View
1.605
Download
24
Category
Preview:
Citation preview
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
Maikling Kuwento Ito’y isang uri ng masining na pagsasalaysday
na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit, at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.
Genovevea Edroza-Matute – sinabing ang maikling kwento ay isang maikling kathang pampanitikan na nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at may isang kakintalan.
1. BanghayIto ang maayos at
wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kwento.
2. Paningin Nagsasaad kung saan
dapat talakayin ang paksa at kung sinong tauhan ang dapat maglahad ng mga pangyayaring makikita at
maririnig niya.
3. Suliranin (Problem)
Ang problemang kinakaharap ng
pangunahing tauha at ang kalutasan nito sa katapusan ng akda.
4. Paksang Diwa (Theme) Ito ang pang-isiping iniikutan
ng mga pangyayari sa akda. Noong una, ang diwa ay
nangangahulugan ng moral lesson subalit ngayon iyon ay walang ibig sabihin kundi ang mahalagang pang-isipin ng
akda (significant idea).
5. Himig (Mood)Ito ay tumutukoy sa kulay
ng damdamin. Ang himig ay maaaring mapanudyo, mapagtawa, at iba pang pagpapahiwatig ng kulay ng kalikasang damdamin.
6. Salitaan (Dialogue)Ang usapan ng mga
tauhan. Kailangang ang diyalogo ay magawang
natural at hindi artipisyal.
7. Pagtutunggali (Conflict) Ito ang paglalaban ng
pangunahing tauhan at ng kanyang mga kasalungat
na maaaring kapwa tauhan, o ng kalikasan o ng damdamin na rin niya.
8. Kakalasan (Disentangle)Ito ang kinalabasan ng
paglalaban ng mga tauhan sa akda.
9. Kasukdulan (Climax)Ito ang pinakamataas na
uri ng pananabik. Sa bahaging ito ng akda
humigit-kumulang malalaman na kung
nagtatagumpay o nabigo ang pangunahing tauhan
sa paglutas niya sa kanyang suliranin.
10. Galaw (Action)Tumutukoy ito sa paglakad
o pag-unlad ng kuwento mula sa pagkakalahad ng
suliranin hanggang sa malutas ang suliraning ito
sa wakas ng katha.
1. Ito ay tumutukoy sa kulay ng damdamin.2. Ito ang pinakamataas na uri ng pananabik.3. Tumutukoy ito sa paglakad o pag-unlad ng kwento.4. Ito ang problemang kinakaharap ng mga tauhan.5. Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.6. Ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan.7. Ito’y isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan.8. Ito ang tawag sa usapan ng mga tauhan.9. Nagsasaad kung saan dapat talakayin ang paksa.10. Ito ang pang-isiping iniikutan ng mga pangyayari.
QUIZ…
Recommended