Bahagi Ng Pahayagan Sa Balita

Preview:

DESCRIPTION

Filipino

Citation preview

Mga bahagi ng pahayagan sa balita?

Pangmungkahing Pahina (Front page) - nakalimbag sa pahinang ito ang pinakamahahalagang balita.

Pahinang Editoryal (Editoryal page) - natutunghayan dito ang pangunahing pangulong tudling, kolum ng mga komentarista/ pitak, karikaturang editoryal, mga liham sa patnugot at talaan ng patnugutan.

Tanging Lathalain - itinatampok dito ang katangi-tanging artikulo na maaaring tao, pook, pangyayari, bagay, lunan at kakaibang paniniwala o panuntunan sa buhay.

Isports/Pampalakasan (Sports page) - nababasa sa pahinang ito ang mga tampok na paligsaghan ng laro tulad ng basketball atbp. Itinatampok din dito ang mga pitak pang-isports.

Movie Guide - Dito makikita ang mga pelikulang ipapalabas sa sinehan.

Tv Guide - Dito makikita ang mga palabas sa telebisiyon.

Klasipikadong Anunsyo (Classified Ads) - Sa pahinang ito makikita ang mga trabaho, ang mga house and lot na ipinagbibili atbp.

Obituary - Dito makikita ang mga namatay na tao.

Pahinang Panlibangan (Entertainment page) - Dito makikita ang mga Komiks, puzzle atbp.

Lifestyle - Dito makikita ang mga pamamaraan ng pamumuhay ng mga sikat na tao.

Business page - Dito makikita ang mga bagay na may kaugnay sa negosyo.

Pang Grade School 

Ang pahayagan ay isang uri ng babasahing naglalaman ng mahahalagang balitang pambasa,pandaigdig,lathalain,anunsyo at marami pang iba. Ito ay may ibat-ibang bahagi.

Pangalan- Ito ang pantawag sa pahayagan na makapagkikilanlan dito matatagpuan ito sa taas na bahagi ng unang pahina.

Pangmukhang Pahina- dito mababasa ang ulo ng balita o ang pinakatampok at pangunahing balita. Makikita rin dito ang iba pang mahahalagang balita.

Pangulong Tudling o Editoryal- mababasa dito ang kuro- kuro ng editor o patnugot ng pahayagan ukol sa mga napapanahonng isyu.

Lathalain- mababasa rito ang ibat-ibang artikulo ng ibat ibang panunulat. Kabilang dito ang mga paksa tungkol sa kalusugan,agham,kaalamang pantahanan,pagliwaliw at marami pang ibang humihikayat sa interes ngmambabasa.

Pitak-Ito ang kinapapalsaban ng mga opinyon at pagmamasid ng isang palagian o regular na manunulat ng pahayagan.

Balitang Pambansa- naglalaman ito ng mga balita at pangyayari sa loob ng bansa.

Balitang pandaigdig-ang mga kaganapan sa ibang bansa ay matutunghayan dito.

Kalakalan- mababasa rito ang mga balitang ukol sa negosyo,pananalapi at iba kaugnay ng bansa.

Libangan- Matutunghay dito ang mga artikulo tunkol sa mga artista,pelikula,tanghalan at iba pang sangay ng sining. Mababasa rin dito ang mga programa sa telebisyon at palabas sa mga sinihan,horoscope,komiks at mga palaisipan.

Balitang pampalakasan- nakapaloob dito ang mga balita ukol sa mga paligsahan at sa ibat-ibang larangan ng isports,resulta ng mga laro at iba pa.

Anunsyong Klasipikado-Mababasa rito ang mga patalastas ukol sa paghahanap ng trabaho,mga uri ng serbisyo,paupahang bahay,mga piangbibiling lote,bahay,gamit,sasakyan at iba pa.

Obitwaryo-malulunghayan dito ang mga pangalan ng mga yumao o namatay at iba pang impormasyon tungkol sa kanila.