Datos at Pagsusuri Sa K to 12

Preview:

DESCRIPTION

Pagsusuri sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas

Citation preview

Datos at Pagsusuri sa K to 12

Suspend K to 12 Alliancewww.facebook.com/SUSPENDKTO12

Ang K to 12 ay Bahagi ng Philippine Development Plan (PDP) at Komplementaryo

sa Labor Export Policy (LEP)

Laman ng K to 12

• Mandatoring Kindergarten• Mandatoring Grades 1 – 10 (junior high

school)• Mandatoring Grades 11 – 12 (senior high

school)• Kaya, bago makapagkolehiyo ang isang

Pilipino, may karagdagang 2 taon, kumpara sa dating 10 taon ng edukasyon bago magkolehiyo

Mga Kurso sa Senior High School ng K to 12: Angkop sa Pangangailangan ng Lokal at Transnasyunal na Kapitalista

Mga Kurso sa Senior High School ng K to 12: Angkop sa Pangangailangan ng Lokal at Transnasyunal na Kapitalista

• Food and Beverage Services• Caregiving• Welding• Housekeeping• Wellness Massage • At iba pang kagayang kurso sa Technical-Vocational

Livelihood Track (TVL) Track: para sa gustong magtrabaho agad

• Academic Track: para sa mga gustong magkolehiyo; pwede ring magtrabaho agad bago magkolehiyo

• Halos 50% ng mga publikong senior high school ang nakalaan sa TVL Track

Hinihikayat ng Gobyerno ang Mahihirap na Huwag Nang Magkolehiyo

• Magkakatrabaho na raw sila kaagad pagkatapos ng senior high school

• Maraming kurso sa K to 12 ang tech-voc (technical-vocational)

• Magkatrabaho man ang graduate ng senior high school, malamang ay kontraktwal at baratilyo ang sweldo, dahil kahit ang mga college graduate ay nahihirapang maghanap ng trabaho

Hindi Makabayan ang Kurikulum ng K to 12

• Binura ang Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa junior high school

• Wala ring Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa senior high school

• Binura ang asignaturang Filipino, Panitikan/Literatura, at Philippine Government & Constitution sa kolehiyo

• Naka-TRO ang pagbura sa mga Filipino, Panitikan at PhilConstiGovt dahil sa demanda ng Tanggol Wika sa Korte Suprema

Hindi Libre Ang SENIOR HIGH SCHOOL sa K to 12

• Libre sa publikong senior high school PERO HINDI KAYA ng publikong paaralan na tanggapin ang LAHAT ng estudyante

• Ang mga kolehiyo at unibersidad na pinopondohan ng gobyerno (gaya ng PUP) ay maaaring magbukas din ng senior high school at pwede rin silang maningil ng karagdagang matrikula lagpas sa ibibigay ng DepEd na voucher (papel na katumbas ng 8,750 to 22,500 piso, depende sa rehiyon ng estudyante)

• 500,000 estudyante mula publikong junior high school ang PALILIPATIN sa pribadong senior high school

Hindi Handa ang Gobyerno sa Pagdaragdag ng 2 Taon

• Kulang ang badyet para sa lumang sistemang Kinder at 10 taon ng elementarya at hayskul

• Kapag nagdagdag ng taon, kulang ang badyet• Katunayan, maraming kakulangan sa guro,

pasilidad, CR, library, silid-aralan, libro, atbp. sa publikong elementarya at hayskul at mga kolehiyo at unibersidad na pinopondohan ng gobyerno

• Dapat resolbahin muna ang mga ito bago pag-usapan kung dapat o hindi magdagdag ng 2 taon ng senior high school

Teacher-Student Ratio sa Pilipinas at Ibang Bansa

Badyet sa Edukasyon: % ng GDP

Badyet sa Edukasyon: % ng GDP

Mababang Sweldo ng Mga Manggagawa sa Sektor ng Edukasyon• 23,044 piso (Instructor 1 sa

kolehiyo/unibersidad)• 18,549 piso (Teacher 1 sa elementarya at

hayskul)• 9,000 piso (non-teaching staff) • 27,425 piso (sahod ng kadete sa PMA)• Panawagan ng mga guro: 26,878 piso

(kolehiyo); 25,000 piso (elem./hayskul); 16,000 piso (non-teaching staff)

Bagsak na Kalidad sa Lumang Sistema (na Lalala Pa Ilalim ng K to 12)

• Bagsak sa NAT ang mayorya ng mga estudyante, lalo sa hayskul

• Lagpas 50 ang average score nila, kumpara sa 75 na passing score

Epekto ng K to 12 sa Publikong Kolehiyo at Unibersidad

• Ang K to 12 ang magbibigay-daan sa amalgamasyon/pagsasama-sama ng mga publikong kolehiyo at unibersidad sa bawat rehiyon

• Titipirin lalo ang mga publikong kolehiyo at unibersidad dahil inilaan na ang malaking halaga sa senior high school (gaya sa Estados Unidos sa ilalim din ng voucher system)

• Mas kaunti ang makakapagkolehiyo at mahihirapan na rin silang kumuha ng kursong gusto nila

K to 12: Bundok ng Utang

• Suportado ng World Bank, USAID, AUSAID, ADB ang K to 12

• Nagpautang na ang World Bank at ADB para sa K to 12

• Pinopondohan ng USAID at AUSAID ang maraming programang kaugnay ng K to 12

• Sangkot ang AUSAID at CARDNO (korporasyong Australian) sa rekrutment ng staff ng DepEd para sa senior high school

Malawakang Tanggalan sa Trabaho sa Mga Kolehiyo

• 25,000 to 78,000 manggagawa sa sektor ng edukasyon at mga propesor ang posibleng mawalan ng trabaho o lumiit ang kita

• Ang mga nagtuturo sa kolehiyo at palilipatin sa senior high school (mas mababa ang sweldo at mas mabigat ang trabaho sa senior high school)

• Ang mga part-time na propesor ay matatanggal agad sa trabaho

Iba Pang Problema sa K to 12

• Walang sapat na training ang mga gurong magtuturo ng bagong kurikulum (spiral approach sa junior high school)

• Walang malawakang konsultasyon sa iba’t ibang sektor bago isinabatas at ipinatupad ang K to 12

• Hindi nakaayon sa mga pangangailangan ng bayan ang K to 12

Sumatotal ng K to 12• Edukasyong malakolonyal sa kurikulum• Komplementaryo sa Labor Export Policy (LEP) at

patakarang kontraktwalisasyon• Nakaangkla sa pagsasamantala sa mga

manggagawa• Nakaayon sa mga pangangailangan ng mga lokal

at transnasyunal na kapitalista• Neoliberal na atake sa edukasyong publiko• Malawakang pribatisasyon ng senior high school• Structural adjustment na ipinataw ng World Bank

at iba pang imperyalistang entidad

Mga Panawagan• Kagyat na suspendihin ang implementasyon ng K

to 12, isailalim ito sa masusing pag-aaral at malawakang konsultasyon

• Agad na resolbahin ang mga kakulangan sa sistema ng edukasyon bago pag-usapan kung dapat o hinding magdagdag ng dalawang taon sa hayskul

• Tiyakin na anumang pagbabago sa sistema ng edukasyon ay angkop sa pangangailangan ng bayan

Mga Porma ng Paglaban sa K to 12

• Pagpapapirma ng petisyon sa mga komunidad at paaralan

• Pagsasagawa ng mga talakayan sa K to 12• Petisyon sa Korte Suprema• Lobbying sa Kongreso at Senado• Malawakang kilos-protesta

• www.facebook.com/TANGGOLWIKA• www.facebook.com/SUSPENDKTO12

Recommended