18
ANG MGA CHALDEAN

Aralin 6 Part 2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Aralin 6 Part 2

ANG MGA CHALDEAN

Page 2: Aralin 6 Part 2

• Noong 612 BCE, Isa sila sa mga sandatahang lakas ng nagpabagsak sa mga Assyrian sa pamumuno ni Nabopolassar. • Sa pagbagsak ng Nineveh, ang kapital ng

Syria, bumangon ang kabihasnang Babylonian. • Muling itinayo ang lumang siyudad ng

Babylonia at muling ginawang kabisera ang Babylonia.

Page 3: Aralin 6 Part 2

• Tinaguriang “Ikalawang Imperyong Babylonian” o Imperyong Neo-Babylonian ng Mesopotamia. • Nang mamatay si Nabopolassar siya ay pinalitan

ni Nebuchadnezzar, ang pinakatanyag na pinuno ng mga Chaldean. • Sa pamumuno ni Nebuchadnezzar, nilusob ng mga

Chaldean ang jerusalem. Sa loob ng mahabang panahon naigupo ng mga Chaldean ang libo-libong jew at dinala ang mga ito sa Babylonia bilang mga alipin. Ang pangyayaring ito ay tinawag na “Babylonian Captivity”.

!3

Page 4: Aralin 6 Part 2

NEBUCHADNEZZAR

Page 5: Aralin 6 Part 2

• Pinrotektahan ang lungsod ng mga pader na may taas na umaabot sa 300 talampakan at may kapal na 80 talampkan na tinatawag na Ishtar gate.

• Ipinagawa rin niya ang “Hanging Gardens of Babylon” para sa kaniyang asawang si Amytis.

Page 6: Aralin 6 Part 2

• Ang mga Chaldean ay tinaguriang “Stargazers of Babylon” dahil sa pagkahilig nila sa astronomiya.

• Dahil dito natutuhan ng mga Chaldean ang manghula ng kinabukasan ng tao.

• Sa kanila nagmula ang kaalaman tungkol sa labindalawang simbolo ng zodiac.

Page 7: Aralin 6 Part 2

ANG MGA PERSIAN

Page 8: Aralin 6 Part 2

• Nagmula sa lupain ng Persia (Iran) • Si Cyrus the Great ang unang namuno sa

mga Perisano. • Matagumpay niyang nasakop ang Babylon,

ang kabuuan ng Fertile Crescent at ang buong kanlurang Asya mula sa Aegean patungo sa hangganan ng Ehipto (Egypt). • Siya ay mapagbigay at mapagpaubayang

pamamaraan ng pamumuno. Pinalaya niya ang mga Jew sa kanilang pagkakaalipin at pinahindtulutang makabalik sa Palestine

Page 9: Aralin 6 Part 2

• Nang mamatay si Cyrus the Great siya ay pinalitan ng kanyang anak na si Cambyses na nagdugtong ng Ehipto (Egypt) sa imperyo. • Matapos ang ilang panahon, Si Cambyses

ay pinalitan ni Darius the Great.

!9

Page 10: Aralin 6 Part 2

• Pinalawak ni Darius the Great ang imperyo hanggang umabot ito sa timog at silangang rehiyon ng Iran, lambak ng Indus sa India, silangang bahagi ng Europa, hanggang sa hilaga ng Black Sea at Caspian Sea. • Kinilala ang Persian bilang

pinakamakapangyarihang imperyo ng sinaunang kabihasnan

Page 11: Aralin 6 Part 2

• Ipinagawa niya ang lansangang nagdurugtong sa mga lungsod na saklaw ng kaniyang imperyo. Ang lansangang ito na nagmula sa lungsod ng Susa sa Persia at nagtatapos sa Sardis ng Anatolia ay tinaguriang Royal Road. • Hinati-hati niya ang kanyang imperyo sa

dalawampung lalawigang tinawag niyang Satrapy. Bawat isang lalawigan ay may mga namamahalang gobernador na tinawag niyang Satrap. !11

Page 12: Aralin 6 Part 2

• Upang matiyak ang kaligtasan ng kaniyang pamumuno, siya ay nagtalaga ng mga inspektor sa bawat lalawigan bilang mga “Mata at Tainga ng Hari” na siyang nagmamanman sa kaniyang mga itinalagang satrap sa bawat lalawigan.

• Pinasigla niya ang kalakalan at pinasimulan ang paggamit ng salaping barya o coinage na yari sa ginto at pilak.

• Bunga ng kanyang matagumpay na pamumuno, siya ay itinanghal bilang “Hari ng mga Hari”.

• Nang mamatay si Darius the Great, siya ay pinalitan ni Xerxes, ang kanyang anak.

• Zoroastrianismo o Mazdaismo ang tawag sa relihiyon ng mga Persia. Ito ay itinatag ni Zoroaster.

• Si Ahura Mazda ang diyos ng katotohanan at si Ahriman naman ang diyos ng kasamaan at kadiliman.

Page 13: Aralin 6 Part 2

ANG MGA PHOENICIAN

Page 14: Aralin 6 Part 2

• Ang mga Phoenician ay tinaguriang “Dakilang Mangangalakal ng Sinaunang Kabihasnan”

• Ang Alpabeto ay isa sa mga dakilang ambag ng mga Phoenician. Ang alpabetong ito ay naipasa ng mga phoenician sa mga Griyego na siya naman nagdala nito sa mga europeo.

• Ito ang ginamit ng mga Hebrew sa pagsulat ng Lumang Tipan (Old Testament) at siyang ginamit ng mga Arabian sa pagsulat ng kanilang koran.

• Ang punongkahoy ng Cedar ang katangi-tanging likas na yaman sa kanilang lupain.

• Ang mga Phoenician ay naging mga manggagawa at bihasang manglalayag na nakipagpalitan ng produkto sa ibang lupain.

• Ang pangunahing produkto ng mga Phoencian ay ang telang lana na kulay lila na tanging mayayamang Griyego at Romano lamang ang may kakayahang makabili.

Page 15: Aralin 6 Part 2

• Ang ginagamit na pangkulay sa lana ay nagmumula sa isang uri ng shellfish na kung tawagin ay murex (suso).

• Ipinagpapalit ipinagbibili nila ang telang lana sa metal na ginagawa naman nilang mga kagamitan na kanila ring ipinagbibili.

• Ang mga Phoenician din ang kauna-unahang pangkat ng mga taong gumawa ng babasaging bote.

Page 16: Aralin 6 Part 2

ANG MGA HEBREW

Page 17: Aralin 6 Part 2

• Sa Palestine naninirahan ang mga Hebrew. • Sa simula pa lamang ng kanilang kasaysayan, ang mga

Palestinian ay kilala na bilang pangkat ng mga nomad o gala. • Ang mga Hebrew ay pinamumunuan ni Abraham, ang

tradisyonal na tagapagtatag ng Palestine. • Ginawang alipin ng mga Ehipsyano (Egyptian) ang mga Hebrew

at dumanas sila ng matinding hirap. Sa panahong ito nakilala si Moses, ang nanguna sa mga Hebrew patungo sa lupang pangako ni Yaweh. Ang paglisan ng mga Hebrew sa Ehipto (Egypt) ay tinawag na Exodus.

• Ang mga Hebrew ang nagpasimula ng monoteismo sa kasaysayan ng daigdig. Sinasabing si Moses ang nagpasimula ng pananampalataya kay Yaweh.

Page 18: Aralin 6 Part 2

• Pinaniniwalaang ibinigay ng Diyos kay Moses ang kanyang Sampung utos sa Mount Sinai.

• Ito ay nakapaloob sa Torah, ang isa sa limang aklat ng Mosaic Law, ang kodigo ng batas ng mga Hebrew.

• Ang kodigo ng batas na ito ay ipinapaliwanag ng mga guro na tinatawag nilang propeta. Naniniwala ang mga propeta na sila ang pinili ng Diyos upang maging tagapamalita ng mga banal na utos sa sangkatauhan.