Ibong adarna 2

Embed Size (px)

Citation preview

  • 8/3/2019 Ibong adarna 2

    1/13

    IBONG ADARNA

    Aralin 23

  • 8/3/2019 Ibong adarna 2

    2/13

    BUOD

  • 8/3/2019 Ibong adarna 2

    3/13

    Narating na ni Don Juan ang Reyno de los Cristalat nakita na rin niya si Maria Blanca. Angkagandahan ni Maria Blanca ay walang kapantay.Habang naliligo si Maria Blanca sa ilog, walasiyang kamalay-malay na pinapanood pala siya ni

    Don Juan. Kinuha ni Don Juan ang kanyang mgadamit at itinago. Nagalit si Maria Blanca sapagkawala ng kanyang mga damit. Nagpakita nasi Don Juan at humingi ng paumanhin sa kanya.Dahil sa mga matatamis na pananalita ni Don Juanpinatawad siya ni Maria Blanca sa kanyangpagkasala.

  • 8/3/2019 Ibong adarna 2

    4/13

    Ipinahayag ni Don Juan ang kanyangpagmamahal para kay Maria Blanca. Pero bago

    sila magpakasal, dapat dumaan muna si Don Juansa mga pagsubok ng hari na ama Maria Blancaat kung hindi niya ito magawa, siya ay magigingbato.

  • 8/3/2019 Ibong adarna 2

    5/13

    KATANGIAN ng mga TAUHAN

  • 8/3/2019 Ibong adarna 2

    6/13

    Don Juan

    May Pagnanasa- Si Don Juan ay may pagnanasa kay

    Maria Blanca nang kinuha niya ang damit nitoupang makita siyang walang saplot.

    Maginoo- Siya ay pinaniwalaang isang maginoo

    nang isinauli niya ang damit ni Maria Blancaat nagtapat ng kanyang pag-ibig sa kanya.

  • 8/3/2019 Ibong adarna 2

    7/13

    Mapagsamantala

    - Siya ay mapagsamantala nang binalakniyang kunin ang damit ni Maria Blanca upangsiya ay mapilitang umahon sa tubig.

    Matamis ang Pananalita at Mapang-akit

    - Ginamitan ng matatamis na panalita siMaria Blanca nang purihin niya ito sa kanyangnatatanging kagandahan.

  • 8/3/2019 Ibong adarna 2

    8/13

    M aria Blanca

    May Kagandahang Walang Kapantay- Si Maria Blanca ay sinasabing

    pinakamaganda sa kanilang magkakapatid at

    sa buong kaharian.

    Madaling Mahulog ang Loob

    - Madaling nahulog ang loob ni MariaBlanca kay Don Juan at siya ay napa-ibig nitomatapos magtapat ng kanyang damdamin .

  • 8/3/2019 Ibong adarna 2

    9/13

    Madaling Magpatawad

    - Madali niyang napatawad si Don Juanmatapos niyang isauli ang mga damit nito athumingi ng tawad.

    Madaling Magtiwala

    - Madali siayng nagtiwala kay Don Juanat nagpadala sa matatamis na pananalitanito.

  • 8/3/2019 Ibong adarna 2

    10/13

    PAGPAPALALIM

  • 8/3/2019 Ibong adarna 2

    11/13

    Habang pinagmamasdan ni Don Juan si MariaBlanca na naliligo na walang damit,

    ipinapakita na si Don Juan ay walang respetoo paggalang. Hindi lang ito naiuugnay kayDon Juan, kungdi sa karamihan ng mgakalalakihan. Marami ang mga gumagawanito. Pati mga kabataang lalaki ay gumagawarin nito kahit na sila ay nasa murang edad palamang. Katulad na lang ng pangyayari nitongnakaraan sa Ateneo na tinatawag na AteneoScandal kung saan nahuli ang isangestudyanteng lalaki na kumukuha ng video sabanyo ng mga babae habang may naliligodito.

  • 8/3/2019 Ibong adarna 2

    12/13

    Mabilis na nahulog ang loob ni Maria Blancakay Don Juan kahit na kinakitaan ito ng hindipag-respeto sa kanya. Sa aming palagay, angtunay na pagmamahal ay kinapapalooban ngrespeto at pagtitiwala sa isat-isa. Ngunit kungito ay tunay na magsisisi sa kanyang malingnagawa katulad ng nangyari kay Don Juan aydapat itong bigyan ng isa pang pagkakataon.

  • 8/3/2019 Ibong adarna 2

    13/13

    Sa laki ng pagmamahal ni Don Juan kayMaria Blanca ay handa siyang sumunod samga kagustuhan ng hari. Sa totoong buhay,marami ang nagsasakripisyo upang ipakitaang tunay nilang pagmamahal. Katulad nalang nang pagsusumikap ng isang lalaki upangmaipakita sa pamilya ng babae, lalo na saama nito, na kaya niya itong bigyan ngmagandang buhay.