View
2.327
Download
94
Category
Preview:
Citation preview
Ang Panahon ng Eksplorasyon at Kolonisasyon: Unang Yugto
Mga Dahilan ng Pagtuklas at Pananakop ng mga Lupain
Nagkaroon ng unti-unting pagbabago at transisyon tungo sa makabagong panahon Naganap sa Europe ang isang hakbang tungo sa pagbabago sa panahon ng Renaissance Isa pang hakbang tungo sa makabagong panahon ay ang pagsulong ng diwang makaagham
Ang Paglalakbay ni Marco Polo Isinilang sa Venice noong 1254 Pinakatanyag na manlalakbay at mangangalakal ng Edad Media. Kasama ang kanyang ama at tiyuhing mangangalakal, naglakbay sila sa Asya at nakarating sa China Tinanggap sila sa palasyo ni Kublai Khan na noon ay ang Mongol na Emperador ng China
Pagkalipas ng halos 20 taong pananatili sa Silangan ay bumalik sina Marco Polo sa Venice noong 1295
Nang ibalita ni Marco Polo ang tungkol sa milyun-milyong tao sa China at ang milyun-milyong kayamanan ni Kublai Khan, siya ay binansagan ng kanyang mga kanayon na Marco Milyon
Nang sumiklab ang digmaan ng Venice at Genoa, si Marco Polo ay nabihag at ikinulong. Habang siya ay nasa bilangguan, isinalaysay niya ang kanyang mga nakita at naranasan sa kanyang paglalakbay. Ang kanyang pinagsalaysayan ay isang mahusay na iskriba na sumulat ng kanyang kwento. Ang aklat tungkol sa paglalakbay ni Marco Polo na pinamagatang Ang Aklat ni Marco Polo ay naging tanyag at nalimbag sa Europe
Pinukaw ng aklat ni Marco Polo ang imahinasyon ng mga taga-Europe na naghangad makipagsapalaran sa lupain ng Malayong Silangan
Ang Paghahanap ng Bagong Ruta
Ang mga sumibol na nasyon sa Kanlurang Europe gaya ng Portugal, Spain, England at France ay interasado rin sa komersyo ngunit ayaw nilang “kumain ng mga tira sa mesa ng Italy”
May tatlong panlupang ruta na ginagamit sa kalakalang Asya-Europe bago bumagsak ang Constantinople Ang unang ruta (hilagang ruta) ay nagmula sa Hilagang China patungo sa siyudad ng Samarkand at Bukhara sa kalagitnaan ng Asya at nagwawakas sa Constantinople at sa Mediterranean; Ang pangalawang ruta (panggitnang ruta) na nagmula sa Malacca patungong silangan sa ibayo ng Karagatang Indian at nagtatapos sa Constantinople at sa Mediterranean Ang huling ruta (patimog) na nagsisimula sa Malacca at nagtatapos sa kabisera ng Egypt, ang Cairo
Noong 1453 ay isinara ang daanang nag-uugnay sa kalakalan sa Europe at Asya nang sakupin ng mga Turkong Muslim ang Constantinople
Mga Imbensyong Pangnabigasyon Noong ika-12 dantaon
ay may mga imbensyong pangnabigasyon na nagpabilis sa paglalakbay.
Ang magnetikong kompas ay ilan sa halimbawa ng mga imbensyong ito. Tumitiyak ito sa direksyon ng mga mandaragat, ang astrolobe, papel, limbagan at mapa
Ang mga sasakyang-dagat ay ginawang higit na malalaki at mahuhusay kaysa naunang ginamit. Dahil sa mga tuklas na ito ay napadali ang paglalakbay ng tao
Pagpapaligsahan ng Portugal at Spain Nang mga panahong iyon ay nanguna ang Portugal sa pagtuklas dahil sa kahusayan sa pamumuno ni Prinsipe Henry, ang Nabigador.
Si Prinsipe Henry at ang pangatlong anak ni Haring Juan I ng Portugal at Reyna Philippa na kapatid ni Edward VI ng England ay nagkainteres sa eksplorasyon.
Noong 1418 hanggang 1419 dalawang marinero ang nakatuklas sa Porto Santo at Isla ng Madeira. Sila ay sina Gonzalvez Zarco at Tristan Vaz Tejeira
Noong 1445, natuklasan ni Dennis Fernandez ang Cape Verde Islands. Natuklasan ni Bartolome Diaz ang Cape of Good Hope noong 1489 at narating ni Vasco da Gama ang Calicut, India noong 1498
Natagpuan ni Christopher Columbus ang Bagong Daigdig (America) noong Oktubre 12, 1492
Ang America ay isinunod sa pangalan ng marinerong si Amerigo Vespucci na siyang gumalugad sa pook at nakarating sa nasabing lugar sa pagitan ng 1497 at 1503
Natuklasan naman ni Vasco Nuñez de Balboa ang Karagatang Pacific na tinawag din na Dagat Timog at pinangalanang Dagat Pacifico ni Fernando Magallanes, ang huling marinero ng Spain na maituturing na may pinakamahalagang natuklasan at naging tanyag sa kanyang muling pagtuklas sa Pilipinas noong 1521
Ang Paghahati ng DaigdigNoong Mayo 3, 1493, nagpalabas si Papa Alejandro VI ng dalawang bull upang maiwasan ang sigalot.
Kinabukasan, muling nagpalabas ang Papa ng panibagong bull na nagtatakda ng panibagong hangganan na kung saan ang daigdig ay nahati sa Portugal at Spain sa pamamagitan ng isang imahinaryong guhit mula sa timog hanggang hilaga, 30 milya sa kanluran ng Isla ng Azores at Cape Verde.
Ang Kasunduan ng Tordesillas na nilagdaan ng Spain at Portugal noong Hunyo 7, 1494. Binago ng kasunduang ito ang hanggahan at inilagay sa 370 liga sa kanluran ng Azores at Cape Verde
Paglawak at Paghina ng mga Bansang EuropeoPaglawak ng Portugal
Ang mga Portuges ang kauna-unahang nagtatag ng kolonya sa ibang lupain. Nagtayo sila ng himpilang pangkalakalan sa silangang baybayin ng Africa – ang Mozambique at Zanzibar
Nang taong 1510, ginamit ng mga Portuges ang Goa, India bilang sentrong pangkalakalan at administratibo. Isinunod nilang sinakop ang Timog Kanlurang Malaya at mula sa Malacca ay naglakbay sila sa pasilangan at nakuha ang Moluccas, ang pulutong ng mga isla sa pagitan ng Celebes at New Guinea. Tinawag ni itong Isla ng mga Rekado dahil mayaman ito sa nutmeg, cloves, at ibang panimpla
Pakikipagkalakalan sa ChinaNang mga panahong iyon, ang
Dinastiyang Ming sa China ay sumusunod sa patakaran ng isolasyon
Ayon sa kasunduan, pinahintulutan ng China ang Portugal ng magtayo ng kanilang himpilang pangkalakalan sa delta ng Ilog. Gayunpaman, ipinagbawal ang kanilang pagpasok sa ibang bahagi ng China mula sa napagkasunduang lugar. Itinatag ng Portuges ang kanilang himpilan sa Macao na naging sentro ng kanilang pakikipagkalakalan sa Tsino
Mga Portuges sa JapanIpinalalagay na natuklasan ng mga
Portuges ang Japan noong 1543 nang mga manlalayag mula sa Portugal ay naligaw sa dagat at narating ang maliit na isla sa dulong timog sa Kyushu
Sinundan ng mga Kristiyanong misyonero ang mga mangangalakal na Portuges sa Japan. Isang Heswita na nagngangalang Francis Xavier ang dumating sa Japan noong 1549 pagkatapos niyang mangaral sa Goa at Moluccas. Nangaral siya sa Japan sa loob ng 3 taon at nabinyagan sa Kristiyanismo ang mga daimyo, mga makapangyarinhang pinuno sa Japan
Paghina ng Imperyo ng Portugal Una, Nahirapan ang pamahalaan na bantayan ang mga opisyal sa loob at sa mga kinokontrol nitong kolonya Pangalawa, Maliit lamang ang populasyon sa imperyo Ikatlo, Ang pagtingin nito sa mga katutubo ng kanilang kolonya Ang huling dahilan ng paghina ng Portugal ay ang pagsanib nito sa Spain noong 1580
Paglawak ng SpainItinuon ng Spain ang kanyang
atensyon sa Bagong Daigdig at Pilipinas – ang naging punong kolonya sa Silangan
Natuklasan ng mga Kastila na hindi Asyano ang mga naninirahan sa America at hindi ito ang tinatawag na East Indies kaya nagpatuloy ang kanilang panunuklas upang makuha ang Isla ng Rekados
Nagsimula ang kolonisasyon ng Spain sa Kanlurang Indies. Mula sa Isla ng Puerto Rico ay naglakbay si Juan Ponce de Leon noong 1513 at natuklasan ang Florida
Ang ibang manlalayag ay nagtungo sa Yucatan at nakita nila ang kahanga-hangang sibilisasyon ng Maya. Dala ng sampung barko at 600 trimpulante sinakop ni Hernando Cortes ang Mexico noong 1519. Tinalo niya ang pinuno ng mga Aztec at sa huli ay nasakop ang buong Imperyo ng Aztec
Ang mga kolonya ay pinangangasiwaan ng mga viceroy, na siyang kinatawan ng hari. Sila ang mananagot sa konseho sa Spain na ang pananagutan naman ay sa hari
Paghina ng Imperyo ng SpainHumina ang Imperyo ng Spain
noong 1600. Ang pangunahing dahilan nito ay ang importasyon ng malaking halaga ng ginto at pilak buhat sa America na nagpataas ng presyo ng mga bilihin sa Spain
Ang iba pang sanhi ng paghina ng Imperyo ng Spain ay ang maling pamamalakad nito sa mga kolonya. Bagamat sentralisado ang pamahalaan, maraming katiwalian ang ginagawa ng mga opisyal
Pagpapalawak ng England, The Netherlands at France
Ang England at France at abala sa suliraning panloob sa buong panahon ng 1500. Ang The Netherlands ay napailalim sa Spain hanggang sa unang bahagi ng 1600
Habang ang Hilagang Europe ay naghahanda sa pagtatatag ng imperyo, ang Spain ay nasa tugatog ng kanyang pananakop. Ang Portugal, bagamat humina na ang kapangyarihan, ay banta pa rin sa Hilagang Europe
Lakas Pandagat ng England
Isang Italyanong kapitan na si John Cabot ang inatasan ng hari na maglakbay sa Hilagang America
Ang kanyang paglalakbay ay nagbigay karapatan sa mga Ingles sa mga lupain sa Bagong Daigdig
Nang panahon ng panunungkulan ni Reyna Elizabeth I noong 1500 ay hinamon nina John Hawkin, Francis Drake at Walter Raleigh ang pangkalakalang monopolyo
Nilupig ni Hawkins at Drake ang mga aliping Portuges at ipinagbili sa mga kolonya ng Kastila. Ninakaw naman ni Drake ang mga barkong Kastila at naglayag sa kipot ng Magallanes sa may Karagatang Pacific na itinuturing na pag-aari ng mga Kastila. Naglayag siya pakanluran at nagbalik sa England bilang unang Ingles na nakaikot sa mundo
Nagprotesta si Haring Felipe ng Spain sa ginawang pandarambong ng mga manlalayag na Ingles. Sa galit ni Haring Felipe sa ginawa ng mga Ingles ay nagdesisyon siyang salakayin ang England.
Noong 1588 ay nagpadala siya ng iskwadron ng 130 bapor-de-geyera na tinawag na Invincible Armada, pahilaga patungong English Channel
Nagtagumpay ang mga Ingles laban sa mga lumusob na Kastila at ang pagkakatalong ito ng Spain ay naging simula ng paghina ng huli bilang lakas-pandagat. Noong 1600 ay nagkaloob si Reyna Elizabeth I ng tsarter sa isang komersyo ng mamumuhunan. Tinawag itong English East India Company Nakikipag-ugnayan ang kompanya sa mga lokal na pinuno ng maliliit na estado
Sa huli ay nagtatag din sila ng himpilan sa East Indies at Malaya ngunit nanatili ang India bilang pangunahing pinagkukunan ng kalakal at kayamanan ng mga Ingles
Mga Ingles sa Bagong DaigdigAng unang pakikipagsapalaran ng mga
Ingles sa Hilagang America ay isinagawa upang hanapin ang hilagang kanlurang daanan patungo sa India. Ito ay ang daanang tubig sa paligid ng America patungo sa hilaga at kanluran. Isa sa mga naghanap ng nasabing ruta ay si Henry Hudson
Noong 1600, nagkaroon ng kolonya ang mga Ingles sa silangang baybayin ng Hilagang America
Komersyal ang pangunahing layunin ng pagtatag ng kolonya ng mga Ingles sa Hilagang America. Bagamat hindi kasiya-siya ang pagbunga ng komersyo sa lugar na ito, nagtagumpay naman ang mga kolonyalistang Ingles na makamit ang kalayaang pulitikal at panrelihiyon
Ang mga DutchSa panahon ng eksplorasyon, ang
mga mangangalakal na Dutch mula sa Hilagang Netherlands ay bumuo ng ilang kompanya para mangalakal sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig
Noong 1500, ang Hilagang Netherlands ay nagsimulang ipaglaban ang kanilang relasyon sa mga Kastila. Pagsapit ng 1602 ay pinag-isa ng mga Dutch ang kanilang kompanyang pangkalakal sa isang malakas na organisasyon na tinawag na Dutch East India Company. Ang organisasyon ay bingyan ng pamahalaang Netherlands ng karapatang pangasiwaan ang kalakalan sa pagitan ng Hilagang Netherlands, Africa at East Indies
Matatag ang pamahalaang kolonyal ng mga Dutch kung ihahambing sa mga Portuges. Ang mga kolonya ay pinangasiwaan ng gobernador-heneral na tinulungan ng isang konseho
Mga French sa America at Asya
Isa sa mga unang manunuklas na French ay si Jacques Cartier na naglakbay sa pagitan ng 1534 at 1541. Sa pagitan ng 1535 at 1536, nakapaglayag si Cartier sa Ilog ng St. Lawrence hanggang sa Lungsod ng Montreal
Noong 1608, itinatag ni Samuel de Champlain ang kauna-unahang kolonya ng France sa Quebec
Sa Asia, binuo ang French East India Company noong 1664. Itinatag ng kompanya ang Pondicherry, isang himpilang pangkalakaln sa timog silangang baybayin ng India
Unti-unting umunlad ang mga kolonya ng France sa America hanggang sa paghahari ni Louis XIV noong huling bahagi ng 1600
Naglayag si Robert de la Salle mula sa Ilog ng Mississippi hanggang sa Gulpo ng Mexico at inangkin ang buong aplaya ng Hilagang America para sa France. Tinawag ni Louisana ang rehiyon bilang parangal kay Haring Louis XIV
Mga Dahilan ng Eksplorasyon at KolonisasyonAng paghahangad sa kayamanan ang unang motibo na nagtulak sa mga Europeo na maglakbay at tumuklas ng mga bagong lupain
Ang mayayaman at ambisyosong pangkat ng mga mangangalakal ay isa ring mahalagang salik na naglunsad sa panahon ng eksplorasyon
Ang paghahangad ng mapalaganap ang Kristiyanismo ay isa pang dahilan ng paglalakbay ng mga Europeo sa ibayong dagat. Naniniwala ang mga Kastila at Portuges na responsibilidad nilang itaboy ang mga Muslim sa ibang lugar. Hinangad nilang makuha ang Africa sa mga Muslim at binyagan sa Kristiyanismo ang mga tao sa Asya
Ang mga manlalayag at manunuklas ay itinulak ng kanilang paghahangad sa katanyagan at papuri. Ang lakas ng loob upang makipagsapalaran ay naging isang dahilan kung bakit nanguna ang Europe sa pagtuklas at pananakop noong ika-15 siglo
Ang mga motibo ng eksplorasyon at kolonyalismo ay maipapahayag sa tatlong kataga: Kayamanan, Kristiyanismo, at Katanyagan.
Recommended