View
2.424
Download
30
Category
Preview:
DESCRIPTION
Citation preview
ARALIN 00
Isang Pahimakas
Ng May-Akda
Ang manunulat ng korido ay nagdarasal sa Birheng Maria
upang hindi siya magkamali sa pagkukwento ng koridong ito
at upang malinawan ang pagiisip niya. Hinihingi rin ng
manunulat ng gabay sa pagpaplano ng kanyang buhay. At sa hulihan ang hiniling niya
ay mapakinggan siya ng Birheng Maria.
ARALIN 1
Ang mag-anak ni haring fernando
Ang Berbanya ay ang kaharian ni Don Fernando. Si Don Fernando ay isang mabuting
hari at ginagalang niya anglahat ng tao; mayaman man o mahirap.Si Donya Valeryana ay ang asawa ni Don Fernando. Siya ay isang maganda at mabait na reyna.Ang mga anak nila ay sina Don Juan, Pedro at Diego. Si Don
Pedro ay ang panganay. Maganda ang kanyang katawan at siya ay may magandang postura. Si Don Diego naman ay ang pangalawang anak. Siya ay ang kaibahan ni Don Pedro dahil siya
ay mahina at malumnay. Si Don Juan naman ay ang bunso. Siya ay ang paboritong anak ni Don Fernando. Ayon kay Don Feranando siya ay ang araw ng buhay niya at kapag may mangyaring
masama sa kanya.
ARALIN 2
NANAGINIP ANG HARI
Nagkaroon ng isang panaginip si haring Fernando na may nangyaring masama sa
kanyang anak. Ang sususnod na araw siya ay sobrang lungkot na at nagkasakit dahil
dito. May dumating na isang manggagamot at tiningnan si haring Fernando. Sabi niya
upang magamot ang kondisyon ni don Fernando, kailangan niya marinig ang
kanta ng ibong adarna. Ang ibon na ito ay matatagpo daw sa bundok tabor kung
nasaan ang puno ng piedras platas.kung saan natutulog ang ibon sa gabi. Agad inutusan ni don Fernando ang kanyang
mga anak para kunin at hanapin ang ibong adarna.
Isang gabi ay nanaginip si Haring Fernandco. Ang kanyang paboritong anak na si Don Juan ay pinaslang ng mga hindi
niya nakikilalang lalaki. Labis na dinamdam ito ng hari at siya ay nagkasakit. Walang
manggagamot ang nakatuklas kung anong uri ito ng sakit dahilan upang mag-alala
nang husto si Reyna Valeriana. Sa wakas, isang mangagamot ang nagsabi ng tunay na dahilan ng pagkakasakit ng hari – at ito nga ay dahil sa masamang panaginip. Ipinayo rin
niya na ang tanging makalulunas sa sakit nito ay ang tinig ng mahiwagang ibon na matatagpuan sa Bundok ng Tabor. Ang
Ibong Adarna ay naninirahan sa puno ng Piedras Platas.
ARALIN 3
Naglakbay si Don pedro
Ang una na sumunod sa anak ay si Don Pedro. Sumakay siya ng kabayo at naglakbay ng 3
buwan. Nakarating siya sa isang matatas na bundok at pinakawalan niya ang kabayo at
naglakad nalang papunta sa bundok tabor. Sa bundok tabor, nakita niya ang isang makintab na puno. Sa ilalim ng puno siya namahinga. Naisip niya na baka ito ang piedras platas.
Marami siyang nakitang mga ibon na lumilipad. Sinisilipan ni Pedro kung saan dito ang adarna.
Hindi niya alam kung bakit wala sa lahat ng mga ibon na lumilipad ay dumadapo sa punong iyon. Halos buong gabi na siyang nakatulala sa puno kaso walang mga ibon na dumadapo sa
puno na iyon at walang gumagalaw kung di ang mga sangga ng puno rin.
Halos buong gabi na siyang nakatulala sa puno kaso walang mga ibon na dumadapo sa puno na iyon at walang gumagalaw kung di ang mga sangga ng puno rin. Natulog na siya at naisip niyang sa umaga niya
nalang hahanapin ang adarna. Habang siya ay tulog, dumating ang ibong adarna. Nagayos ito
ng balahibo at nagsimulang umawit. ang ibong adarna ay
parang isang parol sa dahon ng piedras platas. Pitong kanta
ang maririnig mula sa adarna at nagpapalit siya ng balahibo
bawat kanta at ito ay nagbabawas bago matulog
nang magbawas siya, napatakan si Don Pedro at siya
ay naging bato.
ARALIN 4
nakipagsapalaran si
don diego
Nang hindi makabalik si Pedro, inutusan na ni Don
Fernando na si Don Diego na ang pumunta at maghanap sa ibong adarna. Naglakbay siya ng 5 buwan at dumaan
ng mga gubat, bundok at ilog ng matapang at nakarating
siya sa Bundok Tabor at nakita niya ang Piedras
Platas. Kagaya kay Pedro, siya ay nagtaka rin tungkol
sa mga ibon at nakatulog rin siya sa ilalim ng puno.
Dumating din ang ibong adarna.
Nagpalit ng balahibo sabay sa awit niya.Naaliw si Don
Diego at nakatulog siya dahil sa pagkanta ng ibon.
Ang ibon ay muling kumanta, nagpalit ng balahibo at nagbawas.
Tulad kay Pedro, Si Diego ay natalsikan din at
nagging baton a rin siya.
ARALIN 5
Naglakbay siDon juan
Lalong sumama ang kalagayan ng hari sa hindi pagbabalik ng dalawang magkapatid.Ayaw
naman ng hari na utusan ang anak niyang bunso dahil sa pag-aalalang ito’y mawala. Nagsabi si Don Juan na siya
ang hahanap sa ibon at sa mga kapatid. May tatlong taon ng di bumabalik ang dalawang
magkapatid kaya nababahala na ang kaharian.Una di
pumapayag ang hari ngunit pinilit ni Don Juan ay
napapayag niya rin ang kanyang ama Si Don Juan ay di
gumamit ng kabayo sa paglakbay.
Nagbaon ng limang tinapay at nanalangin sa Inang Birhen. Hiningi niyang
patnubayan siya nito at ang hirap ay mapagtiisan.
Binagtas ang kabundukan, parang, ilog at iba pa. Gutom at pagod ang
kanyang naranasan pero di siya sumuko. 4 buwan na siyang naglalakad. Kada
buwan ay isang tinapay ang kanyang kinakain.Sa
kanyang paglalakbay ay natagpuan niya ang isang
matandang sugatan.
TALASALITAAN
ARALIN 1 napaglining – napaglimi nililimi – iniisip kutya – libak hungkag – walang alam pantas - dalubhasa
TALASALITAAN
ARALIN 2 talinghaga - mahiwaga tampalasan – buhong; masama nalulunos – nahahabag; naaawa bagabag – balisa; hindi mapakali tumatahan – naninirahan
TALASALITAAN
ARALIN 3 tumalima – sumunod binagtas – tinalunton; tinungo mayamungmong – maraming dahon pata – pagod pinangulag – pinalaglag
TALASALITAAN
ARALIN 4 inatasan – inutusan bulaos – daan walang humpay – walang tigil nakadatal – nakarating pagkokoplas – paghimig
TALASALITAAN
ARALIN 5 binabagtas – tinatalunton hinuhulo – iniisip nagbadya – nagsabi; nagbanta
ARALIN 6
Nagpayo ang ermitanyo
May nakita si Don Juan na leproso. Ang leproso ay
humingi ng pagkain. Binigyan ni Don Juan ang leproso ng kanyang huling tinpay niya. Kinuwento ni Don Juan ang kanyang pakay. Binalik ng
leproso ang tinapay kay Don Juan pero do tinangap ni Don Juan. Umalis na si Don Juan at
pumunta siya sa bahay ng isang ermitanyo. Nakita ni Don Juan ang binigay na tinapay sa lemasa sa bahay ng ermitanyo. Binigyan ng ermitango si Don
Juan ng dayap, labaha at sintas para makatulong sa paghuli sa
Ibong Adarna.
Recommended