Aralin 6 AP 10

Preview:

Citation preview

ARALIN 6

Alokasyon at mgaSistemang Pang -ekonomiya

Ang alokasyon ay isang

napakahalagang konsepto

sa ekonomiks. Ito ang

naglalarawan sa

pamamaraan ng pagtugon

ng tao ukol sa suliranin ng

kakapusan ng mga

pinagkukunang yaman.

Ngunit sa iba’t ibang lipunan

at panahon, nagbabago –

bago ang pamamaraan ng

pagtugon sa suliraning

kakapusan. Maraming mga

pangangailangan at

kagustuhan ang

umuusbong.

Maraming paniniwala at

pananaw ang nag – iiba.

Gayundin naman,

nagbabago ang

pamumuhay ng tao.

KONSEPTO NG

ALOKASYON

Sa ekonomiks, ang

alokasyon ay tumutukoy sa

paglalaan ng takdang dami

ng pinagkukunang – yaman

ayon sa pangangailangan at

kagustuhan ng tao.

Ang alokasyon ay

isinasagawa upang hindi

humantong sa pagkaubos

ang mga limitadong

pinagkukunang – yaman.

Ang alokasyon ay isang

paraan upang makamit ang

mga layunin ng mga kasapi

sa isang ekonomiya.

Sa alokasyon, ang pagbuo

ng mga impormasyon

hinggil sa tutugunang

pangangailangan ay

maaaring sentralisado o

desentralisado. Sentralisado

ang alokasyon kapag ang

mga kinakailangang

impormasyon ay binubuo at itinatakda ng iilang tao, grupo ng tao, o institusyon. Samakatuwid, sila angnamamahala sa isangekonomiya. Desentralisadonaman ang alokasyonkapag pinahihintulutan angiba’t –

ibang kasapi ng ekonomiyana makabuo ng mgaimpormasyon at magtakdang kung ano – anongpangangailangan at kagustuhan ang nais nilangunahing matugunan. Angmga namamahala sa isang

desentralisadong ekonomiyaay nagsisilbing mgafacilitator ng gawain ng mgakasapi.

Sa alokasyon, tinutukoy rinkung paano at sino angmagbibigay – halaga ( value na tulad ng presyo ) sa mgapinagkukunang – yaman.

Dalawa ang maaaringmaging kaayusan sapuntong ito. Ang unangkaayusan ay tinatawag napinag – uutos

( command ).Samantala, angikalawang kaayusan ay tinatawag napakikipagpalitan( exchange).

Kadalasan,ang alokasyon ay pinakakahulugan bilangdistribusyon ng mgapinagkukunang – yaman. Ngunit sa katotohanan ay magkaiba ang konsepto ngalokasyon at distribusyon. Muli, ang alokasyon ay

tumutukoy sa paglalaan ngmga pinagkukunang –yaman alinsunod satinutugunangpangangailangan at kagustuhan. Samantala, ang distribusyon ay paraankung paano ipinamamahagiang

kabuuang produkto at kita sa

iba’t – ibang salik ng

produksyon tulad ng lupa,

paggawa, at kapital.

MGA SISTEMANG PANG -

EKONOMIYA

Ang sistemang pang -ekonomiya ay paraan ngpagsasaayos ng iba’t –ibang yunit pang –ekonomiya upangmakatugon sa suliraningpangkabuhayan sa

isang lipunan. Layunin ngisang sistemang pang –ekonomiya na mapigilan anglabis – labis na paglikha ngmga kalakal o serbisyo at maiwasan ang kakulangansa mga bagay na ito. Bawatlipunan ay bumubuo ngisang sistemang

pang – ekonomiya upang

matugunan ang mga

suliraning nakapaloob sa

produksyon, distribusyon, at

alokasyon ng mga produkto

at serbisyo.

MGA KATANUNGANG DAPAT

TUGUNIN NG BAWAT LIPUNAN

1. Ano – anong kalakal at serbisyo ang dapat likhainat gaano karami ito?

2. Paano lilikhain ang mgakalakal at serbisyong ito?

3. Para kanino ang mga

malikhaing kalakal at

serbisyong ito ?

Alokasyon sa iba’t

ibang sistemang

pang – ekonomiya

Ang pagkakaiba – iba ng

sistemang pang – ekonomiyaay nababatay sa kung sinoang gumagawa ngpagpapasya at sapamamaraan ngpagpapasyang ginagawa. Sa market economy, anggumagawa ng pagpapasya

ay mga tao sa pamamagitan

ng pamilihan. Sa command

economy naman, ang

pagpapasya ay nasa kamay

ng pamahalaan sa

pamamagitan ng

malawakang pagpaplano.

TRADISYONAL NA

EKONOMIYA

Ang pinagkukunang anyo ng

sistemang pang –

ekonomiya ay mga

tradisyon, kultura, at

paniniwala.

Market economy

Sa market economy, ang

produksiyon ng mga produktoat serbisyo ay nagaganapsa mekanismo ng malayangpamilihan na ginagabayanng isang sistema ngmalayang pagtatakda nghalaga.

Command EconomySa command economy, ang

ekonomiya ay nasa ilalim ngkomprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan.

Mixed EconomyAng mixed economy ay isangsistema na kinapalooban ngelemento ng market economy at command economy.

THANK YOU *^_^*

GOD BLESS US ^_^V