13
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO

Elemento ng maikling kwento

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Elemento ng maikling kwento

ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO

Page 2: Elemento ng maikling kwento

Maikling Kuwento Ito’y isang uri ng masining na pagsasalaysday

na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit, at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.

Genovevea Edroza-Matute – sinabing ang maikling kwento ay isang maikling kathang pampanitikan na nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at may isang kakintalan.

Page 3: Elemento ng maikling kwento

1. BanghayIto ang maayos at

wastong pagkakasunod-sunod ng mga

pangyayari sa kwento.

Page 4: Elemento ng maikling kwento

2. Paningin Nagsasaad kung saan

dapat talakayin ang paksa at kung sinong tauhan ang dapat maglahad ng mga pangyayaring makikita at

maririnig niya.

Page 5: Elemento ng maikling kwento

3. Suliranin (Problem)

Ang problemang kinakaharap ng

pangunahing tauha at ang kalutasan nito sa katapusan ng akda.

Page 6: Elemento ng maikling kwento

4. Paksang Diwa (Theme) Ito ang pang-isiping iniikutan

ng mga pangyayari sa akda. Noong una, ang diwa ay

nangangahulugan ng moral lesson subalit ngayon iyon ay walang ibig sabihin kundi ang mahalagang pang-isipin ng

akda (significant idea).

Page 7: Elemento ng maikling kwento

5. Himig (Mood)Ito ay tumutukoy sa kulay

ng damdamin. Ang himig ay maaaring mapanudyo, mapagtawa, at iba pang pagpapahiwatig ng kulay ng kalikasang damdamin.

Page 8: Elemento ng maikling kwento

6. Salitaan (Dialogue)Ang usapan ng mga

tauhan. Kailangang ang diyalogo ay magawang

natural at hindi artipisyal.

Page 9: Elemento ng maikling kwento

7. Pagtutunggali (Conflict) Ito ang paglalaban ng

pangunahing tauhan at ng kanyang mga kasalungat

na maaaring kapwa tauhan, o ng kalikasan o ng damdamin na rin niya.

Page 10: Elemento ng maikling kwento

8. Kakalasan (Disentangle)Ito ang kinalabasan ng

paglalaban ng mga tauhan sa akda.

Page 11: Elemento ng maikling kwento

9. Kasukdulan (Climax)Ito ang pinakamataas na

uri ng pananabik. Sa bahaging ito ng akda

humigit-kumulang malalaman na kung

nagtatagumpay o nabigo ang pangunahing tauhan

sa paglutas niya sa kanyang suliranin.

Page 12: Elemento ng maikling kwento

10. Galaw (Action)Tumutukoy ito sa paglakad

o pag-unlad ng kuwento mula sa pagkakalahad ng

suliranin hanggang sa malutas ang suliraning ito

sa wakas ng katha.

Page 13: Elemento ng maikling kwento

1. Ito ay tumutukoy sa kulay ng damdamin.2. Ito ang pinakamataas na uri ng pananabik.3. Tumutukoy ito sa paglakad o pag-unlad ng kwento.4. Ito ang problemang kinakaharap ng mga tauhan.5. Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.6. Ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan.7. Ito’y isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan.8. Ito ang tawag sa usapan ng mga tauhan.9. Nagsasaad kung saan dapat talakayin ang paksa.10. Ito ang pang-isiping iniikutan ng mga pangyayari.

QUIZ…