Upload
others
View
22
Download
4
Embed Size (px)
Citation preview
Copyright © 2018 Quipper Limited
1
ARALING PANLIPUNAN
BAITANG 6, YUNIT 3
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Pilipinas TALAAN NG NILALAMAN
Introduksyon 3
Aralin 1: Ang Sekularisasyon at ang Cavite Mutiny ng 1872 4
Layunin Natin 4
Subukan Natin 5
Alamin Natin 6
Pag-aralan Natin 6
Suriin Natin 11
Sagutin Natin 12
Pag-isipin Natin 12
Gawin Natin 12
Aralin 2: Ang Kilusang Propaganda sa Pilipinas 14
Layunin Natin 14
Subukan Natin 15
Alamin Natin 16
Pag-aralan Natin 16 Suriin Natin 24
Sagutin Natin 25
Pag-isipin Natin 25
Gawin Natin 25
Aralin 3: Ang Kataas-taasang Kagalang-galangang
Katipunan ng mga Anak ng Bayan 28
Layunin Natin 28
Subukan Natin 29
Alamin Natin 30 Pag-aralan Natin 30
Suriin Natin 36
Copyright © 2018 Quipper Limited
2
Sagutin Natin 37
Pag-isipin Natin 37
Gawin Natin 37
Aralin 4: Ang Pag-aalsa sa iba’t ibang Bahagi ng Pilipinas 40
Layunin Natin 40
Subukan Natin 41
Alamin Natin 42
Pag-aralan Natin 42
Suriin Natin 46
Sagutin Natin 47
Pag-isipin Natin 47
Gawin Natin 47
Karagdagang Kaalaman 49
Pagyamanin Natin 51
Paglalagom 54Dapat Tandaan 55
Dagdag Sanggunian 56
Gabay sa Pagwawasto 56
Sanggunian 60
Copyright © 2018 Quipper Limited
3
BAITANG 6 | ARALING PANLIPUNAN
YUNIT 3
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Pilipinas
Ang GOMBURZA
Bunga ng pagpasok ng malayang kaisipan sa bansa noong ika-19 na siglo, namulat ang
mga Pilipino sa hindi pantay na pamamalakad ng mga Espanyol. Sinubukan nilang humingi
ng mga pagbabago sa mapayapang paraan, subalit tila bingi ang Espanya sa hiling ng mga
Pilipino. Ang pag-aaklas laban sa Espanya ang naging mitsa ng pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino.
Ano ang nasyonalismo? Anong mga salik o pangyayari ang nagtulak sa mga Pilipino upang
mapag-alab ang kanilang nasyonalismong diwa? Bakit at gaano kahalaga para sa isang
nasyon o bansa ang nasyonalismo o diwang makabayan?
Saklaw ng yunit na ito ang sekularisasyon at ang Cavite Mutiny ng 1872, Kilusang
Propaganda sa Pilipinas, Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng
Bayan, at pag-aalsa sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Copyright © 2018 Quipper Limited
4
Aralin 1
Ang Sekularisasyon at ang Cavite Mutiny ng 1872
Ang Cavite Mutiny ng 1871
Naging malaking usapin para sa mga paring Pilipino at Espanyol ang pamamahala sa mga
parokya o simbahan sa kolonyang Pilipinas. Dahil sa alitang “kayumanggi” at “puti,” nabuo
ang sekularisasyon ng mga simbahan. Samantala, ang nangyaring pag-aalsa sa Cavite
noong 1871 ay isinisi sa GOMBURZA, ang tumayong lider ng sekularisasyon.
Ano ang sekularisasyon? Bakit nangyari ang Cavite Mutiny? Paano nakatulong ang mga
pangyayaring ito sa paglago ng nasyonalismong Pilipino?
Sa araling ito, matutuklasan natin ang mahahalagang pangyayaring nasa likod ng isyu ng
sekularisasyon at Cavite Mutiny.
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natatalakay ang
kilusan para sa sekularisasyon ng mga parokya at ang Cavite Mutiny ng 1872.
Copyright © 2018 Quipper Limited
5
Tukuyin ang ipinahihiwatig ng bawat larawan kung ito ay tungkol sa RELIHIYON o sa
PULITIKA. 1
1. _____________________
2. ____________________
3. _____________________
4. ____________________
Subukan Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
6
Noong 1834, binuksan ng Espanya ang
Pilipinas sa kalakalang pandaigdigan.
Kasabay ng pag-unlad ang komersiyo sa
bansa ay ang pagparoon at parito ng mga
dayuhang Ingles, Amerikano, Pranses, at iba
pang lahi sa Asya at sa Kanluran.
Lumaganap din sa Pilipinas ang kaisipang
liberal sa pamamagitan ng himagsikan sa
Espanya noong 1868, pagbukas ng Suez
Canal, pamumuno sa Pilipinas ni Carlos
Maria de la Torre, at pagsikat ng gitnang-
uring lipunang Pilipino. Ang mga nabanggit
ang paunang pangyayari na naging daan sa
pag-unlad ng nasyonalismong Pilipino.
Ang pag-unlad ng nasyonalismong Pilipino
ay lalo pang pinaigting ng isyu ng
sekularisasyon, Cavite Mutiny ng 1872, at
pagbitay sa tatlong paring Pilipino.
Ang Sekularisasyon
Matatandaang may dalawang uri ng pari sa
panahong kolonyal sa Pilipinas---ang sekular
at regular. Kontrolado ng mga paring
Espanyol ang mga simbahan lalo na ang
nasa malalaki at mayayamang lungsod at
bayan.
Ang sekularisasyon ay ang paglilipat ng pamamahala ng mga parokya o simbahan sa mga
Pilipinong pari o mga paring sekular. Napunta sa pamamalakad ng mga paring sekular ang
mga parokya nang patalsikin sa Pilipinas ang mga paring Heswita noong 1768. Subalit,
nagkaroon ng isyu sa patakarang ito ang mga prayleng Espanyol o mga paring regular.
Pag-aralan Natin
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na mga
salita:
• komersiyo – negosyo
• kaisipang liberal – malaya o bukas
na kaisipan
• pinaigting – pinatibay, pinag-ibayo
• liturhiya – misa, pampublikong
pagsamba
• insulares – Espanyol na isinilang
sa Pilipinas
• vicar capitular – pansamantalang
kahalili ng isang obispo
• kura-paroko – pari
• eksempsiyon – puwera o hindi
pagbabayad
• nagbunsod – nagtulak, naging
dahilan
• sedisyon - panunulsol laban sa sa
pamahalaan
• garote – paraan ng pagpatay sa
pamamagitan ng pagsakal
• kinikimkim – dinadala sa puso
Copyright © 2018 Quipper Limited
7
Para sa kanila, hindi maaaring mamahala ng isang parokya at manguna sa mga
liturhiya ang isang paring Pilipino dahil siya ay isang indio o mababang-uri ng tao.
Ang hindi pagpayag ng mga prayle sa pamumuno ng mga paring sekular ay nanatili bilang
isang isyu ng diskriminasyon laban sa lahing Pilipino. Ito rin ang pinagmulan ng isyu ng
sekularisasyon.
Sa paglipas ng mga taon, unti-unting nabawasan
ang mga simbahang hawak ng mga paring sekular.
Bukod pa rito, tuwing nagkakaroon ng mga bagong
parokya sa Pilipinas ay ipinauubaya ang
pamamalakad nito sa mga paring Espanyol.
Kaya naman, sa pamumuno ni Pedro Pelaez, isang
insulares na naging vicar capitular ng Maynila
noong 1861, nag-alsa ang mga paring sekular sa
pamamagitan ng paglaban sa kautusang
pumapabor sa mga prayle. Naging mas maigting
pa ang usapin ng sekularisasyon nang bumalik ang
mga paring Heswita noong 1859. Ang mga parokya
sa Mindanao na hawak ng mga paring sekular ay
ibinigay sa mga paring Heswita. Dulot nito,
nabawasan pa ang noon ay kaunti nang bilang ng
parokya na pinamumunuan ng mga paring Pilipino.
Sa mata ng mga paring sekular, ito ay paraan ng
pamahalaan ng Espanya upang mapigilan ang
pagsikat ng mga Pilipinong pari. Sampung taon
matapos ang pagbabalik ng mga Heswita, 181 sa 792 na lamang na parokya sa Pilipinas
ang hawak ng mga Pilipino.
Hindi naglaon ay sumulat si Pelaez kay Reyna Isabella II ukol sa hindi pantay na pagtrato sa
mga Pilipinong pari. Walang naidulot na pagbabago ang pagsulat na ito, at sa pagkamatay
ni Padre Pelaez noong 1863, pansamantalang natigil ang paglaban sa karapatan ng mga
Pilipinong pari.
Ipinagpatuloy ng mag-aaral ni Pelaez, si Jose Burgos, ang paglaban sa karapatan ng mga
paring sekular. Ipinahayag niya na ang mga paring Pilipino ay may kakayahang
magpatakbo ng mga parokya, at ginamit niyang halimbawa ang desisyon ni Arsobispo
Sina Gomez, Burgos, Zamora ay
mga Paring Sekular
Copyright © 2018 Quipper Limited
8
Gregorio Meliton Martinez na turuan ang mga paring sekular kung paano maging
mabubuting kura-paroko. Nanawagan si Burgos sa reyna na bigyan ang mga paring
Pilipino ng pagkakataon na patunayan na sila ay makapapantay sa mga paring Espanyol.
Ang isyu ng sekularisasyon ay nagdulot ng pagkakaisa ng mga paring Pilipino. Nagpatatag
ito ng identidad o pagkakakilanlan nila bilang mga Pilipino, lalo na at naging kalaban nila
ang mga prayle na mga purong Espanyol. Sa unang pagkakataon, ang tawag na “Filipino”
ay tumukoy hindi lamang sa mga Pilipino-Espanyol kung hindi pati sa mga katutubong
Pilipino.
Kahit may alituntuning pabor sa mga paring Pilipino, binalewala ito ng mga paring
Espanyol. Ayaw ipagkaloob ng mga paring regular ang pamamahala sa mga paring sekular
dahil sa usaping yaman o salapi. May malaking halaga sa likod ng pagnanais ng mga paring
Espanyol na pamahalaan ang mga simbahan. Samantala, kung bakit nais naman ng mga
paring sekular na mamahala sa mga parokya ay sa kadahilanang nais nilang matugunan
ang pangangailangan ng kapwa nila Pilipino. Ayon sa kanila, higit nilang kilala ang kanilang
kababayan.
Ang Cavite Mutiny ng 1872 Noong 1870, naibalik ang pamahalaang monarkiya sa Espanya. Sa panahon ding ito
natapos ang liberal na pamamalakad ni Carlos Maria de la Torre bilang gobernador-
henaral ng Pilipinas. Pinalitan siya ni Rafael de Izquierdo, isang malupit na lider.
Naging mas mahirap para sa
mga Pilipino ang pagdating at
pamumuno ni Rafael de
Izquierdo sa Pilipinas. Sa
panahon ng kaniyang
pamumuno ay naganap ang
Pag-aalsa sa Cavite na kilala
rin sa tawag na Cavite Mutiny o
La Algarada Caviteña. Umaga
ng Enero 20, 1872, araw ng
suweldo para sa mga
trabahador sa arsenal ng
Cavite, nang madiskubre ng Cavite Mutiny sa Pangunguna ni La Madrid
Copyright © 2018 Quipper Limited
9
mga manggagawa na binawasan pa ang maliit nilang suweldo. Bukod pa rito,
nalaman din nila na ang kanilang eksempsiyon sa tributo (buwis) at polo y servicios
(sapilitang pagtatrabaho) ay binalewala ng bagong pamahalaan. Lahat nang ito ay ipinag-
utos ni Izquierdo. Dumagdag pa rito ang hindi pagpapasuweldo at mababang pasahod sa
mga trabahador sa monopolyo ng tabako sa Cavite.
Ang mga pangyayaring ito ay nagbunsod ng pag-aalsa ng mga Caviteño laban sa
pamahalaang kolonyal. Sa pamumuno ni La Madrid, isang punong guwardiya sa Fort San
Felipe, nag-alsa ang may 200 miyembo ng arsenal noong gabi ng Enero 20, 1872.
Sinasabing mismong si La Madrid ay madaling nabulag at nasugatan sa pangyayaring ito,
at siya ay namatay nang masabugan ng isang sako ng pulbura.
Pinalabas ng pamahalaan ng Espanya na ang nangyaring Cavite Mutiny ay bahagi ng isang
mas malaking himagsikan laban sa kanila. Pinaniwalaan ng pamahalaan na ito ay isang
hakbang ng pagpapalaya ng kolonyang bansa. Ang pangyayari ding ito ay sinamantala at
pinalala ng mga paring regular. Pilit nilang iniugnay ang mutiny sa isyu na sekularisasyon.
Idinawit nila sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora (mas
kilala sa kolektibong tawag na GOMBURZA) sa isyu ng pag-aalsa bilang mga pinuno at utak
nito. Sa mga panahong iyon, aktibo ang tatlong pari sa paglaban sa pamahalaan tungkol sa
isyu ng sekularisasyon. Ito ay paraan ng mga paring
Espanyol upang mapabagsak ang mga paring Pilipino
na ipinalalagay na sagabal sa kanilang mga balak.
Ang Pagbitay sa Tatlong Pari Nagtagumpay ang maitim na balak ng mga prayle
laban sa GOMBURZA. Ipinadakip at nilitis sila sa
salang sedisyon at pagtataksil sa Espanya. Madalian
at kahina-hinala ang paglilitis. Ang bayarang si
Francisco Zaldua ang tumestigo laban sa tatlong pari.
Subalit, hindi kailanman napatunayang may
kasalanan sa mga kasong isinampa ang GOMBURZA.
Kagaya ng inaasahan, nahatulan sila ng parusang
kamatayan sa pamamagitan ng garote.
Sa Bagumbayan (ngayon ay Luneta), umaga ng
Pebrero 17, 1872, ipinarada at iniharap sa mga tao Parusa sa Pamamagitan ng
Garote
Copyright © 2018 Quipper Limited
10
ang mga “inosenteng krimikal.” Ang pangyayaring ito ay sinaksihan ng
napakaraming Pilipino. Unang ginarote si Gomez, kasunod si Zamora, at huli si Burgos.
Suot nila ang mga abitong sadyang hindi ipinahubad ni Meliton Martinez, isang arsobispo,
sa kabila ng hiling ng simbahang Katoliko na hubarin ito. Sinasabing itinapon lamang ang
mga bangkay ng tatlo sa isang ordinaryong sementeryo sa Paco, Maynila.
Kahalagahan ng Pagkamatay ng GOMBURZA Noon, ang pagpaparusa ay sadyang ipinakikita nang lantaran upang magsilbing babala at
takutin ang mga Pilipino. Subalit iba ang pagtanggap ng mga Pilipino sa nangyaring
pagpatay sa GOMBURZA. Hindi sila nagpasindak, sa halip, naging daan ito para tuluyang
mabuo sa damdamin ng mga Pilipino ang galit na matagal na nilang kinikimkim. Naging
mas malinaw sa bawat isa na ang mga Espanyol ay walang malasakit sa mga Pilipino.
Kung nagawa nilang ipapatay ang mga alagad ng simbahan, paano pa kaya ang mga
hamak na mamamayan? Maliwanag pa sa sikat ng araw na ang mga Pilipino ay walang
pag-asa kung magpapatuloy ang ganitong kalagayan—ang pagiging alipin sa sariling
bayan. Ito ang dahilan kung bakit lubhang napakahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas ng
pagkamatay ng GOMBURZA. Nagsilang ito ng diwang makabayan o nasyonalismo. Ito ang
una sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ayon sa tala, habang binibitay ang tatlong pari ay kusang nagsiluhod ang mga Pilipinong
nakasaksi na malagim na pangyayari. Ikinagulat naman ito ng mga Espanyol. Pagkatapos,
ang mga saksing ito ay umuwi sa kani-kanilang tahanan taglay ang init ng galit sa dibdib.
Copyright © 2018 Quipper Limited
11
Punan ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng teksto.
Ang Isyu Sekularisasyon, Cavite Mutiny ng 1872,
at Pagbitay sa Tatlong Paring Martir
Noong panahong kolonyal, may dalawang uri ng pari sa Pilipinas—ang mga paring regular
o mga paring Espanyol at mga paring sekular o mga paring (1) ____________________. Malaki
ang interes ng mga paring Espanyol sa malalaking simbahan sa bansa dahil sa
(2) ____________________ . Dahil may malasakit ang mga paring Pilipino sa mga
kababayan, ipinaglaban nila ang kanilang karapatan at upang mapalakas ito, nagtatag sila
ng isang samahan o kilusang tinawag na (3) ____________________. Samantala, nang
manumbalik ang monarkiya sa Espanya, ang mabait na gobernador-heneral na si Carlos
Maria de la Torre ay pinalitan ng malupit na si (4) ____________________. Dahil sa pagtanggal
ng mga dating pribilehiyo ng mga manggagawa sa Cavite, pinamunuan ni (5)
____________________ ang isang maliit na pag-aalsa na tinawag sa kasaysayan bilang (6)
____________________. Ang pangyayaring ito ay pinalaki ng mga prayle kaya isinangkot nila at
pinagbintangan bilang mga utak nito ang tatlong pari na sina (7) ____________________ ,
Jacinto Zamora, at Mariano Gomez, mga pinuno ng sekularisasyon. Kagaya ng inaasahan,
nahatulan ng kamatayan ang GOMBURZA sa salang (8) ____________________ at pagtataksil sa
Espanya. Noong Pebrero 17, 1872, pinatay ang tatlong pari sa Luneta sa pamamagitan ng
(9) ____________________. Lubhang napakahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas ng pagkamatay
ng GOMBURZA dahil nagsilang ito ng (10) ____________________ sa mga Pilipino.
Suriin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
12
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang sekularisasyon? Bakit ito nabuo?
2. Bakit pilit na idinawit sa Cavite Mutiny ang tatlong pari?
3. Paano nakatulong ang malupit na pagpatay sa GOMBURZA sa pagsilang ng
nasyonalismong Pilipino?
May katuwiran ba ang mga paring Pilipino na kuhanin ang pamamahala sa mga parokya o
simbahan mula sa mga paring Espanyol? Bakit?
Magsaliksik upang madagdagan pa ang kaalaman tungkol sa araling tinalakay.
Paksa
Mahahalagang
Impormasyon
Paano nakatulong, hindi man
sinasadya, sa pagsibol ng
nasyonalismong Pilipino?
Heswita
Pedro Pelaez
Isabella II
La Madrid
Rafael de Izquierdo
Francisco Zaldua
GOMBURZA
Sagutin Natin
Pag-isipan Natin
Gawin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
13
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa Inaasahan
[50%]
Kailangan pa
ng Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay Marka
Paglalahad ng
Impormasyon/
Nilalaman
Wala o
nakakalap
lamang ng
kaunting
impormasyon
tungkol sa
paksa; wala o
tama ang sagot
sa isa hanggang
dalawang paksa
lamang; wala
halos natutunan
tungkol sa aralin
Nakakalap ng
ilang
impormasyon
tungkol sa
mga paksa;
tama ang
sagot sa tatlo
hanggang
apat na paksa;
nadagdagan
nang kaunti
ang
natutunan
tungkol sa
aralin
Nakakalap ng
mahahalagang
impormasyon
tungkol sa mga
paksa; tama
ang sagot sa
lima hanggang
anim na paksa;
nadagdagan
ang kaalaman
tungkol sa
aralin
Hitik na hitik sa
mahahalagang
impormasyon
tungkol sa mga
paksa; tumpak
ang lahat ng
sagot sa lahat
ng paksa; tiyak
na tiyak na
nadagdagan
ang kaalaman
tungkol sa
aralin
Kaayusan at
Kalinisan
Walang
kaayusan at
napakadumi ng
tsart;
napakaraming
nakitang bura,
dumi o
pagkakamali
Medyo hindi
maayos at
malinis ang
tsart;
maraming
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Maayos at
malinis ang
tsart; may ilang
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Napakaayos at
napakalinis ng
tsart; walang
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Panahon ng
Paggawa
Nakapagpasa ng
output sa loob
ilang minuto/
oras/araw/
linggo matapos
ang itinakdang
panahon ng
pagpapasa dahil
ipinaalala ng
guro
Nakapagpasa
ng output sa
loob ng ilang
minuto/
oras/araw/
linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng output sa
itinakdang
minuto/
oras/petsa ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng output bago
pa ang
itinakdang
minuto/
oras/petsa ng
pagpapasa
KABUUAN
Copyright © 2018 Quipper Limited
14
Aralin 2
Ang Kilusang Propaganda sa Pilipinas
Sa pagkamatay ng GOMBURZA, naging
mas maliwanag sa mga Pilipino, lalo na sa
mga may pinag-aralan o marurunong, na
wala nang pag-asang magbago ang paraan
ng pamamalakad sa ng mga Espanyol sa
kolonyang Pilipinas. Sa ganitong isipin at
sitwasyon, iniluwal ng panahon ang isang
kilusan—ang Kilusang Reporma o
Propaganda. Pinamunuan ito ng piling
makabayang Pilipino. Nagtungo sila sa
Espanya upang doon ay hingin ang
kaukulang pagbabago sa kalagayan ng
Pilipinas sa mapayapang paraan.
Ano ang Kilusang Propaganda?
Bakit asimilasyon, hindi separasyon, ang
isa sa kahilingan ng mga repormista?
Paano ipinarating ng mga Pilipino sa
Espanya ang hinihingi nilang pagbabago?
Subaybayan natin ang kahahantungan ng
Kilusang Propaganda.
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naipaliliwanag ang
ambag ng Kilusang Propaganda sa pagpukaw ng damdaming makabayan ng mga
Pilipino.
Mga Propagandista: Sina Jose Rizal, Marcelo
H. del Pilar, at Mariano Ponce
Copyright © 2018 Quipper Limited
15
Gaano mo kakilala ang mga pangunahing repormistang Pilipino?
Piliin sa anim na larawan ang tatlong repormistang Pilipino. Bilugan ang numero ng
iyong sagot. Matapos ito ay isulat ang pangalan ng mga binilugang repormista.
1. __________________ 2. _________________ 3. ___________________
4. ________________ 5. __________________ 6. __________________
Subukan Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
16
Ang pagpatay sa GOMBURZA ay nagbukas
ng bagong kabanata sa kasaysayan ng
Pilipinas. Dahil sa pangyayaring ito, isinilang
ang Kilusang Reporma o Propaganda.
Namayagpag ang kilusang ito simula 1882
hanggang 1892.
Dahil sa lumalaking pagkilos at paglaban ng
mga Pilipino, ang mga anak ng mayayamang
Pilipino o yaong nasa gitnang uring lipunan
ay pinapunta sa Europa upang doon ay mag-
aral. Habang naroroon, bumuo sila ng mga
kilusan o samahan na ang layunin ay
humingi ng reporma o pagbabago sa
pamamalakad ng mga Espanyol sa
kolonyang Pilipinas. Kasabay nito, ang mga
Pilipino na nasa Pilipinas ay sikretong
nakikipag-ugnayan sa mga Pilipino na nasa
Espanya. Sila ay nagtatag ng mga
organisasyon at kinilala bilang mga repormista o propagandista. Ang mga repormistang ito
ay kabilang sa gitnang uri. Sila ang nagpaigting ng liberal na kaisipan sa bansa.
Ang Kilusang Propaganda Ang Kilusang Propaganda ay isang samahan o kilusan ng mga Pilipino, mestizo, at ilang
Espanyol na humihingi ng pagbabago o reporma sa mapayapang paraan. Noong 1882,
itinatag ang Circulo Hispano-Filipino sa pamumuno ni Juan Atayde, isang insulares. Dahil
nabigo ang kilusan, itinatag naman ni Miguel Morayta, isa ring Espanyol, ang Asociacion
Hispano-Filipino. Ang Circulo at Asociacion ay kapwa hindi umani ng suporta dahil
karamihan sa mga kasapi nito ay mga Espanyol. Noong Disyembre 13, 1888, itinatag ang
samahan ng mga Pilipino, na nakilala sa tawag na Kilusang Reporma. Buong nasyon ang
saklaw ng ipinaglalaban ng kilusang ito hindi kagaya ng mga naunang samahan. Higit din
itong agresibo dahil kabataan ang karamihang kasapi nito.
Pag-aralan Natin
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na mga
salita:
• agresibo– mapusok, aktibo
• rebolusyonaryo –
manghihimagsik
• ilustrado – maykaya, may pinag-
aralan
• mainit sa mata – kinagagalitan,
minamatyagan
• patnugot – editor
• tumutugis – humahabol
• satirikal – mapanudyo,
mapantuya
• masonic lodge – yunit ng
Masonerya
Copyright © 2018 Quipper Limited
17
Pangunahing Misyon ng Kilusang Propaganda Ang pangunahing misyon ng kilusan ay ang pagpapabuti ng pamamahala sa kolonyang
Pilipinas. Ibig sabihin, kailangang magkaroon ng mga pagbabago sa isang nasyong
masyado nang inaalipin ng mga dayuhan.
Narito ang mga pangunahing layunin o kahilingan ng mga repormista na inilathala sa
pahayagang La Solidaridad, ang opisyal ng pahayagan ng kilusan:
1. Ang pagkakapantay-pantay ng mga Espanyol at Pilipino sa harap ng batas
(equality)
2. Ang pagkilala sa Pilipinas bilang lalawigan ng Espanya (assimilation)
3. Ang pagkakaroon ng Pilipino na magiging kinatawan ng Pilipinas sa Korte ng
Espanya (representation)
4. Ang pagpapalayas sa mga prayle at pagsasailalim ng mga parokya sa mga paring
sekular (secularization)
5. Ang pagkakaloob ng malawak na kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin (freedom of
expression)
Ninais ng mga repormista na hingin ang mga repormang ito sa maayos na paraan.
Itinuring ng mga mayayaman at intelektuwal ang mga sarili bilang mga repormista, hindi
bilang mga rebolusyonaryo. Naniwala sila na mas makapangyarihan ang pluma, papel, at
pakikipag-usap kaysa sa baril, bala, at pakikipaglaban.
Mga Pangunahing Repormista Ang mga repormista o propagandista ay mga ilustrado na nakapag-aral sa Europa.
Kabilang sila sa mayayamang pamilyang Pilipino. Lahat sila ay nagpamalas ng kani-
kaniyang kakayahan upang humingi ng reporma mula sa pamahalaan ng Espanya.
Gayunpaman, tatlo sa kanila, sina Rizal, Lopez-Jaena, at Del Pilar, ang itinuring na
pangunahing tagapangasiwa ng Kilusang Propaganda.
Jose Rizal
Si Jose Rizal, kilala sa palayaw na “Pepe,” ang itinuturing na pinakamahusay sa lahat ng
Pilipinong repormista. Siya ay ipinanganak sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861.
Sa edad na walo, nagpamalas na siya ng galing sa pagsulat sa pamamagitan ng kaniyang
tula na Sa Aking mga Kababata. Sa tulang ito, ipinahayag niya ang kaniyang pagmamahal sa
bayan sa pamamagitan ng paggamit at paggalang sa sariling wika. Natapos niya ang
kaniyang pag-aaral sa sekondarya mula sa Ateneo Municipal. Dito ay natutuhan
niya ang pagiging matapat at patas.
Copyright © 2018 Quipper Limited
18
Nakilala si Jose Rizal sa kaniyang tulang A la Juventud Filipina
(To the Filipino Youth) at dulang El Consejo delos Dioses na
parehong nanalo ng natatanging parangal sa mga
patimpalak. Gayunpaman, pinakatanyag sa kaniyang mga
akda ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na kaniyang
isinulat nang siya ay 26 taong gulang. Sa mga akdang ito,
hinikayat niya ang mga Pilipino na ipakita ang kanilang
nasyonalismo at identidad at ituring ang kanilang mga sarili
bilang kapantay ng mga Espanyol. Ibinunyag ng mga
nobelang ito ang baluktot na pamamalakad ng Espanya sa
pamahalaan at sa simbahan. Kasabay nito, ipinakita rin ng
mga akda ang mga repormang nararapat ipagkaloob sa
Pilipinas. Tinakot ni Rizal ang mga Espanyol, sa pamamagitan
ng kaniyang mga nobela, tungkol sa maaaring mangyaring
paglaban ng mga Pilipino kung hindi ipagkakaloob ang
hinihiling na reporma.
Naging isang imahe ng reporma at pagkakapantay-pantay si Rizal. Dahil itinuring niya ang
mga prayle bilang mga kalaban tungo sa kaayusan ng bansa, ginawa ng mga ito ang lahat
upang mahuli si Rizal. Nang mangyari, ibinilanggo siya sa Fort Santiago at sa Dapitan, at
hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad sa Bagumbayan noong
Disyembre 30, 1896.
Graciano Lopez-Jaena
Si Graciano Lopez-Jaena ay ipinanganak noong Disyembre 18,
1856 sa Jaro, Iloilo. Nag- aral siya sa Seminaryo ng Jaro at
umasa na magiging isang pari. Sa kabila ng pagpapari,
nagawa pa rin ni Lopez-Jaena na makita ang kahirapang
naranasan ng mga Pilipino sa ilalim ng mga Espanyol. Isinulat
niya ang Fray Botod na nagpakita ng kasiraan, kalupitan,
pagiging imoral, at kasamaan ng mga prayle. Dahil dito,
naging mainit sa mata ng mga prayle si Lopez-Jaena, at
ninais siyang ipahuli ng mga ito. Lihim na umalis si Lopez-
Jaena patungong Espanya kung saan siya ay nag-aral ng
medisina.
Jose Rizal
Graciano Lopez-Jaena
Copyright © 2018 Quipper Limited
19
Ninais niya na magkaroon ng isang diyaryo na magpapakita ng pulitikal na
pananaw ng mga propagandista kung saan lahat ng hinaing ng mga Pilipino ay
mailalathala. Kasama ang ilan pang Pilipino sa Espanya, binuo ni Lopez-Jaena ang
pahayagang La Solidaridad kung saan siya ang tumayong unang patnugot. Ang mga
artikulong kaniyang isinulat ay nagpakita ng kaniyang kagalingan sa pagsusulat at
pananalita. Namatay siya noong Enero 20, 1896 sa Espanya dahil sa sakit na tuberculosis
(sakit sa baga).
Marcelo H. Del Pilar
Si Marcelo H. Del Pilar ay ipinanganak sa Bulakan noong
Agosto 30, 1850. Siya ay isang abogado, manunulat, at
political analyst. Nag-aral siya sa Kolehiyo de San Jose, at
kumuha ng abogasya mula sa Unibersidad ng Santo
Tomas. Bilang isang aktibong mamamayan, nangampanya
si Del Pilar laban sa hindi magagandang gawain at
kalupitan ng mga prayle at mga opisyal ng pamahalaan.
Dahil sa kaniyang husay, nagawa ni Del Pilar na hikayatin
ang mga Bulakenyo tungkol sa kaniyang pulitikal na
pananaw laban sa mga Espanyol.
Binuo ni Del Pilar ang Diariong Tagalog kung saan naglagay siya ng mga artikulo na nanira
sa mga praye at sa pamahalaan ng Espanya. Itinuring bilang isang kriminal si Del Pilar sa
mga mata ng mga opisyales at prayle sa Bulakan.
Tumungo siya sa Espanya noong Oktubre, 1888 upang takasan ang mga tumutugis sa
kaniya at upang sumali sa grupo ng mga repormista na naroroon. Nagsulat pa si Del Pilar
ng maraming satirikal na akda tulad ng Dasalan at Toksohan, Dupluhan, La Soberania
Monacal, at Sampung Utos ng mga Prayle. Ang mga akdang ito ay nailathala sa La
Solidaridad.
Noong 1889, siya ay naging editor ng La Solidaridad at naging isang malaking impluwensiya
sa Kilusang Propaganda. Ginamit niya ang kaniyang oras sa pamamagitan ng pagsusulat at
pakikipag-usap sa mga Espanyol na nais kumampi sa kilusan.
Bunga ng patuloy na paghingi ng reporma, pinalitan ni Del Pilar ang kaniyang
pananaw tungo sa rebolusyon. Pinlano niyang kausapin ang mga lider ng kilusang
reporma sa Hong Kong upang talakayin ang liberasyon o pagpapalaya mula sa Espanya.
Marcelo H. Del Pilar
Copyright © 2018 Quipper Limited
20
Sa kasamaang palad, masama na ang kalagayan niya sa mga panahong iyon
dulot ng sakit. Bukod pa rito, paubos na rin ang pondo ng La Solidaridad para ipagpatuloy
ang kampanya tungo sa reporma. Namatay si Del Pilar noong Hulyo 4, 1896.
Ilan pa sa repormistang Pilipino at Espanyol ang sumusunod:
• Pedro Paterno
• Gregorio Sancianco
• Juan Luna
• Felix Hidalgo
• Pedro Serrano Laktaw
• Jose Maria Panganiban
• Eduardo de Lete
• Enrique Mendiola
• Isabelo de los Reyes
• Antonio Maria Regidor
• Jose Alejandrino
• Jesus Valle Pande
• Dominador Gomez
Pagpapatuloy ng Kampanya • Noong 1880, isinulat ni Paterno ang Sampaguitas, isang maliit na aklat ng mga tula
na bumabatikos sa pamahalaan.
• Isinulat ni Sancianco ang maikling artikulo tungkol sa suliraning pangkabuhayan ng
Pilipinas. Nailathala ito sa El Democrata.
• Noong 1883, inilabas ang pahayagang Los Dos Mundos sa ilalim ng
pamamatnugot ni Pande, isang Espanyol. Inilatag sa pahayagan ang mga layuning
hinihingi ng mga repormista.
• Noong 1884, ipinanalo ni
Juan Luna ng gintong
medalya ang kaniyang
obrang Spoliarium sa
Exposición Nacional de Bellas
Artes. Ipikita niya sa
kaniyang pinta ang
kahindik-hindik na
kalagayan ng mga Pilipino
sa mga kamay ng Espanyol.
Spoliarium ni Juan Luna
Copyright © 2018 Quipper Limited
21
• Noong 1888, itinatag ang La Solidaridad, ang opisyal napahayagan ng
Kilusang Reporma. Inilabas ang unang isyu noong 1989 at ang huling isyu noong
1895. Ang Sol ang isa sa mga kasangkapan at tulay ng mga Pilipino para maiparating
sa mga kinauukulan ang mga hinaing at kahilingan ng mga Pilipino. Sa kabila ng mga
negatibong tugon at pambabatikos lalo na ng mga prayle sa Maynila, nanatiling
metatag ang mga repormista. Upang mapangalagaan ang sariling pagkakakilanlan
at kapakanan, gumamit sila ng kani-kanyang alyas o sagisag sa panulat.
Halimbawa:
o Jose Rizal - Laong Laan, Dimas-Alang
o Marcelo Del Pilar - Plaridel, Dolores Manapat
o Mariano Ponce - Naning, Tikbalang
o Antonio Luna - Taga-Ilog
o Jose Maria Panganiban - Jomapa
o Dominador Gomez - Ramiro Franco
• Ang Kilusang Reporma sa Espanya ay nakipag-ugnayan sa Masonerya, isang
samahan na nagsusulong ng malayang kaisipan na kadalasan ay kontra sa
simbahang Katoliko. Naitatag ang sumusunod na masonic lodges:
Masonic Lodge Lugar na
Pinagtatagan
Petsa ng
Pagkakatatag Namuno
Revolucion Espanya Abril, 1889 Lopez-Jaena
Solidaridad Espanya Disyembre, 1889 Del Pilar
Nilad Pilipinas Enero, 1892 Laktaw
• Matapos itatag ni Laktaw ang Nilad, dumami pa ang mga masonic lodge sa Pilipinas.
Tumanggap na rin ito ng mga babaeng kasapi.
Copyright © 2018 Quipper Limited
22
Ang La Liga Filipina Halos kasabay ng pagpapakilala ng mga masonic lodge sa
Pilipinas, isang samahang tinawag na La Propaganda ang
itinatag. Ang mga kasapi nito ay ang mga nasa gitnang uri na
nagbigay ng salapi upang madagdagan ang paggastos ng
mga Pilipinong nasa Espanya na humihingi ng reporma.
Ang pondong nakalap ay ibinigay sa pamamagitan ng
Asociacion Hispano-Filipino. Pagkatapos nito, unti-unting
nawala ang grupo.
Binuhay ni Jose Rizal ang grupo at hiniling niya na gawin
itong isang bagong samahan. Naglatag na siya ng
konstitusyon para sa bagong grupo nang siya ay tumungo sa
Hong Kong. Noong gabi ng Hulyo 3, 1892, itinatag ni Rizal
ang La Liga Filipina. Kabilang sa mga kasapi nito sina Agustin de la Rosa, Bonifacio
Arevalo, at Deodato Arellano.
Batay sa konstitusyon, ang mithiin ng samahan ay ang sumusunod:
1. pagkaisahin ang buong Pilipinas bilang isang bansa,
2. protektahan ang lahat ng pangangailanan at kagustuhan ng mamamayan,
3. proteksiyon mula sa pagmamaltrato at kasakiman,
4. pagpapalawig sa edukasyon, agrikultura, at komersiyo, at
5. pag-aaral at pagpapatupad ng mga reporma.
Napagtanto ng pamahalaang Espanya na mapanganib ang Liga, kaya naman ipinag-utos
nito ang pagdakip kay Jose Rizal noong Hulyo 6, 1892. Kasunod nito, ipinag-utos ni
Gobernador-Heneral Eulogio Despujol na ipatapon si Rizal sa Dapitan. Nagkaroon ng
problema ang Liga sa mga panahong ito, subalit nagkasundo pa rin ang samahan na
pondohan ang La Solidaridad. Dahil sa hindi pagkakasundo ng mga kasapi, nabuwag ang
Liga matapos ang ilang buwan. Ang mga mahihirap na kasapi gaya ni Andres Bonifacio ay
nawalan na ng pag-asa para sa reporma.
Simbolo ng
La Liga Filipina
Copyright © 2018 Quipper Limited
23
Ang Pagbagsak ng Kilusang Propaganda May tatlong dahilan kung bakit hindi nagtagumpay sa layunin nito ang Kilusang
Propaganda.
1. Gawain ng La Solidaridad – Sa kabila ng mga lathala at gawain ng pahayagan, hindi
ito nagdala ng anumang pagbabago sa pamamalakad sa Pilipinas. Nakuha nito ang
atensiyon ng pamahalaan ng Espanya, subalit ang Pilipinas, bilang isang bansa ay
nagkakaroon na rin ng mga panloob na problema na hindi masosolusyunan ng
pahayagan. Dagdag pa rito ang kapangyarihan ng mga prayle at opisyal ng
pamahalaan laban sa mga Pilipino. Ang mga paninirang inilabas sa La Solidaridad ay
tinumbasan ng pagpapahayag ng magagandang gawain ng mga prayle at Espanyol
na nakalathala sa pahayagang La Politica Espana en Filipinas.
2. Kakulangan ng pondo – Ang mga samahang itinatag sa Pilipinas ay nakaranas ng
kakulangan sa pondo upang maipatupad ang kani-kanilang mithiin. Nagkaroon ng
problema sa pangongolekta ng pondo para sa samahan dahil halos lahat ng
nakokolekta ay ipinadadala para sa La Solidaridad. Bukod pa rito, napagtanto ng
ibang kasapi na walang pagbabagong nagaganap sa kabila ng anim na taon na
paghingi ng reporma ng pahayagan.
3. Kawalan ng pagkakaisa – Ang mga propagandista ay nagkakaroon ng mga hindi
pagkakasundo batay sa personal na rason o inggitan. Nagresulta ito sa pagkakaroon
ng mahinang pundasyon ng mga samahan. Hindi rin nagkaroon ng sapat na
kakayahan ang iba sa mga gitnang uri na patuloy na humingi ng reporma mula sa
mga Espanyol.
Hindi man nagtagumpay ang Kilusang Reporma sa kaniyang mga layunin, lubhang
mahalaga ng kilusang ito sa kasaysayan ng Pilipinas. Matagumpay nitong naipakita sa
maraming Pilipino ang kabulukan ng pamamahala ng Espanya. Iminulat nito ang mga
Pilipino sa tunay na sitwasyon ng pagiging kolonya ng Pilipinas. Kahit paano ay nagkaroon
ang mga Pilipino ng pambansang kamalayan at pagkakakilanlan. Hindi man sinasadya,
naging daan ito upang isilang ang isang bagong mukha ng kilusan. Isang kilusang hindi na
naniniwala sa asimilasyon kung hindi sa isang lubusang separasyon sa Espanyan.
Sa pagkabigo ng Kilisang Reporma, nabigyan ng malinaw na depinisyon ang salitang
“nasyon.”
Copyright © 2018 Quipper Limited
24
Isulat sa bawat patlang ang mga sagot.
Ang Kilusang Propaganda ay isang samahan o kilusan ng mga Pilipino, mestizo, at ilang
Espanyol na humihingi ng pagbabago o reporma sa paraang (1) ___________________________ .
Ang mga pangunahing repormistang Pilipino ay sina (2) ___________________________ ,
(3) ___________________________, at (4) ___________________________ .
Ilan sa mga layunin ng Kilusang Reporma ay ang pagkakapantay-pantay ng mga Espanyol
at Pilipino sa harap ng batas at ang pagkilala sa Pilipinas bilang lalawigan ng Espanya na
tinawag na (5) ___________________________ .
Upang maging mas mabisa at mabilis ang kampanya ng Kilusang Reporma, binuo ng mga
repormista ang (6) ___________________________ .
Noong 1884, ipinanalo ni Juan Luna ng gintong medalya sa Exposición Nacional de Bellas
Artes ang kaniyang obrang (7) ___________________________ .
Upang mapangalagaan ang sariling pagkakakilanlan at kapakanan, gumamit ang mga
propagandista ng kani-kanyang alyas o sagisag sa panulat. Si Jose Rizal ay si “Laong Laan” o
“Dimas-Alang,” samantala si Marcelo Del Pilar ay si (8) ___________________________ .
Noong gabi ng Hulyo 3, 1892, itinatag ni Rizal ang (9) ___________________________ .
Kung layunin ang pagbabatayan, nabigo ang Kilusang Propaganda, subalit hindi ito
lubusang nabigo dahil (10) ___________________________ .
Suriin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
25
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang Kilusang Propaganda?
2. Bakit binuo ng mga makabayang ilustrado ang Kilusang Reporma?
Ano ang kahilingan nila sa Espanya?
3. Bakit sinasabing ang Kilusang Propaganda ay “hindi lubusang nabigo?”
Maituturing bang makabansa ang mga repormista gayong ang isa sa kahilingan nila ay ang
gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas sa halip na humingi ng ganap na kalayaan?
Kumpletuhin ang tsart upang masagot ang suliranin. Maaaring manaliksik pa upang
maging komprehensibo ang kasagutan. Tiyaking sa pamamagitan ng gawaing ito ay
madaragdagan ang kaalaman tungkol sa paksa o aralin.
PATUNAYAN: Ang Kilusang Propaganda ay hindi lubusang nabigo.
1. Ano ang Kilusang Propaganda? 2. Sino ang mga pangunahing repormista?
3. Ano ang mga pangunahing layunin?
Sagutin Natin
Pag-isipan Natin
Gawin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
26
4. Sa pangkalahatan, ano ang kinahinatnan ng kilusan?
A. Bakit nabigo? Sa anong aspekto?
B. Bakit nagtagumpay? Sa anong aspekto?
5. Patunayan: Ang Kilusang Reporma ay hindi
nabigo.
6. Bumuo ng kongklusyon.
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa
ng Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay Marka
Paglalahad ng
Impormasyon/
Nilalaman
Wala o nasagot
nang tama ang
isa hanggang
dalawang
aytem; halos
walang
nadagdag na
kaalaman
tungkol sa
paksa
Nasagot nang
tama ang
tatlong aytem;
nadagdagan ng
ilan ang
kaalaman
tungkol sa
paksa
Nasagot nang
tama ang apat
hanggang
limang aytem;
may
manipestasyon
na
nadagdagan
ang kaalaman
tungkol sa
paksa
Komprehensibo
ang kasagutan;
nasagot nang
tama ang anim
na aytem; tiyak
na tiyak na
nadagdagan
ang kaalaman
tungkol sa
paksa
Copyright © 2018 Quipper Limited
27
Kaayusan at
Kalinisan
Walang
kaayusan at
napakadumi
ng tsart;
napakaraming
nakitang bura,
dumi o
pagkakamali
Medyo hindi
maayos at
malinis ang
tsart;
maraming
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Maayos at
malinis ang
tsart; may
ilang nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
Napakaayos at
napakalinis ng
tsart; walang
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Panahon ng
Paggawa
Nakapagpasa
ng output sa
loob ilang
minuto/
oras/araw/
linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
dahil ipinaalala
ng guro
Nakapagpasa
ng output sa
loob ng ilang
minuto/
oras/araw/
linggo matapos
ang itinakdang
panahon ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng output sa
itinakdang
minuto/
oras/petsa ng
pagpapasa
Nakapagpasa ng
output bago pa
ang itinakdang
minuto/
oras/petsa ng
pagpapasa
KABUUAN
Copyright © 2018 Quipper Limited
28
Aralin 3
Ang Kataas-taasang Kagalang-galangang
Katipunan ng mga Anak ng Bayan
Ang Sagisag ng Katipunan
Noong Hulyo 3, 1892, itinatag ni Jose Rizal ang La Liga Filipina sa Pilipinas. Bagama’t
delikado ang kaniyang pagbabalik sa bansa, minarapat niya ito dahil naniwala siya na
dapat dalahin sa Pilipinas ang pagpapalaganap ng mithiin ng Kilusang Reporma. Dahil
mainit siya sa mata ng pamahalaan, lalo na ng simbahan, sa utos ni Eulogio Despujol,
ipinahuli si Rizal noong Hulyo 6, 1892. Kinabukasan ay ipinatapon siya sa Dapitan.
Kinagabihan ng Hulyo 7, 1892, sa gitna ng tensyon, isang radikal sa kilusan ang isinilang—
ang KKK.
Ano ang KKK? Bakit separasyon, hindi asimilasyon, ang pangunahing layunin nito? Paano
tumugon ang mga Pilipino sa samahang ito?
Tunghayan natin ang kabuuan ng bagong pakikibaka ng mga Pilipino laban sa Espanya.
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natatalakay ang
pagtatag at paglaganap ng Katipunan.
Copyright © 2018 Quipper Limited
29
Mapayapa o Marahas?
Tukuyin ang bawat sitwasyon o mensahe nito kung MAPAYAPA o MARAHAS.
1. Nakarating sa kaalaman ni Arnold na
sinisiraan siya ni Ben sa kaniyang mga
kaibigan. Nag-text siya kay Ben para
linawin at pag-usapan ang isyung ito.
_____________________
2. Maliit at payat si Cielo. Gayunpaman,
hindi siya ma-bully ng mga kaklase dahil
kaagad siyang nanununtok at naninipa sa
sinumang magtangka.
_____________________
3. Hindi makatarungan para sa mga mag-
aaral na palipatin sila sa sira-sirang silid-
aralan. Kinabukasan, isang malaking rally
ang bumulaga sa punongguro.
_____________________
4. Walang anumang nakitang pagtutol sa
ekspresyon ng mukha at galaw ng
katawan nang arestuhin si Danilo. Alam
niya sa sarili, wala siyang kasalanan.
______________________
5. “Sukat na!” Nagulat ang lahat sa sigaw na
ito ni Ester. Sabay-sabay na nagpulasan
dahil sa hawak nitong tabak.
______________________
Subukan Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
30
Taong 1892 pa lamang, ramdam na ang paghina
ng Kilusang Propaganda. Isa sa mga dahilan ay
ang pagkakadakip kay Jose Rizal. Gayunpaman,
may mga repormista pa ring hindi naubusan ng
pag-asa at patuloy na nagsumikap upang
matupad ang mga nasimulan, kaya naman
tumagal pa ng apat na taon ang kilusan.
Sa pagkakataong iyon, si Andres Bonifacio, isang
mamamayang may limitadong edukasyon, ay
naniwala na hindi reporma at asimilasyon kung
hindi himagsikan at separasyon ang
kinakailangan ng Pilipinas mula sa Espanya.
Pagtatag at Pagsapi sa Katipunan Noong 1892, limang araw matapos itatag ang
La Liga Filipina, ipinatapon si Rizal sa Dapitan.
Ang pangyayaring ito ay nagpalala ng tensyon sa
bayan dahil sangkot dito ang isang tinitingalang
kalahi. Sa pag-aakalang wala nang aasahang
pagbabago mula sa Espanya, minarapat ng isang
grupo ng makabayang Pilipino na magtatag ng
panibagong kilusan o samahan na tahasang
lalaban sa pamahalaan. Kaya, noong gabi ng
Hulyo 7, 1892, nagpulong sa Azcarraga (ngayon
ay Claro M. Recto Avenue) sina Andres Bonifacio,
Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano,
Valentin Diaz, at iba pang makabayan upang
buuin ang isang samahang tinawag na Kataas-
taasang Kagalang-galangang Katipunan ng
mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan. Ito ay
isang lihim sa kilusan laban sa kolonyalistang
Espanya.
Pag-aralan Natin
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na
mga salita:
• makakalap – makakuha
• aplikante – nais sumapi
• estruktura – balangkas
• talukbong – takip sa ulo,
hood
• iniluklok – inilagay
• sedisyon – panunulsol laban
sa pamahalaan
• napukaw – nagising
Selyo ng Katipunan
Copyright © 2018 Quipper Limited
31
Sama-samang nangako ang mga kasapi, gamit ang sanduguan o blood compact,
kung saan pumirma sila sa dokumento ng pagsapi gamit ang kani-kanilang dugo.
Ginamit nila ang sistemang tatsulok upang mas mabilis na makakalap ng mga bagong
kasapi. Madali lamang isagawa ang sistemang tatsulok. Ang isang kasapi, halimbawa ay si
A, ay maghahanap ng dalawang bagong kasapi, si B at C. Si B at C ay hindi magkakilala
(bilang katipunero), ngunit pareho nilang kilala si A . Si B at C ay kukuha rin ng mga bagong
kasapi at magpapatuloy ang ganitong sistema. Naging mabisa ang paraang ito ng pagkalap
sapagkat mabilis na dumami ang mga katipunero. Subalit, dahil lihim ang samahan,
nagpasya ang pamunuan ng KKK na palitan ang paraan ng pagkalap—ang sistemang
mason. Sa bagong paraang ito, ang mga aplikante ay nakapiring (may takip ang mga
mata) na papasok sa madilim sa silid. Sasagutin ng bawat isa ang tatlong tanong:
Kapag nasagot nang tama, ipapasok ang aplikante sa isa pang silid upang subukan ang
kaniyang tapang. Kapag nalampasan niya ang pagsubok, dadalhin siya sa isa pang silid
upang lumagda sa dokumento gamit ang sariling dugo. Pipili siya ng gagamiting alyas o
sagisag. Pagkatapos ng seremonya, pormal siyang tatanggapin bilang isang ganap na
katipunero.
Mga Mithiin at Estruktura ng Katipunan Nagkaroon ng tatlong pangunahing misyon o layunin ang Katipunan, kabilang na ang
sumusunod:
• Pulitikal – patuloy na paglaban upang maihiwalay ang Pilipinas mula sa Espanya
• Moral – pagtuturo ng magandang asal at pagtatakwil ng bulag na paniniwala
• Sibiko – pagtulong sa kapwa at pagtatanggol sa mahihirap at mga inaapi
1. Ano ang kalagayan ng Pilipinas bago dumating ang mga
Espanyol?
2. Ano ang kalagayan ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga
Espanyol?
3. Ano ang magiging kalagayan ng Pilipinas kung mananatili ang
mga Espanyol sa Pilipinas?
Copyright © 2018 Quipper Limited
32
Kung susuriin ang estruktura ng Katipunan, mahihinuha na ito ay
naimpluwensiyahan ng Masonerya. May tatlong pamunuan ang estruktura ng Katipunan:
ang Kataas-taasang Sanggunian (Supreme Council), ang Sangguniang Bayan (Provincial
Council), at ang Sangguniang Balangay (Popular Council). Ang Kataas-taasang Sanggunian ay
ang pinakamataas na pamunuan ng Katipunan at kasama rito ang pangulo, piskal, kalihim,
ingat-yaman, at tagapamagitan (interventor). Ang Sangguniang Bayan at Sangguniang
Balangay ay kumatawan sa mga probinsiya o bayan kung saan ang bawat isa ay may
konsehong kagaya ng sa Kataas-taasang Sanggunian. Ang sangay hudisyal ng samahan ay
kinilala bilang Sangguniang Hukuman (Judicial Council).
May tatlong uri ng kasapi ang Katipunan. Ang una ay tinawag na Katipon, sila ay nagsusuot
ng itim na talukbong na may nakasulat na mga letrang Z.Ll.B sa pagpupulong. Ang mga
letrang ito ay tumutukoy sa salitang “Anak ng Bayan” na siya ring kntrasenyas o password
ng unang uri. Ang ikalawang uri ay ang Kawal na nagsusuot ng berdeng talukbong.
“Gomburza” ang kanilang kontrasenyas. Ang ikatlong uri ay ang Bayani na nagsusuot ng
pulang maskara. Ang kontrasenyas para sa grupong ito ay “Rizal.” Sa tatlo, pinamakataas
ang posisyon ng Bayani.
Noong 1892, nagkaroon ng eleksiyon kung saan naihalal ang sumusunod bilang unang
konseho ng samahan.
Kasapi Posisyon
Deodato Arellano Pangulo o Supremo
Andres Bonifacio Tagapamagitan
Ladislao Diwa Piskal
Teodoro Plata Kalihim
Valentin Diaz Ingat-yaman
Sa isang pagpupulong noong 1893, hindi ikinatuwa ni Bonifacio ang kakulangan ng
pagkilos ni Arellano bilang pinuno. Minarapat niya na palitan ito, at iniluklok si Roman
Basa bilang bagong supremo ng Katipunan. Subalit, noong 1894, napagtanto ni
Bonifacio na si Basa ay kagaya rin ni Arellano. Nagpatawag siya ng pagpupulong at
tinanggal din si Basa sa kaniyang posisyon. Sa resulta ng eleksiyon, naluklok si Bonifacio
bilang bagong
Copyright © 2018 Quipper Limited
33
supremo. Si Emilio Jacinto naman ang kaniyang naging piskal. Matapos ang isa pang
pagbabago sa pamumuno, noong Agosto 1898 bago pa madiskubre ang Katipunan,
ang huling konseho ng samahan ay binuo ng sumusunod.
Kasapi Posisyon
Andres Bonifacio Pangulo o Supremo
Emilio Jacinto Kalihim ng Estado
Teodoro Plata Kalihim ng Giyera
Briccio Pantas Kalihim ng Hustisya
Aguedo del Rosario Kalihin ng Interyor
Enrique Pacheco Kalihim ng Pananalapi
Mapapansin na nagbago ang estruktura ng huling konseho sa pagkakaroon ng mga
gabinete. Kabilang sa gabineteng ito ang mga kasaping napukaw ang tiwala ni Bonifacio.
Mga Lider ng Katipunan Ating kilalanin ang mga natatanging lider ng Katipunan at ang kani-kanilang nagawa para
sa samahan.
Andres Bonifacio
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak sa Tondo, Maynila noong
Nobyembre 30, 1863. Lumaki sa hirap si Bonifacio, at hindi siya
nakaranas ng isang masaganang buhay. Nakapag-aral sa
paaralan si Bonifacio, subalit napilitan siyang hindi ituloy ito
nang pumanaw ang kaniyang mga magulang. Sa kabila nito,
puno pa rin siya ng pagmamahal para sa pag-aaral. Nagbabasa
siya ng mga aklat na tumatalakay sa iba’t ibang pangyayari sa
kasaysayan, pati na ang mga aklat tungkol sa mga batas.
Samakatuwid, kahit walang pormal na edukasyon, nagsikap si
Bonifacio na maging maalam sa mga bagong kaisipan. Andres Bonifacio
Copyright © 2018 Quipper Limited
34
Sa pagiging tagapagtatag ng Katipunan, naging aktibo si Bonifacio sa pagtulong at
pagpapanatili ng samahan. Sa kabila nito, nanatili siya bilang isang lider na may
mabuting kalooban at may pagmamahal para sa kaniyang mga pinamumunuan. Siya ay
itinuring na isang magaling na lider sapagkat kaya niyang magpalit ng uri ng pamumuno
batay sa usapin na tinatalakay. Sa usapin ng kalayaan at pagpapalaya pinakasensitibo si
Bonifacio. Sa kabila nito, naging mababa ang pagtingin ng ilang gitnang uri kay Bonifacio
dahil sa kaniyang kawalan ng edukasyon. Gayunpaman, nagtagumpay si Bonifacio na
magbigay ng lakas at pagkakaisa sa mga kasamang nagnanais ng pagbabago. Dahil dito,
tinagurian siya bilang “Ama ng Rebolusyon.”
Namatay si Bonifacio noong Mayo 10, 1897 sa Maragondon, Cavite sa pamamagitan ng
pagbaril kasama ng kaniyang kapatid na si Procopio. Ang dalawa ay hinatulan ng
kamatayan ng hukuman ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo matapos mapatunayang
“nagkasala” ng sedisyon at pagtataksil sa mga Magdalo. Ang usping ito ay nananating
isang malaking kontrobersiya.
Emilio Jacinto
Si Emilio Jacinto ay ipinanganak sa Tondo, Maynila noong
Disyembre 15, 1875. Siya ang tinaguriang “Utak ng Katipunan”
dahil sa natatanging galing at katalinuhang taglay niya. Sa
murang edad, nabakas na kay Jacinto ang kaniyang hilig sa
pagbasa at pagsulat. Bilang pinakabatang kasapi ng Katipunan,
nagpamalas siya ng galing sa iba’t ibang larangan. Dahil dito,
napukaw niya ang atensiyon ni Andres Bonifacio.
Si Jacinto ang may-akda ng Kartilla, ang opisyal na turo ng
Katipunan para sa mga kasapi nito. Nang tumungo si Bonifacio
sa Cavite noong 1896, tumayo bilang punong komandante ng
Laguna si Jacinto. Sa kabila nito, patuloy na nag-usap ang
dalawa sa iba’t ibang paraan. Si Jacinto, bilang “Utak ng
Katipunan” ay nagsulat ng iba’t ibang akda na siyang
humikayat sa masa na sumama sa rebolusyon at magsakripisyo para sa Inang Bayan
tungo sa kalayaan.
Namatay si Jacinto noong Abril 16, 1899 sa Majayjay, Laguna dahil sa malarya (dulot ng
kagat ng lamok).
Emilio Jacinto
Copyright © 2018 Quipper Limited
35
Ang Paglawak ng Katipunan Ang pag-iimprenta at pagpapakalat ng opisyal na
pahayagan ng Katipunan, ang Kalayaan, kasama
ang mga akdang nilalaman nito, ay pumukaw sa
damdamin ng mga mamamayan ng Gitnang
Luzon. Ang mga akda nina Bonifacio at Jacinto ay
gumising sa nasyonalismo at identidad ng mga
Pilipino upang labanan ang puwersa ng mga
Espanyol. Sa pagtatapos ng Marso 1896, matapos
maipakalat ang 2,000 kopya ng pahayagan, daan-
daang tao ang sumapi sa Katipunan. Kabilang sa
mga sumapi ang mga mamamayan mula sa San
Juan
Del Monte, San Felipe Neri, Pasig, Pateros,
Marikina, Kalookan, at Malabon. Bukod pa rito,
lumawak din ang Katipunan at nagkaroon ng mga
sangay sa probinsiya ng Bulakan, Batangas,
Cavite, Nueva Ecija, Pampanga, at Laguna.
Kababaihan sa Katipunan Sa umpisa, walang babaeng kasapi ng Katipunan. Subalit, dahil pinagmumulan ito ng duda
at away ng mag-asawa, pinayagan na ring sumapi ang kababaihan. Ang mga unang
babaeng kasapi ay mga kamag-anak o kapamilya ng mga katipunero. Mahala rin ang papel
na ginampanan ng mga babae sa KKK. Narito ang ilan:
1. Bahagi ng pagtatago ng mga sikreto at dokumento
2. Nagsilbing manggagamot ng mga maysakit na katipunero
3. Tagahikayat ng mga bagong kasapi
4. Tagabigay ng suportang moral
5. Tagapaghatid at tagakalap ng impormasyon
Isang Pahina ng Kalayaan
Copyright © 2018 Quipper Limited
36
Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang pangungusap.
1. Ang KKK ay isang lihim sa kilusan laban sa kolonyalistang
Espanya.
2. Nais ng Katipunan na lumaya ang Pilipinas mula sa pang-
aalipin ng Espanya.
3. Ang KKK ay bunga ng pagkabigo ng kampanya ng Kilusang
Reporma.
4. Ginamit ng Katipunan ang pangalan ni Rizal bilang
pinakamataas sa kasapi ng samahan.
5. Mas maselan ang paraan ng pagkalap ng magiging
katipunero gamit ang sistemang triyanggulo kaysa sa
sistemang mason.
6. Sa sistemang mason, isinasa-alang-alang ng pamunuan ng
KKK ang katapatan ng mga kaanib.
7. Sa pagpupulong isa kang “kawal” kung nakasuot ka ng
berdeng talukbong.
8. Si Andres Bonifacio ang unang pangulo ng Katipunan.
9. Malaki ang naitulong ng pahayagang Kartilla sa
pagpapalaganap ng mga mithiin ng KKK.
10. Pinayagang sumapi sa Katipunan ang kababaihan dahil sila
ay hindi o bihirang paghihinalaan ng mga Espanyol.
Suriin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
37
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang Katipunan? Ano ang pangunahing layunin nito?
2. Bakit at paano naitatag ang KKK?
3. Paano tinanggap ng mga Pilipino at tuluyang lumaganap ang Katipunan?
Sa kasalukuyan, kaya ba ng isang hindi nakapagtapos ng pag-aaral na pag-isahin ang
buong bansa para mabuti subalit marahas na layunin?
Kumpletuhin ang tsart upang masagot ang suliranin. Maaaring manaliksik pa upang
maging komprehensibo ang kasagutan. Tiyaking sa pamamagitan ng gawaing ito ay
madaragdagan ang kaalaman tungkol sa paksa o aralin.
Tama ba o mali ang KKK sa layunin nitong separasyon sa espanya sa pamamagitan
ng isang himagsikan o madugong rebolusyon?
1. Ano ang KKK?
2. Ano ang kaugnayan ng Kilusang Reporma sa
Katipunan?
3. Paghambingin ang Kilusang Reporma at Katipunan.
A. Kilusang Propaganda
Layunin:
Resulta:
B. Katipunan
Layunin:
Resulta:
Sagutin Natin
Pag-isipan Natin
Gawin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
38
4. Tama o mali ang KKK sa layunin nitong separasyon sa Espanya sa pamamagitan
ng himagsikan?
Paliwanag:
5. Bumuo ng kongklusyon.
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa ng
Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay Marka
Paglalahad ng
Impormasyon/
Nilalaman
Wala o
nasagot nang
tama ang
isang aytem
lamang; halos
walang
nadagdag na
kaalaman
tungkol sa
paksa
Nasagot nang
tama ang
dalawang
aytem;
nadagdagan ng
ilan ang
kaalaman
tungkol sa
paksa
Nasagot nang
tama ang tatlo
hanggang apat
na aytem; may
manipestasyon
na
nadagdagan
ang kaalaman
tungkol sa
paksa
Komprehensibo
ang kasagutan;
nasagot nang
tama ang
limang aytem;
tiyak na tiyak
na nadagdagan
ang kaalaman
tungkol sa
paksa
Copyright © 2018 Quipper Limited
39
Kaayusan at
Kalinisan
Walang
kaayusan at
napakadumi
ng tsart;
napakaraming
nakitang bura,
dumi o
pagkakamali
Medyo hindi
maayos at
malinis ang
tsart;
maraming
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Maayos at
malinis ang
tsart; may
ilang nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
Napakaayos at
napakalinis ng
tsart; walang
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Panahon ng
Paggawa
Nakapagpasa
ng output sa
loob ilang
minuto/
oras/araw/
linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
dahil
ipinaalala ng
guro
Nakapagpasa
ng output sa
loob ng ilang
minuto/
oras/araw/
linggo matapos
ang itinakdang
panahon ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng output sa
itinakdang
minuto/
oras/petsa ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng output bago
pa ang
itinakdang
minuto/
oras/petsa ng
pagpapasa
KABUUAN
Copyright © 2018 Quipper Limited
40
Aralin 4
Ang Pag-aalsa sa iba’t ibang Bahagi ng Pilipinas
Bago pa ang mga
pangyayaring nagbigay-
daan sa tuluyang pagsibol
ng nasyonalismong
Pilipino, mula sa
pagbubukas ng Pilipinas sa
kalakalang pandaigdigan
hanggang sa pagtatag ng
KKK, matatandaang halos
lahat ng programang
pangkabuhayan ng
Espanya sa kolonyang
Pilipinas ay nagpahirap sa
mga Pilipino. Ang patuloy
na pananamantala at
pang-aabuso ng Espanya ay nagbigay-daan sa mga Pilipino upang seryosong tumugon sa
mga mali at hindi makataong gawain. Nagbunga ito ng mga pag-aalsa sa iba’t ibang bahagi
ng Pilipinas. Bagaman hindi nagtagumpay, naging batayan ito ng mga sumunod pang
pag-aalsa hanggang makamit ang kalayaan.
Ano ang mga dahilan ng mga naunang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol?
Bakit nabigo ang mga pag-aalsang ito? Paano ito nakaapekto sa mga sumunod na kilusan
at himagsikan?
Mahalagang talakayin ang pitak na ito ng ating kasaysayan upang higit na maunawaan ang
himagsikang dulot ng Katipunan laban sa mga dayuhan.
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nahihinuha ang
implikasyon ng kawalan ng pagkakaisa sa pag-aalsa o sa kilusan at pagbuo ng
Pilipinas bilang isang bansa.
Pagpapakita ng Pag-aalsa
Copyright © 2018 Quipper Limited
41
Gaano mo kakilala ang ating matatapang na katutubong lider?
Pagtambalain ang DAHILAN NG PAG-AALSA na nasa Hanay A at ang NNMUNO na
nasa Hanay B.
Hanay A Hanay B
1. Pagtanggi ng mga prayle na bigyan ng
Katolikong libing at misa ang kaniyang
kapatid
A. Hermano Pule
2. Pag-aalipusta sa mga tagasunod ng
Cofradia de San Jose sa Lucban
B. Dagohoy
3. Pananaw na nararapat bumalik sa
nakagisnang relihiyon ang mga mamamayan
ng Bohol
C. Diego Silang
4. Pagkakakulong dulot ng paghiling
tanggalin ang tributo o pagbabayad ng
buwis sa Vigan
D. Tamblot
5. Pagbabalewala ng pangako ng
Espanya na kikilalanin ang lupaing sakop
ng mga hari ng Tondo at Maynila
E. Lakandula
F. Magalat
Subukan Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
42
Dahil sa pagmamalupit ng mga Espanyol,
naghirap nang labis ang mga Pilipino. Sa matagal
na panahong napasailalim ang Pilipinas sa
pamumuno ng mga Espanyol, tuwirang
nakaranas ng hindi makatarungang pagtrato at
pagbabago ang mga Pilipino. Kaya naman, sa
pagdaan ng mga panahon, hindi naiwasan ang
mga pag-aalsa bago pa man umusbong ang
Kilusang Propagandista at ang Rebolusyon
Pilipino. Ang lahat ng naunang pag-aalsa ay
nagpamalas ng patriotismo at nakaimpluwensiya
sa mga sumunod salinlahi o henerasyon upang
ipaglaban din ang kanilang mga karapatan at
kalayaan.
Sa buong panahon ng pananakop ng mga Espanyol maraming hiwa-hiwalay na pag-aalsa o
rebelyon ang nangyari sa bansa. Magkakaiba ang mga dahilan nito. Ilan sa mga
pangunahing dahilan ay pansarili, para sa kalayaan, panrelihiyon, hindi pagtupad sa
kasunduan, pagmamalabis sa mga patakarang kolonyal, at iba pa.
Pag-aalsang Pansarili at Di-pagtupad ng Kasunduan Ang mga unang pag-aalsa ay dahil sa personal na interes ng mga katutubong lider at sa
hindi pagtupad ng mga Espanyol sa diwa ng kasunduan. Nangyari ang mga pag-aalsang ito
sa mga panahong bago pa lamang nasasakop ng Espanya ang Pilipinas. Ang mga
rebelyong pinamunuan ng mga dating datu at raha at ng kanilang kamag-anak ay
nabibilang sa ganitong uri ng pag-aalsa.
Pag-aalsa Dahilan Resulta
Pag-aalsa ni
Lakandula at
Sulayman (Maynila)
Hindi tinupad ng mga Espanyol ang pangakong
manatili sa angkan ng mga pinuno ang mga
espesyal na karapatan kagaya ng puwera sa
pagbabayad ng buwis (tributo) at sapilitang
paggawa (polo)
Bigo
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na
mga salita:
• patriotismo – pagmamahal sa
sariling lugar
• nagmalabis – umabuso
• pagpaslang – pagpatay
• inalipusta – hinamak
• pundasyon – haligi, saligan
• naglagablab – lumaki ang apoy
• radikal - mapanghimagsik
Pag-aralan Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
43
Pag-aalsa para sa Kalayaan Tandaan na bago ang pananakop, ang Pilipinas ay mayroon nang pulitikal, ekonomikal, at
panlipunang sistema sa pamamagitan ng mga barangay na pinamunuan ng datu.
Pag-aalsa Dahilan Resulta
Pag-aalsa ni Magat
Salamat (Maynila)
Nais maibalik ang kapangyarihang dating
tinatamasa ng kanilang mag ninuno Bigo
Pag-aalsa Laban sa mga Patakarang Kolonyal Ang mga patakarang ipinatupad sa Pilipinas ay mula sa hari o reyna ng Espanya.
Halimbawa ng mga patakarang ito ay ang polo, tributo, at iba pa. Binigyan ng hari ng
Espanya ng karapatan ang mga pinunong Espanyol na nasa kolonyang Pilipinas upang
ipatupad ang mga patakaran. Sa kasamaang palad, nagmalabis ang mga pinunong
Espanyol sa kolonya. Dulot nito, iba’t ibang pag-aalsa sa maraming bahagi ng bansa ang
bumangon.
Pag-aalsa Dahilan Resulta
Pag-aalsa ni Magalat
(Cagayan)
Hindi makatarungang pagbubuwis at ang
sapilitang paggawa o pagtatrabaho Bigo
Pag-aalsa ni Sumuroy
(Samar)
Panukalang ipadadala ang kalalakihan sa Cavite
upang gumawa ng galyon o magarang barko Bigo
Pag-aalsa ni Maniago
(Pampanga)
Pag-ayaw sa sapilitang pagbebenta ng mga
produkto sa pamahalaan (bandala) at sa
kadalasang pagkuha sa mga Kapampangan
upang magbiyak ng kahoy na gagamitin sa
paggawa ng galyon
Bigo
Pag-aalsa ni Malong
(Pangasinan)
Tinutulan ang sapilitanng pagpapahakot ng mga
troso at ang hindi pagbabayad sa mga palay at
bigas ng mga magsasaka
Bigo
Pag-aalsa ni Diego
Silang (Ilocos)
Hiniling na ihinto ang sapilitang paggawa at hindi
makatarungang pagbubuwis Bigo
Pag-aalsa ni Gabriela
Silang (Ilocos)
Ipinaghiganti ang pagpaslang sa asawang si
Diego Silang Bigo
Copyright © 2018 Quipper Limited
44
Ang mga pag-aalsang ito ay nagpahiwatig na noon pa man, ang mga katutubo
mula sa iba’t ibang panig ng bansa ay hindi na sang-ayon sa uri ng pamamalakad na
ipinatupad ng mga Espanyol sa bansa.
Pag-aalsa dahil sa Espirituwal na Paniniwala
Sa pagdating ng Espanyol, dinala rin nila sa Pilipinas ang Katolisismo. Ang relihiyong ito ay
taliwas o hindi sang-ayon sa nakagisnan ng mga katutubong Pilipino na nasanay sa
katutubong paniniwala gaya ng anituismo (pagsamba sa mga anito). Dala ng maraming
pagbabago sa paniniwala, sinikap ng mga katutubong Pilipino sa pamamagitan ng
pag-aalsa ay maibalik ang dating pananampalataya.
Pag-aalsa Dahilan Resulta
Pag-aalsa ni Tamblot
(Bohol)
Itinakwil ang Katolisismo at muling niyakap ang
kinagisnang paniniwala Bigo
Pag-aalsa ni Bankaw
(Leyte)
Hinikayat ang kababayan na bumalik sa dating
relihiyon Bigo
Pag-aalsa ni Tapar
(Panay)
Pinatay ng mga prayle ang mga tagasunod ng
kaniyang relihiyosong grupo Bigo
Pag-aalsa ni Dagohoy
(Bohol)
Tumanggi ang mga prayle na bigyan ng
Katolikong libing at misa ang kaniyang kapatid Bigo
Pag-aalsa ni Hermano
Pule (Quezon)
Inalipusta ang mga tagasunod ng kaniyang
Cofradia de San Jose Bigo
Naging mahigpit ang mga Espanyol sa pagpapalaganap ng Katolisismo dahil kasama ang
relihiyon sa misyon ng Espanya sa Pilipinas. Ang bagong relihiyong ipinakilala sa mga
katutubong Pilipino ay nakaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay at pagkilos ng mga
tao dahil ang pagpapatupad nito ay hindi ayon sa sariling pagpapasya kung hindi ay
sapilitan.
Kinahinatnan ng mga Pag-aalsa Marami pang pag-aalsa ang nangyari sa buong kapuluan. Ang bawat bayan, lalawigan, at
rehiyon ay may kani-kaniyang kasaysayan ng rebelyon laban sa mga Espanyol.
Sa pangkalahatan, ang mga pag-aalsa laban sa mga Espanyol, lalo na sa kapatagan, ay
hindi nagtagumpay.
Copyright © 2018 Quipper Limited
45
Kung bakit nabigo, narito ang ilan sa mga dahilan:
• Walang pambansang lider. Mapapansing hiwa-hiwalay ang mga rebelyon.
Ang laban ng isang pinuno ay sa kaniya lamang.
• Walang pagkakaisa, dala na marahil na pagiging kapuluan ng bansa. Isa pa, sinadya
talaga ng mga Espanyol sa paglayuin ang mga damdamin ng mga Pilipino upang
mas tumagal pa ang kanilang pananakop. Kung tutuusin, sa dami ng mga Pilipino sa
buong bansa, kayang-kaya nilang talunin ang kakaunting bilang ng mga mananakop.
Napakalayo ng Espanya upang kapagdaka ay makapagpadala ng saklolo o tulong
para iligtas ang kanilang kalahi.
• Walang nasyonalismo at pambansang pagkakakilanlan. Hindi sapat ang patriotismo
o ang pagmamahal sa sariling lugar o lalawigan.
• Wala o kulang sa mahuhusay na armas, napatunayang hindi kayang tapatan ng mga
armas ng mga dayuhan.
• Walang pambansang disiplina, napakahalaga ng disiplina sa anumang pakikibaka.
Sa kabila ng pagkabigo ng mga
pag-aalsa, ang mga pangyayaring ito
ay nagsilbing aral at pundasyon ng
nasyonalismong Pilipino na tuwirang
naipakita sa pagdating ng sumunod na
mga taon, lalo na noong huling bahagi
ng ika-19 na siglo.
Ang pagkabigo ng maliliit na rebelyon,
hindi man sinasadya, ay nagsilbing
munting apoy na dahan-dahang
lumaki nang buksan ng Pilipinas sa
pandaigdigang kalakalan na naging
dahilan para makapasok sa bansa ang
kaisipang liberal. Lalo pang
naglagablab ang apoy sa pagkamatay
ng GOMBURZA, ang pangyayaring
tuluyang nagpatubo ng
nasyonalismong Pilipino. Kasunod nito
ay ang paghingi ng reporma sa
mapayapang paraan at nang mabigo
ay nagsilbing tulay para maitatag ang
isang radikal sa kilusan—ang Katipunan.
Bantayog ni Andres Bonifacio
Copyright © 2018 Quipper Limited
46
Isa-isahin ang sagot sa bawat tanong.
Ano ang mga dahilan ng pag-aalsa o rebelyon ng mga katutubong Pilipino laban sa mga
Espanyol?
1. ________________________________________
2. ________________________________________
3. ________________________________________
Ano ang mga halimbawa ng pag-aalsa dahil sa usaping pananampalataya?
4. ________________________________________
5. ________________________________________
Ano ang mga halimbawa ng pag-aalsa dahil sa pagtutol sa mga patakarang kolonyal?
6. ________________________________________
7. ________________________________________
Ano ang mga dahilan ng pagkabigo ng maliliit na pag-aalsa sa iba’t ibang dako ng Pilipinas?
8. ________________________________________
9. ________________________________________
10. ________________________________________
Suriin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
47
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Batay sa ano-anong dahilan ang mga pag-aalsa ng mga katutubong Pilipino sa iba’t
ibang dako ng Pilipinas?
2. Ano ang dahilan ng pag-aalsa ni Dagohoy? Bakit makabuluhan ang rebelyong ito sa
kasaysayan ng Pilipinas?
3. Bakit hindi nagtagumpay ang mga pag-aalsa?
Malakas ba talaga ang mga Espanyol kaya lagi silang panalo sa labanan o sadyang mahina
lamang ang mga Pilipino?
Marami pang pag-aalsang nangyari sa Pilipinas bago pa nagkaroon ng diwang makabayan
ang mga Pilipino. Saliksikin ang mga ito. Magtala ng lima o higit pa.
Gabay:
1. Sa unang hanay, isulat ang pangalan ng namuno sa rebelyon. Isama rin kung saan
ito nangyari. Tingnan ang halimbawa sa talahanayan.
2. Sa ikalawang hanay, isulat ang pangkalahatang dahilan ng pag-aalsa: relihiyon,
kalayaan, patakaran, pansarili, paglabag sa kasunduan. Sa ibaba nito, isulat ang
tiyak na pangyayari. Sumangguni sa halimbawa sa talahanayan.
3. Sa ikatlong hanay, isulat ang resulta ng rebelyon: bigo o tagumpay.
Tiyaking sa pamamagitan ng gawaing ito ay madaragdagan ang kaalaman tungkol sa paksa
o aralin.
Sagutin Natin
Pag-isipan Natin
Gawin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
48
Pag-aalsa Dahilan Resulta
Pag-aalsa ni Tamblot
(Bohol)
Relihiyon:
Itinakwil ang Katolisismo at muling
niyakap ang kinagisnang paniniwala
Bigo
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa
ng Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay Marka
Paglalahad ng
Impormasyon/
Nilalaman
Wala o
nakapagtala
ng isa lamang
na pag-aalsa;
kakaunti ang
tamang
impormasyon;
hindi sinunod
ang karamihan
sa gabay;
halos walang
nadagdag na
kaalaman
tungkol sa
paksa
Nakapagtala ng
dalawang
hanggang
tatlong pag-
aalsa; tama ang
ilang
impormasyon;
sinunod ang
ilan sa gabay;
nadagdagan ng
ilan ang
kaalaman
tungkol sa
paksa
Nakapagtala
ng apat na
pag-aalsa;
tama ang lahat
ng
impormasyon;
sinunod ang
gabay; may
manipestasyon
na
nadagdagan
ang kaalaman
tungkol sa
paksa
Nakapagtala ng
lima o higit
pang
pag-aalsa;
malaman at
tama ang lahat
ng
impormasyon;
sinunod ang
gabay; tiyak na
tiyak na
nadagdagan
ang kaalaman
tungkol sa
paksa
Kaayusan at
Kalinisan
Walang
kaayusan at
napakadumi
Medyo hindi
maayos at
malinis ang
Maayos at
malinis ang
tsart; may
Napakaayos at
napakalinis ng
tsart; walang
Copyright © 2018 Quipper Limited
49
May mga patuparing batas o utos ang Katipunan.
Ang “Sampung Utos ng mga Anak ng Bayan” at ang “Ang
Kartilla” ang bumubuo ng tinatawag na “Mga Aral ng
Katipunan.” Narito ang Sampung Utos ng Mga Anak ng Bayan
o Dekalogo ni Andres Bonifacio:
1. Ibigin ang Diyos nang buong puso.
2. Ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay siya ring pag-ibig sa
Bayan, kagaya rin ng pag-ibig sa kapwa.
3. Isapuso na ang tunay na kahalagahan ng karangalan ay
ang mamatay para sa Bayan.
4. Ang ikipagtatagumpay ang pagiging mahinahon,
matiyaga, may katwiran at pag-asa inaasal at ginagawa.
ng tsart;
napakaraming
nakitang bura,
dumi o
pagkakamali
tsart;
maraming
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
ilang nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Panahon ng
Paggawa
Nakapagpasa
ng output sa
loob ilang
minuto/
oras/araw/
linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
dahil
ipinaalala ng
guro
Nakapagpasa
ng output sa
loob ng ilang
minuto/
oras/araw/
linggo matapos
ang itinakdang
panahon ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng output sa
itinakdang
minuto/
oras/petsa ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng output bago
pa ang
itinakdang
minuto/
oras/petsa ng
pagpapasa
KABUUAN
Karagdagang Kaalaman
Copyright © 2018 Quipper Limited
50
5. Pakaingatan, kagaya ng pag-
iingat sa karangalan o puri,
ang mga bilin at
balak ng K.K.K.
6. Katungkulan ng lahat na ang
nasa malaking kapahamakan
sa pagtupad ng tungkulin ay
iligtas sukdulang ikapahamak
ng sariling buhay at
kayamanan.
7. Maging modelo sa kapwa sa
mabuting pagsunod at
pagtupad ng tungkulin.
8. Bahaginan mo sa abot ng
makakaya ang sinomang
mahirap at kapuspalad.
9. Ang sipag sa paggawa na
iyong ikabubuhay ay siyang
tunay na sanhi ng pag-ibig,
pagmamahal sa sarili, sa
inyong asawa at mga anak, sa
iyong kapatid, at kababayan.
10. Parusahan ang sinomang
masama at taksil, at purihin
ang mabubuting gawa. Dapat
paniwalaan na ang tunguhin
ng K.K.K. ay mga biyaya ng
Diyos; na anupa ang ninanasa
ng Inang Bayan ay mga nasain
din ng Diyos.
Dekalogo ng Katipunan
Copyright © 2018 Quipper Limited
51
Bumuo ng apat na pangkat. Isagawa ang inaasahang pagganap (performance task).
Kayo ay nagtatrabaho sa isang malaking himpilan ng radio o telebisyon. May bagong
programa ang inyong estasyon, ang “Sulyap sa Nakaraan.” Ito ay isang palatuntunan na
pawang tungkol sa kasaysayan lamang ang ipinahahayag. Sa unang pagsasahimpapawid,
magsasagawa kayo ng komprehensibong pagbabalita tungkol sa sumusunod na bahagi ng
ating kasaysayan (isang paksa para sa isang grupo):
1. Ang Sekularisasyon, Cavite Mutiny ng 1872, at Pagbitay sa GOMBURZA
2. Ang Kilusang Propaganda sa Pilipinas
3. Ang Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan
4. Ang Pag-aalsa sa iba’t ibang Bahagi ng Pilipinas
Layunin nito na maipabatid o mailapit sa madla o samabayanan ang kasaysayan ng
Pilipinas. Inaasahang ang programang ito ay makatutulong sa pagpapaunlad ng
nasyonalismong Pilipino sa kasalukuyan.
Maaaring gawing gabay ang grapikong pantulong sa pagsulat ng balita. Tandaan: Sinasagot
sa Pamatnubay o Lead ang Sino, Ano, Kailan, Saan, at Paano. Para higit na maunawaan ang
inaasahang pagganap, narito ang GRASPS:
Pagyamanin Natin
Grapikong Pantulong para sa
Pagsulat ng Balita
Copyright © 2018 Quipper Limited
52
Tunguhin (Goal) Magsasagawa ng isang komprehensibong
pagbabalita tungkol sa piling bahagi ng kasaysayan
Gampanin (Role) Anchor, writer, reporter, editor, atbp.
Tagatanggap (Audience) Buong bansa
Kalagayan (Situation)
May bagong programang pangkasaysayan na
magpapabatid ng nakaraan at makatutulong sa
pagpapayabong ng kasalukuyang
nasyonalismong Pilipino
Bunga at Pagganap
(Product and Performance)
Bunga: Script
Pagganap: Pagbabalita (anchor, reporter)
Pamantayan (Standard) Rubrik
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
A. Rubrik para sa Iskrip/Pagsulat ng Balita
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa Inaasahan
[50%]
Kailangan pa ng
Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay Marka
A. Ulo ng
Balita
B. Lead
(Unang
Pangungusap
na sinasagot
ang Sino, Ano,
Kailan, Saan,
at Paano)
A. Kulang ang
mensaheng
ipinararating
B. Walang
malinaw na lead;
halos hindi
nasagot ang
limang tanong
A. May ilang
salita na
nagpagulo sa
paglalarawan
B. May ilang
pahayag na
nagpalabo sa
nilalaman; may
ilan sa limang
tanong ang hindi
nasagot
A. Sapat lamang
ang
inilalarawang
paksa
B. Maayos ang
lead, sapat
upang
maintindihan;
may isang
tanong na hindi
nasagot
A. Napakalinaw,
napakaayos, at
kompleto ang
inilalarawan,
nakapupukaw ng
atensiyon
B. Angkop na
angkop,
napakalinaw, at
napakaayos na
naisulat a ng
lead na
nakapupukaw ng
atensiyon;
nasagot ang
limang tanong
Copyright © 2018 Quipper Limited
53
Mga
Suportang
Detalye
Napakalabo at
walang
kaugnayan sa
paksa ang mga
detalye
Hindi gaanong
malinaw ang
ilang detalye,
walang
kaugnayan ang
ilang pahayag sa
sa paksa
Malinaw subalit
kailangan pang
ayusin, may
ilang pahayag na
walang
kaugnayan sa
paksa
Napakalinaw,
sapat, at may
kaugnayan sa
paksa ang mga
dagdag na
detalye
Gramatika,
Pagbabaybay,
Bantas
Nakitaan ng
napakaraming
mali sa buong
paglalahad
Nakitaan ng
hanggang 15
mali sa buong
paglalahad
Nakitaan ng
hanggang walo
mali sa buong
paglalahad
Nakitaan ng
hanggang
tatlong mali
lamang sa
buong
paglalahad
KABUUAN
B. Rubrik para sa Pagbabalita/Newscasting
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa
ng Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay Marka
Pagbabalita Napakagulo ng
pagsasagawa ng
komprehensibo
ng pagbabalita
Medyo magulo
ang
pagsasagawa ng
komprehensibo
ng pagbabalita
Nairaos ang
komprehensibo
ng pagbabalita;
bahagyang
nakahihikayat
Napakaayos at
napakalinaw na
naisagawa ang
komprehensibo
ng pagbabalita;
tunay na
nakahihikayat
Pagpapahalaga Nangailangan
ng paggabay
kahit sa
simpleng
gawain;
madaling
umayaw;
umaasa sa iba
Nakayang gawin
ang madadaling
bahagi,
nangailangan ng
paggabay;
ginawa muna
ang mahihirap
na bahagi,
maaaring
umayaw kung
walang
paggabay
Nakayang gawin
ang mahihirap
na bahagi,
nangailangan ng
paggabay;
ginawa muna
ang mahihirap
na bahagi, kaya
pa ring
magpatuloy
kahit walang
paggabay
Pinaghirapan at
pinaghandaang
mabuti ang
gawain, hindi na
nangailangan ng
paggabay;
madaling
nakaugnay at
natapos sa oras
ang gawain
Copyright © 2018 Quipper Limited
54
Pakikilahok ng
Bawat
Indibidwal
Hindi nakilahok
at walang
interes sa
paghahanda at
pagsasakatupar
an ng
inaasahang
pagganap
(performance
task)
May naipakitang
kaunting interes
at pakikilahok sa
paghahanda at
pagsasakatupar
an ng
inaasahang
pagganap
(performance
task)
Nagpakita ng
interes subalit
hindi gaanong
nakilahok sa
paghahanda at
pagsasakatupar
an ng
inaasahang
pagganap
(performance
task)
Nagpakita ng
masidhing
interes at
aktibong
pakikilahok sa
buong
paghahanda at
pagsasakatupar
an ng
inaasahang
pagganap
(performance
task)
KABUUAN
Na
syo
na
lism
on
g P
ilip
ino
Iba't ibang Pag-aalsa Dagohoy, Tamblot, Sulayman
Sekularisasyon at Cavite Mutiny
La Madrid at GOMBURZA
Kilusang PropagandaJose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, at
Graciano Lopez-Jaena
Katipunan Andres Bonifacio at Emilio Jacinto
Paglalagom
Copyright © 2018 Quipper Limited
55
DAPAT TANDAAN
• Ang sekularisasyon ay ang paglilipat ng pamamahala ng mga parokya o
simbahan sa mga paring Pilipino. Dahil tinutulan ito ng mga paring
Espanyol, nabuo ang kilusang sekularisasyon na pinamunuan ng
GOMBURZA.
• Ang Cavite Mutiny , na pinangunahan ni La Madrid, ay sinamantala at
pinalala ng mga paring Espanyol. Bilang paghihiganti, pilit nilang iniugnay
ang mutiny sa isyu na sekularisasyon. Idinawit nila ang tatlong pari at
pinagbintangang mga pinuno at utak nito.
• Lubhang napakahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas ng pagkamatay ng
GOMBURZA. Nagsilang ito ng diwang makabayan o nasyonalismo. Ito ang
una sa kasaysayan ng Pilipinas.
• Ang Kilusang Propaganda ay isang samahan o kilusan ng mga Pilipino,
mestizo, at ilang Espanyol na humihingi ng pagbabago o reporma sa
mapayapang paraan. Pinangunahan ito nina Rizal, Del Pilar, at Lopez-
Jaena.
• Noong Hulyo 7, 1892, itinatag nina Andres Bonifacio, Teodoro Plata,
Ladislao Diwa, Deodato Arellano, Valentin Diaz, at iba pang makabayan
ang samahang tinawag na Kataas-taasang Kagalang-galangang
Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan. Ito ay isang lihim
sa kilusan laban sa kolonyalistang Espanya.
• Sa buong panahon ng pananakop ng mga Espanyol maraming hiwa-
hiwalay na pag-aalsa ang nangyari sa bansa. Ilan sa mga pangunahing
dahilan ay pansarili, para sa kalayaan, panrelihiyon, hindi pagtupad sa
kasunduan, at pagmamalabis sa mga patakarang kolonyal.
Copyright © 2018 Quipper Limited
56
Ang sumusunod na video links ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon
o mas malalim na pagtalakay:
• Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Cavite Mutiny ni Xiao Chua (https://www.youtube.com/watch?v=CTt3X3tqj90)
• Ang Paggarote sa Tatlong Pari na sina GOMBURZA ni Xiao Chua (https://www.youtube.com/watch?v=6PAtXRwo8Ds)
• Papel ni Graciano Lopez Jaena sa Propaganda Movement ni Xiao Chua (https://www.youtube.com/watch?v=cY10ILzSqI4)
• Ang Pagkakatatag ng La Liga Filipina ni Xiao Chua (https://www.youtube.com/watch?v=L1wHGfrEEvE)
• Ang Tunay na Petsa ng Pagkakatatag ng KATIPUNAN ni Xiao Chua (https://www.youtube.com/watch?v=JLGm87MJ-QI)
• Ang Bagong Tuklas na Dokumento ng Katipunan ni Xiao Chua (https://www.youtube.com/watch?v=1mghiPgpA70)
• Pag-aalsa ni Francisco Dagohoy sa Bohol: Pinakamahaba sa Kasaysayan ng Pilipinas ni Xiao Chua
(https://www.youtube.com/watch?v=WVZqaop1t7E)
• ANG SAYSAY NI HERMANO PULI SA KASALUKUYANG PANAHON ni Xiao Chua (https://www.youtube.com/watch?v=Rr3X_6lHpZU)
Aralin 1: Ang Sekularisasyon at ang Cavite Mutiny ng 1872
Subukan Natin
Para sa mga bilang 1-3, kahit hindi ayon sa pagkakasunod-sunod.
1. RELIHIYON
2. RELIHIYON
3. PULITIKA
4. PULITIKA
Dagdag Sanggunian
Gabay sa Pagwawasto
Copyright © 2018 Quipper Limited
57
Suriin Natin
1. Pilipino
2. kayamanan
3. sekularisasyon
4. Rafael Izquierdo
5. La Madrid
6. Cavite Mutiny
7. Jose Burgos
8. sedisyon
9. garote
10. nasyonalismo o diwang makabayan
Aralin 2: Ang Kilusang Propaganda sa Pilipinas
Subukan Natin
Marcelo Del Pilar Graciano Lopez-Jaena Jose Rizal
Suriin Natin
1. mapayapa
Para sa mga bilang 3-5, kahit hindi ayon sa pagkakasunod-sunod.
2. Jose Rizal
3. Marcelo Del Pilar
4. Graciano Lopez-Jaena
5. asimilasyon
Copyright © 2018 Quipper Limited
58
6. La Solidaridad
7. Spoliarium
8. Plaridel, Taga-ilog
9. La Liga Filipina
10. Naitatag ang KKK.
Aralin 3: Ang Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng
mga Anak ng Bayan
Subukan Natin
1. MAPAYAPA
2. MARAHAS
3. MARAHAS
4. MAPAYAPA
5. MARAHAS
Suriin Natin
1. TAMA
2. TAMA
3. TAMA
4. TAMA
5. MALI
6. TAMA
7. TAMA
8. MALI
9. MALI
10. TAMA
Aralin 4: Ang Pag-aalsa sa iba’t ibang Bahagi ng Pilipinas
Subukan Natin
1. B
2. A
3. D
4. C
5. E
Copyright © 2018 Quipper Limited
59
Suriin Natin
Para sa mga bilang 1-3, alinman sa mga ito:
• Pansarili
• para sa kalayaan
• panrelihiyon
• hindi pagtupad sa kasunduan
• pagmamalabis sa mga patakarang kolonyal
Para sa mga bilang 4 -5, alinman sa mga ito:
• Pag-aalsa ni Tamblot (Bohol)
• Pag-aalsa ni Bankaw (Leyte)
• Pag-aalsa ni Tapar (Panay)
• Pag-aalsa ni Dagohoy (Bohol)
• Pag-aalsa ni Hermano Pule (Quezon)
Para sa mga bilang 6 -7, alinman sa mga ito:
• Pag-aalsa ni Magalat (Cagayan)
• Pag-aalsa ni Sumuroy (Samar)
• Pag-aalsa ni Maniago (Pampanga)
• Pag-aalsa ni Malong (Pangasinan)
• Pag-aalsa ni Diego Silang (Ilocos)
• Pag-aalsa ni Gabriela Silang (Ilocos)
Para sa mga bilang 8 -10, alinman sa mga ito:
• walang pambansang lider
• walang pagkakaisa
• walang nasyonalismo at pambansang pagkakakilanlan
• wala o kulang sa mahuhusay na armas
• walang pambansang disiplina
Copyright © 2018 Quipper Limited
60
Agoncillo, Teodoro. History of the Filipino People. Maynila, Pilipinas: 1990.
Conde-Bebis, Kristine. Linangan ng Diwa 6. Lungsod ng Quezon: PLL Publishing House,
2015.
Basallo, Bertito R. IOTOPIA: Pilipinas. Las Pinas City: Hope Publishing House, Inc., 2010.
De Viana, Augusto. The Philippines: A Story of a Nation (1st ed). Maynila: Rex Book Store Inc.,
2012.
Garcia, Carlito & Agdon, Florante. The Filipinos and Their Struggles for Freedom and Survival:
A Textbook in Philipipne History for College Students. Mandaluyong, Pilipinas: 2009.
Guerrero, Milagros & Schumacher, John. Kasaysayan: The Story of the Filipino People. Hong
Kong: Readers’s Digest,1998.
Sanggunian