Ang lugar kung saan naitatag ang unang pamayanan ay
ang Palatine, isa sa pitong burol na malapit sa Ilog Tiber. Ang Roma, nang maitatag, ay isa
lamang sa mga lungsod-estado ng Italya. Ang mga Latin, na kalaunan ay nakilala sa tawag
na Romano, ay hindi mahilig sa digmaan; sa halip, sila ay masisipag na mamamayan ng
kanilang lugar.
Noong ikapitong daantaon
BCE, ang mga Romano ay
pinatalsik ng mga Etruscan,
isang tribo mula sa hilaga
ng Roma. Nang masakop,
ipinakilala at ipinatupad ng
mga Etruscan sa Roma ang
kanilang kaugalian sa
larangan ng pulitika. Isang
halimbawa nito ay ang
senado o lupon ng
tagapayo ng hari ng
pamamahalang monarkiya.
Ang senado ay binubuo ng
mga patrician o
mayayaman at mahahalagang tao sa lipunan. Samantala, ang nakararaming mamamayan
ay mga plebeian, mga pangkaraniwang tao tulad ng magsasaka, manggagawa, at
mangangalakal.
Sinakop ng mga Etruscan ang Roma.
Copyright © 2018 Quipper Limited
8
Pag-usbong ng Kabihasnang Romano Ang pag-usbong ng Kabihasnang Romano mula sa isang payak na pamayanan ay bunsod
ng iba’t ibang salik. Pag-aralan natin ang mga salik na ito.
Impluwensiya ng Ibang Kabihasnan
Ang Roma ay naging bukas sa impluwensiya ng ibang kabihasnan at mga pamayanang
nasa Italya. Mula sa mga Etruscan sa hilaga, natuto ang mga Romano ng arkitektura,
paggawa ng sistema ng irigasyon at drainage, at realistikong estilo ng paggawa ng sining.
Mula sa mga Griyego sa Timog Italya, nakuha nila ang paniniwala sa mga diyos at diyosa ng
Griyego at mga kuwento mula sa literatura ng kabihasnang Gresya. Nagmula naman sa
mga Latin ang kanilang wika. Mula sa mga Sabine, natutuhan ng mga Romano ang disiplina
at pakikipaglaban.
Monarkiya ng Sinaunang Roma
Itinatag ang Roma noong 753 BCE. Ayon sa mga tala, monarkiya ang uri ng pamahalaan
na gumabay sa Roma. Ang monarkiya ng Roma ay nagtagal nang mahigit 200 taon at
pinamunuan ng anim na hari (hindi kasama si Romulus na bunga lamang ng isang alamat
o mito). Ang hari ang namahala sa estado at mga pag-aari nito, gumawa ng batas, namuno
sa hukuman, at kumontrol sa hukbo. Ang mga hari at ang kanilang pangunahing mga
ambag ay ang sumusunod:
Hari Mga Nagawa
1 Numa Pompilius
(715-673 BCE)
• Nagpakilala ng mga seremonya at ritwal ng relihiyon
sa Roma
• Binago ang kalendaryong Romano; idinagdag ang
mga buwan ng Enero at Pebrero
• Nagtatag ng guild system o asosasyon ng mga
artisano at mangangalakal na nagsilbing paraan
upang mapaunlad ang kakayahan ng mga artisan
• Nag-ayos ng pagpepresyo at kalidad ng mga kalakal
Copyright © 2018 Quipper Limited
9
2 Tullus Hostilius
(673-642 BCE)
• Nakidigma sa mga karatig na lungsod-estado at
sinakop ang ilang kabisera
• Ipinatayo ang senate house, ang Curia Hostilia
3 Ancus Marcius
(641-617 BCE)
• Ipinagpatuloy ang pagsakop sa iba pang karatig-
siyudad
• Nagtatag ng siyudad ng Ostia
4
Lucius Tarquinius
Priscus
(616-579 BCE)
• Unang haring Etruscan
• Dinoble ang dami ng mga senador sa senado
• Ipinatayo ang Circus Maximus, isang stadium para sa
karera ng mga chariot
5 Servius Tullius
(578-534 BCE)
• Ginawa ang unang census ng Roma na nagsilbing
paraan upang malaman kung ilang sundalo ang
kailangang ipadala ng bawat rehiyon
6 Tarquinius Superbus
(534-509 BCE)
• Huling hari ng Roma na kilala dahil sa kaniyang
kalupitan
Ang tatlong huling hari ng Roma ay mga Etruscan. Dahil sa kalupitan ni Tarquinius
Superbus, pinatalsik siya ng mga Romano. Sinubukan ni Tarquinius na ibalik ang trono sa
kaniyang pamilya sa pamamagitan ng paghingi ng tulong militar mula sa mga kalahi,
ngunit sila ay pinigilan ng mga Romano. Nabigo si Tarquinius, at tinapos ng mga Romano
ang monarkiya. Matapos ito ay nagtayo sila ng bagong sistema ng pamamahala—ang
republika.
Copyright © 2018 Quipper Limited
10
A. Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap o pahayag.
____________________ 1. Matitibay ang ebidensiya na si Romulus ang nagtatag at naging hari
ng Roma.
____________________ 2. Ang mga nagtatag ng unang lungsod-estado ng Roma ay mga taal o
katutubong Italyano.
____________________ 3. Pinamunuan ng mga Etruscan ang mga Romano sa mahabang
panahon.
____________________ 4. Ang Sinaunang Roma ay pinatnubayan ng monarkiya sa pamumuno
ng hari.
____________________ 5. Nang mapatalsik ng mga Romano ang mga Etruscan sa Roma,
napalitan ang uri ng pamahalaan.
B. Isa-isahin ang hinihinging sagot.
Magbigay ng limang naging hari ng Sinaunang Roma:
1. ________________________________
2. ________________________________
3. ________________________________
4. ________________________________
5. ________________________________
Suriin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
11
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Batay sa mapagkakatiwalaang datos, sino ang nagtatag ng Roma?
2. Bakit hindi ganap na napamunuan ng mga Sinaunang Romano ang sariling lungsod-
estado? Sino ang namuno sa kanila sa mahabang panahon?
3. Paano pinamunuan ang Sinaunang Roma?
Anong praktikal na aplikasyon sa buhay ang maaari nating matutuhan mula sa kasaysayan
ng Sinaunang Roma, partikular sa sumusunod:
• Pagbuo ng unang pamayanan?
• Pagbagsak sa kamay ng mga Etruscan?
• Pagtugon sa pamahalaang monarkiya?
Magsaliksik tungkol sa kambal na sina Remus at Romulus simula nang ipanganak ang mga
ito hanggang sa maitatag ni Romulus ang Roma. Patunayan na ang kuwentong ito ay
walang katotohanan, at ito ay isang alamat o mito lamang. Maglatag ng mga patunay o
ebidensiya. Ipasa sa guro ang output ayon sa kaniyang kahingian (requirements).
Sagutin Natin
Pag-isipan Natin
Gawin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
12
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan [25%]
Mas Mababa
kaysa Inaasahan
[50%]
Kailangan pa ng
Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay Marka
Nilalaman Hindi nagsikap
na maglatag ng
mga patunay; tila
hindi
naiintindihan ang
paksa at walang
kusang palo para
manaliksik;
walang
napatunayan at
napagtibay
Nagsikap na
maglatag ng mga
patunay, subalit
kinulang ng ilang
detalye dahil
hindi gaanong
nanaliksik; hindi
rin napagtibay na
ang kuwento ay
totoo
Malinaw ang mga
inilatag na
patunay at
bahagyang
napagtibay na na
ang kuwento ay
alamat lamang;
ang resulta ng
gawain ay bunga
ng pananaliksik
Napakalinaw ng
mga inilatag na
patunay at
napagtibay na ang
istorya ay talagang
alamat lamang;
ang
makabuluhang
resulta ng gawain
ay bunga ng
masidhing
pananaliksik
Kaayusan
at Kalinisan
Walang kaayusan
at napakadumi
ng output;
napakaraming
nakitang bura,
dumi o
pagkakamali
Kailangang
matutong
maging maayos
at malinis sa
paggawa;
maraming
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Maayos at
malinis ang
output; may ilang
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Napakaayos at
napakalinis ng
ipinasang output;
walang nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
Panahon ng
Paggawa
Nakapagpasa ng
output sa loob ng
ilang minuto/
oras/araw/linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa dahil
ipinaalala ng
guro
Nakapagpasa ng
output sa loob ng
ilang
minuto/oras/
araw/ linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
Nakapagpasa ng
output sa
itinakdang
minuto/oras/
araw/linggo ng
pagpapasa
Nakapagpasa ng
output bago pa
ang itinakdang
minuto/oras/
araw/linggo ng
pagpapasa
KABUUAN
Copyright © 2018 Quipper Limited
13
Aralin 2
Republikang Romano
Tungkulin ng dalawang Romanong konsul na pamunuan ang pamahalaang republika.
Lumaban ang mga Romano sa mga dayuhang Etruscan. Nang magtagumpay, kapagdaka
ay nagtatag sila ng isang pamahalaang kakaiba sa monarkiya—ang pamahalaang republika
kung saan ang mga taumbayan ang humihirang ng mga kinatawan sa pamahalaan. Ibig
sabihin, nawala ang posisyon ng hari sa itinatag na republika.
• Paano pinamahalaan ang pamahalaang republika ng mga Romano? Kahalintulad
kaya ito ng republika sa kasalukuyan?
• Bakit nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga patrician at plebeian? Ano ang
pangunahing isyung ipinaglalaban ng mga pleb?
• Paano naging makapangyarihan ang mga Romano sa rehiyong Mediterraneo?
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nailalarawan ang
pamahalaan ng Republika ng Roma at nasusuri ang mga hakbang ng pakikipaglaban
ng mga plebeian sa pagkakaroon ng karapatan.
Copyright © 2018 Quipper Limited
14
Ang Pilipinas ay may pamahalaang republika. Mula sa mga titik ng salitang
REPUBLIKA, bumuo ng mga katangian o karanasan ng taumbayan na
nagpapaliwanag o naglalarawan ng uri ng pamahalaang ito.
R -
E -
P -
U -
B -
L -
I -
K -
A -
Subukan Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
15
Matapos mapatalsik ang huling hari ng mga
Etruscan noong 509 BCE, itinatag ng mga
Romano ng isang pamahalaang wala nang hari
at sa halip ay pinamunuan ng Senado at ng
mga mamamayan ng Roma—ang republika.
Kung ang mga Griyego ay may mga lungsod-
estado o polis, ang mga Romano ay mayroon
namang republika. Ito ay kumakatawan sa
mamamayang Romano at naging matibay at
malakas na pundasyon sa pagpapalawak at
pagpapalakas ng kanilang kapangyarihan
bilang isang imperyo.
Administrasyon ng Republikang Romano Ang dalawang pangunahing sangay
ng Republikang Romano ay ang
Senado at ang Popular na
Asambleya. Ang Senado o Council
of Elders na binubuo ng 300 na
lalaking patrician ay nagsisilbi
habambuhay. Ang Senado ay
nagbibigay ng payo sa mga
mahistrado. Samantala, ang
Asambleya ay nagsisilbing sangay
para sa paggawa ng mga batas.
Ang administrasyon ng estado sa
ilalim ng Republika ay binubuo ng
mga opisyal na inihalal ng Senado
at ng Asambleya upang mamuno
sa loob ng maiksing termino.
Ang dalawa sa mahahalagang posisyon sa administrasyon ng estado ay ang consul
at praetor.
Pag-aralan Natin
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na
salita:
• administrasyon – pamamahala
• monarkiya – pinamumunuan
ng hari
• napagtanto – napag-isip-isip;
nawari
• kaalyado – kakampi; kasangga
Mga Kasapi ng Senado
Copyright © 2018 Quipper Limited
16
Ang mga consul ang nagsilbing punong tagapamahala. May dalawang consul na
inihahalal ng Senado. Sila ay humahawak ng isang taong termino. Ang mga consul ang
pangunahing namamahala ng pamahalaan at nagpapadala ng hukbo sa mga labanan.
Kapag ang isang consul ay nasa labanan, ang isa pa ay nananatili sa estado upang
mamuno.
Ang posisyon ng praetor ay itinatag noong 366 BCE. Ang praetor ang namamahala sa Roma
kapag ang dalawang consul ay wala sa estado. Maaari ding mamuno sa mga hukbo ang
praetor kung kinakailangan. Siya ang nagssisilbing hukom at tagapagtaguyod ng hustisya.
Lipunan ng Republikang Romano Ang lipunan ng Republikang Romano ay binubuo ng dalawang grupo: ang mga patrician o
mayayaman na nagmula sa mga pamilya ng mga senador noong panahon ng monarkiya,
at ang plebeian o mga malaya at karaniwang mamamayan. Magkaiba ang mga karapatan
ng mga plebeian at mga patrician. Ang mga plebeian ay maaaring bumoto, ngunit ang mga
patrician lamang ang maaaring humawak ng posisyon sa lipunan. Hindi rin maaaring ikasal
ang isang plebeian sa isang patrician.
Isang Romanong Praetor
Copyright © 2018 Quipper Limited
17
Noong ika-5 siglo, ang mga plebeian
ay nagsimulang humingi ng pulitikal
at panlipunang hustisya o
pagkakapantay-pantay.
Napagtanto ng mga patrician na
hindi nila maipagtatanggol ang
estado nang walang tulong ng mga
plebeian, kaya naman noong 471
BCE, itinatag nila ang Konseho ng
Plebeian na nagbigay ng
oportunidad sa mga plebeian na
gumawa ng batas. Noong 445 BCE,
nagkaroon ng batas na
nagpahintulot na ikasal ang mga
plebeian sa mga patrician.
Nagkaroon din ng reporma na
nagbukas ng posisyon ng consul
para sa mga plebeian. Bagama’t nagkaroon ng mga batas na nagbigay ng pantay na
karapatan sa mga plebeian at patrician, iilang pamilyang patrician at plebeian lamang ang
namuno sa pamahalaan.
Pananakop at Pakikidigma ng Republikang Romano Upang higit na mapalakas at mapalawak ang kanilang kapangyarihan, naging abala ang
Republikang Romano sa pakikidigma sa mga karatig-lugar o estado. Ito ay para sa layuning
masakop at maging bahagi ang mga ito ng kanilang Republika.
Ang Pananakop sa buong Italya
Noong itinatag ang Republika, ang Roma ay napalibutan ng mga kaaway, kung kaya naman
ito ay patuloy na nakidigma sa loob ng mahigit 100 taon, hanggang ang lungsod-estado ng
Roma ang naging pinuno ng buong tangway ng Italya. Unti-unting nasakop ng Roma ang
mga Latin sa kapatagan ng Latium, ang mga Samnite na nakatira sa Timog at Silangang
Italya, mga Griyego, at mga Etruscan sa hilaga. Natapos nila ang pananakop sa Italya nang
matalo ang mga Etruscan noong 264 BCE. Ang mga nasakop ay pinagkalooban ng Roma ng
pagkamamamayan o citizenship kapalit ng kanilang katapatan at tulong sa oras ng
digmaan. Ang ibang grupo naman ay naging kaalyado ng Roma.
Patrician (kaliwa) at Plebeian (kanan)
Copyright © 2018 Quipper Limited
18
Mga Digmaang Punic
Matapos masakop ng mga Romano ang
Italya, nakatapat nila ang Carthage, isang
lungsod-estado ng mga Phoenician sa
Dagat Mediterraneo na may malakas na
pamamahala, ekonomiya, at hukbo.
Dahil sa malakas na hinala ng dalawang
lungsod-estado sa isa’t isa, nagkaroon ng
mahabang digmaan sa pagitan ng
dalawang estado. Tinawag ang digmaang
ito na Digmaang Punic, mula sa punicus,
ang Latin na salita para sa “Phoenician.”
Ang Unang Digmaang Punic (264-241
BCE) ay nagsimula nang ipadala ng Roma
ang kanilang hukbo sa Sicily upang doon
ay mamagitan. Itinuturing ng mga
Phoenician ang Sicily na kabilang sa mga
lugar na nasa ilalim ng kanilang
impluwensiya. Kaya naman, sila ay
nagdeklara ng digmaan laban sa mga
Romano. Natalo ng Roma ang Carthage,
at kinailangang ipagkaloob nito ang Sicily.
Matapos ang unang digmaan, muling lumakas ang Carthage at napalawak nito ang
kaniyang teritoryo hanggang sa Espanya. Ang Ikalawang Digmaang Punic (218-201 BCE) ay
naganap nang hinikayat ng Roma na magrebelde ang ilan sa kaalyansa ng Carthage
laban sa Espanya. Gumanti si Hannibal, ang pinakamahusay sa mga heneral ng Carthage,
at dinala niya ang labanan sa Roma. Naging matagumpay ang kaniyang pagsakop sa Italya
sa pamamagitan ng Labanan ng Cannae kung saan mahigit 40,000 Romano ang namatay.
Gumanti ang mga Romano sa pamamagitan ng paglusob sa Espanya.
Noong 204 BCE, dinala naman ng mga Romano ang digmaan sa Carthage upang
mapabalik si Hannibal mula sa Italya. Noong 202 BCE, sa Labanan ng Zama, natalo ang
Carthage. Umalis sa Carthage si Hannibal at tinulungan ang Kahariang Seleucid sa kanilang
pag-aalsa laban sa Roma. Gayunpaman, nakipagbati ang mga Seleucid sa mga Romano.
Noong 201 BCE, pumirma ng kasunduan ng kapayapaan ang Carthage at Roma.
Bagaman natalo na ang Carthage sa Ikalawang Digmaang Punic, ginusto ng ibang
Paglalarawan sa Digmaang Punic
Copyright © 2018 Quipper Limited
19
Romano na sirain nang tuluyan ang Carthage. Sa Ikatlong Digmaang Punic (149-146 BCE),
tuluyan nang sinira ng Roma ang Carthage at tinawag ang teritoryong nasakop bilang
“Aprika.” Pagkatapos ng pagkatalo ng Carthage, sumunod naman ang pakikidigma ng
Roma sa silangan, sa mga Kahariang Hellenistic.
Ang Pagbagsak ng Republikang Romano Ang pananakop at pakikidigma ay nagdulot ng paglawak ng teritoryo at kapangyarihan ng
Roma, ngunit ito ay nagdulot din ng mga problema sa lipunang Romano. Ang mga
magsasakang nagsilbi bilang sundalo sa digmaan ay bumalik sa kanilang lupain, ngunit
ang mga lupain ay nasira na ng digmaan o kinamkam na ng mayayaman habang sila ay
nagsisilbi. Nawalan ng trabaho ang mga magsasaka at lumipat sila sa mga siyudad.
Nagkaroon din ng alitan sa mga namamahala sa estado. Nagkaroon ng dalawang
uri ng grupo ng aristokrata—mga optimate na nais mapanatili ang kanilang benepisyo
bilang aristokrata, at mga populares na nais magsagawa ng mga reporma para sa mga
mamamayan. Ang dalawang populares na nais magsagawa ng reporma ay ang magkapatid
na sina Tiberius at Gaius. Naniwala si Tiberius na ang mga problema sa lipunan ng Roma
ay dulot ng kawalan ng trabaho ng mga magsasaka. Sinuportahan niya ang
Labanan sa Zama sa Ikalawang Digmaang Punic
Copyright © 2018 Quipper Limited
20
pagpasa ng isang batas na nagbibigay ng lupa sa mga ito. Ipinapatay si Tiberius, ngunit
itinuloy ni Gaius ang kaniyang mga reporma. Sa bandang huli, si Gaius ay ipinapatay rin.
Nagkaroon ng ilang pagkatalo ang Roma sa digmaan, at marami ang nagalit sa Senado.
Tumakbo bilang consul si Marius na nagwagi sa ilang labanan sa Aprika. Nagsagawa siya ng
reporma sa militar bilang consul. Pinahintulutan niyang maging sundalo ang mahihirap na
kinabibilangan ng mga magsasakang nawalan ng trabaho. Pinangakuan niya rin ng lupain
ang mga sundalo. Dahil sa ginawa niyang reporma, ang mga sundalo ay naging matapat sa
mga heneral. Sinamantala ni Lucius Cornelius Sulla ang pagkakataong ito sa pamamagitan
ng paggamit ng lakas ng hukbo upang makuha ang titulong diktador.
Naging halimbawa si Lucius Cornelius Sulla ng mga heneral na nagnais makakuha ng
kapangyarihan upang mamuno sa Roma. Tuluyang nanghina ang Republika nang lumakas
ang mga heneral na naging diktador at tumindi ang mga alitan sa loob ng Senado.
Pataksil na Pagpatay kay Tiberius
Copyright © 2018 Quipper Limited
21
A. Hanapin sa Hanay B ang hinihingi o inilalarawan ng Hanay A.
Hanay A
Hanay B
1. Pamahalaang pinamumunuan ng
mga kinatawang inihalal ng
taumbayan
A. patrician
2. Mayayamang nagmula sa pamilya
ng mga senador B. republika
3. Mga malaya at karaniwang
mamamayan C. plebeian
4. Nagsisilbing punong tagapamahala
ng estado
D. populares
5. Grupong nais mapanatili ang
kanilang benepisyo bilang
aristokrata
E. praetor
F. konsul
G. optimate
Suriin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
22
B. Isa-isahin ang hinihinging sagot.
Dalawang pangunahing sangay ng Republikang Romano:
1. ________________________________
2. ________________________________
C. Gamit ang mga bilang 1-3, ihanay ang sumusunod na pangyayari ayon sa
pagkakasunod-sunod.
__________ Natalo ng Roma ang Carthage, at kinailangang ipagkaloob ng huli ang
Sicily.
__________ Naging matagumpay ang pagsakop ng Carthage sa Italya sa
pamamagitan ng Labanan ng Cannae kung saan mahigit 40,000
Romano ang namatay.
__________ Nakidigma ang Roma sa silangan sa mga Kahariang Hellenistic.
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang kinakatawan ng Republikang Romano?
2. Bakit humingi ng hustisya ang mga plebeian sa pamahalaang Romano?
3. Paano napasakamay ng isang diktador ang dating matatag na Republika ng Roma?
Sagutin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
23
Bakit mahalagang pag-aralan ang pagsikat at pagbagsak ng isang republika? Ano ang
maaaring matutuhan ng mga Pilipino sa kasaysayan ng Republikang Romano?
Punan ang tsart upang malinaw na makita ang paghahambing ng mga karapatang
tinamasa ng mga patrician at plebeian. Ipinapayo ang ibayong pananaliksik. Pagkatapos,
sumulat ng aplikasyon o pag-uugnay sa kasalukuyang kalagayan ng mga karapatang
pantao ng mga Pilipino.
Patrician Plebeian
Bago humingi ng reporma
Pagkatapos humingi ng
reporma
Aplikasyon o Paglalapat sa
Kasalukuyan:
Pag-isipan Natin
Gawin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
24
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa Inaasahan
[50%]
Kailangan pa ng
Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay Marka
Nilalaman Sinubukang
magsagawa ng
paghahambing
at aplikasyon sa
kasalukuyan,
maraming mali;
hindi nag-isip;
tila walang
natutunan sa
aralin at hindi
nanaliksik
Sinubukang
magsagawa ng
paghahambing at
paglalapat sa
kasalukuyan, may
ilang mali; nag-
isip nang
bahagya; may
kaunting
natutunan sa
aralin at sa
ginawang
pananaliksik
Mahusay at
malinaw ang
paghahambing
at aplikasyon sa
kasalukuyan;
pinag-isipan
ang kasagutan;
halatang natuto
sa aralin at sa
ginawang
pananaliksik
Napakahusay at
napakalinaw ng
paghahambing
at paglalapat sa
kasalukuyan;
pinag-isipang
mabuti ang
kasagutan; tiyak
na tiyak na
natuto sa aralin
at sa ginawang
pananaliksik
Kaayusan at
Kalinisan
Walang
kaayusan at
napakadumi ng
output;
napakaraming
nakitang bura,
dumi o
pagkakamali
Kailangang
matutong maging
maayos at malinis
sa paggawa;
maraming
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Maayos at
malinis ang
output; may
ilang nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
Napakaayos at
napakalinis ng
ipinasang output;
walang nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
Panahon ng
Paggawa
Nakapagpasa ng
output sa loob
ng ilang
minuto/oras/
araw/linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa dahil
ipinaalala ng
guro
Nakapagpasa ng
output sa loob ng
ilang
minuto/oras/
araw/ linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng output sa
itinakdang
minuto/oras/
araw/linggo ng
pagpapasa
Nakapagpasa ng
output bago pa
ang itinakdang
minuto/oras/
araw/linggo ng
pagpapasa
KABUUAN
Aralin 3
Copyright © 2018 Quipper Limited
25
Imperyong Romano
Ang Kabihasnang Romano ay tumagal nang humigit-kumulang 700 taon. Simula 250 BCE
hanggang 450 CE, namayani ang mga Romano sa halos buong Europa at sa rehiyon ng
Mediterraneo. Ang kanilang imperyo ay lumawig pa mula sa Italya hanggang Inglatera at
mula sa Espanya hanggang sa Syria. Kahit saan mamuno ang mga Romano, ipinakilala nila
ang kanilang wika, sistema ng pamahalaan, mga batas, relihiyon, at kasanayan sa paggawa
ng mga kalsada at daungan. Lahat nang ito ay nagdulot sa Europa ng pagkakaisa sa
panahon ng Imperyong Romano.
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• naipaliliwanag ang mga pagbabagong dulot ng paglawak ng kapangyarihan
ng Roma; at
• naipaliliwanag kung paano napagbuklod ang imperyong Romano sa
panahon ng Pax Romana.
Ang Lawak ng Imperyong Romano sa Panahon ng Kasikatan
Copyright © 2018 Quipper Limited
26
Kilalanin ang sumusunod na tanyag na Romano sa kasaysayan.
Subukan Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
27
Unti-unti nang humina ang kapangyarihan ng
Republikang Romano bunga na rin ng
kaguluhan sa Roma. Upang mailigtas ang
Roma mula sa tuluyang pagkasira, hinati ang
Roma at mga lupaing nasakop nito sa tatlong
bahagi. Nagtalaga rin ng tatlong pinuno na
magtutulungang mamamahala sa mga ito. Sila
ang tinawag na triumvirate.
Ang Unang Triumvirate Sina Julius Caesar, Marcus Licinius Crassus, at
Gnaeus Pompey ang bumuo ng Unang
Triumvirate. Ang pinagsamang impluwensiya,
kayamanan, at lakas nilang tatlo ay tumulong
sa kanila na mangibabaw sa pulitika.
Dahil alam ni Caesar na mahalaga ang militar sa pangingibabaw sa pulitika, ginamit
niya ang kaniyang hukbo sa Espanya upang sakupin ang Gaul (Pransiya sa kasalukuyan), at
ginawa niya itong isang probinsiya ng Roma. Habang patuloy ang pagtatagumpay ni
Caesar sa mga labanan, ang Unang Triumvirate ay unti-unting nalansag.
Pag-aralan Natin
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na mga
salita:
• nalansag – nabuwag
• aristokrata –mayaman at
makapangyarihan
• nasadlak – nalagay
• digmaang sibil – panloob na
digmaan ng estado
• tugatog – pinakamataas na
katayuan; rurok
Copyright © 2018 Quipper Limited
28
Noong 59 BCE, namatay si Crassus dahil sa pakikipaglaban sa mga Parthian sa
silangan. Si Pompey naman ay kumuha ng suporta sa Senado upang utusan na bumaba
bilang pinuno ng hukbo si Caesar; hindi pumayag si Caesar. Nagpasiya siya na magmartsa
kasama ng kaniyang hukbo pabalik ng Roma at tumawid sa Ilog Rubicon papasok sa Italya.
Napilitang tanggapin ng Senado ang pagkapanalo ni Caesar. Dahil dito, idineklara siya
bilang diktador.
Bilang isa diktador, binigyan ni Caesar ng pagkamamamayan o citizenship ang ilang tao sa
ilang probinsya sa Italya. Upang tulungan naman ang mahihirap, nagsagawa siya ng mga
serbisyo-publiko. Inilipat niya ang ilang dating sundalo at mahihirap sa probinsiya, at
binigyan niya ng lupain ang mga ito. Dahil nakita ni Caesar na kinakailangan ng malakas na
pamumuno upang matapos na ang labanang sibil sa Roma, idineklara siyang “diktador
panghabambuhay.” Noong 44 BCE, dahil sa inggit ng ilang aristokrata sa kaniyang
impluwensiya at lakas, ipinapatay nila si Julius Caesar.
Ang Ikalawang Triumvirate Pagkamatay ni Caesar, ang ampong anak ni Caesar na si Octavian, kasama
ang pinagkakatiwalaang tenyente ni Julius Caesar na sina Mark Antony at Marcus
Aemilius Lepidus ay bumuo ng Ikalawang Triumvirate.
Tinalo ng Ikalawang Triumvirate sina Brutus at Cassius—mga nagpapatay kay
Caesar—at hinati nila ang teritoryong nasa ilalim ng Roma. Ang mga teritoryo sa silangan
at ang Ehipto ay napunta kay Mark Antony. Ang Italya at ang mga teritoryo sa kanluran ay
napunta kay Octavian. Ang Aprika ay napunta kay Lepidus.
Copyright © 2018 Quipper Limited
29
Hindi nagtagal, nabuwag din ang Ikalawang Triumvirate. Nawalan ng impluwensiya
si Lepidus dahil sa akusasyon na pinipilit niyang mang-agaw ng kapangyarihan. Noong 32
BCE, nagkaroon naman ng digmaan sa pagitan nina Octavian at Antony. Noong 31 BCE, sa
Labanan ng Actium, natalo ni Octavian ang mga hukbo ni Antony at ni Cleopatra ng Ehipto.
Nagpakamatay si Antony kasama si Cleopatra sa Ehipto matapos ang kanilang pagkatalo.
Si Octavian ang naging pinakamalakas sa buong Roma, at pagkatapos ng apat na taon, siya
ang naging unang emperador dito.
Ang Pagtatatag ng Imperyong Romano Upang hindi siya ituring bilang diktador, ipinangako ni Octavian na bababa siya sa
kaniyang posisyon dahil alam niya na ang Senado (na tinanggalan niya ng oposisyon) ay
magpupumilit na ituloy ang kaniyang pamumuno. Imbes na tawagin ang sarili bilang
diktador, tinawag niya ang sarili bilang princeps na nangangahulugang “unang
mamamayan.” Binigyan naman siya ng titulo na Augustus ng Senado na nangangahulugang
“dakila.”
Maraming repormang isinagawa si Octavian bilang Augustus. Nagtatag siya ng
konstitusyonal na monarkiya. Inireporma niya ang mga hukbo at binigyan niya ang mga
sundalo ng mga benepisyo at lupa. Nagsagawa rin siya ng mas maraming serbisyong
pampubliko, katulad ng pagpapagawa ng mga daan, paagusan ng tubig papunta sa mga
tahanan, pagtatatag ng grupo ng bumbero, pagbibigay ng libreng pananim sa mahihirap,
at pagtanggal ng korupsyon.
Ang pinakamahalaga niyang
ambag ay ang Pax Romana
(31 BCE - 180 CE), ang yugto ng
kapayapaan, pagkakaisa, at
pagyabong ng literatura at sining
sa Imperyong Romano.
Ang teritoryo ng Roma ay naging
mapayapa at nagkakaisa sa
ilalim ng iisang pinuno.
Nagtagal ang yugtong ito kahit
nagtapos na ang pamumuno ni
Augustus.
Pax Romana
Copyright © 2018 Quipper Limited
30
Mga Sumunod na Dinastiya Ang mga sumunod na dinastiya ay hindi kasinghusay ng pamumuno ni Augustus,
gayunpaman ay napanatili pa rin ang kaayusan. Ang Dinastiyang Julio-Claudian
(14-68 CE) ay binuo ng unang apat na emperador na sumunod kay Augustus. Ang isa sa
mga pinakakilalang emperador sa dinastiyang ito ay si Emperador Nero na naging malupit
at mapang-abuso, kung kaya nawala ang pagtitiwala ng mga tao, ng Senado, at ng hukbo
sa kaniya. Nang namatay si Nero, nasadlak ang Roma sa isang madugong digmaang sibil
kung saan ang mga heneral ay nag-away-away para makuha ang trono.
Noong 69 CE, nakuha ni Vespasian ang posisyong princeps, at nagsimula ang Dinastiyang
Flavian. Noong panahon niya, ipinatayo ang Colosseum ng Roma. Naging matagumpay
siya sa pagpigil ng mga rebelyon sa Gaul at Judea. Sinundan si Vespasian ng mga anak
niyang sina Titus at Domitian. Noong panahon ni Titus, sumabog ang Mount Vesuvius na
naging dahilan ng pagkasira ng Pompeii. Ipinapatay naman si Domitian dahil sa
pagpapapatay niya sa mga prominenteng
Romano matapos ang isang rebelyon. Natapos
ang Dinastiyang Flavian sa pagkamatay ni
Domitian noong 96 CE.
Pagkatapos ng Dinastiyang Flavian, naghalal ang
Senado ng isang princep, at ang mga sumunod
na namuno ay naging kilala bilang “Limang
Huling Mabubuting Emperador” ng Roma.
Ang huli sa mga ito ay si Marcus Aurelius, isang
pilosopo. Noong panahon niya, nagkaroon ng
digmaan sa Silangan laban sa Kaharian ng
Parthia. Naging matagumpay ang Roma, ngunit
nagbalik dito ang epidemya na nakabawas sa
populasyon. Pinili ni Marcus Aurelius ang anak
niyang si Commodus bilang kahalili, ngunit
inabuso nito ang kaniyang kapangyarihan.
Nagtapos ang Pax Romana sa ilalim ng kaniyang
pamumuno.
Marcus Aurelius
Copyright © 2018 Quipper Limited
31
Pagbagsak ng Imperyong Romano Halos lahat ng nasakop na teritoryo ng Roma ay tumanggap sa awtoridad nito, ngunit
hindi nagtagal, ang ilang teritoryong katulad ng Ehipto, Gaul, at Judea ay nag-alsa laban sa
Roma. Bukod sa mga pag-aalsa, nagkaroon din ng ilang pulitikal, ekonomikal, at
panlipunang problema ang Roma.
Noong panahon ng Pax Romana, naging kilala ang hukbo para sa kanilang disiplina at
katapatan, ngunit noong 235 CE hanggang 285 CE, nagkaroon ng labanan sa pagitan ng
mga hukbo upang magkaroon ng impluwensiya at kapangyarihan.
Dahil din sa patuloy na pakikidigma, maraming siyudad at taniman ang nasira. Naging
mahirap ding mangalakal dahil sa pagkawala ng seguridad. Dahil dito, bumagsak ang
ekonomiya ng Roma.
Ang Pamumuno ni Diocletian at Constantine
Sinubukang itigil ng mga emperador na sina Diocletian at Constantine ang pagbagsak ng
Roma. Sinubukan nila na muling ibalik ang tugatog ng imperyo at ayusin ang mga
problema ng hukbo. Upang matiyak na walang mang-aagaw ng kapangyarihan sa ibang
bahagi ng imperyo, hinati ni Diocletian ang buong teritoryong Romano sa dalawa—ang
silangan at kanluran. Si Diocletian ang namuno sa silangan, at inilagay niya ang matapat
niyang heneral na si Maximilian bilang emperador ng kanluran.
Sinubukan naman ni Constantine na pagkaisahin ang imperyo. Nagpatayo rin siya ng
bagong kabisera sa Byzantium na tinawag niyang Constantinople bilang simbolo ng
bagong Roma. Pagkamatay ni Constantine, nahati muli ang imperyo.
Tuluyang Bumagsak ang Imperyong Romano
Ang imperyo sa silangan ay nanatili sa ilalim ng emperador ng Roma sa Constantinople,
ngunit ang kanlurang bahagi ng imperyo ay nahulog sa mga mananakop na Hun at
Germanic. Noong ika-4 na siglo, nahati ang kanlurang bahagi ng imperyong Romano sa
ilang kahariang Germanic sa ilalim ng mga Visigoth, Ostrogoth, Frank, at Vandal.
Constantine
Copyright © 2018 Quipper Limited
32
Isa-isahin ang hinihingi.
A. Ilista ang tatlong kasapi ng Unang Triumvirate
1. ______________________________
2. ______________________________
3. ______________________________
B. Ilista ang tatlong kasapi ng Ikalawang Triumvirate
1. ______________________________
2. ______________________________
3. ______________________________
C. Bigyan ng kahulugan ang sumusunod na salita.
1. Pax Romana :
2. Imperyong Romano :
3. Princeps :
4. Dinastiyang Julio-
Claudian
:
Suriin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
33
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng salitang triumvirate?
2. Sino ang nagpapatay kay Julius Caesar?
3. Sa pumumuno nino nagtapos ang Pax Romana?
Noong 400 CE, hindi alam ng mga Romano na bumabagsak na ang kanilang sibilisasyon.
Ayon sa mga eksperto, ang kasalukuyang sibilisasyon ay nasa proseso na ng “pagbagsak.”
Batay sa mga nasaksihan o naranasan ng mga Romano sa kanilang imperyo, ano ang mga
senayales o palatandaan ng “pagbagsak” ng sibilisasyon? Pangatuwiranan.
Maghanap ng sampung halimbawa ng estrukturang ipinatayo noong Imperyong
Romano. Ilarawan ang mga ito gamit ang tsat sa ibaba.
Estruktura Paglalarawan
Sagutin Natin
Pag-isipan Natin
Gawin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
34
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa Inaasahan
[50%]
Kailangan pa ng
Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay Marka
Nilalaman Nakapaglista ng
isa-tatlong
estruktura
lamang; wala o
kulang ang
kasanayan sa
pananaliksik at
pagpapaliwanag
Nakapagbigay ng
apat-anim na
estruktura;
kailangang
masanay sa
pananaliksik at
pagpapaliwanag
Malinaw na
nakapagtala ng
pito-siyam na
estruktura;
naipakita ang
kakayahan sa
pananaliksik at
pagpapaliwanag
Kumpleto,
napakalinaw, at
tama ang
nilalaman ng
talahanayan;
naipakita ang
husay sa
pananaliksik at
pagpapaliwanag
Kaayusan
at Kalinisan
Walang
kaayusan at
napakadumi ng
output;
napakaraming
nakitang bura,
dumi o
pagkakamali
Kailangang
matutong
maging maayos
at malinis sa
paggawa;
maraming
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Maayos at
malinis ang
output; may ilang
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Napakaayos at
napakalinis ng
ipinasang output;
walang nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
Panahon ng
Paggawa
Nakapagpasa ng
output sa loob ng
ilang minuto/
oras/araw/linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa dahil
ipinaalala ng
guro
Nakapagpasa ng
output sa loob ng
ilang minuto/
oras/araw/linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
Nakapagpasa ng
output sa
itinakdang
minuto/oras/
araw/linggo ng
pagpapasa
Nakapagpasa ng
output bago pa
ang itinakdang
minuto/oras/
araw/linggo ng
pagpapasa
KABUUAN
Copyright © 2018 Quipper Limited
35
Aralin 4
Kontribusyon ng Klasikong Kabihasnan
ng Roma sa Daigdig
Nang sakupin ng mga Romano ang mga lungsod-estado ng Gresya, maraming Griyego ang
pumunta sa Italya. Dinala rin ng mga Romanong heneral ang mga gawang sining at aklat
ng mga Griyego nang bumalik sila sa Roma. Kumalat ang kaalamang Gresya sa Roma at
maraming Romano ang tumungo sa Athens upang mag-aral. Lumalabas na
naimpluwensiyahan ng Gresya ang Kabihasnang Romano. Gayunpaman, may sariling
katangian ang Kabihasnan ng Roma.
• Ano ang mga pamana o ambag ng mga Romano sa daigdig?
• Paano maipakikita ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng Klasikong
Kabihasnan ng Roma sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan?
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang napahahalagahan ang
mga kontribusyon ng klasikong kabihasnan ng Roma sa pag-unlad ng pandaigdigang
kamalayan.
Colosseum
Copyright © 2018 Quipper Limited
36
Tukuyin at ilagay sa tamang kahon ang sumusunod na mahalagang kontribusyon:
Twelve Tables Odyssey Arch
Colosseum Labanan ng mga gladiator Parthenon
Doric Stoicism Pythagorean theorem
Griyego Romano
Subukan Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
37
Katulad ng kabihasnan sa Gresya, ang mga
konstribusyon ng Klasikong Kabihasnan ng
Roma ay sumasaklaw sa iba’t ibang larangan,
katulad ng kasaysayan, literatura, arkitektura
at sining, agham, batas, pilosopiya, at mga
libangan.
Mga Ambag sa Larangan ng
Kasaysayan at Literatura Marami sa ambag ng mga Romano ay may impluwensiya ng kabihasnang Gresya.
Ang isang halimbawa ay si Plautus, isang manunulat ng mga dula, na humango ng mga
katangian mula sa mga komedya ng Gresya. Ang makata na si Horace ay nagsulat ng mga
tula na naghahayag ng mga Griyegong ideyal. Katulad ng Gresya, mayroon ding sariling
gawang epiko ang kabihasnang Romano. Isinulat ni Virgil ang epikong Aeneid na
nagpapahayag ng pagmamahal sa Roma, dedikasyon sa pamilya at sa estado, at halaga ng
relihiyon.
Ang isa sa mga kilalang historyador ng
kabihasnang Romano ay si Livy na sumulat ng
History of Rome. Sa kaniyang gawa, pinuri ni Livy
ang pamumuno ni Augustus dahil sa kaniyang
pababalik ng moralidad ng Roma. Si Tacitus, isa
pang historyador, ay naging kritiko sa mga
emperador ng Roma sa kaniyang mga akda na
Histories at Annals.
Mga Ambag sa Larangan ng Agham
Ang pinakakilalang siyentista noong panahon ng
mga Romano ay si Ptolemy na nag-ambag sa iba’t
ibang larangan ng agham, katulad ng matematika,
heograpiya, at astronomiya. Ang kaniyang gawa na
Almagest ang naging batayan ng kaalaman sa
Pag-aralan Natin
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na mga
salita:
• kritiko – mapanuri
• gumagana – napakikinabangan;
tumatakbo
Ptolemy
Copyright © 2018 Quipper Limited
38
astronomiya noon. Ayon kay Ptolemy, nasa gitna ng sistemang solar ang daigdig,
at ito ay pinalilibutan ay iniikutan ng araw, buwan, at ng mga planeta. Bagama’t natiyak
nang mali ang kaalamang ito, ang paliwanag ni Ptolemy ang pinaniwalaan hanggang sa
ika-16 na siglo.
Nag-ambag naman sa larangan ng medisina ang siyentistang si Galen. Sa pamamagitan ng
pag-aaral ng mga patay at buhay na hayop, inimbestigahan ni Galen ang paraan kung
paano gumagana ang mga bahagi ng katawan.
Mga Ambag sa Larangan ng Arkitektura at Sining Ang mga Romano ay humiram ng estilo ng sining sa
iba’t ibang kabihasnan, partikular sa mga Griyego.
Ipinagpatuloy ng mga Romano ang estilong realistiko
sa paglilok ng mga rebulto tao. Ang mga eskultura
din ay ginamit upang maipakita ang kadakilaan ng
Imperyong Romano.
Sa kabilang banda, ang arkitekturang Romano ay
nagbigay-halaga sa panloob at panlabas na hitsura
ng kanilang arkitekto. Madalas na gumamit ng mga
arko, kupola, at simboryo ang mga estruktura ng
mga Romano. Ang isa sa kanilang pinakakilalang
gawang arkitektura ng mga ay ang Pantheon na
ipinatayo sa ilalim na pamumuno ng emperador na
si Hadrian. Nagpatayo rin ang mga Romano ng mga
aqueduct, ampitheater, pampublikong paliguan, at
mahuhusay na daan at tulay.
Mga Ambag sa Larangan ng Batas May dalawang klase ng batas sa Roma: ang jus civile (civil law) at jus gentium (law of nations).
Ang jus civile ay nabuo sa panahon ng salungatan sa pagitan ng mga patrician at plebeian.
Ito ay binuo ng The Twelve Tables o mga batas kriminal sa estadong Romano, mga batas na
ginawa ng asambleya, mga desisyon ng mga hukom, mga panuntunan ng mga emperador,
at mga komentaryo ng mga dalubhasa sa batas. Ang jus gentium naman ay nabuo nang
simulan ang pagpapalawak ng teritoryo ng Roma sa kanilang pananakop ng ibang
kabihasnan. Ito ay binuo ng mga batas ng mga Romano at mga prinsipyo na nagmula sa
Interior of the Pantheon, iginuhit ni
Giovanni Paolo Panini, c. 1734
Copyright © 2018 Quipper Limited
39
mga batas ng ibang kabihasnan. Naniwala ang mga Romanong dalubhasa na dapat
naaayon ang jus gentium sa natural na batas o natural law na nagbubuklod sa lahat ng tao
na nagmumula sa iba’t ibang kultura at kabihasnan. Ang mga batas na nabuo ng mga
Romano ang naging batayan ng mga teritoryong napasailalim dito. Ginamit pa rin ang mga
ito pagkatapos bumagsak ng Imperyong Romano.
Mga Ambag sa Larangan ng Pilosopiya Ang stoicism ay ang pangunahing pilosopiya noong panahon ng Pax Romana. Naniwala
ang mga Stoic na ang uniberso ay naaayon sa katuwiran, at mahalaga ang kakayahang
intelektuwal ng tao. Ayon sa kanila, ang moralidad ay nagmumumula sa katuwiran, at ang
mga tao ay nakadepende sa kanilang pag-iisip upang maging mabubuting indibiduwal.
Naniwala rin sila na makakamit ang pinakamataas na kabutihan sa mundo. Dumaan sa
pagbabago ang paniniwala ng mga Stoic tungkol sa Diyos. Noong simula, naniwala ang
mga Stoic na kinakailangan ang Diyos upang maintindihan ang pagkakaayos ng uniberso.
Ang mga sumunod na Stoic ay naniwala naman na ang Diyos ay mahalaga rin upang
makapamuhay nang may moralidad ang mga tao. Ang ilan sa kilalang Stoic sa Kabihasnang
Romano ay sina Epictetus, Emperador Marcus Aurelius, at Seneca.
Mga Ambag sa Larangan ng Libangan Ang mga Romano ay nahilig sa mga
libangan na maituturing na barbaro,
katulad ng mga labanan hanggang
kamatayan sa pagitan ng mga
gladiator at mga hayop. Ang
mgagladiator ay madalas na mga
alipin o mga bilanggong sinasanay
upang makipaglaban hanggang
kamatayan laban sa iba pang mga
gladiator o mga hayop, katulad ng
toro at elepante. Ang iba pang
libangan sa Roma ay ang mga karera
ng chariot at mga palabas ng
mababangis na hayop. Bagama’t
naging isa sa mga paboritong aliwan ng mga Romano ang paglalaban ng mga gladiator,
hindi lahat ng tao ay sumuporta rito. Halimbawa nito ay ang Stoic na si Seneca.
Labanan ng mga gladiator
Copyright © 2018 Quipper Limited
40
Isa-isahin ang hinihingi.
A. Maglista ng limang kontribusyon ng Klasikong Kabihasnan ng Roma sa daigdig.
1. _____________________________________________________________
2. _____________________________________________________________
3. _____________________________________________________________
4. _____________________________________________________________
5. _____________________________________________________________
B. Maglista ng limang tanyag o mahalagang tao na nakapag-ambag ng kanilang
kaalaman at kasanayan sa klasikong kabihasnan ng Roma.
1. _____________________________________________________________
2. _____________________________________________________________
3. _____________________________________________________________
4. _____________________________________________________________
5. _____________________________________________________________
Suriin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
41
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Sino si Ptolomy? no ang kaniyang dakilang ambag sa agham?
2. Ano ang stoicism?
3. Bakit kakaiba at itinuring na barbaro ang libangan ng mga Romano?
Paano dapat itaguyod ng mga tao ang mahahalagang ambag ng kabihasnang Romano?
Bakit mahalagang magkaroon ng isang malakas at matalinong lider na may higit na
kasanayan sa larangan ng pakikidigma?
Punan ang tsart.
1. Piliin at itala ang tatlong pinakamahalagang kontribusyon ng Kabihasnang Romano.
2. Ipaliwanag kung bakit ito ang napili.
3. Suriin ang mga itinalang pinakamahahalagang pamana at ang isinulat na paliwanag.
Pumili ng isang pinakanamumukod-tangi at pinakanakaimpluwensiya sa buong
mundo.
4. Ipaliwanag kung bakit ito ang napili.
Romano
1. Pinakamahalaga
2. Paliwanag
3. Pinaka namumukod-tangi
4. Paliwanag
Sagutin Natin
Pag-isipan Natin
Gawin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
42
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa ng
Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay Marka
Nilalaman Malabo at
magulo ang
talahanayan,
kulang ng
maraming
detalye; wala o
kulang ang
kasanayan sa
pagsusuri at
pagpapaliwanag
Medyo malinaw
ang
talahanayan,
kulang ng
maraming
detalye;
kailangang
masanay sa
pagsusuri at
pagpapaliwanag
Kumpleto at
malinaw ang
talahanayan,
kulang ng ilang
detalye;
naipakita ang
kakayahan sa
pagsusuri at
pagpapaliwanag
Kumpleto,
napakalinaw, at
tama ang
nilalaman ng
talahanayan;
naipakita ang
husay sa
pagsusuri at
pagpapaliwanag
Kaayusan at
Kalinisan
Walang
kaayusan at
napakadumi ng
output;
napakaraming
nakitang bura,
dumi o
pagkakamali
Kailangang
matutong
maging maayos
at malinis sa
paggawa;
maraming
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Maayos at
malinis ang
output; may ilang
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Napakaayos at
napakalinis ng
ipinasang output;
walang nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
Panahon ng
Paggawa
Nakapagpasa ng
output sa loob
ng ilang minuto/
oras/araw/linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa dahil
ipinaalala ng
guro
Nakapagpasa ng
output sa loob
ng ilang minuto/
oras/araw/linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
Nakapagpasa ng
output sa
itinakdang
minuto/oras/
araw/linggo ng
pagpapasa
Nakapagpasa ng
output bago pa
ang itinakdang
minuto/oras/
araw/linggo ng
pagpapasa
KABUUAN
Copyright © 2018 Quipper Limited
43
Hindi naging madali ang pamamahala sa napakalawak na Imperyong Romano. Napilitang
ipamahagi ng mga pinunong Romano ang kanilang kapangyarihan sa mga heneral at
gobernador sa malalayong teritoryo. Sa kabila nito, ang pamahalaang Romano ay naging
patas sa kabuuan ng imperyo. Napanatili nitong nagkakaisa ang Europa sa mahabang
panahon. Gayunpaman, ang pagkakabuklod ay sinabayan ng pagpapatupad ng
kapangyarihan ng mga sundalong Romano. Namuno ang mga Romano at pinagsilbihan
sila ng mga tao. Naniwala ang mga Romano na bagaman maliit o kakaunti lamang ang
karapatan ng mga tao, masuwerte pa rin sila dahil bahagi at protektado sila ng mataas na
kabihasnan laban sa sa mga barbaro.
Karagdagang Kaalaman
Larawan ng Pagbagsak ng Imperyong Romano
Copyright © 2018 Quipper Limited
44
Dahil ang imperyo ay napakalawak at napakaraming suliranin sa Roma, dahan-
dahang gumuho ang kapangyarihan nito. Patuloy na sinasalakay ng mga tribong barbaro
ang mga teritoryo ng imperyo. Mga bandang 450 CE, napakahina na ng imperyong
Romano, halos hindi na nila maitaboy ang mga barbaro. Kinailangang ipadala ang mga
sundalong Romano sa malalayong lalawigan para bantayan ang Italya, maging ang Roma.
Subalit, lubhang malakas na ang puwersa ng mga barbaro at ang dakilang lakas ng
imperyong Romano ay natapos na. Nang bumagsak ang Roma, nagkahiwa-hiwalay na rin
ang buong imperyo. Laganap na ang mga barbaro at hindi na ligtas maglakbay sa mga
lansangan. Hindi na rin kayang ipagatuloy ang kalakalan. Marami ang umalis sa lungsod
dahil palagi itong sinasalakay, ninanakawan, at sinusunog ng mga barbaro.
Sa tiyempong wala na ang mga batas ng mga Romano at wala na ring mga sundalong
tumutulong sa mga tao, ang buong Europa ay pumasok sa tinatawag sa kasaysayan na
Mga Gitnang Panahon o Middle Ages. Sa panahong ito, lumiit o halos nawala ang mga
siyudad. Nasira ang mga lansangan. Nawala ang mga negosyo. Ang edukasyon ay halos
hindi pinahahalagahan maliban sa simbahan. Ang malawak na imperyong Romano ay
napalitan ng maliliit at hiwa-hiwalay na kaharian.
Bumuo ng apat na pangkat sa klase. Ipasuri ang sumusunod at magdaos ng
makabuluhang talakayan. Pangunahing layunin ng talakayan na mabigyan ng
malinaw na kasagutan ang sumusunod na tanong o suliranin.
1. Sang-ayon ba kayo sa pahayag na ito: “Hindi bumagsak ang imperyong Romano,
pinalawig lamang ito.”
2. Sino ang mas mabubuti o mahuhusay na mamamayan – ang mga Griyego o
Romano? Pangatuwiranan. Paano magiging mas mabubuti o mahuhusay na
mamamayan ng mundo ang mga Pilipino?
3. Sa anong sentido maaaring sabihin na ang mga suliranin ng Roma ay sanhi ng
paglakas o pagdami ng mga karapatang demokratiko ng mga plebeian o
pangkaraniwang tao? Suportahan ang sagot.
4. Ano ang larawan o sitwasyon ng kasalukuyang kabihasnan kung lumawig pa ng
50-100 taon ang imperyong Romano?
Pagyamanin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
45
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa
ng Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay Marka
Pagtatanghal Napakagulo ng
ipinamalas
talakayan;
nakaaantok
panoorin;
walang malinaw
na tunguhin at
hindi
napalutang ang
pangunahing
layunin; hindi
nasagot ang
tanong
Medyo magulo
ang ipinakitang
pagsusuri at
talakayan;
medyo walang
ganang
panoorin; hindi
nakamit ang
pangunahing
layunin at hindi
rin nalutas ang
suliranin
Nairaos nang
maayos ang
talakayan;
bahagyang
nakahihikayat;
natamo ang
pangunahing
layunin at
nasagot ang
tanong
Napakaayos,
napakahusay,
at napakalinaw
ng pagsusuri at
talakayan;
tunay na
nakahihikayat;
natamo ang
pangunahing
layunin at
nalutas ang
suliranin
Pagpapahalaga Nangailangan
ng paggabay
kahit sa
simpleng
gawain;
madaling
umayaw;
umaasa sa iba
Nakayang
gawin ang
madadaling
bahagi,
nangailangan
ng paggabay;
ginawa muna
ang mahihirap
na bahagi,
maaaring
umayaw kung
walang
paggabay
Nakayang
gawin ang
mahihirap na
bahagi,
nangailangan
ng paggabay;
ginawa muna
ang mahihirap
na bahagi, kaya
pa ring
magpatuloy
kahit walang
paggabay
Pinaghirapan at
pinaghandaang
mabuti ang
gawain, hindi
na
nangailangan
ng paggabay;
madaling
nakaugnay at
natapos sa oras
ang gawain
Copyright © 2018 Quipper Limited
46
Pakikilahok
ng Bawat
Indibiduwal
Hindi nakilahok
at walang
interes sa
paghahanda at pagsasakatuparan
ng gawain
May
naipakitang
kaunting
interes at
pakikilahok sa
paghahanda at pagsasakatuparan
ng gawain
Nagpakita ng
interes subalit
hindi gaanong
nakilahok sa
paghahanda at pagsasakatuparan
ng gawain
Nagpakita ng
masidhing
interes at
aktibong
pakikilahok sa
buong
paghahanda at pagsasakatuparan
ng gawain
KABUUAN
Ka
bih
asn
an
g K
lasi
ko
ng
Ro
ma
Sinaunang Roma
Republikang Romano
Imperyong Romano
Mga Ambag
Paglalagom
Copyright © 2018 Quipper Limited
47
Ang sumusunod na link ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o mas
malalim na pagtalakay:
• Ancient Rome in 20 Minutes ni Arzamas
(https://www.youtube.com/watch?v=46ZXl-V4qwY)
• The Roman Republic ng Great Military Battles
(https://www.youtube.com/watch?v=1eAM_FHyWvQ)
• The Roman Empire ng AgeOfAntiquity
(https://www.youtube.com/watch?v=cZx7Rr3iVvc)
• More Clues in the Legend (or Is It Fact?) of Romulus
(https://www.nytimes.com/2007/06/12/science/12rome.html)
DAPAT TANDAAN
• Ang Roma ay matatagpuan sa kapatagan ng Latium sa gitnang kanlurang
bahagi ng Italya.
• Itinatag ang Roma noong 753 BCE. Ayon sa mga tala, ang sinaunang Roma
ay pinamahalaan ng monarkiya.
• Matapos mapatalsik ang huling hari ng mga Etruscan noong 509 BCE,
itinatag ng mga Romano ang republika na pinamunuan ng dalawang konsul.
• Ang lipunan ng Republikang Romano ay binuo ng mga patrician at mga
plebeian.
• Ang Imperyong Romano ay itinatag sa ilalim ng pamumuno ni Octavian
o Augustus na nagpasimula ng tugatog ng kabihasnang Romano na tinawag
na Pax Romana.
• Ang mga konstribusyon ng Klasikong Kabihasnan ng Roma ay
sumasaklaw sa larangan ng kasaysayan, literatura, arkitektura at sining,
agham, batas, pilosopiya, at mga libangan.
Dagdag Sanggunian
Copyright © 2018 Quipper Limited
48
Aralin 1: Sinaunang Roma
Subukan Natin
Ayon sa alamat, matapos matalo ang Troy sa Digmaang Trojan laban sa mga Mycenaean,
ang bayani ng Troy na si Aeneas ay tumakas at nagtatag ng pamayanan sa Italya. Si Aeneas
ang pinaniniwalaang ninuno ng mga nagtatag ng Roma. Ang nagtatag ng Roma ay ang
kambal na sina Romulus at Remus, mga anak ni Rhea Silvia at ni Mars, ang diyos ng
digmaan. Para mamatay, ipinatapon ang kambal sa Ilog Tiber, ngunit sila ay natagpuan ng
isang babaeng lobo na siyang nag-alaga sa kanila. Natagpuan sila ng pastol na si Faustulus.
Pinatalsik nina Romulus at Remus ang haring si Amulius, at itinatag nila ang Roma sa
pamayanan kung saan sila nailigtas. Dahil sa isang pagtatalo, pinatay ni Romulus si Remus,
at siya ang naging unang hari ng Roma. Humanap si Romulus ng mga taong nais
manirahan sa kaniyang pamayanan, ngunit ang karamihan ng sumama sa kaniya ay
kalalakihan. Kaya naman, ninakaw niya ang kababaihang Sabine upang dumami ang
populasyon ng Roma.
Suriin Natin
A.
1. Mali
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Tama
B.
Alinman sa sumusunod:
1. Numa Pompilius
2. Tullus Hostilius
3. Ancus Marcius
4. Lucius Tarquinius
5. Priscus Servius Tullius
6. Tarquinius Superbus
Gabay sa Pagwawasto
Copyright © 2018 Quipper Limited
49
Aralin 2: Republikang Romano
Subukan Natin
Malaya ang mga mag-aaral na ipahayag ang kanilang pananaw o sagot.
Suriin Natin
A.
1. B
2. A
3. C
4. F
5. G
B.
Anuman ang pagkakasunod-sunod:
1. Senado
2. Popular na Asambleya
C.
1 – 2 – 3
Aralin 3: Imperyong Romano
Subukan Natin
• Crassus, Pompey, Ceasar
• Octavian, Antony, Lepidus
Suriin Natin
A.
1. Crassus
2. Pompey
3. Ceasar
Copyright © 2018 Quipper Limited
50
B.
4. Octavian
5. Antony
6. Lepidus
C.
1) Panahon ng kapayapaan sa Roma
2) Napagbuklod ang buong Europa; lumaganap sa Europa, Kanlurang Asya, at
Hilagang Aprika
3) Titulong nangangahulugang “unang mamamayan”
4) Ang Dinastiyang Julio-Claudian (14-68 CE) ay binuo ng unang apat na emperador na
sumunod kay Augustus.
Aralin 4: Kontribusyon ng Klasikong Kabihasnan ng Roma sa Daigdig
Subukan Natin
Griyego Romano
• Odyssey
• Parthenon
• Doric
• Pythagorean Theorem
• Twelve tables
• Arch
• Colosseum
• Labanan ng mga gladiator
• Stoicism
Suriin Natin
A. Alinman sa sumusunod:
1. Almagest
2. Estruktutang arko, kupola, at simboryo
3. Twelve tables
4. Stoicism
5. Labanan ng mga gladiator
6. Karera ng mga chariot
Copyright © 2018 Quipper Limited
51
B. Alinman a sumusunod:
1. Epictetus
2. Emperador Marcus Aurelius
3. Seneca
4. Galen
5. Ptolomy
6. Virgil
7. Tacitus
8. Livy
"Romulus and Remus." Encyclopaedia Britannica. Nakuha mula sa https://www.brita
nnica.com/biography/Romulus-and-Remus.
"The Beginnings of Rome: Rome Under the Monarchy." Penfield Central School
District. Nakuha mula sa http://www.penfield.edu/webpages/jgiotto/online
textbook.cfm?subpage=1660456.
"The Seven Kings of Rome: History & Summary." Study.com. Nakuha mula sa
http://study.com/academy/lesson/the-seven-kings-of-rome-history-lesson.html.
"The Seven Kings." University of Dallas. Nakuha mula sa http://dante.udallas.edu/
hutchison/Seven_kings/seven_kings_index.htm.
Perry, Marvin. Western Civilization: A Brief History, 10th Ed. USA: Wadsworth, Cengage
Learning, 2013.
Spielvogel, Jackson. Western Civilization, 9th Ed. USA: Cengage Learning, 2015.
Sanggunian
Recommended